You are on page 1of 1

Mendoza, Airah D

1EDFIL2D

Tingnan mo Sarili mo

(budang)

Wag kang manghusga ng iyong kapwa

kung mismong sarili mo rin ay sira,

walang ako o ikaw ang perkpekto

sa mundo nating mapag laro

Huwag kang magmalinis,

kung ang damit mo ay madungis

Huwag kang mang apak ng tao

kung yang sarili mo hindi matino.

Sa mundo nating ginagalawan,

parehas lang tayong tinatapakan

Walang mayaman walang mahirap

lahat tayo dito may pangarap.

“Huwag ninyong husgahan ang iba, para hindi rin kayo husgahan ng Dios. Sapagkat kung paano ninyo
hinusgahan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo huhusgahan ng Dios. Bakit mo pinupuna ang munting
puwing sa mata ng kapwa mo, pero hindi mo naman pinapansin ang mala-trosong puwing sa mata mo? Paano
mo masasabi sa kanya, ‘Kapatid, tutulungan kitang alisin ang puwing sa mata mo,’ gayong may mala-trosong
puwing sa iyong mata? Mapagkunwari! Alisin mo muna ang mala-trosong puwing sa iyong mata, nang sa
ganoon ay makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.

MATEO 7:1-5

You might also like