You are on page 1of 12

Sino Ako?

Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit


ang masayang mukha kung ikaw ay sang-ayon sa mensahe
ng pangungusap at malungkot na mukha naman kung hindi.
1. Sinisisi ko ang iba sa aking pagkakamali.
2. Mahinahon kong tinatanggap ang puna
ng iba.
3. Nagagalit ako kapag ako ay pinupuna ng
iba.
4. Ako ay madaling tumatanggap ng
pagkatalo.
5 points

5. Sumasama ang loob ko kapag ako ay


napagsasabihan.
Sino Ako?
Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit
ang masayang mukha kung ikaw ay sang-ayon sa mensahe
ng pangungusap at malungkot na mukha naman kung hindi.
1. Sinisisi ko ang iba sa aking pagkakamali.
2. Mahinahon kong tinatanggap ang puna
ng iba.
3. Nagagalit ako kapag ako ay pinupuna ng
iba.
4. Ako ay madaling tumatanggap ng
pagkatalo.
5 points

5. Sumasama ang loob ko kapag ako ay


napagsasabihan.
Maikling Kwento: Si Haring Tommen
Si Haring Tommen ay ang pinuno ng kahariang
Lanisterya. Siya ay isang hari na hindi marunong
tumanggap ng puna at komento kung siya ay
nagkakamali. Hindi rin siya pumapayag na siya ang
masabi na may mali. Sa madaling salita, siya ay
hindi marunong tumanggap ng pagkakamali.
Isang araw ay napadpad siya sa kagubatan.
Namatay ang sakay niyang kabayo kaya hindi alam
ni Haring Tommen kung paano siya babalik ng
palasyo. Galit na galit ang hari sa nangyari.
Nang makakita siya ng isang mangangaso ay
agad siyang humingi ng tulong mula rito. Kaagad
naman siyang tinulungan nito. Matapos ang
mahabang paglalakbay ay nakabalik rin sila sa
kaharian. Sa pagpasok palang ng kaharian ay agad
inutusan ni Haring Tommen ang kanyang mga kawal
upang dakpin at itapon sa kulungan ang kawawang
mangagaso. Inakusahan ng hari ang mangagaso at
sinabing ito ang nagnakaw at pumatay sa kanyang
kabayo.
Kawawang mangangaso.
Ilang katanungan:
Sagutan ang mga katanungan. (3 puntos bawat bilang;
nilalaman – 2 puntos, kaangkupan – 1 puntos)
1. Paano mo ilalarawan ang ugali ni Haring Tommen?
2. Sa iyong palagay, tama ba ang naging desisyon ng
hari na ipatapon ang taong tumulong sa kanya sa oras
ng kagipitan? Bakit?
3. Kung ikaw ang mangangaso, ano ang
mararamdaman mo sa ginawa ng hari?
4. Paano ipinakita ng hari ang hindi pagiging mahinahon
sa pagtanggap ng kamalian?
15 points

5. Kung makakausap mo sa personal si Haring Tommen,


ano ang nais mong sabihin sa kanya?
PAGIGING MAHINAHON
SA PAGTANGGAP NG KAMALIAN
Ito ay tanda ng pagmamahal at pag-unawa sa kapwa.
Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa.

TANDAAN:
Kung sakaling may oras na hindi mo maiwasang
1 ikaw ay magkamali, tanggapin ang puna o
komento ng iba nang maluwag sa dibdib.

2 Piliting huwag makasakit ng damdamin ng tao.


Sa pagsasagawa ng pagiging mahinahon at
3 pagtanggap sa kamalian, ikaw ay nagiging isang
mabuting tao.
PAGIGING MATULUNGIN
SA KAPWA
Ang pagiging matulungin sa kapwa ay
nagpapakita ng pagmamahal at
pagpapasalamat sa Diyos.
Kailangan nating tulungan ang ating kapwa lalo na
ang mga nangangailangan sapagkat sila ang
mahihina at may kailangan ng iyong tulong.
Dapat mo rin na ipagpasalamat sa Diyos ang mga
biyayang mayroon ka. Kung mayroon kang mga bagay
na sobra sobra, marapat mo itong ibahagi sa iba. Sa
paraang ito, maaari mong maipakita ang iyong
pasasalamat at pagmamahal sa Diyos.
TANDAAN:
“Ang sinumang mapag-bigay sa kapwa
ay mapag-bigay din sa Diyos. Kung ikaw
ay matulungin, tiyak na ika’y
pagpapalain. Kung ano ang iyong
ginagawa sa iyong kapwa ay siya mo
ring ginagawa sa Diyos.”

SA ANONG PARAAN MO
NAIPAPAKITA ANG
PAGPAPASALAMAT MO SA DIYOS?
Narito ang ilang paraan upang makatulong sa iyong
kapwa kahit sa maliit na bagay lamang.:
1. pagbibigay ng mga lumang damit, libro at
mga laruan sa mga bata sa ampunan.
2. pag-aabot ng tulong pinansyal sa mga
kapus-palad
3. pagbibigay ng sobrang pagkain sa mga
mahihirap
4. pagdarasal sa kagalingan ng mga may sakit
5. pag-alalay sa iyong kapwa sa oras ng
kagipitan
Ano ang wastong gawin?
Makinig ng mabuti sa guro. Isulat ang
WASTO kung ang pangungusap ay
nagpapahayag or nagpapakita ng
magandang kaugalian at DI WASTO
naman kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa kwaderno.
20 points
1. WASTO
2. DI WASTO
Ano ang 3. DI WASTO
wastong 4. DI WASTO
5. DI WASTO
gawin? 6. WASTO
(2 puntos 7. WASTO
bawat isa) 8. DI WASTO
20 points

9. WASTO
10. DI WASTO
Panunumpa sa pagiging mahinahon
Bumuo ng sariling panunumpa na
magiging mahinahon sa pagtanggap ng
mga puna ng iba at ng iyong
pagkakamali sa pamamagitan ng
pagkompleto ng mga salita sa gabay.
5 points

You might also like