You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Laguna State Polytechnic University


Probinsya ng Laguna

Pagsasanay 7: Pagsusuri Ng Maikling Kwento

Pangalan: ERIKA C. AQUINO Petsa: MAYO 20, 2020


Kurso/Seksyon: _BSHM 1B________________ Binibining Cecile B. Hubahib

Panuto: Basahing mabuti ang akda na nakasalaysay sa ibaba at pagkatapos ay suriin ito batay sa kakanyahan
at kabanghayan nito. Sa nakalahad na balangkas ay itala ang mga detalye buhat sa pagsusuring ginawa.

Ang Sapatero At Ang Dalawang Duwende

Sanggunian: https://www.pinoyedition.com/maikling-kwento/ang-sapatero-at-ang-dalawang-dwende/

May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lamang para sa isang pares na sapatos.
Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para gawin sa umaga ang sapatos. Anong laking
gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga sapatos at napakahusay pa ng
pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos at nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares.
Inihanda na niya muli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga nakita niya muli
na yari na ang dalawang pares na sapatos. Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya
muli ng mga gamit para sa apat na pares na sapatos. Inihanda niya muli ito sa mesa para magawa sa
umaga. Ganoon na naman ang nangyari, tila may tumutulong sa kanya sa paggagawa ng mga sapatos.
Kinalaunan, sa tulong ng mahihiwagang mga sapaterong panggabi, gumaling ang buhay ng
sapatero. "Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin," tanong niya sa asawa. "Sino nga kaya? Gusto mo,
huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin kung sino nga siya?" alok ng babae. Ganoon nga ang
ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng makapal na kurtina para makita kung ano nga
ang nangyayari sa gabi. Nang tumunog ang orasan dahil alas dose na, biglang pumasok sa bintana ang
dalawang kalbong duwende. Tuloy-tuloy ang mga ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho.
Pakanta-kanta pa at pasayaw-sayaw pa na parang tuwang-tuwa sila sa paggawa. Madali nilang natapos
ang mga sapatos at mabilis din silang tumalon sa bintana. "Mga dwende pala!" sabi ng babae. "Kay babait
nila, ano?" "Oo nga. Paano kaya natin sila mapasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa tao."
"Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga pantalon at baro at iiwan na lang natin sa mesa sa gabi."
Dalawang pares na maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng babae para sa mga
matutulunging duwende. Ipinatong nila ito sa mesa kinagabihan at nangkubli muli sila sa likod ng kurtina.
Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit dahil nahulaan nilang para sa kanila iyon.
Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw sa galak. Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na
handang gawin, mabilis silang tumalon sa bintana na suot ang mga bagong damit. Buhat noon ay hindi na
bumalik ang dalawang matutulunging duwende ngunit nagpatuloy naman ang swerte sa buhay ng mag-
asawa dahil mababait at marurunong silang gumanti at tumanaw ng utang na loob mula sa iba.
Balangkas ng Pagsusuri (Maikling Kwento)

A. Pamagat: Ang Sapatero at ang Dalawang dwende

Angkop ba ang pamagat ng kwento sa nilalaman nito?

Oo

B. Tagpuan: Tahanan ng mahirap na sapatero

Tahasan bang inihahayag ng mga tagpuan ang pagiging makatotohanan


ng mga pangyayari?

Oo, dahil isang taong nasa mahirap na kalagayan lamang ang sapatero

C. Pangkalahatang Tema o Aral: Ang pagtanaw ng utang na loob

Paano mo ito maiuugnay sa iyong buhay?

Maiuugnay ko ito pamumuhay ko sa araw araw lalo na sa mga taong handa akong
tulungan sa lahat na masasabi kong handa ko rin bigyan pansin at oras kapag sila
naman ang nangangailangan.

D. Mga Tauhan sa Kwento

a) Sapatero – pangunahin tauhan at isang mahirap at simpleng sapatero

b) Dalawang Duwende – pangalwang tauhan, mga duwendeng tinutulungan ang munting


sapatero na makagawa ng magandang kalidad ng sapatos

c) Asawa ng Sapatero – pangatlong tauhan, pinaggawa at pinagtahi ng pantalon at baro ang


dalawang dwende

E. Banghay

a) Panimula

May isang sapatero na ubod ng hirap at nagawa lamang ng paraan upang


makapag gawa ng isang sapatos.

b) Suliraning Inihahanap ng Lunas


Mahirap lamang ang buhay ng dalawang mag asawa .kaya nag babaka sakali sa isang
sapatos para sila ay mabuhay.

c) Saglit na Kasiglahan
Nagising siya kinaumagahan na merong gumawa ng sapatos na dapat niyang gagawin,
at ang sapatos ay nagawa ng napaka husay.

d) Kasukdulan
Nalaman niya at ng asawa niya na may dalawang duwende na tumutulong sa kanya at
nalabas tuwing alas dose ng gabi para gawin ang sapatos na gagawin niya.

e) Kakalasan o Katapusan
Iginawa ng asawa ng sapatero ng damit ang dalawang duwende upang maipakita ang
kanilang pasasalamat sa tulong na ginagawa ng mga duwende, galak ang dulot sa mga ito gabing
matanggap nila ang munting regalo at tuloy tuloy ang swerto na dumating sa mag asawa.

You might also like