You are on page 1of 11

Filipino 5

Week 5
Quarter 4
Paggamit ng Iba’t Ibang Uri ng
Pangungusap sa Pagkilatis ng
Produkto
Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap sa bawat
bilang.

1. Bakit unti-unting nasisira ang ating kalikasan?


2. Tumulong ka sa paglilinis ng ating bakuran.
3. Naku, sinusunog na naman ang kagubatan para gawing
kaingin!
4. Tayo ring mga tao ang may kagagawan kung bakit nasisira ang
ating kalikasan.
5. Ang mga pinutol na puno ay dapat palitan sa pamamagitan ng
muling pagtatanim.
Panuto: Magtala ng limang maaring maging
solusyon upang hindi lumaganap ang COVID-19
virus.

1.
2.
3.
4.
5.
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
1.Paturol o Pasalaysay – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagsasaad ng
isang pahayag. Gumagamit ito ng bantas na tuldok (.).
Halimbawa: Ang edukasyon ay naging mabisang instrumento tungo sa pag-
unlad at pagbabago.
2. Patanong – uri ng pangungusap na pagsasaad ng isang tanong at ginagamit
sa sa pagtatanong. Gumagamit ito ng bantas na tandang pananong (?).
3. Pautos o Pakiusap – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapagawa o
pakikiusap na ipagawa ang isang bagay. Gumagamit ng bantas na tuldok (.).
4. Padamdam – uri ng pangungusap na ginagamit sa pagpapahayag ng
matinding damdamin sa pagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng
tuwa, galit, gulat, poot, sakit at iba pa. Gumagamit ito ng bantas na tandang
padamdam (!).
Panuto: Basahin at unawain ang comic strip.

1. Ano ang pinag-uusapan


ng dalawang babae sa
komiks?
2. Ano daw ang dapat
gawin sa mga produktong
ating binibili?
3. Anong aral ang
natutuhan mo sa komik
strip?
Panuto: Tingnan ang bawat larawan ng mga produkto. Gumamit ng iba’t ibang
uri ng pangungusap sa pagkilatis ng produkto. Isulat ang hinihinging uri ng
pangungusap sa loob ng kahon.
Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap na nasa
bawat bilang.

1. Maraming sariwang isda sa palengke.


2.Mura naman kaya ang presyo ng mga isdang iyon?
3.Tingnan mo nga sa dako roon kung mura ang isda.
4. Pakibili mo na rin ako kung bibili ka.
5. Wow, sariwang-sariwa ang mga isda!
Masusing obserbahan ang iyong
paligid, isulat ang iyong naobserbahang
suliranin at magbigay ng maaaring
maging solusyon nito
Panuto : Sumulat ng iba’t ibang uri ng
pangungusap tungkol sa iyong mga
karanasan ngayong panahon ng
pandemya.
Thanks!

You might also like