Punan ng angkop na letra ang mga kahon uoang makumpleto ang salitang tinutukoy ng kahulugan sa bawat bilang.
P__ NA ___AM ___IT___N
- Panalangin, kahilingan o panawagan
KA___OS- K___PA__ ___RA__
- Sawi o minalas
N___ SAD____ AK - Bumagsak o nalugmok
__ I __ ___ DU__ T___ - DU___ TA
- Inalipusta
U__TA___ ____ N___ LO___ ___
- Oblisgasyon o responsibilidad na dapat bayaran PANAMBITAN ni Myrna Prado
Bakit kaya rito sa mundong
ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus- kapalaran Wala kang pag-asang umakyat sa Mga mahirap lalong nasasadlak Mga mayayaman lalong umuunlad Maykapangyarihan, hindi sumusulyap Mga utang na loob mula sa mahirap. Kung may mga taong sadyang nadarapa Sa halip tulungan, tinutulak pa nga; Buong lakas silang dinudusta-dusta Upang itong hapdi’y lalong managana. Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo Tao’y pantay-pantay sa bala ng mundo? Kaming mga api ngayo’y naririto Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito. 1.Ano ang laman ng panambitan ng nagsasalita sa tula? 2.Ano- ano ang katotohanan ang isiniwalat sa tula? 3.Sa unang saknong ng tula, ano ang maibibigay mong kasingkahulugan ng salitang “kapus- kapalaran” 4. Sa pahayag na “Buong lakas ang dinudusta- dusta, upang itong hapdi’y lalong managana” ano naman salita ang maibibigay mo bilang kasalungat na kahulugan ng salitang “dinudusta- dusta” 5. Batay sa iyong pagkakaunawa, paano mo bibigyang kahulugan ang pamagat ng tula? Ipaliwanag. TALINGHAGA • Ang talinghaga ay ang lipon ng mga salita na may ibang kahulugan. • Ito ay di tuwirang pagbibigay ng kahulugan. • Ang mga salitang ginagamit ay hindi pangkaraniwan at may malalim na kahulugan. • Ang pahayag na ito hindi nagbibigay ng di - tuwirang kahulugan. • Kadalasan ang kahulugan ng pahayag ay hango sa karanasan ng tao gaya ng mga bagay-bagay sa paligid o pangyayari sa buhay. Halimbawa bahag ang buntot – duwag butas ang bulsa-walang pera ilaw ng tahanan-ina agaw-buhay -- naghihingalo, between life and death anak-pawis -- magsasaka; manggagawa farmer; laborer; blue- collar worker anak-dalita -- mahirap, poor Nagbibilang ng poste- walang trabaho Magkahiramang suklay- matalik na magka-ibigan Nagsusunog ng kilay- nag-aaral ng Mabuti Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik. Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Balana ang nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa pagkamaramdamin ng kanyang pamangkin, at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon sai Danding, na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na ngayon lamang nakilala. Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat – sakit na pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag-ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at mga pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging ang pinakamaliit na halaman. MATALINHAGA/ KASINGKAHULUGAN KASALUNGAT NA KAHULUGAN EUPEMISTIKONG SALITA 1. SINAGIAN NG LUMBAY _________________________________ LUNGKOT 2. DUKHA ______________________________ MAYAMAN 3. NAG- AAPUHAP NAGHAHANAP _________________________________
4. BANTAD NA SANAY NA _________________________________
6. BATBAT- SAKIT PUNO NG SAKIT _________________________________
7. ABANG- LABI BANGKAY/ PATAY ________________________________
GAMITIN SA SARILING PANGUNGUSAP ANG MGA SUMUSUNOD NA SALITA :
1. SINAGIAN NG LUNGKOT 2. DUKHA 3. NAG- AAPUHAP 4. BANTAD NA 5. TALUSALING 6. BATBAT- SAKIT 7. ABANG- LABI EUPEMISTIKONG PAHAYAG KAHULUGAN
Hikahos sa Buhay Mahirap
Magulang Madaya Tinatawag ng Kalikasan Nadudumi Kasambahay Katulong Malikot ang isip Maraming iniisip Ibaon sa Hukay Kalimutan Balat Sibuyas pikon Gawain:
Bumuo ng tula gamit ang ibat- ibang Talinhaga at
Eupemistikong Pahayag na tinalakay. Maaring pumili ng paksa ng tula sa mga sumusunod na pagpipilian: 1.Paboritong Artista 2.Pagbabalik sa Face to face classes 3.Paboritong pasyalan 4.Matalik na Kaibigan 5.Taong napupusuan