You are on page 1of 4

RIZAL – NOLI ME TANGERE PLAY

MEMBERS:
QUEBRAL, VIANCA
BANDILING, LANCE
MANGULAD, LITO
JACOB, JAY ALLEN
MANALO, JOSSINE SOFIA
JASMIN, JOANNE
AGDEPPA, LORENCE
SANTOS, KRISTINA
VIZCONDE, JOYCE RACHELLE
VEROSIL, ANNE NICOLE

TAUHAN:
KAPITAN TIYAGO- MANGULAD
IBARRA- BANDILING
MARIA CLARA- QUEBRAL
SINANG- SANTOS
SISA- VIZCONDE
VICTORIA - MANALO
IDAY- VEROSIL
KETONGIN- JACOB
GUARDIA SIBIL/ KAWAL JASMIN/AGDEPPA
TIYA ISABEL- JASMIN
NARRATOR- MANGULAD

EXTRA:
MATATANDA-JASMIN/AGDEPPA
DUMADAAN-JASMIN/AGDEPPA

SCRIPT:

NARRATOR: “Nang sumapit ang pista na inihanda ni Kapitan Tiyago na tinuturing na isa sa pinaka
engrandeng handaan sa bayan ng San Diego. Inanyayahan ni Kapitan Tiyago ang mga mayayaman sa
iba’t ibang lugar para makilala nila ang kaniyang anak na si Maria Clara at ang mamanuganing nito na si
Ibarra na siyang sikat sa pagiging mayaman at mapagkawang gawa.”

(Scene 1: Paghahanda Tagpuan: Sa bahay ni Kapitan Tiyago)

Kapitan Tiyago: (Abala) Dumating na baa ng mga inumin at pagkain na inangkat natin galling sa Europa?

Tauhan: Opo, kararating lang po Kapitan.

Kapitan Tiyago: Mabuti naman kung ganoon, ipasok na ang mga ipinadala at ayusin na dahil marami
akong darating na bisita.

Tauhan: Masusunod po Kapitan (Umalis at kinuha ang mga inuman, pagkain, malalaking salamin,
kwadro, at isang piyano para kay Maria Clara)
(Scene 2: Bisperas ng Pista Tagpuan: Sa bahay ni Kapitan Tiyago)

NARRATOR: Sa Bisperas ng Pista, dumating si Kapitan Tiyago galling sa kanyang paglalakbay na may
daladalang pasalubong para kay Maria Clara

Kapitan Tiyago: Pakitawag ang aking minamamahal na anak

Tauhan: Maria Clara, manaog ka na, hinahanap ka ng iyong papa

Maria Clara (Nanaog): Magandang araw ama, ano pong dahilan at ipinatawag niyo ako?

Kapitan Tiyago: May pasalubong ako sayo (Sabay sa paglagay ng Agnos na may Brilyante at Esmeralda at
kapirasong kahoy na mula sa Bangka ni San Pedro)

Maria Clara: Maraming salamat papa! Napakaganda naman nito!

(Scene 3: Pagkikita ni Kapitan Tiyago at ni Ibarra Tagpuan: Sa bahay ni Kapitan Tiyago)

NARRATOR: Ang pagkikita ni Kapitan Tiyago at Ibarra ay naging kasiya siya. Nagpagusapan nila ang
paaralan ni itinatayo ni Ibarra.

(Scene 4: Ang Paganyaya kay Maria Clara upang Mamasyal Tagpuan: Sa bahay ni Kapitan Tiyago)

NARRATOR: Dumating ang mga kaibigan ni Maria Clara na sina Victoria at Iday, inanyayahan nila si Maria
Clara na mamasyal sa kanilang bayan

Victoria: Maria Clara, mamasyal kami ni Iday dito lang naman sa ating bayan, tara sumama ka.

Maria Clara: Ipagpaalam niyo muna ako kay papa

Iday: Kapitan Tiyago, humihingi po kami ng pahintulot na isama ang inyong anak sa aming pamamasyal.
Pwede niyo po bang payagan si Maria Clara?

Kapitan Tiyago: Pinapayagan kita Maria Clara, ngunit kailanga niyong umuwi bago maghapunan dahil
darating si Padre Damaso

NARRATOR: Sa kabilang dako, inanyayahan ni Kapitan Tiyago si Ibarra na makisalo sa kanilang hapunan.

Ibarra: Salamat po sa pagyaya ninyo, ngunit may inaantay pa po akong bisita sa aming tahanan

Kapitan Tiyago: Isama mo sila sa aking handaan! Marami kami inihandang pagkain! Gusto ko rin sana na
makipagusap ka kay Padre Damaso.
Ibarra: Sa ibang panahon na lang po Kapitan

(Scene 5: Ang Pamamasyal ni Maria Clara, mga kaibigan niyang dalaga, at ni Ibarra Tagpuan: Sa
Bayan)

NARRATOR: Sumunod si Ibarra sa mga dalaga upang mamasyal at naglakad sila kasunod si Tiya Isabel.
Nakasalubong nila ang mga kababata ni Maria Clara na ngayo’y tigahanga niya

Kababata: Maria Clara! Maria Clara!

Maria Clara: Maligayang pista sa inyo!

NARRATOR: Ilang araw pa lang pagkalaya ni Maria Clara galing sa Beaterio ay nagsibalikan na ang
kaniyang mga kaibigan. Nang matapat sila tahanan nina Sinang, ay nanaog na agad ang dalaga at sila’y
inanyayahang umakyat.

Sinang: Oh Maria Clara, andiyan pala kayo! Sama ako sa inyong pamamasyal! Mga kasama ko dito puro
manok at baraha lang ang alam na pagusapan.

NARRATOR: Si Ibarra ay binati ng ilan at ang lahat ay humanga sa kagandahan ni Maria Clara.

Matatanda: Tingnan niyo si Maria Clara, mukha talaga siyang birhen!

(Scene 6 : Ang Ketongin Tagpuan: Sa tapat ng Kumbento)

NARRATOR: Habang namamasyal, napadaan sina Maria Clara sa tapat ng kumbento at nakit ni Sinang
ang lamparang hindi ganoon kaliwanag dahil sa pagtitipid ni Padre Salvi

Sinang: Nalulungkot ang kura, siguro ay iniisip niya ang salaping magugugol sa dami ng panauhin, pero
ang mga sacristan naman ang magbabayad ng lahat.

NARRATOR: Nakarating sila sa liwasan ng bayan, doon nila nakita ang isang lalaking nakasalakot na
umaawit kasama ang kaniyang gitara. Pag umaawit ang lalaki, lumalayo siya at iniiwan ang kaniyang
bakol. Ang mga dumadaan naman ay naglalagay ng mga iba’t ibang pagkain sa bakol.

Maria Clara: Sino iyong lalaking may salakot? (itinuro)

Iday: Ang taong iyan ay isang ketongin na nilalayuan ng mga tao para hindi mahawa. Noong isang araw
may tinulungan siyang batang nahulog sa mababaw na kanal ngunit siya ay pinarusahan ng kawal.

NARRATOR: Nahabag si Maria Clara sa ketongin at kinuha niya ang kaniyang agnos nilagay sa bakol

Victoria, Iday, Ibarra: Bakit mo binigay ang iyong agnos?

Maria Clara: Iyon lang ang aking maibibigay ngayon sa kaniyang pangangailangan (naiiyak)
Victoria: Walang halaga ang iyong ibinigay dahil hindi naman niya maipapalit iyon sa pagkain

NARRATOR: Ang ketongin ay lumapit sa bakol at kinuha ang agnos at hinagkan at lumuhod sa lupa at
isinubsob ang kanyang ulo sa paanan ni Maria Clara. Itinago na lang ni Maria Clara ang kaniyang mukha
upang maitago ang kaniyang luha.

Nang sanadaling iyon, lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin.

Ketongin: Bakit mo ako hinawakan! Mahahawa ka!

Mga tao: Ilayo niyo ang baliw, mahahawa siya!

Sisa: Tingnan mo yung ilaw dun sa kampanaryo, yun si Basilyo! Bumababa siya sa lubid! Tingnan mo
naman yung ilaw sa kumbento, yun si Crispin ang aking anak! Hindi ko siya madalaw dahil may sakit daw
ang kura at maaring mawala ang kaniyang ginto. MAGDASAL! MAGDASAL TAYO NG PATUNGKOL SA
KALULUWA NG KURA!

NARRATOR: Binitawan ni Sisa ang ketongin at nag sayaw sayaw habang umaawit

SIsa: Ako’y may hardin at bulaklak; ako’y may mga anak; hardin at bulaklak

Maria Clara: Ano ba ng nagawa mo para sa babaing iyan

NARRATOR: Ilang sandal pa at nakit a nilang ang baliw ay kinaladkad ng isang kawal.

Ibarra: Bakit ninyo hinuli ang baliw?

Kawal: Hindi nyo ba nakikitang nanggugulo?

Ketongin: (Dahan dahang umalis)

Maria Clara: May mga tao rin palang kapos-palad!

You might also like