You are on page 1of 3

Basahin ang kwento.

Sagutin ang mga tanong at isulat ang isang sagot sa isang


malinis na papel. Kunan ng litrato ang sagot at ipasa sa GC sa Filipino.
DEADLINE: December 10, 2022 11:30 AM

Ang Sapatero at ang mga Duwende

May isang sapatero na ubod ng hirap at may materyales lang para sa isang pares
na sapatos. Isang gabi ginupit na niya at inihanda ang mga materyales para
gawin sa umaga ang sapatos.

Anong laking gulat niya nang magisnan niya kinaumagahan na yari na ang mga
sapatos at kay husay pa ng pagkakagawa! Madaling naipagbili niya ang sapatos
at nakabili siya ng materyales para sa dalawang pares.

Inihanda na uli ang mga gagamitin para sa kinabukasan. Paggising niya sa umaga
nakita uli na yari na ang dalawang pares na sapatos.

Naipagbili niyang madali ang mga sapatos at bumili naman siya uli ng mga gamit
para sa apat na pares. Inihanda niya uli ito sa mesa para magawa sa umaga.

Ganoon na naman ang nangyari, na tila may tumutulong sa kanya sa paggawa ng


mga sapatos. Kinalaunan, sa tulong ng mahiwagang mga sapaterong panggabi,
gumaling ang buhay ng sapatero.

“Sino kaya ang mabait na tumutulong sa akin,” tanong niya sa asawa.


“Sino nga kaya? Gusto mo, huwag tayong matulog mamaya at tingnan natin
kung sino nga siya?” alok ng babae.

Ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa kinagabihan. Nagkubli sila sa likod ng


makapal na kurtina para makita kung ano nga ang nangyayari sa gabi. Nang
tumugtog ang alas dose, biglang pumasok sa bintana ang dalawang kalbong
duwende.

Tuloy-tuloy ito sa mesa at sinimulan agad ang pagtatrabaho. Pakanta-kanta pa at


pasayaw-sayaw pa na parang tuwang-tuwa sila sa paggawa. Madali nilang
natapos ang mga sapatos at mabilis din silang tumalon sa bintana.

“Mga duwende pala!” sabi ng babae. “Kay babait nila, ano?”

“Oo nga. Paano kaya natin sila pasasalamatan? Ayaw yata nilang magpakita sa
tao.”

“Hayaan mo. Itatahi ko sila ng mga pantalon at baro at iiwan na lang natin sa
mesa sa gabi.”

Dalawang pares na maliliit na pantalon at dalawang pang-itaas ang tinahi ng


babae para sa mga matutulunging duwende. Ipinatong nila ito sa mesa
kinagabihan at nangubli uli sila sa likod ng kurtina.

Tuwang-tuwa ang maliliit na sapatero nang makita ang mga damit dahil
nahulaan nilang para sa kanila iyon. Isinuot nila ang mga ito at sumayaw-sayaw
sa galak.

Pagkatapos nilang magawa ang mga sapatos na handang gawin, mabilis silang
tumalon sa bintana na suot ang mga bagong damit.

Buhat noon hindi na bumalik ang dalawang duwende ngunit nagpatuloy naman
ang swerte sa buhay ng mag-asawa na marunong gumanti sa utang na loob.

1. Sino ang mga tumutulong sa mag-asawa para guminhawa ang buhay nila?
2. Paano nakatulong ang mga duwende sa mag-asawa?
3. Ano ang ginawa ng mag-asawa para sa mga tumulong na duwende sa kanila?
4. Ano ang nais ipahiwatig sa atin ng kwento?

You might also like