You are on page 1of 3

Filipino 9 - Module

Gawain 6

A. Basahin: Puting Kalapati, Libutin Itong Sandaigdigan Usman Awang Salin ni A. B. Julian

Tanong:

1. Tungkol saan ang binasa mong tula? Ano ang masasabi mo sa paksang tulad nito ng mga tulang Asyano?

2. Ano ang sinisimbolo ng kalapati? Bakit kaya ito ang ginamit ng may-akda bilang simbolismo?

3. Pareho ba kayo ng ninanais ng may-akda para sa bayan? Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Sa panahon mo ngayon, ano-ano ang nagiging sagabal sa kapayapaan ng iyong komunidad? Paano ito
nakakaapekto sa iyo?

5. Ngayong nauunawaan mo ang marubdob na pag-asang mayroon ang makata sa pagnanais magkroon ng
kapayapaan, anong uri ng tula ang iyong nabasa?

B. Panuto: Piliin sa mga taludtod ang magkasingkahulugang pahayag at ipaliwanag ang kahulugan ng mga ito.
Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

1. Kung saan ang tao’y naghihinala’t may agam-agam,

Sumahimpapawid nang matanggal ang pag-aalinlangan

Pahayag
Kahulugan
Pahayag

2. Itong sandaigdigan, paniwalain mo sa kapayapaan

Upang paghugutan ng pag-asa niring sangkatauhan

Pahayag
Kahulugan
Pahayag

3. Ngunit ikaw ay palamara katulad ng alabok

Dapat mawala ang mga taksil sa lahat ng pook

Pahayag
Kahulugan
Pahayag

1|P age
B. Panuto: Gamit ang internet magsaliksik ng mga tula sa Timog-Silangang Asya. Pumili ng isa at sumulat
ng sariling repleksyon hinggil sa nabasang akda.

_________________________________________________________________________

2|P age
PUTING KALAPATI, LIBUTIN ITONG SANDAIGDIGAN
Usman Awang (malayang isinalin ni A. B. Julian)

Sa mga pangyayaring walang kasakitan,

Kung saan ang tao'y naghihinala't tuwina'y may agam-agam
Lumipad ang kalapati upang lakbayin ang sandaigdigan
Sa kanyang puting pakpak na hanap sa kapayapaan
Habang sagisag ng pagkakasundo'y patuloy na bumabandila.

Puting kalapati,libutin itong sandaigdigan

Ang hanging panggabi'y iyong panariwain
Ang mga bulaklak iyong pamukadkarin.
Itong aming mga labi'y iyong pangitiin.

Pagkat sa iyo na ang pag-asa ay di nawala

Sa iyong hininga, hanging sariwa nagmula
Itong sandaigdigan,paniwalain mo sa kapayapaan
Habang puso'y pumipintig sa gabi ng katahimikan

Ngunit ikaw na palamara

Tulad ng alabok,humayo ka't mawala
Pagkat mundo mo't bantayog ay gumuho na
Ngayon ay may bagong hinagap na kayganda
Bilang repleksiyon nitong buhay na mapayapa

Source: http://binibiningmarj.blogspot.com/2019/06/puting-kalapati-libutin-itong.html

3|P age

You might also like