You are on page 1of 2

FILIPINO 8 – PAGSUSULIT

I. Eupemistikong pahayag
1.a Panuto: Tukuyin ang mga salitang nagbigay – pahiwatig sa salitang nakadiin sa
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa: Pihikan ang kanyang kaibigan sa pagkain kaya kadalasan siyang naiinis
sa pagiging maarte ito.
Sagot: maarte
1. Matayog ang isipan ng isang taong mataas ang pangarap sa buhay.
2. Ang isang taong mahinahon ay banayad magsalita.
3. Nagpupumilit manalasa ang makata para puksain ang kalaban.
4. Maraming itinatago ang mapagkubli sa damdami.
5. Nagkainitan ang magkalaban bunga ng kanilang nag-aapoy na katwiran.
6. Natatalos niya ang nalalaman ng kanyang katunggali kaya’t hindi siya nahirapang
ipagtanggol ang kanyang panig.
7. Nagahol siya sa oras kaya’t nagkulang na rin siya ng pagmamatuwid sa kanyang
kalaban.
8. Nagmistulang mulala ang binate dahil sa kanyang pagkatulala sa narining na
balita.
1.b Panuto: Ang nakasulat nang madiin ay masining na pahayag na ginamit sa isang
Balagtasan. Ipaliwanag mo ang mga ito batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. (2pts)
Ngunit bago o tawagin ang titindig na makata,
Ako muna’y magpapayo sa dalawang manunulat;
Hindi baling pag-apuyin ang katwira’t talinghaga,
Dapwa’t huwag magbibitiw ng katagang walang wawa.

II. Pahayag na Pagsang -ayon o Pagsalungat


Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng mukhang nakangiti
Kung ito’y nagpapahayg ng pagsang-ayon o mukhang malungkot kung
pagsalungat.
1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa mundo.
2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay
ngayon kaysa noon.
3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.
5. Maling – mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.
6. Kaisa ako ng lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.
7. Hindi ko matatanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating
pag-uugali at kultura.
8. Maling – mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi makabubuti sa lahat.
9. Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran.
10.Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang paraan.

You might also like