You are on page 1of 2

MENDOZA, AIRAH D

1EDFIL2D

ANG HALIK

1. Kahulugan ng Pamagat:

(ANG HALIK) Ang halik o paghalik ay ang pagdampi ng mga labi ng isang tao sa ibang lugar,
na ginagamit bilang pagpapahayag ng damdamin, paggalang, pagbati, pamamaalam, paghiling
ng kabutihang kapalaran, damdaming romantiko, o pagnanasang seksuwal.

2. Paksa ng Tula:

Tula ng Pag ibig - ibig Ang ganitong uri ng tula ya punumpuno ng damdamin. Ang paksa ng
tulang ito ay may kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang magsing-irog, maalab na pagsinta
ng isang lalaki sa babaeng kanyang minamahal. Maging ang kasawian sa pag-ibig ay bahagi ng
paksa ng tulang ito.

3. Uri o Anyo:

Anyong Tradisyunal- ang bilang ng anyo ng isang tula na may sukat, tugma at mga salitang
malalalim ang pagkakahulugan nila ang mismong tinutukoy dito.

Tulang pandamdam - sapagkat ipinapakita dito ang bawat damdamin ng nararamdaman ng


isang tao nagsasagawa ng ganitong gawain at kung ano ang pagkakaiba ng kahulugan ng
bawat halik sa tao.

4. Simbolismong ginagamit:

* lutong paraiso - isang payapa o tahimik

* lutong impyerno - mainit o naglalagab-lab

5. Pagpapahalaga/Pagpapayaman ng talasalitaan:

*MGA SALITANG POLYSEMOUS - Ito ay mga salitang maaaring magkaroon ng ibang kahulugan
batay sa disiplina o larangang pinaggamitan nito. (higop laway, pasipsip-suso)
*PAGKAKASINGKAHULUGAN - Ito ang pagbibigay kakatulad na kahulugan sa isang salita.
(pasipsip/pasupsop)

6. PAGTUKOY SA MGA TALINHAGA:

a) TAYUTAY - Pag wawangis o Metaphor "May nag sasabing ang halik ng tao ay isang
pagkaing lutong paraiso, at ang iba naman at pagkaing lutong impyerno.
b) IDYOMA -
"Ang halik ay bugtong na kataka-taka
Pabango ng puso at ng kaluluwa
Sa iisang tao ay walang halaga
Ngunit pulot gata kapag sa dalawa."

7. IMPLIKASYON NG TULA:

A. Kahalagahan pangkaisipan - ang pagkakaiba iba ng halik na buhat sa impluwensya ng


kultura o ng mga banyaga na pinag mulan din ng ibat ibang klase ng halik.

B. Kahalagahan pangdamdamin - ayon sa tula, tayong mga kabataan ay di dapat padalos


dalos sa mga desisyon natin, dahil onting pagkakamali mo lang kinabukasan mo ang
kapalit.

C. Mensaheng nais ipabatid - Nararapat na bigyang halaga ang gawaing pag halik
sapagkat ito ay hindi dapat gawing palatuntunan para makuha at makamit ang kahinaan
ng sinuman. Mag isip ng maingi sa bawat desisyon na ating kakaharapin.

You might also like