You are on page 1of 2

Sanaysay at Talumpati

Fil 115
Mrs. Milagros Hapitan

Pangalan: Herana, Cindy P. BSED-Filipino III


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Anong uri ng sanaysay ang “Ang Ngiti”?
- ang ngiti ay isang di-pormal na sanaysay dahil tumatalakay ito sa
paksang magaan, karaniwan, at pang-araw-araw.
2. Bakit sinabi ng awtor na may pakinabang ang ngiti sa nagbigay at sa
tumanggap nito?
- May pakinabang ang ngiti sa nagbigay nito dahil unang-una
kadalasang ginagawa ang pag-ngiti kapag ang isang tao ay masaya. At
base sa isang pag-aaral, karaniwang nagagamit ang ngiti bilang tanda
ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili, pagsang-ayon, o sagisag ng
katuwaan. At tandaan natin na hindi lahat ng tao sa mundo ay may
kusang ngumiti sa kanyang kapwa tao, kasi may mga taong di-alam
magpadama ng kanilang mga damdamin. Kaya sa taong nagbigay ng
ngiti, matapang siya sapagkat naipadama niya ang kaniyang totoong
nararamdaman at gustong ipahiwatig. Sa kabilang dako,
nakikinabang din ang tumanggap ng ngiting iyon dahil may
kapangyarihang taglay itong baguhin ang anumang puot at sakit na
ating dinaramdam. Maniwala man tayo o sa hindi, pero kapag nginiti-
an tayo lalong-lalo na kapag malapit sa ating puso yung taong yun,
nakukuha agad ang ating mga kiliti, gumagaan kaagad ang ating
pakiramdam, at ang dating matigas na damdamin ay ngayo’y kasing
lambot na ng isang mamon. Ikanga nila, “A smile could launch a
thousand ships.”, kaya di masusukat ang kapangyarihang taglay ng
isang matamis na ngiti.
3. Naniniwala ka ba sa pahayag na ang taong palangiti ay hindi madaling
tumanda? Paliwanag.
- Oo, dahil unang-una napatunayan na ito sa isang pag-aaral na kapag
ngumiti o tumawa ka, nagiging magaan ang iyong pakiramdam dahil
lumilikha ang iyong katawan ng endorphins na siyang dahilan ng
iyong pagkamasayahin at pagkawala ng iyong stress. At pangalawa,
sa aking pag-oobserba, kapag ikaw ay tumatawa, pinapababa nito
ang tsansang ikaw ay maging malungkot o di kaya’y maging
problemado. Pinipigilan nitong magalit ka na siyang magiging sanhi
ng pagtaas ng iyong dugo at pagka stress na sya ring dahilan ng
pagkamatay ng iyong happy cells.
4. Ayon sa sanaysay, ang pinakamatamis na ngiti ay nagmula sa ngiti ng
walang malay na sanggol? Ipaliwanag.
- Totoo, dahil bukod sa napakaganda at mapang-akit ang ngiti ng isang
sanggol na kailanman ay di mo matitiis na di rin ngumiti pabalik, ito
rin para sa akin pinaka-puro at pinaka-totoo na ngiti sa lahat. Wala
itong halong magpapanggap at pagkukunwari. Ngumingiti lamang
ang sanggol kapag siya ay nasisiyahan o di kaya’y naaaliw. At
kailanman ay hindi ngumingiti ang isang sanggol kung siya ay
nasasaktan o nahihirapan. Kaya ito ang pinakamatamis na ngiti sa
buong mundo dahil ito lamang ang tunay, tapat, dalisay, at mataos.

You might also like