You are on page 1of 40

IKALAWANG MARKAHAN

EsP G7

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na
hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayumpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas
sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring
kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot
ng Kagawaran.

Ang modyul na ito ay masusing sinuri at niribisa ayon


sa pamantayan ng DepEd Regional Office 4A at ng Curriculum
and Learning Management Division CALABARZON. Ang bawat
bahagi ay tiniyak na walang nilabag sa mga panuntunan na
isinasaad ng Intellectual Property Rights (IPR) para sa
karapatang pampagkatuto.

Mga Tagasuri

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


PIVOT 4A Learner’s Material
Ikalawang Markahan
Unang Edisyon, 2020

Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ikapitong Baitang

Job S. Zape, Jr.


PIVOT 4A Instructional Design & Development Lead

Rosalie C. Madera
Content Creator & Writer
Jaypee E. Lopo
Internal Reviewer & Editor
Lhovie A. Cauilan, Jael Faith T. Ledesma & Hiyasmin D. Capelo
Layout Artist & Illustrator
Jhucel A. del Rosario & Melanie Mae N. Moreno
Graphic Artist & Cover Designer
Ephraim L. Gibas
IT & Logistics
Earvin Pelagio, Komisyon sa Wikang Filipino
External Reviewer & Language Editor

Inilathala ng: Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon 4A CALABARZON


Patnugot: Wilfredo E. Cabral
Pangalawang Patnugot: Ruth L. Fuentes

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


Gabay sa Paggamit ng PIVOT 4A Learner’s Material
Para sa Tagapagpadaloy

Ang modyul na ito ay inihanda upang makatulong sa ating mga


mag-aaral na madaling matutuhan ang mga aralin sa asignaturang
Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang mga bahaging nakapaloob dito ay
sinigurong naayon sa mga ibinigay na layunin.
Hinihiling ang iyong paggabay sa ating mga mag-aaral para sa
paggamit nito. Malaki ang iyong maitutulong sa pag-unlad nila sa
pagpapakita ng kakayahang may tiwala sa sarili na kanilang magiging
gabay sa mga sumusunod na aralin.

Para sa Mag-aaral

Ang modyul na ito ay ginawa bilang sagot sa iyong


pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul
na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anomang marka o sulat ang anomang bahagi nito. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga gawain sa pagkatuto.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat gawain.
3. Maging tapat sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Punan ang PIVOT Assessment Card for Learners sa pahina 38 sa
pamamagitan ng akmang simbolo sa iyong Lebel ng Performans
pagkatapos ng bawat gawain.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagpadaloy kung
tapos nang sagutin ang lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa


modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagpadaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong magulang o
taga pag-alaga, o sinomang mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na
pang-unawa. Kaya mo ito!

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


Mga Bahagi ng PIVOT 4A Modyul
K to 12 Learning
Nilalaman
Delivery Process
Ang bahaging ito ay naglalahad ng MELC at ninanais na
(Introduction)

Alamin resulta ng pagkatuto para sa araw o linggo, layunin ng


Panimula

aralin, pangunahing nilalaman at mga kaugnay na


halimbawa para makita ng mag-aaral ang sariling
Suriin kaalaman tungkol sa nilalaman at kasanayang
kailangan para sa aralin.

Ang bahaging ito ay nagtataglay ng mga aktibidad,


Subukin gawain at nilalaman na mahalaga at kawili-wili sa
(Development)
Pagpapaunlad

mag-aaral. Ang karamihan sa mga gawain ay umiinog


sa mga konseptong magpapaunlad at magpapahusay ng
Tuklasin
mga kasanayan sa MELC. Layunin nito na makita o
matukoy ng mag-aaral ang alam niya, hindi pa niya
Pagyamanin alam at ano pa ang gusto niyang malaman at
matutuhan.
Ang bahaging ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa
mag-aaral na makisali sa iba’t ibang gawain at
oportunidad sa pagbuo ng kanilang mga Knowledge,
Isagawa
Skills at Attitudes (KSA) upang makahulugang
Pakikipagpalihan
(Engagement)

mapag-ugnay-ugnay ang kaniyang mga natutuhan


pagkatapos ng mga gawain sa Pagpapaunlad o D.
Inilalantad ng bahaging ito sa mag-aaral ang totoong
sitwasyon/gawain sa buhay na magpapasidhi ng
Linangin kaniyang interes upang matugunan ang inaasahan,
gawing kasiya-siya ang kaniyang pagganap o lumikha
ng isang produkto o gawain upang ganap niyang
Iangkop maunawaan ang mga kasanayan at konsepto.

Ang bahaging ito ay maghahatid sa mag-aaral sa


proseso ng pagpapakita ng mga ideya, interpretasyon,
Isaisip pananaw, o pagpapahalaga upang makalikha ng mga
(Assimilation)

piraso ng impormasyon na magiging bahagi ng kaniyang


Paglalapat

kaalaman sa pagbibigay ng epektibong repleksiyon, pag-


uugnay o paggamit sa alinmang sitwasyon o konteksto.
Hinihikayat ng bahaging ito ang mag-aaral na lumikha
Tayahin ng mga estrukturang konseptuwal na magbibigay sa
kaniya ng pagkakataong pagsama-samahin ang mga
bago at dati ng natutuhan.

Ang modyul na ito ay nagtataglay ng mga pangunahing impormasyon at gabay sa


pag-unawa ng mga Most Essential Learning Competencies (MELCs). Ang higit na
pag-aaral ng mga nilalaman, konsepto at mga kasanayan ay maisasakatuparan sa
tulong ng K to 12 Learning Materials at iba pang karagdagang kagamitan tulad ng
Worktext at Textbook na ipagkakaloob ng mga paaralan at/o mga Sangay ng Kagawaran
ng Edukasyon. Magagamit din ang iba pang mga paraan ng paghahatid ng kaalaman
tulad ng Radio-based at TV-based Instructions o RBI at TVI.

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


WEEKS Pagbuo ng Angkop na Pasya Gamit ang Isip
1-2 at Kilos-loob
Aralin
I
Natutuhan mo sa unang markahan kung ano ang mga inaasahan sa iyo
bilang nagdadalaga at nagbibinata. Nabatid mo kung papaano mo patuloy na
pauunlarin ang iyong mga talento at mga nahihiligang gawin upang makatulong
sa iyong paghahanda sa kukuning kurso sa kolehiyo, pang-akademiko man o
teknikal-bokasyonal o kung ikaw naman ay naghahanda para sa pagnenegosyo.
Ang mga bagay na iyon ay makatutulong sa iyo upang ikaw ay umunlad,
makapaglingkod sa kapwa at sa lipunan.

A B

C D Aha, alam
ko na!

Tuturuan ka naman ng bagong araling ito kung paano makabubuo ng


angkop na mga pasya gamit ang isip at kilos-loob. Makatutulong ito sa iyo upang
makapili ng mga desisyon tulad ng mga ipinakikita ng mga larawan sa itaas.
Huhubugin ka rin tungo sa pag-unlad ng iyong pagkatao. Magagamit mo ang
kaalaman at kasanayan upang maging matagumpay sa lahat ng hamon ng buhay.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang: a) natutukoy mo ang mga
katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob; b) nasusuri mo ang isang
pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob; c) naipaliliwanag
mo na ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang kaniyang
mga pagpapasya ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan; at d)
naisasagawa mo ang pagbuo ng angkop na pagpapasya tungo sa katotohanan at
kabutihan gamit ang isip at kilos-loob.

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 6


D
Nais mo bang mabuhay nang masaya, may kapayapaan at maging bahagi
ng paglaganap ng katotohanan at kabutihan?
Ang bawat tao ay nagnanais na mamuhay nang payapa at masaya. Ito ay
maisasakatuparan kung gagamitin mo nang wasto ang mga bagay na
ipinagkaloob sa iyo. Ikaw at ang lahat ay pinagkalooban ng isip at kilos-loob
upang magamit sa pagpapasya tungo sa isang kasiya-siyang buhay. Subukin mo
ang iyong kaalaman sa pagsagot sa mga mga gawain sa ibaba.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Isulat ang salitang Tama kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng paggamit ng isip sa pagpapasya. Isulat naman ang salitang Mali
kung ang sitwasyon ay hindi pinag-isipan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
_____1. Pinili ni Gerick na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa kabila ng
pandemya na pinagdaraanan ng bansa at maging ng mundo.
_____2. Agad ipinapasa ni Lanie sa iba ang natatanggap na forwarded na
mensahe sa cellphone patungkol sa nangyayari sa lipunan.
_____3. Si Rico ay labintatlong taong gulang pa lamang ngunit lumalabas na ng
bahay kahit ipinagbabawal pa ito dahil sa COVID-19.
_____4. Naglilinis muna ng sarili bago pumasok ng bahay ang ama ni Nelia galing
sa trabaho.
_____5. Nagtatanim ng gulay sa bakanteng lupa ang pamilya ni Arnold upang may
makain sila at mabigyan din ang kapitbahay.

Natukoy mo ba ang mga sitwasyon na nagsasaad na ito ay ginamitan ng


isip at kilos-loob sa pagpapasya? Ano ang iyong naging batayan?
Sa pagkakataong ito, suriin mo naman kung ang nakasaad ay tunguhin ng
isip o ng kilos-loob.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin kung ang sitwasyon ay naaayon sa Isip
o Kilos-loob. Lagyan ng tsek (✓) sa tapat ng angkop na hanay. Gawin ito sa iyong

Isip Kilos-loob
Pagbabasa ng mga kaugnay na babasahin sa
pag-alam ng totoong pangyayari.

Pagtulong sa kapwa sa kabila ng pandemya.

Pagsunod sa ipinatutupad na mga batas.

7 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


Nakagawa ka na ba ng mabigat na pasya sa iyong buhay? Bawat araw,
bawat oras, bawat minuto at bawat sandali ng buhay, ikaw ay gumagawa ng mga
pagpapasya. Mayroong mga simple at komplikado o mabibigat na pagpapasya.
Ang bawat pasya ay maaaring makabuo o makawasak ng pagkatao at
kinabukasan ng isang tao. Anomang pagpapasyahan mo ay nagmumula sa iyong
isipan at patungo sa kilos-loob. Ano nga ba ang isip at kilos-loob?

Isip. Ito ay isa sa mga imahe ng Diyos na taglay mo at ng bawat tao na may
kakayahan upang makaalam ng mga bagay na totoo. Ang isip din ay may
kakayahan upang makapagbuo ng pagpapasya, makapagbigay katwiran sa mga
bagay-bagay, makaunawa at makapagsuri sa mga kaganapan sa kapaligiran.

Kilos-loob. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ito ay ang makatwirang


pagkagusto. Ang kilos-loob ay patungo sa layunin na mapabuti hindi lamang ang
sarili kundi pati ang ibang tao. Ito ay pagpili sa isang bagay dahil batid mo na ang
patutunguhan nito ay para sa kabutihang panlahat. Hindi kailanman nanaisin ng
kilos-loob ang masama sapagkat ito ay laging panig sa mabuti.
Upang lubos mong maunawaan ang isip at kilos-loob, narito ang
talahanayan ng katangian, gamit at tunguhin ng mga ito.

Katangian, Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob

Isip Kilos-loob
Katangian Mangatwiran Mapanagutang-kilos
Magsuri
Gamit Pag-unawa Paggawa
Pagpapasya
Tunguhin Katotohanan Kabutihan

Ang tao ay nakagagawa ng masama kung ang kilos-loob ay


naiimpluwensiyahan ng isip. Malaki ang bahaging ginagampanan ng isip sa tao
sapagkat ang kilos-loob ay nakabatay sa kung ano ang ididikta ng isip.
Ang layunin ng kilos-loob ay para sa kabutihan at ang tunguhin o nais
patunguhan ng isip ay katotohanan. Ang gampanin ng isip ay alamin ang mabuti.
Ang mabuti ay may iba’t ibang uri. Ito ay nakaayon kung paano uunawain at
hahanapin ng tao ang kung ano ang higit na mabuti. Dahil ang isip at kilos-loob
ay may malaking gampanin tungo sa pag-unlad ng pagkatao ng tao, nararapat
lamang na sanayin ang mga ito upang mapaunlad ang kakanyahan ng isang tao
patungo sa kabutihan.

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 8


Ang ilan sa mga paraan upang mapaunlad ang isip at kilos-loob patungo sa
kabutihan ay ang mga sumusunod:
 Palagiang pagbabasa ng mga libro o anomang babasahin na
makapagpapaunlad ng kaisipan.
 Pagninilay-nilay sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid.
 Pag-alam sa mga panuntunang moral.
 Pagiging mapanuri sa mga lumalabas na bagong katuruan.
 Pagsasaalang-alang ng kabutihang panlahat sa pagpili ng kilos.
 Pagsasabuhay ng mga prinsipyong nakaangkla sa moralidad.
 Pagsisikap na mamuhay nang may pagpapahalaga sa kapwa.
Mahalaga na mapaunlad ang isip ng tao sa pamamagitan ng pag-aaral at
pagtuklas ng iba’t ibang kaalaman. Hindi ito nagtatapos sa dami ng nalalaman.
Ang tunay na matalinong tao ay alam kung ano, bakit, kailan, saan at paano
isasakatuparan ang mga bagay-bagay. Ang pag-unlad ng isip ay ang
pagsasabuhay ng katotohanan at paghahangad na mapabuti ang kapwa.
Ang bawat mamamayang katulad mo ay inaasahan na patuloy na
pauunlarin ang isip at kilos-loob. Ikaw, gayundin ang lahat, ay may tungkulin sa
iyong sarili, sa iyong kapwa at sa pamayanan na makatutulong upang makamit
ang tagumpay ng buhay patungo sa kabutihang panlahat—ang layunin ng
pagkalikha sa bawat nilalang.
Paano ka nga ba nagpapasya?
Ano-ano ang dapat mong gawin
“Pag-unlad
upang masigurong makagagawa ka ng isip:
ng tamang desisyon?
Makabubuo ka nang wastong
pagsasabuhay ng
pasya sa tulong ng mga sumusunod katotohanan.”
na mga hakbang:
1. Tukuyin o alamin ang iyong layunin o nais na resulta.
2. Mangalap ng iba’t ibang impormasyon na magiging batayan mo sa
pagtitimbang ng mga pagpipilian.
3. Alamin ang magiging bunga o masamang epekto ng bawat pagpipilian.
4. Pumili, magdesisyon o gumawa ng pasya.
5. Suriin o pagnilayan kung ang nagawang pasya ay tama.
Makabubuo ka ng wastong pasya kung iyong naging layunin ang malaman
ang katotohanan at makagawa ng kabutihan. Magagawa mo ito sa pamamagitan
ng paggamit ng iyong isip at kilos-loob.
9 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
E
Matapos mong basahin ang mga konsepto, kaya mo nang tukuyin ang mga
katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Tukuyin kung ang mga nakasaad sa kahon ay
Katangian, Gamit o Tunguhin ng isip at kilos-loob. Isulat ang letra ng sagot sa
talahanayang katulad ng nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

A. Naipaliliwanag ni Hazel ang mga natuklasang kaalaman batay sa kaniyang


pag-aaral.
B. Tiniyak muna ni Jay na totoo ang nabasang artikulo mula sa pahayagan sa
pamamagitan ng patuloy na pagbabasa ng mga balita patungkol dito.
C. Sa kabila ng mga ginagawang pagkakamali ng anak ni Gerry, pilit niya pa rin
itong inuunawa at umaasa siya sa positibong kahihinatnan nito.
D. Matapos malaman ang katotohanan, nagpasya ang tatay ni Grace na itigil
muna pansamantala ang kanilang negosyo.
E. Patuloy na nag-aaral ang mga eksperto upang matuklasan ang katotohanan
patungkol sa COVID-19.
F. Alam ni Lea ang kahihinatnan ng kaniyang ginawa kaya’t hindi siya
nangangamba.
G. Lubos na nauunawaan ni Karen ang turo ng Banal na Kasulatan kaya ito ay
kaniyang isinasagawa.
H. Mas pinili ni Rea na sumunod sa kaniyang magulang sapagkat ito ang
makabubuti para sa kaniya.
I. Kahit na madalas ay inaaway si Len ng kaniyang kapitbahay ay hindi ito
gumaganti o nagtatanim ng sama ng loob.
J. Mahilig magbasa ng libro si Perry sapagkat ito ay nakatutulong sa pagtuklas
ng katotohanan.

Katangian Gamit Tunguhin

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 10


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Suriin kung
ang pasyang ginawa ay batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang

Nawalan ng trabaho ang tatay ni Rosie dahil


sa Enhanced Community Quarantine .
Naglalabada lang ang kaniyang nanay at
pansamantalang hindi rin ito
nakapaghahanapbuhay. Naisip ni Rosie na gamitin
ang cellphone na mayroon siya upang makapag
online selling. Sa pagtutulungan ng kanilang mag
Aha, online
selling. -anak ay natustusan nila ang pangangailangan sa
araw-araw. Bukod pa rito, pinili niya na ituloy ang
kaniyang pag-aaral sapagkat alam niya na hindi
makahahadlang ang pandemya sa pagtupad niya
sa kaniyang pangarap.
Mga Tanong:
1. Naunawaan kaya ni Rosie ang kalagayan ng kanilang pamilya? Bakit mo ito
nasabi?
2. Paano nakatulong ang pasya ni Rosie na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral
para sa kaniyang kabutihan, gayundin ng kaniyang pamilya?
3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang iyong gagawin? Ipaliwanag.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba at isulat
ang iyong tugon o gagawin. Ipaliwanag kung bakit iyon ang iyong naging tugon.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang aking nakababatang kapatid ay nahihirapan sa pagsagot sa gawaing


pampaaralan.
Tugon: _______________________________________________________________________
Paliwanag: ___________________________________________________________________
2. May bakanteng lote sa aming bakuran na hindi napakikinabangan.
Tugon: _______________________________________________________________________
Paliwanag: ___________________________________________________________________
3. Nabasa ko sa social media ang mga panuntunan ng aming barangay upang
mapigilan ang pagkalat ng virus.
Tugon: _______________________________________________________________________
Paliwanag: ___________________________________________________________________
11 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Basahin ang sitwasyong nakasulat sa ibaba.
Bumuo ng pasya sa pamamagitan ng paglalagay ng sagot sa bawat hakbang.
Balikan ang pagtalakay sa pahina 9 para sa karagdagang gabay. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.
Sitwasyon: Nagkaroon ka ng maraming isipin at suliranin kaya stressed ka sa
dami ng gawain sa iba’t ibang asignatura. Nais mong makatapos ng pag-aaral
ngunit nakikita mo na ang paghinto ang magiging solusyon upang hindi na
mahirapan pa.
1. Layunin o nais na resulta: ____________________________________________________
2. Mga impormasyong nakalap: _________________________________________________
3. Posibleng bunga ng bawat pagpipilian: ________________________________________
4. Napiling pasya at dahilan ng pagpili: __________________________________________
5. Pagninilay sa nabuong pasya kung tama o mali: ______________________________
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong
natutuhan sa araling ito. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang mapaunlad mo ang iyong
isip at kilos-loob?
A. Suriin ang mga artikulong binabasa at gawin ang makabubuti.
B. Palaging makinig sa mga balita mula sa iyong mga kaibigan.
C. Maging matulungin sa iyong kapwa sa lahat ng panahon.
D. Abutan ng tulong ang lahat ng mga nangangailangan.
2. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang kilos-loob ay ang makatwirang
pagkagusto. Ang pangungusap na ito ay:
A. Mali, sapagkat ang kagustuhan ay nagmumula sa puso.
B. Mali, sapagkat hindi lahat ng nagugustuhan ng tao ay may dahilan.
C. Tama, sapagkat ito ay pagpili sa mga pinag-isipan tungo sa kabutihan.
D. Tama, sapagkat ito ay naglalayon ng pagnanais na may kapaliwanagan.
3. Ano ang nakaiimpluwensiya sa tao kaya nakagagawa siya ng masama?
A. isip B. kamay C. katawan D. puso
4. Alin sa mga sumusunod ang tunguhin ng kilos-loob?
A. kabutihan B. kapayapaan C. kagalakan D. kapanatagan
5. Bago magbahagi ng kaalaman ang isang eksperto ay tinitiyak niya na ito ay
nakabatay sa pag-aaral at napatunayan na. Ang sitwasyon ay nagsasaad ng
______ ng isip.
A. gamit B. katangian C. layunin D. tunguhin
PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 12
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Pumikit nang sandali. Pagbulay-bulayan o
pag-isipan ang mga pagpapasya na iyong nagawa nang mga nakaraang araw
gamit ang gabay na mga tanong sa ibaba. Magsulat ng pangako na nagsasaad
kung paano mo gagamitin ang iyong isip at kilos-loob patungo sa kabutihan.
Ihingi ng tawad sa Diyos ang mga hindi tamang pasya. Gawin ito sa isang malinis
na papel.
1. Anong pagpapasya ang ginawa ko?
2. Sinunod ko ba ang mga hakbang at mga paraan sa pagpapasya?
3. Ginamit ko ba ang aking isip at kilos-loob?
4. Anong pagkakamali sa nagawa kong pasya?
5. Paano ko ito maitatama lalo na sa susunod?

Pangako Tungo sa Kabutihan


____________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

____________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

A
Pinagkalooban ka at ang lahat ng tao ng kakayahang mag-isip upang
patuloy mong magamit upang makapagpasya tungo sa ikabubuti ng sarili at ng
kapwa. Hindi lahat ng nilalang ay may kapasidad na mag-isip kagaya ng tao kaya
marapat lamang na gamitin mo ang regalong ito ng Diyos para sa kabutihan.

Makapamumuhay ka nang may kagalakan at


kapayapaan kung lilinangin ang mga kakayahan na
ipinagkaloob sa iyo. Huwag magpadalos-dalos sa
pagbuo ng desisyon. Gamitin ang mga hakbang at
pamamaraan sa tulong ng isip at k _ _ _ _ - _ _ _ b
upang ikaw at maging ang iba ay mapabuti! Maging
tunguhin mo ang k _ _ _ to _ _ _ _ n at kabutihan.
13 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
WEEKS Pagbuo ng Angkop na Pasya Ayon sa Likas
3-4 na Batas Moral
Aralin
I
Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang paggamit ng kakayahang magpasya
upang alamin ang katotohanan at kumilos patungo sa kabutihan na
makatutulong sa pag-unlad ng iyong pagkatao. Ginamit mo ang iyong isip at
kilos-loob sa tamang paraan sa tulong ng mga hakbang sa pagbuo ng desisyon.

A B Naguguluhan Sundin mo ang


iyong
Kasamaan Kabutihan po ako. konsiyensiya.

C D Masama
iyan.

Sa araling ito naman ay tutulungan ka upang maunawaan ang Likas na


Batas Moral na siyang nagsisilbing patnubay ng tao sa paghakbang patungo sa
kabutihan. Kagaya ng mga nasa larawan sa itaas, marami sa mga tinedyer na
katulad mo ang nahihirapang timbangin kung alin ang tama o mali. Makatutulong
ang araling ito sa iyo upang mas makagawa ka ng mga pagpapasya na nakaayon
sa tama at mabuti. Gagabayan ka ng mga nilalaman nito na mailapat sa mga
totoong pangyayari sa iyong buhay na nangangailangan ng pagpapasya.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang: a) nakikilala mo na
natatangi sa tao ang Likas na Batas Moral dahil ang pagtungo sa kabutihan ay
may kamalayan at kalayaan; b) nailalapat mo ang wastong paraan upang baguhin
ang mga pasya at kilos na taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral; c)
nahihinuha mo na nalalaman agad ng tao ang mabuti at masama sa kongkretong
sitwasyon batay sa sinasabi ng konsiyensiya; at d) nakabubuo ka nang tamang
pangangatwiran batay sa Likas na Batas Moral upang magkaroon nang angkop na
pagpapasya at kilos araw-araw.
PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 14
D
Nahihirapan ka bang magpasya kung alin ang tama o mali? Nais mo bang
makabuo ng angkop na desisyon na naaayon sa Likas na Batas Moral? Tukuyin
ang mga nakatala sa ibaba kung ito ay nagpapakita ng pasyang nararapat o hindi
nararapat.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang mga nakasaad sa ibaba. Lagyan ng
tsek (✓) kung ito ay nagpapakita nang tamang pagpapasya at ekis (X) naman
kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
___1. Tinutulungan pa rin ni Kisha ang kaniyang kaklase sa mga aralin kahit na
sinisiraan siya nito.
___2. Sinasamantala ng mga bata na maglaro sa labas ng bahay kapag walang
nakabantay kahit may banta ng COVID-19.
___3. Sinisikap na makapag-aral ni Belinda kahit na may kakulangan sa mga
gamit sa esk’wela.
___4. Iniuuwi ng Tatay Freddie mo ang mga bond paper mula sa kanilang
opisina. Masayang-masaya ka dahil dito.
___5. Sa tuwing wala ang nanay ni Rose ay sinasaktan niya ang nakababatang
kapatid.
Alin-alin sa mga sitwasyon ang nagpakita ng tamang pagpapasya? Paano
mo nalaman na tama ang mga ito?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Tukuyin kung ang pahayag ay nagpapakita ng
paggamit Likas na Batas Moral sa pagpapasya. Lagyan ng (✓) kung Oo at (X)
naman kung Hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
___1. Pinigilan ni Roy ang sarili na kunin ang pagkain sa mesa kahit gutom na
gutom na siya. Alam niyang pagmamay-ari ito ng iba kaya tiniis na lamang
niya ang kagustuhang makakain.
___2. Naisip ni Angie na maaaring masaktan niya ang mga magulang kung
sasagot siya. Punong-puno na siya kaya ibinuhos niya ang galit at
pinagsalitaan ang mga ito.
___3. Dahil sa panganib na dala ng COVID-19, minabuti ni Alex na protektahan
ang sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa social distancing.
___4. Mas pinili ni Jerome na ipamahagi ang ayudang natanggap kahit na nga
hindi ito sapat para sa kaniya.
___5. Nag-aral na lamang si Echo sa halip na lumabas ng bahay at makipaglaro
sa mga barkada.
15 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
Alam mo ba na ang tao ay ipinanganak na may taglay na kabutihan? Ang
tao ay nagtataglay ng kakayahan na alamin ang mabuti at masama, sapagkat
siya ay nilikha na may konsiyensiya.
Ang konsiyensiya ay nagmula sa dalawang salitang Latin na Cum (with) at
Scientia (knowledge). Ang ibig sabihin nito ay “with knowledge” o may kaalaman.
Ito ay nangangahulugan na kung ang isang tao ay may kaalaman sa isang bagay,
naipakikita niya ito sa pamamagitan ng kaniyang kilos. Namamalas ito ng mga
taong nakapaligid sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa.
Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang aplikasyon ng kaalaman ng tao ay
makikita sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Ang konsiyensiya ay nagsisilibing saksi ng iyong sarili kung mayroon
kang mga bagay na dapat na isinakilos o hindi isinakilos.
2. Ang konsiyensiya ang nakapagsasabi sa tao kung may mga dapat
siyang gawin ngunit hindi niya ginawa o mga bagay na hindi niya dapat
isinagawa ngunit kaniyang isinagawa.
3. Ang konsiyensiya ang nakapagsasabi kung ang isang kilos ay
naisakatuparan nang tama at maayos o mali at hindi maayos ang
pagsasakatuparan nito.
Kung ang konsiyensiya ay ang nagsasabi kung mali o tama ang ginagawa
ng tao, saan nga ba ito matatagpuan at saan ito nakasalig?
Ang konsiyensiya ay nakaangkla sa isip ng isang tao. Ang Likas na Batas
Moral ang batayan ng konsiyensiya sa pag-alam ng tama o mali.

Likas na Batas Moral. Ang batas na ito ay taglay mo at ng lahat ng tao mula
nang ikaw ay likhain. Nakatanim na sa iyong puso at isip ang batas na ito na
siyang tumutulong upang maunawaan mo ang tama at mali. Dahil ikaw ay
nilikha na kawangis ng Diyos, taglay mo ang kabutihan at karunungan na
nagmumula sa Manlilikha. Kaakibat ng kabutihan at kamalayan na
na ito ay ang kalayaan na ipinagkaloob sa iyo. Ang kakayahang pumili ang
nagdudulot sa iyo na makagawa ng masama o mabuti.
Ang Likas na Batas Moral ay kusang bumubukal sa taong tulad mo. Hindi
na kailangan ng pormal na edukasyon o pag-aaral upang malaman ang mga
nakasaad dito. Ikaw, katulad ng iba, ay biniyayaan ng kalayaan na magagamit
upang maging mapanagutan sa iyong mga kilos. Ang kalayaan ay isa sa mga
dahilan kung bakit mayroong Likas na Batas Moral. Tanging ang mga
pinagkalooban ng kalayaan lamang ang sakop nito.

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 16


Ang layunin ng Likas na Batas
“Likas na Batas Moral ay ang magsilbing patnubay sa

Moral: pagpili nang tama at mabuting

batayan ng desisyon sa buhay. Ang batas na ito


ay naglalayon na ikaw ay mapabuti at
konsiyensiya.” makaiwas sa masama. Kung

susundin mo ang isinasaad sa Likas na Batas Moral, ito ay magdudulot ng


kapayapaan sa iyong sarili at sa kapwa.
Mahalaga na maunawaan mo ang mga katangian ng Likas na Batas Moral
upang mas higit mong magawa ang tama at mabuti. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Obhektibo (Objective) – ito ay hindi naapektuhan ng pagsunod o hindi
pagsunod ng tao dahil nakasalig ito sa realidad at sa katotohanan. Ang
katotohanan ay nagmumula sa Diyos at hindi imbensiyon lamang. Ang tao
ang kusang nakatutuklas nito. Maniwala ka man o hindi, ito ay mananatili.
2. Pangkalahatan (Universal) – ito ay sumasakop sa lahat ng tao, ano man
ang pinanggalingang lugar, kultura, lahi o komunidad. Nagaganap ito sa
lahat ng panahon.
3. Walang Hanggan (Eternal) – ang batas na ito ay walang katapusan.
Anoman ang mangyari sa bawat henerasyon, ito ay mananatili sapagkat ito
ay permanente. Magbago man ang maraming bagay ngunit ito ay hindi
maglalaho. Ito ay matibay na saligan sapagkat ito ay mananatiling totoo
sa anomang panahon at sitwasyon.
4. Di nagbabago (Immutable) – ang Likas na Batas Moral ay hindi
nagbabago. Ito ay hindi kailanman maiiba o mapapalitan ng tao. Ito ang
nagbubuklod sa lahat ng tao sapagkat ito ay nagtatakda ng mga bagay na
dapat sundin ng lahat.
Ang Likas Batas Moral ay nakatutulong upang mapanatili ang kaayusan,
katahimikan at kapayaan ng pamumuhay ng mga tao. Ano nga ba ang mga
prinsipyo ng Likas na Batas Moral?

Mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral


1. Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Sa paglakad sa buhay sa mundong ibabaw, napakahalaga na sa bawat
pagpili mo sa mga bagay na dapat gawin ay laging isaalang-alang ang gawaing
patungo sa kabutihan; hindi yaong mga bagay na magdudulot ng kasamaan sa
sarili at sa kapwa.
17 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
2. Prinsipyo ng likas na Batas Moral
na makikita sa kalikasan ng tao.
“Laging
A. Kasama ng lahat ng may
buhay, may kahiligan ang tao na isaalang-alang
pangalagaan ang kaniyang buhay. ang kabutihan.”
Ang tao ay may likas na hilig na
ingatan ang kaniyang buhay. Inaalagan ang iba’t ibang aspeto ng buhay na
patungo sa patuloy na pag-unlad nito.
B. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa
tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at
papag-aralin ang mga anak.
Bilang seksuwal na nilalang, ang tao ay may kalikasan na maging
kamanlilikha ng Diyos kaya’t isa sa mga naisin ng tao ay ang magparami ng
kaniyang lahi. Subalit, hindi ito natatapos sa pagpaparami kundi kaabibat nito
ang responsibilidad na itaguyod ang kinabukasan ng mga anak sa
pamamagitan ng pagsuporta sa kanilang pagkakamit ng edukasyon.
C. Bilang rasyonal o may isip na nilalang, may likas na kahiligan ang tao
na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan.
Makapamumuhay ka nang may pag-ibig, kagalakan at kapayapaan kung
palaging pakikinggan ang konsiyensiya. Ito ang nagsisilbing Likas na Batas Moral
na ipinunla sa iyong puso at isipan na siyang gumagabay upang ikaw ay
makapamuhay nang matiwasay at maging bahagi ng pag-unlad ng kapwa.

E
Ngayong naunawaan mo na ang tulong ng Likas na Batas Moral sa pagpili
nang tama at mabuti, makakaya mong mailapat sa buhay ang iyong kaalaman.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gamit ang nakalap mong kaalaman sa araling


ito, gumawa ng pakahulugan sa Likas na Batas Moral. Sundin ang graphic
organizer na makikita sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Likas na Batas Moral

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 18


Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Tumahimik nang sandali. Isipin ang mga
naging desisyon mo nang mga nakaraang araw. Alin-alin dito ang ayon at
taliwas sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral (Gagawin ang mabuti;
iiwasan ang masama). Itala sa talahanayan ang mga gagawing pagbabago.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga nagawang tamang pasya Mga gagawing pagpapanatili

Mga nagawang maling pasya Mga gagawing pagtatama

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Basahin at unawain ang mga sumusunod na


sitwasyon. Isulat ang salitang Mabuti kung ito ay nagpapakita ng pagpili sa tama
at isulat naman ang salitang Masama kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
_____1. Binigyan mo at ng Nanay Lorena mo ng bigas ang kapitbahay na nawalan
ng trabaho dahil sa Enhanced Community Quarantine.
_____2. Nilagpasan ni Lino ang maruming matanda na humihingi sa kaniya ng
tulong.
_____3. Ibinalik ni Oscar ang pitaka at cellphone na naiwan ng kaniyang
pasahero.
_____4. Dinadaya ni Mang Tony ang timbangan na ginagamit niya sa pagtitinda ng
isda sa palengke.
_____5. Binabawasan ni Gary ang mga de-lata na ipamimigay sa kanilang
kabaranggay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Tunghayan ang mga sitwasyon sa ibaba. Tukuyin
kung ang mga ito ay nakabatay sa Likas na Batas Moral o hindi. Pangatwiranan
ang iyong sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon A. Nagsara ang negosyo ng mga magulang ni Issa at nalugi sila dahil
sa COVID-19. Hindi tulad nang dati, wala ng kakayahan ang kaniyang ama at ina
na maibigay ang kaniyang hinihingi. Nahihiya si Issa na malaman ito ng kaniyang
mga kaibigan kaya pumunta siya sa kaniyang tiyuhin at nanghiram ng pera.
Nangako siya na babayaran ito ng kaniyang tatay kahit lingid ito sa kaalaman ng
ama. Tama ba ang ginawa niya? Kung ikaw si Issa, ano ang iyong gagawin?
19 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
Sitwasyon B. Itinuturing ni Gemma na tunay na kaibigan si Karen. Hindi alam
ni Gemma na ikinukuwento nito ang lahat ng kaniyang mga sekreto sa iba pa
nilang mga kaibigan. Kung ikaw si Gemma, ano ang gagawin mo?

Sitwasyon C. Tinanggap ng nanay mo na si Aling Sita ang ayudang ibinigay ng


baranggay kahit na regular na empleyado ng gobyerno ang iyong ama.
Makatwiran ba ang ginawa ni Aling Sita? Ano ang sasabihin mo sa iyong nanay?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong


natutuhan sa araling ito. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Saan nakaangkla ang konsiyensiya ng tao?
A. isip C. katawan
B. kamay D. puso
2. Sinisikap ni Jenny na maitaguyod mag-isa ang pag-aaral ng kaniyang anak
dahil maaga siyang nawalan ng asawa. Sa aling prinsipyo ng Likas na Batas
Moral nakaayon ang kilos ni Jenny?
A. Gagawin ang mabuti at iiwasan ang masama.
B. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
D. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay.
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Likas na Batas Moral?
A. obhektibo C. pangkalahatan
B. walang hanggan D. subhektibo
4. Kapag may nararamdamang hindi maganda sa katawan, agad na
kumukonsulta sa doktor si Leo. Sa aling prinsipyo ng Likas na Batas Moral
nakaayon ang kilos niya?
A. May likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan at mabuhay.
B. Likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
C. May kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
D. Gagawin ang mabuti at iiwasan ang masama.
5. Ang Likas na Batas Moral ay kasama sa mga aralin sa paaralan sa
asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao. Ang pangungusap na ito ay:
A. Mali, sapagkat ito ay nakaukit sa puso ng tao.
B. Mali, sapagkat ito ay nasa paggamit ng tao.
C. Tama, sapagkat kasama ito sa pag-aralan.
D. Tama, sapagkat layon nito na mapabuti ang tao.
PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 20
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Bantayan ang iyong kilos sa bawat araw sa loob
ng isang linggo. Itala ang mga pasyang nagagawa gamit ang talahanayan sa ibaba.
Lagyan ng masayang mukha ang mga pasyang mabuti at tama. Lagyan naman
ng malungkot na mukha ang mga pasyang hindi mabuti o masama. Isulat ito
sa isang malinis na papel o bond paper.
Talaan ng mga Pasyang Ginawa

Araw Ginawang pasya Damdamin

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Natutuhan ko na kapag ako ay gumagawa nang tama at mabuting pasya, ako ay:
_______________________________________________________________________________.
Kapag ako naman ay nakagagawa ng maling pasya, ako ay:
_______________________________________________________________________________.
Ang gagawin ko sa mga pasyang hindi mabuti o hindi tama ay:
_______________________________________________________________________________.

A
Taglay mo ang Likas na Batas M _ _ _ _ na tumutulong upang maging
gabay mo sa iyong mga pagpapasya. Ang bawat desisyon na iyong gagawin ay
mahalaga sapagkat ito ay makaaapekto sa iyong sarili at sa iyong kapwa.
Mahalaga na ikaw ay maging maingat sa iyong mga pasya at gamitin ang

mga prinsipyong tumutugma sa kalikasan mo bilang


tao: ang pangalagaan ang buhay at alamin ang
katotohanan. Laging tandaan na sa tuwing
magpapasya ay iwasan ang masama at gawin ang
mabuti upang ang buhay mo ay maging pagpapalang
handog sa sarili at kapwa. Gamitin mo ang iyong
kaalaman at k _ n _ _ _ _ n _ _ _ a.

21 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


WEEKS Pagbuo ng mga Hakbang sa Tamang
5-6 Paggamit ng Kalayaan
I Aralin

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang paggamit ng Likas na Batas Moral


bilang batayan ng iyong pagpapasya. Dagdag tulong ito sa paggamit ng isip at
kilos-loob na nauna mong pinag-aralan. Sa tulong ng iyong konsiyensiya ay
pinag-isipan mo kung tama o mali ang iyong mga nagawang pasya at gumawa ka
ng mga hakbang upang itama ang mga ito.

A B

C D

Sa iyong pagpapatuloy sa aralin para sa ikalima at ika-anim na linggo ay


matutuklasan mo ang mas malalim na kahulugan ng kalayaan. Ito ay
makatutulong sa iyo upang maging mapanagutan sa iyong mga kilos.
Batid mo na nga ba ang tunay na kalayaan ayon sa ipinakikita sa mga
larawan sa itaas? Paano mo nga ba masasabi na ikaw ay malaya? Ano-anong mga
kilos at kalagayan ang nagpapakita na tinatamasa nga ng isang tao ang tunay na
kalayaan? Ang mga katanungang iyan ay masasagot mo sa mga konseptong
tatalakayin at mga gawaing ihahain sa iyo.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang: a) nakikilala mo ang mga
indikasyon o palatandaan ng pagkakaroon o kawalan ng kalayaan; b) nasusuri
mo kung nakikita sa mga gawi ng kabataan ang kalayaan; c) nahihinuha na likas
sa tao ang malayang pagpili sa mabuti o sa masama, ngunit ang kalayaan ay may
kakambal na pananagutan para sa kabutihan; at d) naisasagawa mo ang pagbuo
ng mga hakbang upang baguhin o paunlarin ang paggamit ng iyong kalayaan.

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 22


D
Nagagawa mo ba ang lahat nang gusto mong gawin? Masasabi mo ba na
ikaw ay tunay na malaya?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba.
Lagyan ng T kung ito ay nagpapakita ng tamang paggamit ng kalayaan at M
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Kahit may kakapusan sa mga pangangailangan, ibinalik ni Dondie sa
may-ari ang napulot na pitaka na may lamang pera.
_____2. Kinopya ni Patrick ang sagot ng kaniyang kaklase sa pag-aakala na hindi
malalaman ng guro dahil siya ay naka online class.
_____3. Dahil nasa General Community Quarantine na ang bayan nila Trisha,
pumupunta na siya sa bahay ng kaibigan sa kabilang barangay.
_____4. Pinasasagutan ni Jessa sa kaniyang nanay ang mga gawain sa modyul
upang hindi siya mahirapan sa pagsagot.
_____5. Buong pusong ginagampanan ni Ara ang kaniyang gawain bilang
tagapaglinis ng bakuran sapagkat alam niya na ito ay makatutulong sa
kalinisan ng paligid.

“Kalayaan:
pasya tungo sa
kabutihan.”
Natukoy mo ba ang mga kilos na tama at maling paggamit ng kalayaan
mula sa mga sitwasyon sa itaas? Ano ang iyong naging batayan?
Maraming bagay ang ninanais ng tao na mangyari at hindi mangyari sa
kaniyang sarili. Ninanais ng marami na makasama nang matagal ang kaniyang
mga mahal sa buhay. Hangad mo rin na hindi makaranas ng mga bagay na
makasasakit sa kaniya, pisikal man, emosyonal o sikolohikal. Ang mga nabanggit
ay ilan lamang sa bagay na hindi mo hawak. Ngunit may mga bagay na maaring
ikaw ang pumili gamit ang kalayaan na ipinagkaloob sa iyo.
Ano nga ba ang kalayaan?
Kalayaan. Ito ay ang panloob at mahalagang bahagi ng tao na nakabatay
sa kaniyang talino na magpasya sa mga bagay na maaaring makapagdulot ng
kabutihan o kasamaan sa sarili at sa kaniyang kapwa.

23 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang kalayaan ay “katangian ng
kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa kaniyang maaaring
hantungan at ang paraan upang makamit ito.” Ito ay tumutukoy sa kung ano ang
maaaring kahihinatnan ng tao sa mga pinagpiliang desisyon.
Ikaw, bilang tao, ang gumaganap sa iyong kilos ayon sa mga ninais at pinili
mo. Anoman ang kahihinatnan ng mga pagpili ay hindi mo hawak. Dahil dito,
may kaakibat itong responsibilidad. Kasama ng pagpili ang pagpapasya sa sarili
na maging handang harapin anoman ang resulta ng mga bagay na ninais.
Nangangahulugan ito na ang kalayaan ay may hangganan. Ang hangganan na ito
ay itinatakda ng Likas na Batas Moral. Dahil ang kalayaan ay may hangganan,
nararapat lamang na gamitin ito nang may pananagutan.
Upang lubos mong maunawaan ang kalayaan, narito ang mga uri nito:
1. Panloob na Kalayaan. Kalayaan ng tao na nakabatay sa kaniyang
makatwirang pagkagusto. Ito ay tumutukoy sa:
A. Kalayaang gumusto (freedom of exercise)- ito ang kalayaan ng tao na
piliin kung nanaisin niya o hindi ang isang pagpili.
B. Kalayaang tumukoy (freedom of specification)- ito naman ang
kalayaan sa pagtukoy kung ano ang kaniyang nanaisin.
2. Panlabas na Kalayaan. Ito ay ang uri ng kalayaan na naapektuhan ng
mga salik na nakaiimpluwensiya sa tao kasama ang mga tao sa paligid. Ito ay
kalayaang maaring mabawasan sapagkat may ibang sangkot dito.

Dahil ang kalayaan ay


“Mapanagutang nakabatay sa Likas na Batas Moral,

paggamit ng ito ay dapat gamitin tungo sa


kabutihan. Ang tunay na
kalayaan = mapanagutang paggamit ng kalayaan

kabutihan.” ay magiging ganap lamang kung ito


ay hahantong sa kabutihan.
Ano-ano ang mga palatandaan na nagagamit mo ang iyong kalayaan nang
may pananagutan?
Ayon kay Esteban (1990), ang mga sumusunod ay palatandaan ng
mapanagutang paggamit ng kalayaan:
1. Naisaaalang-alang mo ang kabutihang pansarili (personal good) at ang
kabutihang panlahat (common good).
Mahalaga na napauunlad mo ang iyong sarili patungo sa kaganapan ng
iyong pagkatao sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Kailangang piliin mo ang mga
PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 24
bagay na makatutulong upang ikaw ay lumago. Sa pagpapaunlad ng sarili,
marapat na hindi ito magdudulot ng masamang epekto sa kapwa. Sa halip, ang
gawaing ito ay makatutulong sa pag-angat ng kapwa maging ng lahat ng tao.
2. Handa mong harapin ang anomang kahihinatnan ng iyong pasya.
Nakahanda ka sa anomang magiging epekto ng pagkilos mo bilang isang
taong mapanagutan. Kaya mong harapin at panagutan ang mga bagay na
pinagpasyahan, maganda man o hindi ang magiging resulta ng desisyon. Bilang
isang responsableng tao, alam mo dapat na bibigyang katugunan ang bawat
hamon sa iyong pasya. Nakahanda ka ring gawing nasa tama at maayos ang mga
susunod na hakbang.
3. Naaayon ang iyong pagkilos sa Likas na Batas-Moral.
Ang tunguhin ng Likas na Batas Moral ay kabutihan. Sa bawat pagpapasya
ay isinasaalang-alang mo ang motibo kung bakit mo ginagawa ang mga
bagay-bagay. Kung ito ay para sa pag-unlad, sa paggawa nang tama at
makabubuti, ito ay patungo sa layon ng pagbibigay ng kalayaan sa tao.
Mahalaga na ikaw ay may kongkretong hakbang upang paunlarin ang
paggamit ng kalayaang ipinagkaloob sa iyo. Ang ilan sa mga hakbang na maaring
gawin ay ang mga sumusunod:
1. Palagiang paghingi ng gabay ng Diyos sa pamamagitan ng panalangin.
2. Pakikinig sa sinasabi ng konsiyensiya.
3. Pag-iisip nang mabuti sa mga sitwasyon bago magbitiw ng pasya.
4. Pagsasabuhay ng mga moral
na panuntunan.
“Kalayaan:
5. Pagpapahalaga sa bawat
nilikha. pamumuhay
Tunay na sa paggamit ng nang may
kalayaan na ipinagkaloob sa iyo ay
maaari kang makapamuhay nang kapayapaan.”
may kapayapaan. Sa pamamagitan din nito ay maisusulong ang kabutihang
panlahat. Isa sa mga layunin ng pagkalikha sa iyo at sa bawat tao ay ang
maipalaganap ang kabutihang taglay buhat nang ikaw ay isilang. Maging
instrumento ka at daluyan ng pagpapala para sa lahat ng tao.
Masasabi mong umiiral ang kalayaan kung ikaw ay nabibigyan ng
pagkakataong mag-isip, makapamili, masabi ang nasa isip o loob, at makagawa
ng bagay na iyong nais. Hindi naman ito umiiral kung iba ang nagpapasya para
sa iyo at wala kang pagkakataong ipakita ang mga gawaing unang nabanggit.
25 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
Subalit kailangang maunawaan mo na hindi nagtatapos ang kalayaan sa
karapatan at kakayahang gawin ang mga anomang nais mo. Pumapasok dito ang
konsepto ng tamang kalayaan at ang mapanagutang pagpapasya at pagkilos. Ika
nga, ang karapatan mo ay nagtatapos sa pagsisimula ng karapatan ng iba.
Paano nga ba makikita sa iyo at sa iyong kapwa kabataan ang mga kilos
na sang-ayon sa tamang paggamit ng kalayaan?
Ilan sa mga halibawa ay: 1) pag-iisip muna bago gawin ang isang bagay.
Inaalam mo kung ano ang posibleng kahinatnan nito sa iyong sarili at sa kapwa;
2) pagtatanong sa sarili at pagtitimbang kung anong pakinabang ang maidudulot
nito at ano naman ang masamang dulot kung sakali; 3) pagsisiyasat kung
walang nalalabag na prinsipyo, karapatan o batas ang anomang gagawin; 4)
pagsangguni sa kapwa lalong higit sa nakatatanda at may alam; at 5)
pananatiling may banal na pagkatakot sa Diyos na siyang gabay upang piliin ang
tama at mabuti.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin ang sumusunod. Tukuyin at isulat ang
bahagi ng mga pahayag sa ibaba na maituturing na palatandaan ng
mapanagutang paggamit ng kalayaan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
1. Sinabi ni Bert ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Ronnie. Siniguro niyang
hindi siya makasasakit sa kaniyang pananalita.
2. Ang pamilya ni Mang John ay sumusunod sa batas na ipinatutupad sa
kanilang komunidad upang makatulong sa pag-iwas sa kumakalat na sakit.
3. Sinabi pa rin ni Dina ang katotohanan kahit na sinuhulan siyang upang
manahimik na lamang.
4. Ibinabahagi ni Lena ang password ng Wi-Fi nila sa kapitbahay na si Keith
upang makatulong na makapagpatuloy ito sa pag-aaral sa pamamagitan ng
online class.
5. Nakaramdam ng sintomas ng COVID-19 si Vicky. Ipinagbigay-alam niya
agad ito sa iba upang makapag-ingat sila.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Punan ng katambal o katumbas na pananagutan
ang sumusunod na pahayag na may kinalaman sa paggamit ng kalayaan. Gawin
ito sa iyong sagutang papel.
1. Malaya akong kainin ang mga pagkaing nasa hapag kainan na para sa buong
pamilya ngunit dahil maraming kakain, _____________________________________.
2. Mabuti naman ang intensiyon ko na ipahayag ang aking katuwiran nang
napagalitan ako ng nanay ko subalit dapat na ang paraan ko ay _____________.
3. Malaya akong gumamit ng cellphone ngunit titiyakin kong __________________.

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 26


E
Sa pagkaunawa mo sa tunay na kahulugan ng kalayaan, maisasagawa mo
na ang mapanagutang paggamit nito.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Basahin at unawain ang sitwasyon. Pag-aralan
kung nagamit ni Cristy ang malayang pagpili patungo sa kabutihan. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
Sitwasyon: Kapos sa buhay ang pamilya ni Cristy. Isang araw, inalok siya ng
kaibigan na sumama sa kaniya upang kumita ng pera. Dahil sa pangangailangan,
nagawa ni Cristy na magbenta ng ilegal na gamot upang matustusan ang
pang-araw-araw na gastusin sa kanilang tahanan.
Gabay na Tanong:
1. Tama ba ang ginawa ni Cristy? Bakit?
2. Ano kaya ang kahihinatnan ng pagpili na ginawa ni Cristy?
3. Kung ikaw si Cristy, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Bakit?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Gumuhit ng larawan o poster na nagpapakita ng
iyong gawi sa wastong paggamit ng kalayaan. Ibigay ang mga impormasyong
hinihingi. Gawin ito sa isang malinis na papel.
1. Ano ang kilos na ipinakikita mo sa larawan o poster?
2. Paano mo nasabi na nagamit mo nang wasto ang iyong kalayaan?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Bumuo ng mga hakbang sa pagpapaunlad ng
paggamit ng kalayaan. Punan ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang
Tsart ng Pagpapaunlad ng Paggamit ng Kakayahan
Naisagawang pasya gamit ang kalayaan Paraan ng pagpapaunlad sakaling
muling magpapasya

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong


natutuhan sa araling ito. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Sa mapanagutang paggamit ng kalayaan, lahat ng naisin mong gawin ay
maaring mangyari. Ang pangungusap ay:
A. Mali, sapagkat nalilimitahan ng Likas na Batas Moral ang kalayaan.
B. Mali, sapagkat nakasalalay sa iyo ang kahihinatnan ng iyong pagpili.
C. Tama, sapagkat ito ang layunin ng kalayaan kaya lahat ay magagawa.
D. Tama, sapagkat ito ay regalong ipinagkaloob sa iyo upang gamitin mo.
27 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mapanagutang paggamit ng
kalayaan ayon kay Esteban (1990)?
A. Pagsasaalang-alang ng kabutihang pansarili at panlahat.
B. Pagkilos na hindi sumasalungat sa Likas na Batas-Moral.
C. Pagkilos nang walang pumipigil sa mga bagay na gusto mo.
D. Kahandaang harapin ang anomang kahihinatnan ng pasya.
Para sa 3-4:
A. Panloob na kalayaan C. Panlabas na kalayaan
B. Pansariling kalayaan D. Panlipunang kalayaan
3. Hindi magawa ni Mark na lumabas ng bahay sapagkat ayon sa ipinatutupad
na ordinansa ng barangay ay huhulihin at ikukulong ang mahuhuling 21
taong gulang pababa. Anong uri ng kalayaan ang ipinakikita rito?
4. Mas pinipili ni Gina na tulungan ang mga nakababatang kapatid sa paggawa
ng gawaing pampaaralan kaysa maglaro ng mga online games. Anong uri ng
kalayaan ang ipinakikita rito?
5. Bago gumawa ng pasya si Eric ay nananalangin muna siya upang gabayan ng
Poong Maykapal. Anong hakbang sa pagpapaunlad ng kalayaan ang ginagawa
ni Eric?
A. Pakikinig sa sinasabi ng konsiyensiya.
B. Pagsasabuhay ng moral na panuntunan.
C. Paghingi ng gabay sa Diyos sa panalangin.
D. Pag-iisip sa sitwasyon bago magbitiw ng pasya.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Magbasa ng balita sa diyaryo o sa internet.
Maaari ring manood mula sa palabas sa telebisyon. Isulat sa iyong kwaderno ang
mga sitwasyon na nabasa o napanood na nagpapakita ng mapanagutang
paggamit ng kalayaan. Ipaliwanag kung paano nagamit nang mapanagutan ang
kalayaan. Huwag kalimutang ilagay kung saan nakuha ang sipi o sa anong
programa sa telebisyon ito napanood.

A
Ipinagkaloob sa iyo ng Diyos ang k _ _ _ y _ _ n
upang gamitin ito. Ang paggamit nito ay may kaakibat
na responsibilidad. Bago ka gumawa ng hakbang,
siguraduhin muna na ito ay patungo sa kabutihang
panlahat. Laging isipin na patungo sa k _ _ _ t _ h _ n.
ang mapanagutang paggamit ng kalayaam. Maging
tunay na malaya at mamuhay ka nang payapa!
PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 28
Pagpapakita ng Paggalang sa Dignidad WEEKS
ng Kapwa 7-8
I Aralin

Natutuhan mo sa nakaraang aralin na maging mapanagutan sa paggamit


ng iyong kalayaan. Patuloy mo itong linangin upang maging kabahagi ng
pagsusulong ng kabutihang panlahat. Makatutulong ang isip, kilos-loob at Likas
na Batas Moral sa pagpapakita ng tunay na kahulugan ng kalayaan.

A B

C D

Sa panghuling aralin para sa ikalawang markahan ay mauunawaan mo


ang kahalagahan ng pagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kapwa. Tulad ng
mga nasa larawan sa itaas, nagagawa mo bang makitungo at makibagay sa
ibang tao nang may paggalang? Bibigyang linaw sa araling ito ang kahulugan ng
dignidad at ang mga dapat mong ikilos bilang pagpapahalaga sa dignidad.
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang: a) nakikilala mo na may dignidad
ang bawat tao anoman ang kaniyang kalagayang panlipunan, kulay, lahi,
edukasyon, relihiyon at iba pa; b) nakabubuo ka ng mga paraan upang mahalin
ang sarili at kapwa na may pagpapahalaga sa dignidad ng tao; c) napatutunayan
mo na ang c.1) paggalang sa dignidad ng tao ay ang nagsisilbing daan upang
mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili at c.2) ang paggalang sa
dignidad ng tao ay nagmumula sa pagiging pantay at magkapareho nilang tao;
at d) naisasagawa mo ang mga kongkretong paraan upang ipakita ang paggalang
at pagmamalasakit sa mga taong kapus-palad o higit na nangangailangan kaysa
sa iyo.

29 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


D
Paano mo itinuturing ang iyong kapwa? Paano ka nakikitungo sa kanila?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Ipaliwanag ang kasabihang “Huwag mong gawin
sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” Ipahayag ang iyong pagsang-ayon o
pagsalungat. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Nasusunod mo ba ang gintong aral na nagsasabing “Huwag mong gawin sa


iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo?” Narinig mo na ba ang salitang dignidad?
Ano nga ba ang kahulugan nito?
Dignidad. Ito ay nagmula sa salitang Latin na dignitas mula sa salitang
dignus na nangangahulugang karapat-dapat. Tulad ng isip, ang dignidad ay
biyayang mula sa Diyos na taglay ng tao. Marapat lamang na ibigay ang
kaukulang pagpapahalaga sa bawat tao sapagkat karapat-dapat siya na
tumanggap nito. Anoman ang uri ng pamumuhay, kasarian, may pinag-aralan
man o wala, mayaman o mahirap, anoman ang relihiyon, kulay o lahi, ang lahat
ng tao ay nararapat na pagkalooban ng pagpapahalaga. Bilang nilalang na
kawangis ng Diyos, ang tao, ay tagapagpalaganap ng kabutihan at pag-ibig.

Hindi mo dapat sukatin ang katayuan o kalagayan ng iba sa lipunan upang


pag-ukulan ng nararapat na pagtugon. Dapat mong pakitunguhan ang iyong
kapwa nang maayos, mabuti at may pag-ibig. Sa pamamagitan niyon ay
nagiging kabahagi ka sa layunin ng pagpapalaganap ng pagkakaroon ng mabuting
relasyon o ugnayan sa kapwa.
Masarap mabuhay kung “Pakitunguhan
nangingibabaw ang pagmamahalan at
p a gk ak a pa t ira n. I to ay iyo ng
ang kapwa nang
matatamo kung igagalang mo ang maayos, mabuti
dignidad na taglay ng bawat isa sa
isip at lalong higit sa kilos.
at may pag-ibig.”
Sa mata ng Diyos, ang lahat ng tao ay pantay-pantay. Kahit na iba-iba ang
kalagayan at pagtingin ng tao sa kapwa, iisa ang katotohanan na lahat ay nilikha
ng Panginoon. Tungkulin ng isa’t isa na pangalagaan ang kapwa sa pamamagitan
ng bukas na pakikiisa at pagtulong. Naglalayon ito ng pag-unlad ng bawat isa
patungo sa kabutihan.
PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 30
Magagawa mo ang tungkulin sa kapwa kung iyong isasabuhay ang
nakasaad sa Mateo 22:37;39 (Magandang Balita Bibliya):

(37) “Sumagot si Jesus, ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong
puso, nang buong kaluluwa at nang buong pag-iisip. (39) Ito naman ang
pangalawa: ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Anoman ang ginagawa mo sa iyong kapwa ay repleksiyon ng iyong pag-ibig


sa Maylalang. Upang magawa mong mahalin ang iba katulad ng pagmamahal mo
sa iyong sarili, tingnan mo sila sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kanila. Upang
magawa mo ito, narito ang mga obligasyon ng tao sa kaniyang kapwa na dapat
sundin ayon kay Propesor Patrick Lee:

1. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.


Pahalagahan, pangalagaan, mahalin at protektahan ang buhay sapagkat ito
ay handog at ipinagkatiwala lamang sa atin. Huwag gumawa ng mga bagay na
ikasisira ng iyong pagkatao, gayundin ng sa iba.
2. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Isipin muna kung ang gagawing kilos o aksiyon ay makasisira o
makapagpapahamak ng kapwa. Laging tandaan na ang gagawin mo sa iyong
kapwa ay para mo na ring ginawa sa iyong Manlilikha.
3. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo
sa iyo.
Laging pakisamahan nang mabuti ang kapwa. Tiyak na babalik sa iyo ang
pagpapala kung mabuti ang ginawa mo sa iyong kapwa. Gawin mo ang mabuti sa
kapwa ayon sa pag-ibig na bumubukal sa iyong puso. Unawain mo ang kanilang
pinanggagalingan at maaaring pinagdaraanang suliranin bilang paggalang.
Patuloy mong palaganapin ang
kapayapaan, paggalang sa
“Gawin ang katotohanan at pagpapahalaga sa iba.

mabuti ayon sa Sikapin mong igalang ang dignidad ng


bawat tao sa lahat ng panahon upang
pag-ibig.” magliwanag sa iyo ang kaningningan
ng Maylikha.
Maipakikita ang paggalang sa dignidad ng kapwa kung magagawa mong:
1. Mahalin ang tao bilang tao.
2. Ipakita ang pagkilala sa dignidad ng kapwa habang may pagkakataon.
3. Tingnan ang tao sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kaniya.
4. Isipin na ikaw ay katuwang sa pagpapalaganap ng kabutihan.
31 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
Marahil naranasan mo na, naobserbahan o narinig sa pagbabahagi ng iba
na may ilan pa ring hindi isinasagawa ang mga ito. Maaaring kahit
pinakitunguhan mo na nang maayos ang isang tao ay gagawan ka pa rin niya
nang hindi maganda. Maaari rin na sa paggawa mo ng kabutihan sa kapwa ay
ikaw pa rin ang lalabas na masama sa huli.

Sa ganitong pagkakataon, huwag kang mawalan ng pag-aasa. Hindi dapat


magbago ang iyong pananaw, paniniwala o gawi tungkol sa kabutihan sa kapwa.
Alalahanin mo ang isang sikat na kasabihan na “kapag binato ka ng bato,
batuhin mo ng tinapay.” Ipakita ang tama at suklian ng kabutihan ang kapwa.

Bawat araw na ikaw ay nabubuhay ay isang hamon upang maipakita mo


ang paggalang sa iyong kapwa at sa dignidad na taglay ng bawat isa. Lalo na sa
iyong edad, dala marahil ng iyong pagiging bata at babagong nagbibinata o
nagdadalaga ay hindi mo pa ito lubos na nauunawaan. Subalit, mainam na
simulan mo na habang maaga pa ang pagkakaroon ng tamang kaisipan tungkol
sa paksang ito upang unti-unti ay maisabuhay mo ang katuruan.

Tandaan mo na may hangganan ang buhay. Mabuting maipamalas


mo sa iyong kapwa ang nararapat habang ikaw ay nabubuhay upang kung
lumisan ka man sa mundong ibabaw ay baon mo ang mabubuting bagay na
iyong nagawa para sa kapwa. Ang lahat ng materyal na bagay ay mawawala
ngunit ang iyong ugnayan sa Diyos at sa kapwa ang pinakamahalaga. Patuloy
mong pagyamanin ang iyong pagkilala sa dignidad na taglay ng bawat isa.

Sa pagkaunawa mo ng kahulugan ng dignidad, makagagawa ka na ng


angkop na pagkakilala ukol dito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Bumuo ng sariling pakahulugan patungkol sa


dignidad batay sa naunawaan mo sa araling ito. Gumawa ng mantra (mga salita
na paulit-ulit na binibigkas upang makatulong sa paglalim sa pagkaunawa sa
isang bagay). Isulat sa isang malinis na papel o bond paper kasama ang iyong
paliwanag. Maaari ring i-post sa social media kung may paraan at kakayahan ka.

Halimbawa:

Kapwa ko, pahahalagahan ko!


PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 32
Paano nga ba mas maipakikita ang paggalang sa dignidad ng kapwa?
Basahin ang usapan ng magkaibigang Lito at Lita.

1. O, bakit tila yata naiinis ka, 2. Ang kulit kasi ng matanda sa


Lita? bangketa. Hingi nang hingi sa
akin. Ang baho pa naman niya!

3. Anong sinabi mo sa kaniya?


Binigyan mo ba? 4. Siyempre, hindi! Ano siya, sini
-swerte? Pagkain ko ‘to e. Bahala
siya sa buhay niya.
5. Naku, kaibigan, mukhang
kailangan mong pag-isipan kung
tama ang iyong ginawa. 6. Huh? Bakit parang kasalanan
ko pa, Lito?

7. Hindi ba itinuro sa atin sa EsP


8. Weh? Kahit mahirap? Kahit
na bawat tao ay may dignidad at
pulubi o taong grasa?
kailangan natin itong igalang.

10. Ay oo nga pala. Nabasa ko rin iyon.


9. Oo. Anoman ang kalagayan sa Isang pagsubok pala ang naganap sa
buhay, anyo, kulay, lahing akin kanina. Hindi ako nagtagumpay na
pinagmulan o kasarian ay may magawa sa totoong buhay ang itinuturo
dignidad na taglay. sa atin ng mga aralin. Nakakahiya.

12. Mainam, Lita. Tama iyan. 11. Nagsisisi ako. Babalik ako
Halika, sasamahan kita sa roon at hihingi ng tawad.
kaniya. Iaabot ko rin itong mga Magbibigay na rin ako ng kahit
maaayos pang damit sa kaniya. kaunting tulong.

33 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


E
Naniniwala ako na sa pagbuo mo ng sariling pakahulugan sa dignidad ay
patuloy mong mauunawaan ang kahalagan ng dignidad ng kapwa. Gayundin,
makabubuo ka ng mga tiyak na paraan upang maipakita ito sa iba.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Kilalanin ang mga sitwasyon sa ibaba kung ito
ay nagpapakita ng pagkilala sa dignidad ng kapwa. Lagyan ng tsek (✓) kung Oo
at ekis (X) naman kung Hindi. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Dinuduraan ni Rico ang taong grasa na nakikita niya sa lansangan.
_____2. Nagbigay si Jansen ng biskwit sa batang nagtitinda ng Sampaguita sa
tapat ng simbahan.
______3. Isinasabay ni Perry ang kaniyang bagong kaklaseng Muslim sa pagkain
sa kantina kasama ng iba pa niyang kaibigan.
_____4. Binabato ni Dino ng malalaking bato ang bahay ng kaniyang
kapitbahay na nagpositibo sa COVID-19.
_____5. Tinulungan ni Abby ang banyagang humingi sa kaniya ng tulong kahit
na hindi siya gaanong kahusayan sa pagsasalita ng Ingles.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Magtala ng iba’t ibang uri ng tao sa lipunan na


iyong ginagalawan. Isulat ang iyong mga paraan upang maipadama ang
pagpapahalaga sa kanilang dignidad. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sisimulang gawin
Uri nga tao sa Paraan ng iyong o ipagpapatuloy upang
Lipunan pakikitungo maipadama ang pagmamahal
sa kapwa
Halimbawa: Pulubi Pinandidirihan Laging magdadala ng biskwit
kapag aalis ng bahay upang kapag
nakakita ako ng pulubi ay akin
itong ibibigay. Isasama ko rin sila
sa aking mga panalangin.

PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 34


Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magbalik-tanaw. Ibahagi ang karanasan na
naipakita sa iyo ng kapwa mo ang pagmamahal at pagmamalasakit na
naramdaman mo ang tunay na pagkakapantay-pantay ng mga tao. Gayundin,
magbahagi ng karanasan na ikaw naman ang nagpakita ng pagmamahal at
pagmamalasakit sa iyong kapwa ng hindi tinitingnan ang katayuan sa buhay.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang iyong naramdaman ng pinagmalasakitan ka ng iyong kapwa? Ano
ang pakiramdam na ikaw naman ang nagpakita ng pagmamahal sa iba?
2. Gagawin mo ba ulit ang pagpapakita ng malasakit sa iyong kapwa? Ano-ano
pa ang nais mong gawin? Bakit?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Isipin ang mga taong kapus-palad o mga


nangangailangan sa inyong pamayanan. Sa tulong ng iyong pamilya o kasama
sa bahay, maglunsad ng “Tulong sa Kapwa” Project. (Sa pagsasagawa nito
mahalaga na sundin ang itinakdang panuntunan ng pamayanan sa Community
Quarantine). Isulat sa sagutang papel ang iyong plano para sa gawaing ito.
Gawan ng dokumentasyon (larawan, artikulo, at/o video) ang pagsasagawa nito.

Tulong sa Kapwa Project


Uri ng Gawain: ___________________________
Petsa:________________________
Lugar na Paggaganapan:__________________
Paraan ng pagtulong:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sagutin ang sumusunod ayon sa iyong


natutuhan sa araling ito. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.
1. Hindi ipinagkakalat ni Lea ang mga negatibong sinasabi ng kaniyang kaibigan
sapagkat alam niya na hindi ito makatutulong sa ugnayan ng bawat isa.
Anong obligasyon sa kapwa ang naisasalang-alang ni Lea?
A. Pagpapahalaga sa ugnayan
B. Paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa
C. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos
D. Pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo
35 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7
2. Ayaw ni George na sundin ang buyo ng kaibigan na hamunin ng away ang
bagong kapitbahay. Anong obligasyon sa kapwa ang ipinakikita ni George?
A. Pagpapahalaga sa ugnayan
B. Paggalang sa sariling buhay at buhay ng kapwa
C. Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa bago kumilos
D. Pakikitungo sa kapwa ayon sa nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo
3. Ano ang kahulugan ng dignidad?
A. Kahalagahan B. karapat-dapat C. kalakasan D. kapayapaan
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan ng pagpapakita ng paggalang sa
dignidad ng kapwa?
A. Mahalin mo ang tao bilang tao.
B. Ipakita ang pagkilala sa dignidad ng kapwa habang may pagkakataon.
C. Tingnan mo ang tao sa paraan ng pagtingin ng Diyos sa kaniya.
D. Pahalagahan mo ang tao ng batay sa kung ano ang kakayahan niya.
5. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Ang pangungusap ay:
A. Mali. Nakasalalay ito sa ginawa ng tao para sa Diyos.
B. Mali. Ang lumalapit lamang ang Kaniyang anak.
C. Tama. Nilikha niya ang tao na magkakaiba ang karapatan.
D. Tama. Ang Diyos ay walang kinikilingan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Balikan ang pagkakataon sa buhay mo na
nakapagkait ka ng pagmamalasakit at pagmamahal sa iyong kapwa.
Manalangin at ihingi ito ng tawad sa Diyos. Pagkatapos nito, magtala ng mga
tiyak na hakbang na iyong gagawin upang palagiang maipakita ang
pagmamahal at pagmamalasakit. Isulat ang mga ito sa iyong sagutang papel.
Hakbang sa pagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa:
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

A
Ang tao ay minsan lamang mabubuhay sa mundong ibabaw. Gamitin ang
panahon ng pamamalagi sa daigdig upang maipadama
ang p _ _ m _ _ _ h _ l at pagmamalasakit sa kapwa.
Ibigay ang nararapat para sa tao sapagkat kung ano
ang ginawa mo sa iyong kapwa ay para mo na ring
ginawa sa Diyos na lumikha.
Laging isipin na ang bawat isa ay may taglay na
d _ _ _ _ _ _ d. Isabuhay ang pagmamahal at kabutihan!
PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 36
PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 37
Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto 7 Pagkatuto 3
1. A 1. /
2. B 2. /
3. B
3. /
4. D
5. D 4. X
Weeks 7-8
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto 7 Pagkatuto 3 Pagkatuto 2 Pagkatuto 1
1. A 1. Ibabahagi… 1. Sinisiguro... 1. T
2. Magalang…
2. C 2. Sumusunod... 2. M
3. Sa mabuti
3. C 3. Sinabi... 3. M
o maayos...
4. A 4. Ibinahagi... 4. M
5. Ipinagbigay...
Weeks 5-6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto 7 Pagkatuto 5 Pagkatuto 2 Pagkatuto 1
1. A 1. Mabuti 1. / 1. /
2. C 2. Masama 2. X 2. X
3. Mabuti
3. D 3. / 3. /
4. Masama
4. C 5. Masam 4. / 4. X
Weeks 3-4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto 7 Pagkatuto 3 Pagkatuto 2 Pagkatuto 1
1. A Katangian: 1. Isip 1. Tama
2. C A, B, F 2. Mali
2. Kilos-loob
Gamit:
3. A 3. Kilos-loob 3. Mali
C, G, H
4. A Tunguhin: 4. Tama
D, E, I, J
Weeks 1-2
Susi sa Pagwawasto
Personal na Pagtataya sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa
iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng mga gawain. Ilagay
ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang
deskripsiyon bilang gabay sa iyong pagpili.

-Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsagawa nito. Higit na


nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa
nito. Nakatulong ang gawain upang matutuhan ko ang aralin.
-Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko
naunawaan ang hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o
dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o mahusay.
Gawain sa Pagkatuto
Week 1 LP Week 2 LP Week 3 LP Week 4 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Week 5 LP Week 6 LP Week 7 LP Week 8 LP
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1 Pagkatuto Blg. 1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2 Pagkatuto Blg. 2
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3 Pagkatuto Blg. 3
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4 Pagkatuto Blg. 4
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5 Pagkatuto Blg. 5
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6 Pagkatuto Blg. 6
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7 Pagkatuto Blg. 7
Gawain sa Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8 Pagkatuto Blg. 8
Paalala: Magkaparehong sagot ang ilalagay sa LP o Lebel ng Performans sa mga gawaing
nakatakda ng higit sa isang linggo o week. Halimbawa: Ang aralin ay para sa Weeks 1-2,
lalagyan ang hanay ng Week 1 at Week 2 ng magkaparehong ,, ?.
PIVOT 4A CALABARZON EsP G7 38
Sanggunian

Brizuela, M.J.B., Arnedo, P.J.S., Guevara, G.A., Valdez, E.P., Rivera, S.M.,
Celeste, EG., Balona, Jr. RV, & Yum, B.D. O. 2015. Edukasyon sa
Pagpapakatao Ikasampung Baitang (Kagamitan ng mag-aaral). Unang
Edisyon. Pasig City, Philippines: Department of Education Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd IMCS).

Dy, Jr. M.B., Gayola, S., Leaño M., Brizuela, M.J.B., & Querijero, E.G. 2013.
Edukasyon sa Pagpapakatao Ikapitong Baitang (Kagamitan ng mag-aaral)
Unang Edisyon. Pasig City, Philippines: Department of Education
Instructional Materials Council Secretariat (DepEd IMCS).

Department of Education. 2016. "K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao Gabay


Pangkurikulum." lrmds.deped.gov.ph

Department of Education. 2020. Most Essential Learning Competencies in


Edukasyon sa Pagpapakatao.

Department of Education. 2020. Revised MELC sa Edukasyon sa Pagpapakatao.


RM 306, s. 2020 Corrigendum to the Enclosures in Regional Order No. 10,
s. 2020, Re: Implementing Guidelines on the Implementation of MELC
PIVOT 4A Budget of Work (BOW) in all Learning Areas for Key Stage 1 - 4.

39 PIVOT 4A CALABARZON EsP G7


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Cainta Rizal

Landline: 02-8682-5773 local 420/421

Email Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph

You might also like