You are on page 1of 1

Bidasari

Ang mga sumusunod na kuwento ay bahagi ng epikong “Bidasari” ng mga Maranaw. Ang
kuwento ay batay sa paniniwala ng mga Maranaw na pinaaalagaan ang buhay ng tao sa isda, hayop,
o punongkahoy upang humaba ito.

Noong unang panahon, ang kaharian ng Kembayat ay madalas na sinasalanta ng isang


dambuhalang ibong garuda. Ang ibong ito ay hindi nagkakasiya sa pagkain ng mga pananim at mga
hayop. Kinakain din nito ang sinumang taong makita. Naliligalig ang buong kaharian tuwing
dumarating and dambuhalng ibon.
Isang araw, muling sumalakay ang ibong garuda. Nagtakbuhan ang mga tao upang
magtago. Sa pagkalito, naiwan ng sultana ang kaniyang bagong silang na sanggol sa bangka. Mula
noon, hindi na Nakita pa ang kaniyang anak. Inisip na lamang ng lahat nab aka kinain na ito ng
garuda.
Wala silang kamalay-malay na ang munting sanggol pala ay nakaligtas. Nakita ito ni Dyuhara,
isang mayamang negosyante mula sa kahariang Indrapura, at iniuwi upang alagaan ng kaniyang
asawa. Tuwang- tuwa sila at nagkaroon din sila ng anak. Pinangalanan nila ang sanggol na Bidasari.
Buong pagmamahal na pinalaki ng mag-asawa si Bidasari. Lumaki itong isang magandang dalaga at
maligaya sa piling ng nakilalang mga magulang.
Samantala, ang sultan ni Indrapura na si Sultan Mongidra ay bagong kasal pa lamang noon
kay Lila Sari. Nag-aalala si Lila Sari nab aka makita ng kaniyang asawa ang magandang si Bidasari
at ipalit ito sa kaniya bilang sulatana.
Minsan ay inanyayahan ni Lila Sari sa palasyo si Bidasari ngunit kaniya itong ikinulong sa
isang silid na hindi maaaring makitaa ng sultan. Pinarurusahan ni Lila Sari si Bidasari araw-araw
upang mamatay. Nang hindi na matiis pa ni Bisari ang pahirap sa kaniya, ipinagtapat niya sa malupit
na sultana ang tungkol sa gintong isdang nag-aalaga sa kaniyang kaluluwa. Ang isdang ito ay nasa
pag-aalaga ng kaniyang nakilalang mga magulang.
Ibinigay ni Dyuhara ang gintong isda kay Lila Sari bilang kapalit ng Kalayaan ni Bidasari.
Ikinuwintas ito ni Lila Sari. Nakakuwintas sa sultana ang gintong isada sa buong maghapon at
ibinabalik lamang ito sa tubig pagsapit ng gabi. Kaya’t sa araw ay mistulang patay si Bidasari at
nabubuhay lamang sa gabi kapag ibinalik na sa tubig ang isda.
Ipinagpagawa ni Dyuhara ng magarang palasyo sa gubat si Bidasari at doon ay mag-isa itong
nanirahan.
Isang araw habang nangangaso si Sultan Mongindra, Nakita niya ang magandang palasyo sa
gubat. Pumasok siya sa loob nito at doon ay Nakita niya ang natutulog na si Bidasari. Pilit niyang
ginising ang dalaga ngunit hindi ito magising. Inabot ng gabi ang sultan sa paghihintay na magising
ang magandang dilag.
Nang sumapit ang gabi, nagising si Bidasari. Nagkausap sila ni Sultan Mongindra. Isinalaysay
lahat ni Bidasari sa sultan ang ginawang kalupitan sa kaniya ng asawa nito. Sinabi rin ni Bidasari ang
tungkol sa gintong isda na nangangalaga sa kaniyang buhay at ngayon ay hawak ni Lila Sari.
Galit na galit ang sultan sa ginawa ng kaniyang asawa. Umuwi siya sa palasyo at kinuha ang
gintong isda kay Lila Sari. Pinarusahan ng sultan si Lila Sari at pinalayan ito sa palasyo.
Ilang araw lamang ang nakalipas at idinaos ang marangyang kasalan nina Sultan Mongindra
at Bidasari. Kabilang sa inanyayahan ang sultan at sultana ng Kembayat. Kasama nila ang anak na si
Sinapati. Laking pagkamangha ng marami nang makita ang malaking pagkakahawig nina Bidasari at
Sinapati. Ipinagtapat ni Dyuhara na hindi niya tunay na anak si Bidasari.
Nagalak ang lahat. Sa wakas ay Nakita rin ng sultan at sultana ng Kembayat ang nawawala
nilang anak. Nabatid ni Sultan Mongindra na ang kaniyang pinakasalan ay isa pa lang tunay na
prinsesa.

You might also like