Professional Documents
Culture Documents
Awit I. Bago pa lamang nalaman ng Sultan ng Kembayat na ang Sultana ay nagdadalang-tao at siya'y maligaya.
Ngunit ang salot na Ibong Garuda ay lumusob sa kanyang kaharian at namuksa ng mga tao. Ang buong kaharian ay
napilitang umalis at nagtago sa namumuksang ibon. Napahiwalay sa mga kasama ang Sultana at ang Sultan at sa
kanilang paglalakad ay inabot ng panganganak ang Sultana sa tabi ng ilog. Sa malaking takot sa Ibong Garuda,
iniwan nila ang sanggol sa isang bangkang nakita sa tabing-ilog at nagpatuloy ang dalawa sa pagtatago. Bagama't
halos madurog ang puso ng Sultana, napilitan nilang iwan ang sanggol.
Awit II. Nang ang pinakamayaman na mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura na si Diyuhara ay nagpapasyal
sa tabing ilog na kasama niya ang kanyang asawa, nakarinig siya ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na
babaing pagkaganda-ganda, dinala nila agad ito sa bahay at binigyan ng apat na tagapag-alaga at higaang may
kalupkop ng tunay na ginto. Bidasari ang kanilang ibinigay na pangalan. Habang lumalaki, si Bidasari ay lalong
gumaganda.
sa ibabaw ng lupa.
Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon ng kasal kay Lila Sari ngunit natatakot ang babae na baka ang
sinabi sa kanya ng Sultan na siya ay mahal na mahal at hindi nya nais na mapahiwalay ay hindi mangyayari.
Natatakot si Lila Sari na ang kanyang asawa ay makakita ng isang higit na maganda kaysa sa kanya at siya ay
iwanan. ''Kung may makita kang lalong maganda kaysa sa akin, malimutan mo kaya ako?'' At pabirong isinagot ng
Sultan, ''kung may lalong maganda kaysa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat!'' Kaya, kinabukasan, ang
Sultana ay nagdala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang alamin kung may makikitang higit na maganda kaysa sa
Sa pagkukunwaring gagawing dama ng Sultana, si Bidasari ay nadala sa palasyo at ipinakulong ni Lila Sari.
Pinapasok ni Lila Sari si Bidasari sa kulungan nito sa tuwing aalis ang Sultan at doon ay pinapalo, sinasampal at
minumura hanggang sa hindi na nakatiis si Bidasari. Sinabi ni Bidasari, ''kung ibig ninyo akong mamatay, kunin ninyo
ang isdang ginto sa hardin ng aking ama. Kapag araw, ito'y kwintasin ninyo at kapag gabi ay ibalik ninyo sa tubig, sa
gayo'y hindi maglalaon at ako ay mamamatay.'' Ipinakuha ni Lila Sari ang isda at pinahintulutang makabalik si
Nangyari ang mga sinabi ni Bidasari. Sa araw, kapag ikinukwintas ng Sultana ang isda, si Bidasari ay nakaburol sa
kanilang bahay at sa gabi lamang nabubuhay siyang muli. Sa takot ni Diyuhara na baka tuluyang patayin ng Sultana
si Bidasari, nagpatayo siya ng isang magandang palasyo sa isang gubat na malayo sa Indrapura at doon itinirang
Awit III. Palagay ang kalooban ng Sultana sa paniniwalang si Bidasari ay namatay. Nguni't isang araw, nang walang
maraming ginagawa ang Sultan, naisipan nitong mangaso sa gubat. Sa paghahanap niya ng usa, nakasapit ito sa
palasyo ni Bidasari. Saradong-sarado ang palasyo. Kaya lalong pinagnasaan niyang mapasok ito. Natagpuan niyang
walang katau-tao. Pinasok nya ang lahat ng silid at sa wakas ay nakita niya ang kwartong kinabuburulan ni Bidasari.
Nagtaka siya. Ngunit hindi niya ginising si Bidasari. Kinabukasan ay nagbalik siya't naghintay hanggang sumapit ang
gabi. Nabuhay na muli si Bidasari na lubhang hinangaan ng Sultan ang kagandahan nito. Sinabi ni Bidasari ang
katotohanan. Galit na galit ang Sultan. Pinakasalan agad nito si Bidasari at siyang pinaupo sa trono na katabi niya
Awit IV. Pagkalipas ng maraming taon, ang mga tao sa Kembayat ay nagbalikan na. Ang mga magulang ni Bidasari
ay nagkaroon pa ng isang anak na pinangalanang Sinapati. Sa Kembayat ay dumating ang isang anak na lalaki ni
Diyuhara, na inaakala ni Bidasari na tunay na kapatid. Nang makita niya si Sinapati ay nagulat siya sapagkat
kamukhang-kamukha ito ni Bidasari. Kinaibigan niya si Sinapati at ibinalita na siya'y may kapatid na kamukhang-
kamukha ni Sinapati. Dahil dito'y itinanong ni Sinapati sa mga magulang kung siya'y may nawawalang kapatid.
Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura sa pagbabakasakaling si Bidasari ang nawawalang anak. Gayon na
lamang ang pagtataka ng lahat dahil sa pagiging magkamukha ng dalawa. Nang sabihin ni Sinapati na siya'y
naghahanap ng kapatid na naiwan sa bangka ay nabatid na niyang si Bidasari ay tunay niyang kapatid dahil sa
pagtatapat ni Diyuhara.
Si Sinapati'y iniharap kay Sultan Mogindra at naging maligaya ang lahat nang magkakilala ang magkapatid sapagkat
Ang Bidasari ay maromansang epiko ng mga Malay na tungkol sa matadang paniniwalang ang buhay ay
napatatagal kung ang kaluluwa ng isang tao ay ipaloloob o paiingatan sa isang hayop, isda, punong-kahoy o bato.
Ang Bidasari ay laganap sa pook ng mga Muslim subalit ito ay hindi kathang Muslim kundi hiram lamang dahil ang
original na katha nito ay nasusulat sa Malay. Itinuturing itong kawili-wiling tula sa buong panitikang Malay.