You are on page 1of 27

7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan–Modyul 3
Nasyonalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
Araling Panlipunan – Baitang Pito
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Nasyonalismo sa Silangan at Timog-
Silangan Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon paman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon Lungsod ng Tagbilaran


Superintendente ng Dibisyon ng Paaralan: Joseph Irwin A. Lagura
Pangalawa ng Superintendente ng Dibisyon ng Paaralan: Marcelo K. Palispis

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Teresa A. Riss
Tagasuri: Rowena C. Salutan/ Nenita J. Incog PhD
Tagalapat: Maria Teresa A. Riss
Tagapamahala:
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief: John Ariel A. Lagura PhD
Name of Division EPS In Charge of LRMS: Neolita S. Sarabia, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region VII – Tagbilaran City
Office Address: Rajah Sikatuna Avenue, Dampas, Tagbilaran City
Telefax: (038) 544-2147, 427-1702_______________________________
E-mail Address: tagbilarancitydivision@yahoo.com_______________________
7

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Ang mga Kontribusyon ng Silangan
at Timog-Silangang Asya

TANDAAN:
Ang modyul na ito ay pinagtulungan, dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga piling manunulat para sa layuning pagkatuto lamang.
Bagaman, ang mga manunulat at tanggapan ng Kagawaran ng
Edukasyon sa Siyudad ng Tagbilaran, ay sinisiguro na mapanatili
ang tama at wastong impormasyon at nilalaman ng materyales sa
bawat asignatura para sa patuloy na dekalidad na pagtuturo na
naaayon sa Dep Ed Learning Standards.
Ang paglimbag at pamamahagi ng mga materyales sa
pagkatuto ay limitado sa pampublikong paaralan lamang ng
Dibisyon ng Siyudad ng Tagbilaran.
Anumang komento at suhestiyon ay malugod na tinatanggap
para sa ikauunlad ng kagamitang ito.
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang Pito


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Nasyonalismo
sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayanang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnayang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

MgaTala sa Magulang/Tagapag-alaga
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Nasyonalismo sa Silangan at Timog-
Silangang Asya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Angkamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul naito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

iii
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupuna nang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang mga dahilan at epekto ng


pananakop ng mga kanluranin sa Asya. Isa sa hindi mabuting epekto nito
ay ang pagkawala ng kalayaan at pang-aabuso sa karapatan ng mga
Asyano. Ang kalagayan na ito ay nakaimpluwensiya sa pagkabuo ng
nasyonalismong Asyano. Sa araling ito, susuriin mo kung paano umunlad
ang damdaming nasyonalismo ng mamamayan sa Silangan at Timog-
Silangang Asya.

v
Pamantayang Pangnilalaman

Napapahalagahan ng mga mag-aaral ang pagtugon ng mga Asyano


sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at
Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon
(ika-16 hanggang ika-20 Siglo).

Pamantayan sa Pagganap

Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa


pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at Timog Silangang Asya sa
Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang
ika-20 siglo).

Pamantayan sa Pagkatuto

Nasusuri ang mga salik, pangyayaring at kahalagahan ng nasyonalismo sa


pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Sa pagtatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

 Naiisa-isa ang mga salik sa pag-unlad nang nasyonalismo sa mga bansa sa


Silangan at Timog-Silangang Asya;
 Nakagagawa ng larawan/poster na nagpapakita ng konsepto ng
nasyonalismo.
 Napahahalagahan ang mga papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa
sa Silangan at Timog Silangan.

Handa ka na bang tumuklas ng mga bagong kaalaman? Halina’t sagutan ang


sumusunod na gawain. Ito ay makatutulong sa iyong pang unawa sa ating paksa.

1
Subukin

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong papel.
1. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong
upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon ng pambansang
kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili
para sa bayan, pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng sambahayan.
Ano ang tawag sa konseptong tinutukoy?
A. Patriotismo
B. Nasyonalismo
C. Kolonyalismo
D. Neokolonyalismo

2. Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan


at Timog-Silangang Asya sa pag-aangat ng mga malawakang kilusang
nasyonalista?
A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil.
B. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kalayaan.
C. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang
kalayaan.
D. Milyon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod
ang nasira.

3. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa


mga kasunduan ano ang dapat na isasaisip sa pagsulong nito?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating
karapatan.
B. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating
ekonomiya.
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang manatili ang
kapayapaan.
D. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang
ating kapaligiran.
4. Ang pagdating ng iba’t-ibang mananakop sa Silangan at Timog-
Silangang Asya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay ng
mga Asyano. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago sa
aspektong politikal ng mga nasakop na bansa?
A. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
B. Pagpapatayo ng mga imprastraktura
C. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa

2
5. Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
sa paglaya ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
A. Marami ang napinsala at namatay.
B. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war.
C. Lumakas ang nasyonalismo at napabilis ang paglaya.
D. Umigting ang tunggalian ng ideolohiyang demokratiko at
komunismo.

6. Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa


pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo. Alin sa sumusunod ang
mga samahan na itinatag ng mga Pilipino na naglalayong ipakita ang
kanilang pagmamahal sa bayan?
A. Bodi Utomo at Sarekat Islam
B. Kilusang Propaganda at Katipunan
C. Partido Kuomintang at Partido Kunchantang
D. Anti-Facist People’s Freedom League

7. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng


teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang kinatawan ng iyong
bansa alin sa sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong
gagawing resolusyon?
A. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin
naman.
B. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para
walang gulo.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa
anuman ang mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa
usapin upang magkaroon ng kalayaan.

8. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng kamalayan ng isang lahi na sila ay


may iisang kasaysayan, wika, at pagpapahalaga?
A. Imperyalismo
B. Rebolusyon
C. Kolonyalismo
D. Nasyonalismo

9. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong


Kanluranin sa Asya. Isa dito ay ang pagbabago sa kultura na naging
dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang
Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan sa mga
hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang
nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na
suliranin?
A. Sisihin ang mga kanluraning bansa na nananakop sa mga
bansang Asyano
B. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop
noon sa Asya
C. Magsumikap sa pag-aaral upang hind imaging pabigat sa lipunan
D. Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para
mapaunlad ang bansa

3
10. Sino ang mga tanyag na Lider sa China na kilala sa damdaming
nasyonalismo na kanilang taglay?
A. Sun Yat-Sen at Mao Zedong
B. Tzu Hsi at Henry Puyi
C. Chiang Kai-shek at Jiangxi
D. Sukarno at Sudirohusodo

11. Alin sa mga sumusunod na lider ang isa sa mga nagtatag ng Katipunan?
A. Jose Rizal
B. Andres Bonifacio
C. Marcelo H. Del Pilar
D. Gregorio Sancianco

12. Ano ang nag-udyok sa mga bansang Asyano na ipamalas ang


damdaming nasyonalismo?
A. Dahil sa magandang pakikitungo ng mga dayuhan.
B. Dahil sa paggalang at pagmamahal nila sa kanilang bayan.
C. Dahil sa ipinamalas na kagitingan ng mga taga kanluranin
upang sakupin sila.
D. Dahil sa kahirapan at pagmamaltrato na kanilang naranasan at
bilang pagmamahal sa bayan na kanilang kinabibilangan.

13. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo?


A. Pagtangkilik ng sariling produkto
B. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa.
C. Pagpatibay ng ugnayang panlabas.
D. Wala sa mga nabanggit.

14. Upang maipahayag ng mga Tsino ang kanilang pagtutol mula sa


panghihimasok ng mga dayuhan, sila ay nagsagawa ng dalawang
rebelyon. Ano ang mga rebelyon na ito?
A. Rebelyong Opyo at Rebelyong Ho Chi
B. Rebelyong Ilustre at Rebelyong Boxer
C. Rebelyong Propaganda at Rebelyong Taiping
D. Rebelyong Taiping at Rebelyong Boxer

15. Sino ang tanyag na lider sa Japan na taglay ang damdaming


nasyonalismo?
A. Emperador Mutsuhito
B. Sukarno
C. Ho Chi Minh
D. Tzu His

4
Aralin Nasyonalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya
2

Balikan

Gawain: PICTURE ANALYSIS


Ano ang mensahe na ipinahihiwatig ng larawan?

1. Sino ang

sinisimbolo
4. Bakit
ng mga taong
naranasan ng
may hawak
mga Asyano
ng bandila?
ang mga
Ipaliwanag.
suliraning ito?

2. Ano ang
kanilang
ginawa sa 3. Sino ang
Asya? sinisimbolo ng mga
taong nahirapan?
Bakit?

5
Tuklasin

Sa pamamagitan ng mga larawang nakikita sa ibaba, kilalanin ang mga lider na


nagpapaunlad ng damdaming nasyonalismo sa kani-kanilang bansa.

Jose Rizal Mao Zedong Ho Chi Minh


https://wagner.edu/wagnermagazine/what-confucius-says-today/
Sun Yat-Sen Sukarno Emperador Mutsuhito
1. “The man who moves a mountain begins by carrying away small

1. _____________ 4. _____________
https://www.britannica.com/biography/Ho-Chi-Minh https://alphahistory.com/chineserevolution/mao- zedong/

2. ____________ 5. _______________
https://www.britannica.com/biography/Jose-Rizal https://www.britannica.com/biography/Meiji

3. ______________ 6. ________________
https://www.britannica.com/biography/Sukarno https://www.britannica.com/biography/Sun-Yat-sen

6
Suriin

Gawain: Basa Suri!


Panuto: Basahin at unawain mo ang teksto na patungkol sa nasyonalismo sa
Silangan at Timog-Silangang Asya.

 Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya


Hindi man tuwirang nasakop ng mga kanluranin, dumanas ng maigting na
imperyalismo ang Silangang Asya lalo na noong ika-18 siglo. Isa sa mga patunay
nito ay ang pagpapatupad ng sphere of influence ng mga kanluranin sa China at
ang kanluranin sa Silangang Asya ay nagdulot ng epekto sa kabuhayan,
pamahalaan, makawala mula sa imperyalismong kanluranin dahil sa hindi
mabuting epekto sa kabuhayan, pamahalaan, lipunan, at kultura ng mga Asyano.
Naghangad ang mga Tsino at Hapones na makawala mula sa imperyalismong
kanluranin dahil sa hindi mabuting epekto nito sa kanilang pamumuhay. Ang
paghahangad na ito ang nagbigay-daan sap ag-usbong ng nasyonalismo sa
dalawang bansa.

 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa China

Nagsimula ang kawalan ng control ng China sa kaniyang bansa nang matalo


ito sa Great Britain sa Unang Digmaang Opyo (1839-1860). Bunga nito, nilagdaan
ang Kasunduang Nanking (1843) at Kasunduang Tientsin (1858) na naglalaman ng
mga probisyon na hindi patas para sa mga Tsino.
Upang ipahayag ang kanilang pagtutol mula sa panghihimasok ng mga
dayuhan, nagsagawa ng dalawang rebelyon ang mga Tsino. Ito ay ang Rebelyong
Taiping (Taiping Rebellion) noong 1850 at Rebelyong Boxer (Boxer Rebellion) noong
1900.

7
Tunghayan ang timeline upang maunawaan ang iba pang kaganapan sa
pag-unlad ng nasyonalismong Tsino:

 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan

Kung iyong matatandaan, magkatulad at magkaiba ang naging pakikitungo


ng mga Tsino at Hapones sa mga kanluranin. Magkatulad dahil noong una parehas
nilang isinara ang kanilang bansa at daungan mula sa mga kanluraning. Subalit
nagkaiba ang nagiging pagtugon mg dalawang bansa sa banta ng imperyalismo.
Patuloy na nagiging sarado ang China na nagresulta sa sapilitang pagpasok ng
mga kanluranin sa pamamagitan ng digmaan. Sa kabilang banda, tinanggap ng
Japan ang mga kanluranin nang hilingin nito na ipatupad ang Open Door Policy
noong 1853. Sa panahon na ito umusbong ang damdaming nasyonalismo ng mga
Hapones. Ipinakita ito ng mga Hapones sa kabila ng pananatili ng mga kanluranin
sa kanilang teritoryo. Ito ay pinasimulan ni Emperador Mutsuhito na siyang
namuno sa panahon na kilala bilang Meiji restoration.
Nang tanggapin ng mga Hapones ang mga kanluranin sa bias ng
Kasunduang Kanagawa ay naging pinuno ng Japan si Emperador Mutsuhito.
Tumagal ang kaniyang pamumuno mula 1867 hanggang 1912. Siya ang naglipat
ng kabisera ng Japan sa Edo (Tokyo sa kasalukuyan). Bukod sa paglilipat ng
kabisera, nakilala sa Mutsuhito dahil sa kaniyang pagyakap sa impluwensiya ng
mga kanluranin na kanyang ginamit upang mapaunlad ang Japan.

 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Indonesia

Ang mga patakarang pang-ekonomiya na ipinatupad ng mga Dutch tulad ng


culture system at pagkontrol sa mga sentro ng kalakalan ay nagkaroon ng
negatibong epekto sa kabuhayan ng mga Indones. Lahat ng kapakinabangan sa
mga nabanggit na patakaran ay napunta sa mga mananakop na kanluranin.
Bagama’t hindi gaanong pinanghimasukan ng mga Dutch ang kultura ng
Indonesia, naapaektuhan naman ang kultura at antas ng karunungan ng mga
Indones dahil sa kapabayaan ng mga Dutch sa sistema ng edukasyon sa bansa.

8
Umunlad ang nasyonalismong Indones dahil sa paghahangad na matigil ang
mga hindi makatarungang patakaran ng mga mananakop na Dutch. Nagsimula
ang pakikibaka ng mga Indones noong 1825. Sa taong ito ay pinamunuan ni
Diponegoro ng Java ang isang malawakang pag-aalsa. Noong 1930 nalupig ng mas
malakas na puwersa ng mga Dutch ang puwersa ni Diponegoro. Nagpatuloy ang
pakikibaka ng mga Indones para sa kalayaan noong ika-20 siglo. Isinagawa nila ito
sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga makabayang samahan.

 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Burma

Tulad ng China, nagsimulang mawala ang kalayaan ng Burma bunga ng


pagkatalo nito sa digmaan sa mga British. Nilagdaan ang Kasunduang Yandabo na
naging dahilan ng tuluyang pagkontrol ng Great Britain sa teritoryo ng Burma. Isa
sa mga hindi matanggap ng mga Burmese ay nang gawing lalawigan lamang ng
India ang Burma. Hinangad ng maraming Burmese na mahiwalay ang kanilang
bansa mula sa India. Magaganap lamang ito kung sila ay lalaya mula sa
pananakop ng mga British. Ang paghahangad na lumaya ang nagtulak sa mga
Burmese na ipahayag ang kanilang damdaming nasyonalismo.
Ang pagpapahayag ng damdaming nasyonalismo sa Burma ay nagsimula
noong 1900s sa pamumuno ng mga edukadong Burmese na nakapag-aral sa loob
at labas ng bansa. Bagama’t binigyan ng pagkakataon ng mga British na maging
bahagi ng lehislatura ang mga Burmese, hindi ito naging sapat upang masulong
ang kapakanakan ng Burma. Nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Burmese sa
pamamagitan ng rebelyon at pagtatatag ng mga makabayang samahan.

 Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Indochina

Bunga ng pagkakaiba ng kanilang lahi at kultura, hindi nakamit ng mga


taga-Indochina ang pagkakaisa upang labanan ang mga mananakop na
kanluranin. Ang mga Vietnamese ay nagpakita ng damdaming nasyonalismo sa
pamamagitan ng pakikidigma sa mga kanluranin. Nagkaroon ng malaking epekto
sa kalayaan ng Indochina ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sa
pagkakasangkot ng France na siyang nakasakop sa bansa. Suriin ang epekto sa
kalayaan ng Indochina habang at pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

9
Pagkamit ng Kalayaan

Pakikipaglaban sa mga Hapones

Anti-Facist People’s Freedom

All-Burma Student’s Union

Rebelyong Saya-San

Mga pagkilos tungo sa pagkamit ng kalayaan ng Burma

10
 Nasyonalismo sa Pilipinas

Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Nagpatupad


ang mga Espanyol ng mga patakarang pangkabuhayan, pampolitika at
pangkultura na nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Marami ang
naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpapataw ng buwis, pagkamkam sa mga
ari-arian at mga produktong Pilipino. Nabago din ang kultura ng mga Pilipino
dahil sa pagpapalaganap ng relihiyong Kristiyanismo. Naging laganap din ang
racial discrimination sa pagitan ng mga Espanyol at mga Pilipino na tinatawag na
Indio ng mga mananakop. Higit sa lahat, nawala ang karapatan at kalayaan ang
mga Pilipino na pamunuan ang kanilang sariling bansa. Naging sunud-sunuran
sila sa ilalim ng mapagmalupit na mga Espanyol.
Sa pagpasok ng ika-19 na siglo, nagkaroon ng malaking pagbabago sa
ekonomiya at lipunang Pilipino. Nabuksan ang Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan. Pumasok sa Pilipinas ang mga produkto mula sa mga Kanluranin.
Naging tanyag at mabili sa Kanluran ang mga produkto ng mga Pilpino tulad ng
asukal, kopra, tabako at iba pa. Ito ang nagbigay-daan sa pag-unlad ng kalakalan
sa bansa. Umusbong ang gitnang uri o middle class. Sila ay mayayamang Pilipino,
mestisong Tsino at Espanyol. Ang mga anak ng gitnang uri ay nakapag-aral sa mga
kilalang unibersidad sa Pilipinas at maging sa Espanya. Ang grupo ng ito ay
tinatawag na ilustrado mula sa salitang Latin na ilustre na ang ibig sabihin ay
“naliwanagan”.
Ang pagpapamalas ng nasyonalismong Pilipino ay pinasimulan ng mga
ilustrado na nagtatag ng Kilusang Propaganda at ipinagpatuloy ng mga Katipunero
na nagpasimula ng Katipunan. Paano nga ba ipinahayag ng mga Propagandista at
Katipunero ang damdaming nasyonalismo? Tunghayan ang dayagram.

11
Pamprosesong Tanong
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
papel.
1. Paano ipinamalas ng mga Tsino ang damdaming nasyonalismo sa harap
ng imperyalismong kanluranin?

2. Ano ang mga salik sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Timog-Silangang


Asya?

3. Paano ipinamalas ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ang


damdaming nasyonalismo?

Pagyamanin
Gawain 1: Nasyonalismo Tsart

Panuto: Sagutan ang graphic organizer tungkol sa pag-unlad ng nasyonalismo sa


Silangan Asya.

12
Mga Salik sa Paraan ng
Pag-unlad ng Pagpapamalas ng
BANSA Nasyonalismo Nasyonalismo

CHINA
SILANGANG
ASYA

JAPAN

Gawain 2: Nasyonalismo Tsart

Panuto: Sagutan ang graphic organizer tungkol sa pag-unlad ng nasyonalismo


sa Timog-Silangang Asya.

MGA SALIK SA PARAAN NG


PAG-UNLAD NG PAGPAPAMALAS NG
BANSA NASYONALISMO NASYONALISMO

PILIPINAS

INDONESIA
TIMOG-
SILANGANG
ASYA
INDOCHINA

MYANMAR

(BURMA)

13
Isaisip
Gawain: Opinyon Ko, Basahin N’yo!

Panuto: Ipaliwanag ang iyong opinyon ayon sa hinihingi ng katanungan.

Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksiyon ng mga Asyano sa kolonyalismo


at imperyalismong kanluranin . May mga gumamit ng civil disobedience,
rebolusyon, at pagyakap sa ideolohiya, pagtanggap sa mga pagbabagong dala ng
mga dayuhan at pagtatag ng mga makabayang samahan upang ipakita ang
damdaming nasyonalismo.
Bilang mag-aaral paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa
Isagawa
kasalukuyang panahon?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isagawa

Gawain: Iguhit Mo!


Gumawa ng poster tungkol sa pag-usbong ng NASYONALISMO sa PILIPNAS.
Iguhit ito sa isang LONG BONDPAPER. Bigyan ito ng maikling paliwanag. Kulayan
at lagyan ng desinyo upang kaaya-ayang tingnan.

Pangalan ______________________ Grade 7-___ Puntos _______

14

PALIWANAG:
Tayahin

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin mo at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sa paanong paraan nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig


sa paglaya ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?
A. Marami ang napinsala at namatay.
B. Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war.
C. Lumakas ang nasyonalismo at napabilis ang paglaya.
D. Umigting ang tunggalian ng ideolohiyang demokratiko at
komunismo.

2. Kung ang iyong bansa ay humaharap sa krisis ng pagtatanggol ng


teritoryo laban sa mas malakas na bansa, bilang kinatawan ng iyong
bansa alin sa sumusunod na pananaw ang isusulong mo sa iyong
gagawing resolusyon?
A. Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin
naman.
B. Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa para
walang gulo.
C. Isusulong ang pambansang interes at karapatan ng bansa
anuman ang mangyari.
D. Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin

15
upang magkaroon ng kalayaan.

3. Kung ikaw ay isa sa mga namumuno sa ating bansa at papasok ka sa


mga kasunduan ano ang dapat na isasaisip sa pagsulong nito?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating
karapatan.
B. Isusulong ang malayang kalakalan upang umunlad ang ating
ekonomiya.
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang manatili ang
kapayapaan.
D. Isusulong ang pag-unlad ng ating bansa kahit maapektuhan ang
ating kapaligiran.

4. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong


upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon ng pambansang
kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng sarili
para sa bayan, pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng sambahayan.
Ano ang tawag sa konseptong tinutukoy?
A. Patriotismo
B. Nasyonalismo
C. Kolonyalismo
D. Neokolonyalismo

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo?


A. Pagtangkilik ng sariling produkto
B. Pag-angkat ng mga produkto sa ibang bansa.
C. Pagpatibay ng ugnayang panlabas.
D. Wala sa mga nabanggit.

6. Sino ang tanyag na lider sa Japan na taglay ang damdaming nasyonalismo?


A. Emperador Mutsuhito
B. Sukarno
C. Ho Chi Minh
D. Tzu His

7. Sino ang mga tanyag na Lider sa China na kilala sa damdaming


nasyonalismo na kanilang taglay?
A. Sun Yat-Sen at Mao Zedong
B. Tzu Hsi at Henry Puyi
C. Chiang Kai-shek at Jiangxi
D. Sukarno at Sudirohusodo

8. Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan


at Timog-Silangang Asya sa pag-aangat ng mga malawakang kilusang
nasyonalista?
A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil.
B. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kalayaan.
C. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang
kalayaan.
D. Milyon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod
ang nasira.

9. Upang maipahayag ng mga Tsino ang kanilang pagtutol mula sa


panghihimasok ng mga dayuhan, sila ay nagsagawa ng dalawang

16
rebelyon. Ano ang mga rebelyon na ito?
A. Rebelyong Opyo at Rebelyong Ho Chi
B. Rebelyong Ilustre at Rebelyong Boxer
C. Rebelyong Propaganda at Rebelyong Taiping
D. Rebelyong Taiping at Rebelyong Boxer
10. Magkakaiba ang pamamaraang ginamit ng mga Asyano sa
pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo. Alin sa sumusunod ang
mga samahan na itinatag ng mga Pilipino na naglalayong ipakita
ang kanilang pagmamahal sa bayan?
A. Bodi Utomo at Sarekat Islam
B. Kilusang Propaganda at Katipunan
C. Partido Kuomintang at Partido Kunchantang
D. Anti-Facist People’s Freedom League

11. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng kamalayan ng isang lahi na sila ay


may iisang kasaysayan, wika, at pagpapahalaga?
A. Imperyalismo
B. Rebolusyon
C. Kolonyalismo
D. Nasyonalismo

12. Alin sa mga sumusunod na lider ang isa sa mga nagtatag ng Katipunan?
A. Jose Rizal
B. Andres Bonifacio
C. Marcelo H. Del Pilar
D. Gregorio Sancianco

13. Ang pagdating ng iba’t-ibang mananakop sa Silangan at Timog-


Silangang Asya ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pamumuhay
ng mga Asyano. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagbabago
sa aspektong politikal ng mga nasakop na bansa?
A. Pagtataguyod ng makabagong sistema ng edukasyon
B. Pagpapatayo ng mga imprastraktura
C. Pagbabago sa paniniwala at relihiyon
D. Pagkawala ng karapatang pamunuan ang sariling bansa

14. Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong


Kanluranin sa Asya. Isa dito ay ang pagbabago sa kultura na naging
dahilan sa kawalan ng tunay na pagkakaisa ng mga mamamayang
Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may kaugnayan sa mga
hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang
nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na
suliranin?
A. Sisihin ang mga kanluraning bansa na nananakop sa mga
bansang Asyano
B. Tanggihan ang mga turista na mula sa mga bansa na nanakop
noon sa Asya
C. Magsumikap sa pag-aaral upang hind imaging pabigat sa lipunan
D.Tanggapin ang mga pagbabagong naganap at gamitin para
mapaunlad ang bansa

17
15. Ano ang nag-udyok sa mga bansang Asyano na ipamalas ang
damdaming nasyonalismo?
A. Dahil sa magandang pakikitungo ng mga dayuhan.
B. Dahil sa paggalang at pagmamahal nila sa kanilang bayan.
C. Dahil sa ipinamalas na kagitingan ng mga taga kanluranin
upang sakupin sila.
D. Dahil sa kahirapan at pagmamaltrato na kanilang naranasan at
bilang pagmamahal sa bayan na kanilang kinabibilangan.

Karagdagang Gawain
Panuto: Sumulat ng repleksiyon tungkol sa kahalagan ng pagpapahayag ng
damdaming nasyonalismo sa kasalukuyang panahon.

Susi saPagwawasto

Tuklasin
1. Ho Chi Minh
2. Jose Rizal
3. Sukarno

Paunang Pagtataya Panghuling


Pagtataya
1. B
1. C
2. B
2. C
3. A
3. A
4. D
4. B
5. C
5. A
6. B
18 6. A
7. C
7. A
8. D
9. D

Sanggunian

Aklat

Blando, Rosemarie,et.al.Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul


ng Mag-aaral ), pahina 346-359 , Edisyon 2014

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Tagbilaran City Division


Rajah Sikatunana Avenue, Dampas Tagbilaran City Bohol 6300
Telefax: (038)427-1702
Email address: tagbilarancitydivision@deped.gov.ph

19

You might also like