You are on page 1of 28

7

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6
Kontribusyon ng mga
Sinaunang Lipunan at
Komunidad sa Asya
Araling Panlipunan– Baitang 7
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Kontribusyon ng mga Sinaunang Kabihasnan at
Komunidad sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jerelyn P. Son and Joanna B. Tresplacios
Editor: Lito S. Adanza
Tagasuri: April G. Formentera, Noralyn Joy O. Ramos,
Michael A. Adam, Merjorie Q. Ablay, Maria Fe N. Arca
Tagaguhit:
Tagalapat: Emily E. Baculi
Tagadisenyo ng Pabalat: Reggie D. Galindez
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade Palomar - REPS -Araling Panlipunan
Romelito G. Flores, CESO V – Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno – Asst. Schools Division Superintendent
Juliet F. Lastimosa, CID Chief
Sally A. Palomo, EPS - LRMS
Gregorio O. Ruales, EPS – ADM Coordinator
Lito S. Adanza – EPS – Araling Panlipunan

Printed in the Philippines by Department


Johnny of Education
A. Sumugat- REPS, – SOCCSKSARGEN Region
Araling Panlipunan
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter
Juliet F. Lastimosa - CID Chief Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
Sally A. Palomo – Division EPS In-Charge of LRMS
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lito S. Adanza – EPS- Araling Panlipunan
7

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Kontribusyon ng Sinaunang
Lipunan at Komunidad sa Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kontribusyon ng Sinaunang Lipunan
at Komunidad sa Asya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Kontribusyon ng Sinaunang Lipunan at Komunidad sa Asya
!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

ii
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa nakalipas na mga aralin ay nakilala mo na ang mga Asyano sa iba’t ibang


rehiyon sa Asya. Ngayon naman ay sisikapin nating alamin ang mga sinaunang
lipunan at komunidad sa Asya at ang mga naging kontribusyon nito sa pagpapatuloy
natin sa kasalukuyang panahon. Gagawin natin iyan sa tulong ng modyul na ito.
Halina’t simulan natin!

Ang modyul na ito ay naglalaman ng aralin tungkol sa:


 Aralin 1 – Mga Kontribusyon ng Sinaunang Lipunan at Komunidad sa Asya

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod:


1. Nasusuri ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at komunindad
sa Asya;
2. Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga ng mga sinaunang lipunan
at komunidad ito sa Asya. AP7KSA-IIh-1.12

Subukin

Paunang Pagtataya

Bago natin simulan ang pagtuklas sa ating bagong aralin, subukin mo


munang sagutan ang panimulang pagtataya upang masubok ang lawak ng
kaalaman mo tungkol sa mga bagay na tatalakayin natin ngayon. Bilugan lamang
ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.


A. Lipunan
B. Tradisyon
C. Komunidad
D. Kabihasnan

2. Ito ang kabihasnan na nakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinawag na


cuneiform.
A. Indus
B. Shang
C. Sumer
D. Lungshan
3. Ito ang kalendaryo ng mga Sumerian ang naging batayan ng ating
kalendaryo sa kasalukuyan
A. Gregorian
B. Solar Calendar
C. Lunar Calendar
D. Chinese Calendar

4. Paano nabuo ang kabihasnan?


A. Pagtaas ng populasyon at pangkat ng mga tao
B. Pagkakaroon ng maayos na pamumuhay at nabago ang kapaligiran.
C. Pagkakaroon ng pamahalaan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat.
D. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, uring panlipunan,
relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat.

5. Ito ang mga pamamaraan o paghahanda na ginawa ng mga kabihasnang


umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa
kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad.
A. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
B. Nagtatago sila at bumabalik sa kweba kapag tapos na ang tag-ulan.
C. Nagtayo sila malalaking gusali upang hindi sila bahain at hindi maabot ng
mga hayop.
D. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaring sumira sa
kanilang pananim sa panahon ng tag-ulan.

6. Isa sa mga kontribusyon ng mga Babylonian ay ang Kodigo ni Hammurabi.


Ano ba ang kahalagahan ng kodigong ito sa sangkatauhan?
A. Ito ay nagpapatunay na noon pa man ay may batas na sinusunod na ang
mga tao.
B. Ito ay nagtalaga ng mga hakbang upang maging mabuti ang kalagayan
ng mga kalalakihan.
C. Ito ay nagbigay ng karapatan sa mga mamamayan upang angkinin ang
ari-arian at sakupin ang lupain ng ibang tao.
D. Ito ang nagsilbing pamantayan ng mga mamamayan sa kung ano ang
dapat gawin at kung ano ano ang kaparusahan sa paglabag ng mga
panuntunan.

7. Si John ay isang Kristiyano. Paano ipapakita ni John ang kaniyang


pagpapahalaga sa Bibliya bilang dakilang ambag ng mga Babylonian at
banal na aklat ng mga Kristiyano?

A. Bubuklatin lamang ang Bibliya sa tuwing magsisimba.


B. Bibigyan ng sapat na oras ang pag-aaral sa nilalaman nito.
C. Ipapaubaya sa pastor ang lahat ng mga bagay patungkol sa Bibliya.
D. Ilalagay ang Bibliya sa mababang lugar upang maabot ng mga batang
hindi pa marunong bumasa.
8. Ang pagkaimbento ng papel ay isa sa mga ambag ng mga Tsino. Ang mga
sumusunod ay kabutihang dulot ng pagkakaimbento ng papel maliban sa isa.

A. Nagiging mahal ang presyo ng papel.


B. Nagiging maayos ang pagkaimprinta ng mga babasahin.
C. Napapabilis nito ang paggawa ng kopya ng mga babasahin.
D. Nagkakaubusan ng pinagkukunang yaman sa paggawa ng papel.

9. Ang alpabeto ng mga Phoenician ay naging batayan ng kasalukuyang


alpabeto. Paano ito nakatulong ng lubos sa ating lipunan at komunidad?

A. Dahil dito marami ang hindi marunong bumasa.


B. Dahil dito ay natuto tayong bumasa at sumulat dahilan upang
magkaintindihan sa maraming paraan ng komunikasyon.
C. Dahil dito ay nalilito ang mga tao sapagkat marami tayong dapat
tandaan habang tayo ay nag-aaral.
D. Dahil dito nagkaroon ng napakaraming ideya ang mga tao dahilan upang
magkaroon ng mga debate at di pagkakaunawaan.

10. Ang mga ambag o kontribusyon ng sinaunang lipunan sa Asya ay dapat


nating pahalagahan. Bilang Asyano, paano mo ipapadama ang iyong
pagpapahalaga sa mga pamana ng ating mga ninuno?
A. Gagamitin ko ang kanilang mga pamana sa paraang magbibigay kabutihan
sa mga tao.

B. Hindi ko gagamitin ang kanilang mga pamana bagkus ako kay gagawa ng
sariling gamit.

C. Gagawa ako ng mga makabagong bersyon ng mga ambag nila upang


mapatunayan ko sa kanila na ako rin ay magaling pagdating sa mga
imbensyon.

D. Pag-aaralan ko ang buhay na mayroon sila noong araw upang lalong


maintindihan ang kanilang mga ambag at pagbubutihin ko ang paggamit sa
mga ito upang lalo pang pakinabangan ng sangkatauhan.
Aralin Kontribusyon ng mga
Lipunan at Komunidad sa
1 Asya
Nahirapan ka ba sa pagsagot sa paunang pagtataya? Marahil ay napagtanto
mo na minsan ay napagdaanan mo na o nabasa mo na ang ilan sa mga nabanggit
na ideya sa iyong mga nakalipas na aralin. Upang mas matulungan kang maalala
ang tungkol sa mga ito, narito ang isa pang gawain. Handa ka na ba?

Balikan

Gawain 1: Data Retrieval Chart

Subukan mong balikan ang mga natalakay sa mga naunang aralin sa pamamagitan
ng pagsagot sa Data Retrieval Chart sa ibaba. Isulat sa talahanayan kung anong
sinaunang lipunan ang pinagmulan ng bawat ambag o kontribusyon na nasa unang
hanay. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay nakakatulong o nakapagbibigay ginhawa at
ekis ( X) naman kung sa palagay mo ay hindi mabuti ang dulot nito sa ating buhay.

Ambag o kontribusyon Pinagmulang Lipunan o Impact sa ating


kabihasnan (Indus, buhay sa
Sumer at Shang) kasalukuyang
panahon

(tsek (/) o ekis (x)

1.Cunieform

2.Legalismo

3.Decimal System

4.Woodblock printing

5.Gulong
Pamprosesong Tanong:
1. Sa pangkalahatan, nakatulong ba o nakasama ang mga nagging ambag
ng mga kabihasnang nabanggit? Ipaliwanag.

2. Bakit kaya natin pinag-aaralan ang mga ito?

Tuklasin

Kumusta? Handa ka na ba sa ating bagong aralin? Simulan na natin!


Gawain 2: ‘Eto Sila Noon, Walang Cellphone!

Marahil ay narining mo na ang awiting kundiman na nasa ibaba. Kung hindi


pa, maaari kang magpatulong sa mga nakakatanda upang awitin ito o di kaya ay
pakinggan ito sa radyo o You Tube.

SIERRA MADRE
(Arranged By – D'Amarillo; Lyrics By – Coritha, P. Francisco; Music By – Coritha)
Nakatanggap ako ng sulat mula sa amin
Nakalarawan doon ang maraming kong alaala
At bigla akong lumuha dahil ako'y sabik na
Sa lalawigan kong minumutya

Naghihintay pa rin ang irog ko doon sa amin


Mga magulang nama'y nag-aalala sa akin
O, masilayan ko man lamang bundok, parang at batis
Gumagaan ang hirap ko at pasakit

Chorus:
Awitin ko, awitin ko'y makauwi na
Sa duyan ng aking kamusmusan
Sa piling mo, o, Sierra Madre
Kandungan mo'y laging hinahanap

Ano kaya ang gagawin ko ngayong wala nang


Natitirang pag-asa sa aking mga pangarap
Kaya't kung mayro'n mang nakikinig sa aking damdamin
Ay dalhin mo na ang awit ko sa amin
Chorus:
Awitin ko, awitin ko'y makauwi na
Sa duyan ng aking kamusmusan
Sa piling mo, o, Sierra Madre
Kandungan mo'y laging hinahanap

Coda:
Kandungan mo'y laging hinahanap [2x]

Source: https://www.metrolyrics.com/sierra-madre-lyrics-coritha.html

Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa liriko ng awitin, anong uri ng pamayanan ang Sierra Madre?

2. Ano ano ang mga kasangkapang ginamit ng mga tao sa kanta upang
maiparating ang kanilang damdamin sa isa’t isa?

3. Paano nakatulong sa kanilang panahon ang mga kasangkapang binanggit


sa kanta? Mahalaga pa rin ba ang mga ito sa ngayon? Patunayan.
Suriin

Upang lalo mo pang maunawaan ang ating aralin, basahing mabuti ang
nilalaman ng mga mga talahanayan sa ibaba. Tandaan na ang mga kontribusyon na
ito ay ilan lamang sa mga naiambag ng mga kabihasnan, lipunan at komunidad na
umusbong sa iba’t ibang bahagi ng Asya.

Bago ang lahat, ano nga ba ang pagkakaiba ng kabihasnan, lipunan at


komunidad?

Ang kabihasnan ay nagmula sa salitang-ugat na “bihasa” (skilled sa Ingles)


na kasingkahulugan ng “sanay” at “batak”. Sa payak na kahulugan nito, ang
kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.

Ang lipunan at komunidad subalit magkapareho minsan sa gamit, maraming


pinagkakaiba ang dalawang terminolohiyang ito. Ang isang komunidad ay grupo ng
mga tao. Samantala, ang lipunan naman ay naglalarawan sa isang sistema ng
panlipunang relasyon.

Ang bawat komunidad ay may kani-kanilang kultura, ideya, at tumutulong


sa isa’t-isa habang bumbuo ng panibagong mga solusyon sa isang problema.
Samantala, ang isang lipunan ay ang sistema ng relasyong sosyal.

Kadalasan, ang isang komunidad ay mga taong naninirahan sa isang


heograpikal na lokasyon. Ang grupo ng mga tao dito ay sumusunod sa mga batas,
kaugalian at kultura ng mga naninirahan sa komunidad. Dahil dito, maari nating
sabihin na ang isang lipunan ay mas malaki kumpara sa isang komunidad.

Sources:
http//philnews.ph/2020/08/20/pinagkaiba-ng-lipunan-sa-komunidad-kahulugan-
at-halimbawa/
https://wordsimilarity.com/tl/kabihasnan
Gawain 3: Pana-Panahon

Talahanayan 1: Mahahalagang Kontribusyon ng Kanlurang Asya

Kabihasnan, Kontribusyon
Lipunan o
Komunidad

Babylonian  Kodigo ni Hammurabi- ang katipunan ng mga batas na kauna-


unahang ipinakilala ng mga Babylonian at nagsisilbing
pamantayan ng mga kabihasnan. Sakop ng Kodigong ito ang
mga itinuturing na paglabag sa karapatan ng mamamayan at
ari-arian nito. Ito rin ang nagpakilala sa daigdig na ang isang
tao ay inosente hangga’t hindi pa sya napapatunayang
nagkasala at ang kaisipan na kailangang magpakita ng
ebidensya sa isang kaso upang matukoy ang mga nagkasala.
Chaldean  Konsepto ng zodiac at horoscope.
 Konsepto ng pagtatayo ng mga istruktura tulad ng mga Ziggurat
o mga templong umaabot sa halos 300 feet ang taas.
Hebreo  Bibliya at ang monotheism na ipinagbabawal ang pagsamba at
pag-aalay sakripisyo sa mga diyos-diyosan na naging batayan
ng marami nating mga batas sa kasalukuyan.
Hittite  Paggawa ng kagamitang bakal
 Pagmimina ng iron core
Persian  Ang paggamit ng pilak at gintong barya sa pakikipagkalakalan.

Phoenician  Ang alpabeto, na naging batayan ng kasalukuyang alpabeto.

Sumerian  Cuneiform- unang nabuong sistema ng panulat. Isa itong uri ng


pictograph (larawan na ginagamit upang kumatawan sa mga
datos, impormasyon o produkto) na ginagamitan ng may 600
pananda sa pagbuo ng mga salita o ideya.
 Gulong- sa pagkakatuklas nito, nagawal nila ang unang
karuwahe.
 Sistema ng panukat ng timbang at haba
 Organisadong puwersa sa pagtatayo ng mga dike.
Talahanayan 2: Mahahalagang Kontribusyon ng Timog Asya

Kabihasnan, Kontribusyon
Lipunan o
Komunidad

Indo-Aryan  Pagtatag ng Sistemang Caste. Nagpatupad ang mga Indo-Aryan


ng diskriminasyon o pagtatangi laban sa mga Dravidian upang
patatagin ang kanilang kapangyarihan. Nilikha ang sistemang
caste upang hatiin ang lipunan sa mga pangkat. Ang mga
pangkat ay ang mga sumusunod:
1. Brahmin (Mga Pari at Iskolar)-pinakauna
2. Kshatrias (Mga Mandirigma)
3. Vashya (Mga Mangangalakal)
4. Sudras (Mga Alipin) -pinakamababa
Kshatriyas ang una sa pagkakahanay sa mahabang
panahon. Nang matapos ang digmaan at ang
pananampalataya ay naging higit na mahalaga, nagsimulang
mangibabaw ang mga Brahmin. Samantala sa sistemang ito,
kinakailangang sundin ng bawat kasapi ang mga tuntunin
sap ag-aasawa, hanapbuhay, seremonya sa
pananampalataya, mga kaugaliang panlipunan (kumain,
uminom, at iba pa), at manatili sa pangkat na kung saan
ipinanganak hanggang mamatay.

 Sanskrit-isang Indo-Aryan na wika sa loob ng 1000 taon at


pinaniniwalaang pinag-ugatan ng iba pang mga wika na
ginagamit pa rin sa kasalukuyan. Sa wikang ito nakasulata ang
pinakaunang panitikan ng Indo-Aryan, ang Vedas. Ang Vedas
ang pinakasagradong kasulatan ng Hinduismo. Ang
pinakamatandang relihiyon sa daidig.
 Bukod sa Hinduismo, nakilala rin ang iba pang relihiyon tulad
ng Buddhism, Jainism at Sikhism.
 Mula pa rin sa Indo-Aryan, sa Imperyong Gupta tinalakay ng
isang matematiko at astronomo na si Aryabtaha ang halaga ng
pi at ang pag-ikot ng daigdig at hugis sphere nito. Nasulat ang
tungkol sa gravitation. Napaunlad ang number symbols. Pinag-
aralan ang sistemang decimal at ang pagamit ng zero. Ang mga
mangagamot ay natutong mag-isterilisa (sterilization) ng mga
panturok at panlinis sa sugat. Nagsagawa ng operasyon
(surgery) sa mga may sakit. Gumawa ng mga patalim na yari sa
asero.

Talahanayan 3: Mahahalagang Kontribusyon ng Hilaga at Silangang Asya

Bansa at Kontribusyon
Dinastiya

China  Naimbento ang bakal na araro.


 Nagawa ang mga irigasyon at dike.
 Nagpagawa ng mga kalsada.
 Sumulong ang kalakalan.
 Naimbento ang sandatang crossbow at bumuo ng hukbong
nakakabayo at gumamit ng chariot.
 Lumitaw ang pilosopiyang Confucianism at Taoism.
 Lumitaw ang pilosopiyang Legalism na naging batayan
 Ipinatayo ang Great Wall of China bilang proteksyon sa pag-
atake ng mga kalaban.
 Naging tanyag ang ruta ng kalakalan na tinatawag na Silk Road
at nakarating sa Rome ang telang seda dala ng mga Tsinong
juggler.
 Naimbento ang papel na naging dahilan upang mapabilis ang
komunikasyon.
 Naimbento ang porselana at water-powered mill.
 Itinayo ang Grand Canal na nagpabilis ng pagbyahe ng nga
produktong agricultural at iba pang suplay.
 Naimbento ang woodblock printing na siyang nagpabilis sa
paggawa ng kopya ng mga sulatin.
 Naimbento ang paggamit ng pulbura na ginamit ng mga Tsino
upang itaboy ang mga Mongolian.
Korea  Ang pangalang Korea ay nagmula sa Kahariang Goryeo o Koryo
na itinatag ni Wang Geon.
 Nakalikha ang kahariang ito ng sariling istilo ng porselana na
tinatawag na celadon.
 Naging tulay ang Korea sa pagdating ng Buddhism at
Confucianism sa Japan.
Japan  Ipinakilala ng mga Hapones ang eleganteng pagsusulat ng tula,
sining ng calligraphy, at pananamit.
 Ipinakilala rin nila ang pagsusulat ng nobela.
Source: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Unang Edisyon, 2014, pahina
132-144

Pamprosesong Tanong:
1.Batay sa talahanayan, anong kabihasnan, lipunan o komunidad ang may
pinakamamaraming ambag o kontribusyon sa sangkatauhan at bakit?

2. Ano ang pinakamahalagang ambag o kontribusyon ng mga sinaunang lipunan sa


pamumuhay ng mga Asyano sa kasalukuyan? Ipaliwanag kung bakit ito ang
pinakamahalaga.

3. Sa iyong palagay, mayroon bang hindi mabuting naidulot ang mga kontribusyon
ng sinaunang panahon sa Asya sa kasalukuyan? Ano ito at bakit masasabi mong
nagbunga ito ng hindi maganda sa kasalukuyan?

4. Bilang Asyanong nakikinabang sa mga kontribusyon ng sinaunang pamumuhay,


paano mo ipapakita ang ang iyong pagpapahalaga sa mga ambag o kontribusyong
ating tinalakay?
Rubrik para sa Pagpapaliwanag
Kategorya Higit na Nakamitangi Bahagyangna Hindi Walang Iskor
inaasahan naasahan kamitangInaa nakamit ang napatu
(5) (4) sahan inaasahan nayan
(3) (2) (1)
Nilalaman Lubos na Nakalahad Nakalahad Hindi Hindi
malinaw na ang mga ang mga malinaw ang nakita
nakalahad ideya sa ideya sa ideya sa ang
ang mga pagsagot sa pagsagot sa pagsagot sa ginawa
ideya sa pangunahing pangunahing pangunahing ng
pagsagot sa paksa paksa subalit paksa. Hindi sanay-
pangunahing gayundin hindi sapat rin say.
paksa ang lahat na ang nakalahad
gayundin paliwanag pagliwanag ang
ang panlahat ukol dito. ukol dito. pagpapaliwan
na pagtanaw ag ukol dito.
ukol dito.
Makabuluha Bawat May Hindi na
n at paliwanag ay kakulangan debelop ang
Diskusyon mahusay may sapat sa detalye pangunahing
ang detalye na detalye. ang mga ideya.
sa paliwanag.
pagpapaliwa
nag at
pagtatalakay
tungkol sa
paksa.
Organisasyon Lohikal at Naipakita Lohikal ang Walang
ng mga ideya mahusay subalit hindi pagkakaayos patunay na
ang makinis ang ng mga ideya organisado
pagkasunod- paglalahad. ngunit hindi ang
sunod ng ganap na pagkakalaha
mga ideya. naipaliwanag d ng mga
ng lubos. paliwanag.
Konklusyon Nakakapang Naipakita Hindi ganap May
hamon ang ang na naipakita kakulangan
konklusyon pangkalahat ang at walang
at ang palagay pangkalahata pokus ang
naipakitang o pasya ng palagay o konklusyon.
pangkalahat tungkol sa pasya
ang palagay paksa batay tungkol sa
batay sa sa mga paksa batay
katibayan at katibayan at sa mga
mga katwiran. katibayan at
katwiran. katwiran.
Kabuuang Puntos
Pagyamanin

Sa pagsusuring iyong ginawa sa mga kontribusyon ng mga sinaunang


kabihasnan, lipunan at komunindad sa Asya ay batid mo na marahil kung gaano
tayo nakinabang sa mga ambag nila sa kasalukuyang panahon. Ngayon, subukan
mong pagyamanin ang iyong kaalaman gamit ang tsart sa ibaba.

Gawain 4: Kung Alam Lang Nila!

Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba, isulat sa pinakahuling hanay ang iyong mailking
paliwanag kung ano ang halaga o importansya ng bawat ambag o kontribusyon ng
mga sinaunang Asyano sa sangkatauhan sa kasalukuyang panahon. Ang unang
bilang ay nagsisilbing halimbawa.

Sinaunang Kabihasnan, Ambag o Kahalagahan sa Kasaluyang


Lipunan o Komunidad Kontribusyon Panahon

1. Hebreo Bibliya Ito ay napakahalaga sapagkat


ito ang batayan ng likas na
batas moral at ito ay
nagsisilbing ispiritwal na gabay
ng mga Kristiyano.

2. Phoenician Alpabeto

3. Japan Pagsusulat ng
nobela

4. Babylonia Kodigo ni
Hammurabi

5. China Pagkaimbento ng
papel

6. Persia Paggamit ng
pilak o barya
Isaisip

Binabati kita! Napatunayan mo na kung ano ang halaga ng bawat


kontribusyong mula sa ating mga ninuno. Batid ko na alam mo na rin kung paano
pahalagahan ang mga ito. Ngayon naman ay nais ko na ibuod mo ang iyong mga
kaalaman.

Gawain 5: Dugtungan Mo!

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga linya.

Pagkatapos kung suriin ang mga ambag o kontribusyon ng mga


sinaunang Asyano, natutunan ko na
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________

Batid ko na mahalaga ang mga kontribusyong ito sapagkat


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pahahalagahan ko ang mga kontribusyong ito sa pamamagitan ng


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_
Isagawa

Matagumpay mong natapos ang mga nakalipas na gawain at may sapat na


pag-unawa ka na sa kahalagahan ng mga ambag o kontribusyon ng mga Sinaunang
Asyano. Siguradong handa ka ng simulan ang isa pang gawain na makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
reyalidad ng buhay.

Gawain 6: Picture o Brochure?


Gumawa ng picture collage o brochure gamit ang ginupit na mga larawan ng
mga halimbawa ng ambag o kontribusyon ng mga sinaunang Asyano.
Kinakailangang magpakita ito ng mga sumusunod:

Kraytirya Puntos

Nilalaman 10

Organisasyon ng mga Ideya 5

Pagkamalikhain 5

Kabuuan 20
Tayahin

Panuto: Bilugan lamang ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ang kabihasnan na nakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinawag na


cuneiform.

A. Indus B. Shang C. Sumer D. Lungshan

2. Ito ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.

A. Lipunan B. Tradisyon C. Komunidad D. Kabihasnan

3. Paano nabuo ang kabihasnan?

A. Pagtaas ng populasyon at pangkat ng mga tao


B. Pagkakaroon ng maayos na pamumuhay at nabago ang kapaligiran.
C. Pagkakaroon ng pamahalaan, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat.
D. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, uring panlipunan,
relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat.

4. Ito ang kalendaryo ng mga Sumerian ang naging batayan ng ating kalendaryo
sa kasalukuyan

A. Gregorian
B. Solar Calendar
C. Lunar Calendar
D. Chinese Calendar

5. Isa sa mga kontribusyon ng mga Babylonian ay ang Kodigo ni Hammurabi.


Ano ba ang kahalagahan ng kodigong ito sa sangkatauhan?

A. Ito ay nagpapatunay na noon pa man ay may batas na sinusunod na ang


mga tao.
B. Ito ay nagtalaga ng mga hakbang upang maging mabuti ang kalagayan
ng mga kalalakihan.
C. Ito ay nagbigay ng karapatan sa mga mamamayan upang angkinin ang
ari-arian at sakupin ang lupain ng ibang tao.
D. Ito ang nagsilbing pamantayan ng mga mamamayan sa kung ano ang
dapat gawin at kung ano ano ang kaparusahan sa paglabag ng mga
panuntunan.
6. Ito ang mga pamamaraan o paghahanda na ginawa ng mga kabihasnang
umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang
lugar tulad ng mga baha at kalamidad.

A. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.


B. Nagtatago sila at bumabalik sa kweba kapag tapos na ang tag-ulan.
C. Nagtayo sila malalaking gusali upang hindi sila bahain at hindi maabot ng
mga hayop.
D. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaring sumira sa
kanilang pananim sa panahon ng tag-ulan

7. Si John ay isang Kristiyano. Paano ipapakita ni John ang kaniyang


pagpapahalaga sa Bibliya bilang dakilang ambag ng mga Babylonian at
banal na aklat ng mga Kristiyano?

A. Bubuklatin lamang ang Bibliya sa tuwing magsisimba.


B. Bibigyan ng sapat na oras ang pag-aaral sa nilalaman nito.
C. Ipapaubaya sa pastor ang lahat ng mga bagay patungkol sa Bibliya.
D. Ilalagay ang Bibliya sa mababang lugar upang maabot ng mga batang
hindi pa marunong bumasa.

8. Ang pagkaimbento ng papel ay isa sa mga ambag ng mga Tsino. Ang mga
sumusunod ay kabutihang dulot ng pagkakaimbento ng papel maliban sa isa.

A. Nagiging mahal ang presyo ng papel.


B. Nagiging maayos ang pagkaimprinta ng mga babasahin.
C. Napapabilis nito ang paggawa ng kopya ng mga babasahin.
D. Nagkakaubusan ng pinagkukunang yaman sa paggawa ng papel.

9. Ang alpabeto ng mga Phoenician ay naging batayan ng kasalukuyang


alpabeto. Paano ito nakatulong ng lubos sa ating lipunan at komunidad?

A. Dahil dito marami ang hindi marunong bumasa.


B. Dahil dito ay natuto tayong bumasa at sumulat dahilan upang
magkaintindihan sa maraming paraan ng komunikasyon.
C. Dahil dito ay nalilito ang mga tao sapagkat marami tayong dapat
tandaan habang tayo ay nag-aaral.
D. Dahil dito nagkaroon ng napakaraming ideya ang mga tao dahilan upang
magkaroon ng mga debate at di pagkakaunawaan.
10. Ang mga ambag o kontribusyon ng sinaunang lipunan sa Asya ay dapat
nating pahalagahan. Bilang Asyano, paano mo ipapadama ang iyong
pagpapahalaga sa mga pamana ng ating mga ninuno?

A. Gagamitin ko ang kanilang mga pamana sa paraang magbibigay kabutihan


sa mga tao.
B. Hindi ko gagamitin ang kanilang mga pamana bagkus ako kay gagawa ng
sariling gamit.

C. Gagawa ako ng mga makabagong bersyon ng mga ambag nila upang


mapatunayan ko sa kanila na ako rin ay magaling pagdating sa mga
imbensyon.

D. Pag-aaralan ko ang buhay na mayroon sila noong araw upang lalong


maintindihan ang kanilang mga ambag at pagbubutihin ko ang paggamit sa
mga ito upang lalo pang pakinabangan ng sangkatauhan.

Karagdagang Gawain

Gawain 7: Future Inventor


Sa mga hamon ng kasalukuyang panahon, mag-isip ng mga bagay, ideya o
paraan na hindi pa nadidiskubre o maaring wala pang nakakagawa ngunit nanaisin
mong magkaroon ang iyong komunidad sa hinaharap. Ipabatid ang iyong naisip na
bagay o ideya sa pamamagitan ng drawing, photo collage, o sa isang simpleng
paliwanag. Idikit ang iyong gawa sa kahon sa ibaba. Kinakailangang magpakita ito
ng mga sumusunod:

Kraytirya Puntos
Nilalaman 10
Organisasyon ng mga Ideya 5

Pagkamalikhain 5
Kabuuan 20
Ang Aking Ambag sa Sangkatauhan
Subukin Tayahin
1. D 6.D 1. C 6.D
2. C 7.B 2. D 7.B
3. C 8.D 3. D 8.D
4. D 9.B 4. C 9.B
5. D 10.D 5. D 10 D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. (2014). Philippines: DepEd.

(2020). Coronavirus disease (COVID-19) pandemic. World Health Organization.

iRubric (2020). Retrieved from https://www.rcampus.com/indexrubric.cfm

Sierra Madre (2020, November 6). Retrieved from Metro Lyrics:


https://www.metrolyrics.com/sierra-madre-lyrics-coritha.html

Philippines News. (2020, August 20). Retrieved from PhilNews:


https://philnews.ph/2020/08/20/pinagkaiba-ng-lipunan-sa-komunidad-
kahulugan-at-halimbawa/

www.rcampus.com+rubric. (n.d.). Retrieved from www.rcampus.com.


PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na ihanda at
tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito
ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang
proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like