You are on page 1of 24

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Aral Pan – Ikapitong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Teresa A. Bano, L.P.T.
Editor: Jerlyn M. Pantollano, L.P.T.
Tagasuri: King James M. Saludares, M.A.Ed.
Tagalapat: Teresa A. Bano, L.P.T.
Tagapamahala: Teresa A. Bano, L.P.T.
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio – Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief-Curriculum Implementation Division
Leila L. Ibita –Education Program Supervisor –Araling Panlipunan
Lorna C. Ragos – Education Program Supervisor
- Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI
Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan-Baitang


Pito ng Self Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Mga Sinaunang
Kabihasnan sa Asya at Pamumuhay sa Asya
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Baitang Pito ng Self


Learning Module (SLM) ukol sa Sinaunang Kabihasnan at Pamumuhay sa
Asya.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at
layunin. Sapamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha, atmagsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ngmodyul. Kung nakuha mo ang
lahat ngtamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Aralin Sa bahaging ito bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Gawin Ito ay naglalaman ng mga Gawain upang

matulunangan kang matuklasan at


maunawaan ang konsepto ng mga
aralin.

Sanayin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at
mga kasanayan sa paksa.

Tandaan Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap
o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Suriin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iii
Payabungin Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Pagnilayan Naglalaman ito panghuling

kaalaman at mga konseptong may


kaugnayan sa aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
v
Alamin Natin

Sa araling ito, malalaman mo ang tungkol sa konsepto ng kabihasnan


at katangian nito. Tatalakayin dito ang kahulugan at pagkakaiba ng
kabihasnan at sibilisasyon. Layunin ng modyul na ito na iyong matuklasan
ang konsepto at kahulugan ng kabihasnan, paano ito umusbong, umunlad
at nagpatuloy sa kasalukuyang panahon.
Sa yunit na ito ay tutuklasin at lilinangin mo ang iyong mga kasanayan
para sa pagtuklas ng mga kaalaman na may kaugnayan sa pag-usbong ng
kabihasnan sa Asya at ang mga batayang salik sa pagbubuo ng kabihasnan.
Handa ka na bang alamin ang lahat ng ito? Marahil ay handa ka na sa
pagsasagawa ng mga gawain, halika na.

Mga Aralin at Saklaw ng Yunit

Aralin 1 – Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng kabihasnan at katangian nito


2. Napaghahambing ang kahulugan ng kabihasnan at sibilisasyon
3. Naiisa-isa ang mga pangyayari at pagbabagong naganap sa bawat
panahon, kapaligiran at mga tao na naging dahilan ng pag-usbong ng
kabihasnan

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano
Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano,
pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang
kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.
Pamantayan sa Pagkatuto
Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito.
(AP7KSA-IIb-1.3 )

1
Subukin Natin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap at piliin ang titik


ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng Kabihasnan?


A. Mataas na uri ng panirahan sa malawak na lupain
B. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming
pangkat ng tao
C. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng
mamamayan
D. Paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan

2. Sa aling panahon ng sinaunang tao nagkaroon ng malawakang


pagsasaka at pag-aalaga ng hayop?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko

3. Gaano kahalaga ang sistema ng pagsulat para sa mga sinaunang


kabihasnan?
A. Mayroong mga tala ng pangyayari noon na naging batayan ng
pananaliksik ngayon
B. May naiwan pang mga nakasulat na mga tula, awit at epiko
C. Nagkaroon ng talaan ng mga produkto na ikinakalakal noong unang
panahon
D. Nagkaroon ng paraan ng komunikasyon at pakikipagtalastasan

4. Anong panahon ng sinaunang tao nadiskubre ang apoy?


A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko

5. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon


ng kabihasnan?
A. Organisado at sentralisadong pamahalaan,relihiyon, uring
panlipunan, sining, arkitektura at pagsusulat
B. Pamahalaan, relihiyon, sining , arkitektura at pagsusulat
C. Pamahalaan , relihiyon, kultura, mga batas at pagsusulat
D. Sinaunang pamumuhay, pamahalaan, relihiyon at pagsulat
6. Ang mga sumusunod ay mga bagay na mahalaga sa buhay ng mga
sinaunang Asyano MALIBAN sa:
A. Apoy B. Espada C. Kuweba D. Punongkahoy

2
7. Alin sa sumusunod ang nadiskubre ng mga Hittite sa panahon ng
metal?
A. Apog
B. Bakal
C. Bronse
D. Tanso

8. Paano hinarap ng mga unang magsasaka ang hamon ng


nagbabagong kapaligiran?
A. Pagdepende sa kung ano ang makukuha sa kapaligiran
B. Paggawa ng mga kasangkapan mula sa kapaligiran
C. Paggamit ng talino sa pagsasaka at pagpapaamo ng hayop
D. Paglipat-lipat ng tirahan para humanap ng kabuhayan

9. Ano-ano ang tatlong metal na nadiskubre sa panahon ng metal?


A. Tanso, bronse at bakal
B. Lata, bakal at pilak
C. Tanso, lata at ginto
D. Ginto, ruby at diamante

10. Anong panahon nagsimulang maging kaibigan ng tao ang aso?


A. Mesolitiko
B. Metal
C. Neolitiko
D. Paleolitiko

3
Aralin Natin
Panuto: Pag-aralan at unawaing mabuti ang mga sumusunod na
teksto tungkol sa sinaunang kabihasnan sa Asya at ang mga pagbabago sa
paglipas ng panahon o Ebolusyong Kultural sa Asya.

Mga Batayang Salik sa Pagbubuo ng Kabihasnan


Ano ang kahulugan ng kabihasnan? ng sibilisasyon? Ang sibilisasyon
ay nagmula sa salitang Latin na civitas na ibig-sabihin ay lungsod kung
gayon, sinasabing ang sibilisasyon ay masalimuot na pamumuhay sa
lungsod. Samantalang ang kabihasnan ay nagmula sa salitang-ugat na
bihasa – ibig sabihin ay eksperto, sanay o magaling. Kung gayon ang
kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat
ng tao. Kasama na rito ang wika, kaugalian, paniniwala at sining. Ang
pagkakaroon ng sibilisasyon ay ayon sa pagharap sa mga hamon sa
kapaligiran at kung papaano mo ito matutugunan gamit ang lakas at talino
dahil ito ang magpapaunlad sa kaniyang pagkatao.
May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan, kabilang na
dito ang pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan,
masalimuot na relihiyon, espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at
uring panlipunan, mataas na kaalaman sa teknolohiya, sining at arkitektura
at sistema sa pagsusulat. Ang Sumer, Indus at Shang ay may mga lungsod
na kung saan matatawag ding sibilisasyon. Agrikultural ang pangunahing
pamumuhay dito, malapit sa matabang lambak-ilog at nang lumaon ay
nakaimbento ng mga kagamitan sa pagsasaka. Nakapagpatayo ng mga
templo, nakapag-imbento ng mga kagamitang yari sa metal na ginagamit sa
pakikipagkalakalan dahil sa angking kagalingan ng mga artisano. Pinakahuli
ang sistema sa pagsulat upang maitala ang mga bagay na ipinapasok sa
imbakan ng templo kaya naimbento ito ng mga pari.

4
Mga Pagbabago sa Paglipas ng Panahon
(Ebolusyong Kultural sa Asya)

1. Panahong Paleolitiko (400,000 – 8500 BCE) Ang salitang paleolitiko ay


mula sa salitang Greek na palaios na ang ibig sabihin ay matanda o luma at
lithic na ang ibig sabihin ay bato. Tanda ng matalinong tao ang kakayahan
sa paggamit ng bato. Umaasa lamang sila sa kapaligiran na makakatustus
sa pangunahing pangangailangan. Madalas ang mga lalaki naghahanap ng
mga hayop bilang kanilang pagkain at ang mga babae ay nagbabantay sa
apoy at nangangalap ng pagkain na nasa kanilang paligid. Nomadiko
(palipat-lipat) ang ganitong pamumuhay. Ang pinakamahalagang tuklas ng
tao sa panahong ito ay ang paggamit ng APOY na siyang ginagamit sa
pagluluto, pagbibigay init sa malamig na panahon at proteksyon laban sa
mga mababangis na hayop. Sa kanilang pagpapalipat-lipat, kinailangan
nilang i-angkop ang kanilang sarili sa mga lupaing may malalamig na klima.

Halimbawa ng kagamitang bato na ginamit sa panahong paleolitiko

Piesquared93,paleilithioc stone, https://commons.m.wikimedia.org/wiki/File:Wikiartifact-page-001.jpg. Creative


Commons Attribution-ShareAlike License

5
2. Panahong Mesolitiko (10000-4500BCE) Ang salitang Mesolitiko ay
nagmula sa salitang Greek na meso na ang ibig sabihin ay gitna at ang
lithic ay bato na kung tawagin ay Panahon ng Gitnang Bato. Dahil sa
pagkatunaw ng mga glacier o malalaking tipak ng yelo nagsimulang
lumago ang mga kagubatan. Nanirahan sa mga pampang ng ilog at
dagat ang taong mesolitiko upang mabuhay. Nagkaroon ng
kakulangan sa suplay ng pagkain at unti-unting nauubos ang pagkain
sa paligid kaya natuto silang magpaamo ng aso bilang katulong sa
pangangaso, natutong maghanap ng pagkain sa anyong tubig at
pagkaing dagat at natutong gumawa ng kasuotan o damit mula sa
balat ng hayop bilang proteksyon sa katawan sa nagbabagong
panahon. Sa panahong ito naganap ang transisyon sa panahong
Neolitiko.

Halimbawa ng kagamitang bato na ginamit sa panahong mesolitiko

Graham Hill, 2012-05-,Mesolithic blades with oblique truncated dorsal


scars29https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Mesolithic_blades_with_oblique_truncated_dorsal_scars_(FindID_505016).jpg
. Creative Commons Attribution-Share Alike 2.0 Generic.

6
3. Panahong Neolitiko (7000-3000 BCE) Ito ay hango sa salitang Greek na
naois na nangangahulugang bago at lithic na ibig sabihin ay bato na kung
tawagin ay Panahon ng Bagong Baton a kung tawagin sa wikang Ingles ay
New Stone Age. Liban sa paggawa ng pulidong kagamitang bato,
ang agrikultura ang pinakamahalagang natuklasan ng tao sa panahong ito.
Malawakan ang naging pagtatanim kaya tinawag itong Rebolusyong
Neolitiko. Sila ang tinatawag na unang magsasaka sa kabihasnan. Una
nilang itinanim ang cereal at bulak sa Indus sa Timog Asya, palay at
halamang ugat tulad ng gabi naman sa Timog Silangang Asya at cereal at
puno ng mulberry sa hilagang China.
Sa pamamagitan ng pangangaso, natutunan ng taong magsaka
at maghahayupan, dito nagsimula ang kanilang pirmihang paninirahan o
pamayanan. Nagsimula ang iba’t ibang hanapbuhay ng tao gaya ng
pangingisda at pagsasaka at nabuo ang konsepto ng kabihasnan. Nagkaroon
ng iba’t ibang kasanayan o aspeto ng pamumuhay at nagkaroon din ng pag-
uuri sa lipunan. Gamit ang katalinuhan ng sinaunang tao ay nagtagumpay
sa paglikha ng mga gamit na higit na matibay kaysa bato, ang metal.

Biswarup Ganguly. Diorama An Early Neolithic Village,


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Diorama_An_Early_Neolithic_Village_-
_Science_and_Technology_Heritage_of_India_Gallery_-_Science_Exploration_Hall_-_Science_City_-
_Kolkata_2016-03-29_3055.JPG. Creative Commons Attribution 3.0 Unported

7
4. Panahon ng Metal (4000 BCE) Nabuo ang panahong metal dahil na rin sa
patuloy na paglaganap at pagbabago sa lipunan. Sa paglaon ng panahon, ang
mga kagamitang bato ay napalitan ng mga kagamitang metal na tanso, sa
proseso ng pagtunaw ng copper ore nakagawa ang mga unang tao ng metal na
tanso. Sa katalinuhang taglay ng tao naka-eksperimento ng bronze gamit ang
pinaghalong metal na tanso at tin , isang metal na mas matibay sa tanso.
Mula dito nakagawa sila ng mga kagamitang pansaka at mga kagamitanmg
pandigma. Kinalaunan ay natuklasan ang bakal ng mga Hittite sa Kanlurang
Asya na gamit pa rin hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito ay nakagawa sila
ng mas matitibay na kagamitang pansaka at mga matatalim na sandata laban
sa mga mababangis na hayop.
Namulat ang sinaunang tao sa paggamit ng iba’t ibang metal mula sa tanso,
bronse at bakal. Ito ang nakapagpapalawak sa kanilang pamumuhay.
Kagamitang yari sa tanso

Bjoertvedt, Copper age middle 3500-2700BC copper ax,


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Copper_age_middle_3500-2700BC_copper_ax_IMG_0935.jpg.
Creative Commons Attribution-Share Alike 4.0 International

Kagamitang yari sa bronse

Peter Reavill, 2010-10-27. Late Bronze Age: Axe Hoard,


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Late_Bronze_Age,_Axe_Hoard_(FindID_412514-301887).jpg, Creative
Commons Attribution-Share Alike 2.0 Generic

8
Kagamitang yari sa bakal

Museovirasto, Late Iron Age swords found from Finland.


https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Late_Iron_Age_swords_found_from_Finland.jpg. Creative
Commons Attribution 4.0 International

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang pangunahing katangian ng kabihasnan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang mga salik o batayan sa pagbuo ng kabihasnan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Paano naging mahalaga ang mga sandatang natuklasan ng mga


sinaunang Asyano para sa kanilang pang- araw-araw na pamumuhay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Paano hinarap ng mga sinaunang Asyano ang mga hamon ng


pagbabago ng kapaligiran?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

9
Gawin Natin

Matapos mong matuklasan ang mga konsepto at katangian ng


kabihasnan. Ngayon naman ay itala mo sa bawat bahagi ng bilog ang
mga salik at batayan sa pagbuo ng kabihasnan.

Mga Salik sa
Pagbuo ng
Kabihasnan

Tanong:
➢ Kung sakaling mawala ang isang salik o batayan, masasabi pa rin
bang isang kabihasnan ang mabubuo? Ipaliwanag ang iyong
kasagutan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

10
Sanayin Natin
Ladder Web: Isulat ang unti-unting pag-unlad ng mga kaganapan sa
paglipas ng panahon ng mga sinaunang Asyano.

Metal

Neolitiko

Mesolitiko

Paleolitiko

11
Tandaan Natin

Natapos mo nang tuklasin, tukuyin at pag-aralan ang konsepto ng


kabihasnan at ebolusyong kultural sa Asya, ngayon naman ay simulan mong
sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang Rebolusyong Neolitiko?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Sino ang mga unang nakadiskubre ng bakal?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano-ano ang naging kahalagahan ng bakal?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Sa iyong sariling pag-unawa, ano ang mga pagkakaiba ng kabihasnan


at sibilisasyon?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Paano hinarap ng mga sinaunang Asyano ang mga hamon ng


nagbabagong kapaligiran?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

12
Suriin Natin
Panuto: Punan ang tsart ng mga impormasyon tungkol sa iba’t
ibang panahon.

Paleolitiko Mesolitiko Neolitiko Metal

Taon

Katangian

Mga
Natuklasan/
Kagamitan

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG DATA RETRIEVAL CHART


PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY 3 MAGSANAY PUNTOS
5 PA 1
NILALAMAN Lahat ng 1-4 sa mga 5-pataas sa
impormasyong impormasyong mga nailahad
nailahad ay nailahad ay hindi na
wasto. wasto impormasyon
ay hindi
wasto

Taon

Katangian

Mga
Natuklasan/
Kagamitan

KABUUAN

13
Payabungin Natin

Panuto: Kopyahin ang Crossword Puzzle, hanapin at bilugan ang


wastong salita na tinutukoy ng bawat aytem sa ibaba.

P A M N O M A D I K O J A L
P N E O L I T I K O R R S U
A B S I B I L I S A S Y O N
G L O B R J U G R P J O Y E
S G L W A R O R B O Y I J L
A M I Q W K U F R Y I L P T
S D T V F K A H O Y R R F E
A M I B D Y L L N E Y U D G
K L K B B I H A S A H K X V
A C O M W H I T E M I F Z J
A D F T U I P K B N J K L E

________________1. Ang transisyon sa panahong paleolitiko at neolitiko


________________ 2.Masalimuot na lungsod
________________ 3.Uri ng metal na pinaghalong tin(lata) at tanso
________________ 4.Ibig-sabihin ay eksperto, sanay o magaling
________________ 5.Pinakamahalagang nadiskubre ng taong paleolitiko
________________ 6.Katulong ng taong mesolitiko sa pangangaso
________________ 7.Pangunahing pamumuhay ng mga sinaunang Asyano
________________ 8.Walang permanenting tirahan
________________ 9.Panahon na nagkaroon ng malawakang pagsasaka
________________ 10.Natuklasan ng mga Hittite sa Kanlurang Asya

14
Pagnilayan Natin

Ngayon natutunan mo na ang iba’t ibang konsepto ng kabihasnan at


naunawaan ang pag-usbong ng sinaunang kabihasnan sa Asya. Higit mo
nang mabigyan ng malalim at malawak na pang-unawa ang mga bagay at
kaalaman tungkol sa paksa upang maging handa ang iyong sarili sa
paglalapat ng iyong natutunan sa ating aralin.

Panuto: Sagutin ang mga katanungan ayon sa iyong pag-unawa sa aralin.

1. Anong mga pagpapahalaga ang ipinamalas ng mga sinaunang tao na


kailangan mong paunlarin sa iyong sarili?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________
2. Ano ang kahalagahan ng pagkabuo ng sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang lipunan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________
3. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag natutong humarap sa
hamon ng kapaligiran ang mga sinaunang Asyano gamit ang lakas at
talino, sa kasalukuyang panahon anong klaseng hamon ang
kinakaharap ng mga Asyano?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________

15
16
Payabungin
1. Mesolitiko
2. Sibilisasyon
3. Bronse
4. Bihasa
5. Apoy Suriin Natin
Pagnilayan 6. Aso
7. Pagsasaka Maaaring iba-iba
Maaaring iba-iba
8. Nomadiko ang sagot
ang sagot
9. Neolitiko
10. Bakal
Sanayin Natin
-Maaaring iba-iba ang Gawin Natin Subukin
sagot - Sentralisadongpamahalaan
1. B
- Masalimuot na relihiyon
Tandaan Natin 2. C
- Espesyalisasyon sa gawaing
1. Malawakang pagsasaka 3. A
pang-ekonomiya at uring
2. Hittite sa Kanlurang Asya panlipunan 4. D
3. (Maaaring iba-iba ang - Mataas na antas ng 5. A
sagot) kaalaman sa teknolohiya, 6. B
4. (Maaaring iba-iba ang sining at arkitektura 7. B
sagot) - Sistema ng pagsulat 8. C
5. (Maaaring iba-iba ang 9. A
sagot) 10. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Blanco, Rosemarie C., Sebastian Adelina A., Espiritu, Angelo C., Golveque, Erna
C., Jamora, August M., Capua, Regina R.,Victor, Armi S.,Balgos, Sandra I., Del
Rosario, Aallan F., Mariano, RandyR. ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng
Pagkakaiba.Pasig City: Vibal Group, Inc., 2015

Mateo, Grace Estela C., Jose, Ricardo T., Camagay Ma. Luisa T., Miranda, Evelyn
A., Boncan, Celestina P. Asya Pag-usbong ng Kabihasnan. Quezon City: Vibal
Group, Inc., 2008

Department of Education: K-12 Most Essential Learning Competencies With

Corresponding CG Codes, 2020, 47

17

You might also like