You are on page 1of 1

Buod ng Bidasari:

 Bago pa lamang nalaman ng Sultan ng Kembayat na ang


Sultana ay nagdadalang-tao at siya'y maligaya. Ngunit
ang salot na Ibong Garuda ay lumusob sa kanyang
kaharian at namuksa ng mga tao. Ang buong kaharian
ay napilitang umalis at nagtago sa namumuksang ibon.
Napahiwalay sa mga kasama ang Sultana at ang Sultan
at sa kanilang paglalakad ay inabot ng panganganak ang
Sultana sa tabi ng ilog. Sa malaking takot sa Ibong
Garuda, iniwan nila ang sanggol sa isang bangkang
nakita sa tabing-ilog at nagpatuloy ang dalawa sa
pagtatago. Bagama't halos madurog ang puso ng
Sultana, napilitan nilang iwan ang sanggol.

 Nang ang pinakamayaman na mangangalakal sa buong


bayan ng Indrapura na si Diyuhara ay nagpapasyal sa
tabing ilog na kasama niya ang kanyang asawa,
nakarinig siya ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa
sanggol na babaing pagkaganda-ganda, dinala nila agad
ito sa bahay at binigyan ng apat na tagapag-alaga at
higaang may kalupkop ng tunay na ginto. Bidasari ang
kanilang ibinigay na pangalan. Habang lumalaki, si
Bidasari ay lalong gumaganda.

You might also like