You are on page 1of 1

Buenos dias invitados (Magandang araw mga panauhin).

Por cierto, soy Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin (Ako nga pala
si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin). Masaya akong makita kayo, ngunit ako’y mas masaya dahil ako’y muli nang
nakabalik sa aking inang bayan. Matapos ang pitong taon ‘kong pag-aaral sa Europa. ‘Wag po sana kayong magkamali, na
nakalimutan ko na ang bayang ito. Sa katunayan nga, ang isip ko’y laging nasa bayan sa araw-araw nung ako’y nasa
Europa pa. Higit sa lahat, umuwi ako upang malaman ang pagkamatay ng aking ama. Nalaman ko kay Tenyente Guevarra
ang kinahantungan ng aking ama. Nakulong siya dahil prinotektahan lamang niya ang isang musmos mula Sa isang
malupit na kolektor. ----- Españoles despiadados! (Mga walang awang kastila!). Nakulong ang aking ama gayong ginawa
lamang niya kung alin sa tingin niya ang tama! -----Ngunit Nawala saglit ang pait na aking nararamdaman nang makita ko
muli ang aking minamahal na Maria. Sabi niya sa akin ay nalimutan ko na raw siya. Maaari ko nga ba siyang malimutan?
Ah, Maria. Napakasuwerte ko talaga sapagkat ikaw ay aking nakilala.

Mas lalong naging malinaw sa akin ang tunay na kinahantungan ng labi ng aking ama. Nasaan ang hustisya? Ang
inosenteng labi ng aking ama, ay itinapon lamang sa lawa! -----Wala na rin akong magagawa dahil wala na ang kanyang
labi, kaya kailangan ko na lamang itong kalimutan. Unti-unting nawala ang poot nang kumain kami ni Maria kasama ang
kanyang mga kaibigan. Sana ganun na lamang ang buhay. Kaunting lungkot, at mas maraming masasayang pagkakataon
nawa’y dumating sa atin.

Ika-onse ng Nobyembre. Pista ng San Diego de Alcala. Napakaraming bisita. May mga katuwaan, tugtugan, paputok,
kainan, at moro-moro. Tila nag-iba naman ang aking tingin kay Ginoon Tasyo. Matalino nga siyang tao, ngunit tinutulan
niya naman ang pagpapatayo ng aking paaralan. Hindi na ako nagpapigil. Para naman ito sa mga kabataan ng San
Dieogo, hindi ba? Sa isa namang pagkakataon ay tama lamang na tambangan ko ang bastos na Padreng ito dahil sa
kanyang kawalang-respeto sa aking ama. Ngunit dahil sa bugso kong iyon ay tuluyang naputol ang relasyon naming ni
Maria. Mi amada Maria…

Nakulong ako, ngunit hindi kailanman makukulong ang liwanag ng katotohanan! Salamat ulit sa kaibigan kong si Elias
nang tulungan niya akong makatakas mula sa kulungan, ngunit dahil sa kanyang kabayanihan, buhay niya ang nagging
kapalit.

Sa muli, Soy Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin. Adios invitados!

You might also like