You are on page 1of 8

Si Aya at ang Mahiwagang Kahon ng Kanyang Ina

Namumulaklak na ng mga bituin sa kalangitan kasabay ng isang


malakas na tinig na nagmumula sa isang bahay.

“Handa ka na ba Aya?” Nakangiting tanong ng isang ina habang


hawak ang isang di-kalakihan na kwadradong kahon.

“Handang-handa na po Inay!” Sambit ni Aya habang nkaupong


yakap yakap ang malambot na unan.

“Pik-Pak Boom! Angking hiwaga, ‘yong ipakita. Sa aking kumpas,


kapangyarihan, ‘yong ipamalas!” Bigkas ng kanyang ina habang
kinumkumpas ang kahon.

Manghang-mangha si Aya na abot tainga ang ngiti habang nakatitig


sa mahiwagang kahon.

Inilapag na ng kanyang ina sa higaan ang mahiwagang kahon at


binuksan ito. Sabik namang lumapit kaagad si Maya upang tingnan
ang laman ng kahon.

Tulad ng mga nakalipas na gabi, bumungad sa kanyang mga mata


ang nagnining ning na libro.

Tumingala siya sa kanyang inang nangiti na tila ba naghihintay ng


hudyat upang kunin at buksan ang libro at tumango naman ito. Dali-
daling kinuha ni Aya ang nagnining na libro dahil hindi na siya
makahintay na buksan ito.
“Inay, pwede po bang ako ang magbabasa ngayong gabi?”
Nagsusumamong tanong ni Aya habang ibinuklat ng kanyang kamay
ng isang pahina ng libro na hawak niya.

“Kung sa tingin mo ay kaya mo na at iyan ang iyong ikatutuwa, oo


naman anak. Paghusayan mo!” Aniya ng kanyang ina.

Simulang buksan ni Aya ang libro at malakas na binigkas ang mga


salita and kwentong nakapaloob rito.

Ang mga salita at larawan ng bawat pahina ay tila nabigyang buhay


kasabay ng emosyon at galaw ni Aya sa kanyang pagbabasa sa
kaharap na ang kanyang ina. Nakatuon naman ang lahat ng
atensyon rito ng kanyang ina.

“Wakas!” Malakas na sabi ni Aya, kasunod ng pagtiklop ng huling


pahina ng libro at pagyuko ng ulo na para bang galling siya sa isang
pagtatanghal.

“Magaling anak!” Sambit ng kanyang Ina kasabay ng malakas na


palakpak!

“Salamat po Inay. Sana po ay pwede ko ring ibahagi ang


kapangyarihan ng mahiwagang kahon sa mga kaklase ko! Tiyak na
matutuwa sila at si Mam.” Sabi ni Aya habang ibinabalik ang libro sa
loob ng mahiwagang kahon.

“Anak, tandaan mo, hindi mo pwedeng ipakita sa iba ang


mahiwagang kahon kung hindi ay mawawala ang kapangyarihan
nito!” Tugon ng kanyang ina habang hawak ang kamay ni Aya at
tumingin ng diretso sa kanyang mga mata.

Isang araw, sa silid-aralan nina Aya ay nagbigay ng mahalagang


anunsyo kanilang sa mga batang nagpamalas ng kagalingan sa
kanilang klase.
“At ang nangunguna ngayon sa ating klase ngayon ay si Aya!” Bigkas
ng guro.

Lumaki ang mga mata ni sa gulat dahil hindi niya ito inaasahan. Lagi
siyang nahuhuli sa klase noon pero hindi niya namalayan na
nagiging mabuti na pala sa klase. Sa isip-isip niya, malamang ay
dahil ito sa mahiwagang kahon ng kanyang ina.

“Palakpakan natin si Aya! Halika ka rito sa harapan Aya!” Dagdag pa


ng kanyang guro.

Nakangiting pumunta si Aya sa harapan na hindi pa rin


makapaniwala.

“Tularan niyo si Aya, mag-aral ng mabuti.” Sabi ng guro habang


hawak ang mga balikat ni Aya.

“Maari mo bang ibahagi sa kanilang ang iyong ginawa Aya upang


maging mahusay sa klase?” Pakiusap ng kanyang guro.

Kinabahan si Aya sa sobrang kasiyahan at ang buong pagmamalaki


niyang sinabi na, “Naging mahusay ako sa tulong ng mahiwagang
kahon ng aking ina!”

Natahimik ang lahat sa kanyang sagot na tila ba may kasamang


pagtataka ang kanilang mga mukha.

At biglang, “Ting, ting, ting, ting, ting!” malakas na ingay ng bell,


hudyat ng kanilang panananghalian. Kaya naman, pinabalik na ng
guro si Aya sa kanyang upuan at nagpaalam sa klase.

“Hoy, Aya talaga bang may mahiwagang kahon ang inay mo na


nagpapatalino?” Aniyang kaklase na tila sabik na sabik na marinig
ang kanyang sagot.
“Oo nga Aya, totoo ba? Baka naman pwedeng makahiram Aya.”
Tanong ng isa pa niyang kaklase. At may sumunod na isa pa, at isa pa
hanggang sa nagkumpulan na ang mga kaklase ni Aya sa kanyang
upuan.

Hindi alam ni Aya kung sino ang una niyang sasagutin at higit sa
lahat paano niya ito sasabihing hindi niya pwede ipakita sa iba ng
mahiwagang kahon.

Lingid naman sa kaalaman ng lahat, may isang bata na hindi


natutuwa sa nangyayari.

“Mahiwagang kahon? Hindi iyan totoo!” Malakas at mataray na sabi


ni Roda na nagpatigil sa lahat at napatingin sa kanya.

“Toto…”

“Totoo? Kung ganun ay dalhin mo ang mahiwagang kahon at ipakita


mo sa amin!” Pagputol ni Roda sa gustong sabihin ni Aya.

“Oh baka naman sinungaling ka at nangongopya ka lang!” Dagdag pa


ni Roda na nagpabalik sa lahat sa kanya-kanyang upuan habang
mahinang nag-uusap na may kasamang matalim na paningin kay
Aya.

Nagsipagkainan na ang lahat ngunit naguguluhan pa rin si Aya na


halos malapit na siyang mapaiyak.

“Aya, kunin mo na ang kahon, para matahimik silang lahat, lalo na si


Roda. Huwag kang mag-aalala, hindi malalaman ng iyong ina dahil
iuuwi mo naman kaagad.” Sa Isip-isip ni Aya.

“Aya, tandaan mo ang bilin ng iyong ina. Hindi mo pwedeng ipakita


sa iba ang mahiwagang kahon kung hindi ay mawawala ang
kapangyarihan nito.” Sa isang banda ng pag-iisip ni Aya.
“Mahal ka ng nanay mo Aya pero sila, pagtatawanan ka nila habang
buhay!”

“Malulungkot ang nanay mo kapag ginawa mo yan Aya.”

Nang tanghali ring iyon, dahil malapit lang ang bahay nina Aya sa
paaralan, umuwi si Aya at kinuha ang mahiwagang kahon ng
kanyang ina.

Buong pagmamalaking binitbit ni Aya ang mahiwagang kahon


sakanilang silid-aralan at napatingin ang lahat.

Nagtinginan ang lahat sa kahon. Isang ordinaryong kahon lamang


ang nakikita ng lahat at walang hiwaga.

“Ha ha ha!” Tawa ni Roda na may kasamang mangungutya habang


papunta kay Aya. At gamit ang dalawa niyang kamay ay akmang
kukunin niya ang kahon mula kay Aya.

Ngunit dahil mahigpit ang hawak ni Aya sa kahon ay hindi ito


tuluyang nakuha ni Roda.

“Akin na ito!” Sigaw ni Roda habang buong lakas na hinila ang


kahon.

“Sa amin… ito!” Mangiyak-ngiyak naman ni Aya habang pilit na


hinahawakan ng mahigpit ang kahon.

“Akin na!”

“Sa’min!”

Nang biglang, “Kkiisk!” Napunit ang kahon. Si Aya at Roda naman


napabulagta sa sahig.
Hindi maipinta ang mukha ni Aya dahil sa pagkapunit ng
mahiwagang kahon.

Agad namang tumayo si Roda sabay sabing, “Manloloko ka Aya!


Mahiwaga ba ‘yan? Ang bilis naman palang mapunit!”

Hindi niya na marinig ang sinabi ni Roda at mangiyak-ngiyak na


pinulot ang mga piraso ng kahon sa sahig. Pilit niya itong binubuo
habang tumutulo ang luha.

Lahat naman ay nagkumpulan at pinanood si Aya ng may


panghuhusga sa kanilang mga mata.

“Pik-Pak Boom! Angking hiwaga, ‘yong ipakita. Sa aking kumpas,


kapangyarihan, ‘yong ipamalas!”

Pilit niyang binigkas ang mga kataga ng kanyang ina sa pag-asang


mabuo itong muli ngunit si Aya ay nabigo.

“Aya!” Nanlumo si Aya at napahagulgol nang lingunin niya ang


kinaroroonan ng tinig at Makita ang kanyang ina.

“Inay!” Agad tumakbo si Aya papunta sa kanyang ina habang dala


ang punit na kahon.

Ang mga kaklase naman ni Aya at si Roda ay natakot ng makita ang


ina ni Roda kasama ang kanilang guro.

“Inay! Patawad po. Napunit po ang inyong mahiwagang kahon.”


Mangiyakngiyak na sabi ni Aya habang nakayuko ang ulo at
nakatingin sa punit na kahon.

Hindi umimik ang ina ni Aya at yumuko ito upang punasan ang mga
luha sa mata ni Aya. Pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit.
“Anak, ang mahalaga ay alam mong may ginawa kang mali at
humingi ka sa akin ng tawad. Tumahan ka na.” Paliwanag ng ina ni
Aya.

“Okay mga bata, magsiupo na kayo at may gustong sabihin ang ina
Aya sa klase.” Aniya ng kanilang guro at tumango sa ina ni Aya.

Si Aya ay dinala ng kanyang ina sa harapan ng klase habang hawak


pa rin ang punit na kahon.

“Aya, mga bata, mga anak, ang kahon na ito ay isang ordinaryong
kahon at hindi tunay na mahiwaga.” Diretsong pag-amin ng ina ni
Aya na nagpagulat sa lahat, lalong lalo na kay Aya ngunit hindi sa
kanilang guro na tila alam na ito.

“Ginawa ko lang mahiwaga ang kahon dahil likas kay Aya ang
malikot at malikhaing isipan tulad ninyo. Ang kailangan lang niya
ang maniwala sa kanyang sarili.”

Natahimik ang lahat at titig na titig sa ina ni Aya.

“Naniwala si Aya na mahiwaga ang kahon kaya’t bawat libro na


aming inilalagay sa kahon na binabasa at pinag-aaralan gabi-gabi ay
nagiging mahiwaga para sa kanya. Ngunit ang tunay na hiwaga ay
likas na sa kanya at sa bawat iisa sa inyo.”

Nilingon ng kanyang ina si Aya.

“Hindi niyo kailangan ng mahiwagang kahon, ang kailangan niyo ay


ang maniwala sa inyong mga sarili at sa hiwaga ng inyong
pagsusumikap sa araw araw upang mapabuti ang inyong pag-aaral
at maging mabuting bata.”

Pumalakpak ang kanilang guro at mupalakpak na rin ang buong


klase.
Agad naman humingi ng tawad si Roda kay Aya, pati na rin ang mga
kaklase nito at nangangakong magbabasa at mag-aaral ng mabuti.

Simula noon, bawat umaga ay nag-uusap at nagkwekwentuhan sina


Aya at ang kanyang mga kaklase ng kanilang mga binasa at napag-
aralan kinagabihan. Dahil dito, halos lahat ng mag-aaral sa klase ay
naging mabubuti sa kanilang pag-aaral, kasama na riyan si Aya,
kahit wala ang tulong ng mahiwagang kahon.

You might also like