7
Our Lady of the Lake School
#51 Cupang, Muntinlupa City
ESP
Modyul 1
Ano ang kailangan kong malaman
Panimula
Ang modyul na ito ay binuo upang lubusang makilala ang iyong sarili. Ito ay may paksa at
tumatalakay sa pag unawa sa mga pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang yugto ng pagdadalaga o
pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang para sa iyo kundi maging sa mga taong nasa sapat na
gulang sa iyong paligid. Marahil maging sila hindi malaman kung paano ka na ituturing. Isa ka bang bata pa
o papunta na sa pagiging matanda? Inaasahang magagamit mo ang mga ito sa pagpapakilala ng mga
bagong kaibigan, kamag-aral.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod:
a. Napamalas ng mag aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon
ng pagdadalaga / pagbibinata.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 1
b. Matukoy ang mga paraan para mapabuti ang iyong sarili
c. Mailarawan kung paano mo nakikita ang iyong sarili
ARALIN
Kabataan: Una sa lahat,
1 Pananagutang Pansarili
Anong nalalaman ko
Gawain 1:
Panuto:
1. Magtanong ng isang miyembro ng kapamilya kung ano-ano ang iyong mga katangian noong ikaw
ay 8 hanggang 11 gulang at naging pagbabago sa ngayon sa iba’t ibang aspekto. Isulat ang sagot
sa table sa ibaba.
2. Matapos mong sagutan ang table iyo naming sagutan ang mga gabay na katanungan.
EDAD 8 - 11 NGAYON
1. 1.
2. 2.
ASPEKTONG 3. 3.
4. 4.
PISIKAL 5. 5.
1. 1.
ASPEKTONG 2. 2.
3. 3.
EMOSYONAL 4. 4.
5. 5.
1. 1.
ASPEKTONG 2. 2.
3. 3.
SOSYAL 4. 4.
5. 5.
Gabay na katanungan:
1. Paano mo ihahambing ang iyong sarili noon at ngayon?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 2
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabago sa iyong sarili bilang nagdadalaga/nagbibinata? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
3. Ano ang ibig sabihin ng mga pagbabagong ito sa iyo bilang isang nagdadalaga/nagbibinata?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
5. Anu-ano ang mga nakatulong sa positibong pagbabago sa iyong buhay?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Anong bago
TERMINOLOHIYA
Adolescence - ay ang panahon, edad, o gulang na nasa pagitan ng pagiging isang bata o kilaw at
hustong adulto,
Pananagutan - ay nangangahulugang responsibilidad na kailangang gawin o isagawa ng isang tao,
nakapaloob sa pananagutan ang tungkulin na dapat magampanan ng naayon sa kilos.
Adult - ito ay ang mga matanda o may gulang na.
Insecurity - ito ay kawalan ng tiwala o o hindi sigurado sa kakayahan.
Behavior - ito ay nangangahulugan ng pag-uugali o asal.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 3
Anong nilalaman
BASAHIN AT UNUWAIN
Bilang isang nagdadalaga o nagbibinata maraming mga pagbabagong nagaganap sa iyo. Ang lahat
ng ito ay mahalaga para sa iyong patuloy na pagunlad bilang tao. Sa huli, ang lahat ng mga pagbabagong
ito ay makatutulong upang magampanan mo nang maayos o epektibo ang iyong mga tungkulin sa lipunan
Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagbibinata/ nagdadalaga. Ang
mga ito ay tinatawag na inaasahang kakayahan at kilos. Maaaring ang iba ay naglalarawan sa iyo o
maaaring ang iba naman ay hindi mo dapat gawin.
Mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata sa Iba’t ibang aspekto:
ASPEKTONG PANGKAISIPAN
Nagiging mahusay sa pakikipagtalo at pakikipagtalakayan
Mas nakapagmememorya
Nakapag-iisip ng lohikal tungkol sa mga konsepto
Nasusundan at nasusuri ang paraan at nilalaman ng sariling pag-iisip
Nakagagawa ng mga pagpaplano sa hinaharap
Nahihilig sa pagbabasa
Nangangailangan na maramdamang may halaga sa mundo at may pinaniniwalaan
ASPEKTONG PANLIPUNAN
Lumalayo sa magulang; naniniwalang makaluma ang mga magulang
Ang tinedyer na lalaki ay karaniwang ayaw magpakita ng pagtingin o pagmamahal
Karaniwang nararamdamang labis na mahigpit ang magulang; nagiging rebelede
Dumadalang ang pangangailangang makasama ang pamilya
Nagkakaroon ng maraming kaibigan at nababawasan ang pagiging labis na malapit sa iisang
kaibigan sa katulad na kasarian.
Higit na nagpapakita ng interes sa katapat na kasarian ang mga babae kaysa mga lalaki
Madalas mairita sa mga nakababatang kapatid.
ASPEKTONG PANDAMDAMIN
Madalas na mainitin ang ulo; kadalasang sa mga nakatatanda o may awtoridad ipinatutungkol ang
mga ikinagagalit
Madalas nag-aalala sa kaniyang pisikal na anyo, marka sa klase, at pangangatawan
Nag-aalala sa kasikatan sa hanay ng kapwa mga tinedyer
Nagiging mapag-isa sa tahanan
Madalas malalim ang iniisip
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 4
ASPEKTONG MORAL
Alam kung ano ang tama at mali
Tinitimbang ang mga pamimilian bago gumawa ng pasiya o desisyon
Pantay ang pagtingin o pakikitungo sa kapwa
Madalas ay may pag-aalala sa kapakanan ng kapwa
Hindi magsisinungaling
Gaano man kalaki ang hamon sa iyo, kailangan mong harapin ang mga ito. Kailangang handa ka at
taglay mo ang mga kaalaman na makatutulong sa iyo upang maging matatag ka sa iyong pagharap sa
hamon ng pagdadalaga o pagbibinata.
Mahalagang maunawaan mo na ang bawat tao ay may mga inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa bawat yugto ng buhay na dapat tugunan o gampanan. Kailangan ang mga ito
upang malinang ang kaniyang mga talento at kakayahan at matamo ang kaayusan sa pamayanan.
Mahalagang kilalanin ang mga inaasahang kakayahan at kilos na ito lalo na sa yugto ng maagang
pagdadalaga o pagbibinata (early adolescence).
Tatlong mahalagang layunin ang inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa bawat
yugto ng pagtanda ng tao.
Nagsisilbing gabay ang mga ito kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat yugto ng
buhay. Mahalagang maunawaan ang mga ito upang matamo ang mga kasanayang angkop
1 dito. Mahalagang isagawa ito sa ilalim ng patnubay ng magulang at mga guro.
nagsisilbing pangganyak o motibasyon ang mga ito sa binatilyo o dalagita upang gawin niya
ang mga inaasahan sa kaniya ng lipunan.
2
malilinang ang kakayahang iakma ang kaniyang sarili sa mga bagong sitwasiyon; kaya’t
maiiwasan ang stress o nakahihiyang reaksiyon dahil makapaghahanda siyang harapin ang
mga ito. Halimbawa, ang batang nagmamasid sa paraan ng pakikitungo ng binatilyo o
3 dalagita sa katapat na kasarian ay madaling maiakma ang sarili pagdating niya sa yugtong
ito.
PAGLALARAWAN NG MGA INAASAHANG KILOS
1. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations) sa mga kasingedad
Bago dumating ang yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, ang isang bata ay madalas na mas
nakikipag-ugnayan sa kapwa batang katulad niya ang kasarian. Para sa isang bata, mahalaga ang
pagkakaroon ng kalaro dahil ito ang magtuturo sa kaniya ng pakikipag-ugnayan. Ngunit habang lumalaki at
nagkakaisip, nababago ang kaniyang pagtingin sa kaniyang kapwa. Nagiging mas malalim ang kanyang
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 5
pagtingin sa pakikipag-ugnayan. Naghahanap na siya ng mga taong makakasama niya nang mas madalas
sa araw-araw, makakasundo sa maraming bagay at ibang gawain. Ang tawag niya rito ay mga kaibigan.
Sila ang mga taong tumutulong sa kaniya upang matanggap at mapabilang siya sa isang pangkat na labas
sa kaniyang pamilya.
Mga hakbang na makakatulong maunawaan ang tungkulin sa paghubog ng isang maayos at ganap na
pakikipag-ugnayan:
a. Alamin mo kung ano talaga ang iyong nais.
b. Ipakita ang tunay na ikaw.
c. Panatilihing bukas ang komunikasyon
d. Tanggapin ang kapwa at kaniyang tunay na pagkatao.
e. Panatilihin ang tiwala sa isa’t isa.
f. Maglaro at maglibang.
g. Mahalin mo ang iyong sarili.
2. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalaki
Ang mga nagdadalaga o nagbibinata ay bumubuo ng kanilang sariling kahulugan
ng pagiging lalaki o babae. Ngunit hindi pa rin naiaalis na ibatay ito sa nakagisnang
kultura. Ang kanilang pagkakaibang biyolohikal ang nagtutulak upang magkaroon ng
ganitong pananaw. Ngunit hindi nararapat na lagyan ng hangganan ang kakayahan ng
bawat isa batay lamang sa kaniyang katangiang biyolohikal. Sa tulong at paggabay ng
mga nakatatanda, kailangang mabigyan ng pagkakataon ang bawat isa na hubugin ang
kanilang mga papel sa lipunan bilang lalaki at babae.
3. Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglalapat ng tamang pamamahala sa mga ito.
Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata, mabilis ang mga pisikal na pagbabago sa katawan kung
ihahalintulad sa ibang yugto ng buhay, maliban sa unang dalawang taon ng isang bata. Sa isang binatilyo o
dalagita, ang pagkakaiba niya sa iba sa bilis ng paglaki ay maaaring maging dahilan ng insekyuridad
(insecurity). Maaaring magkaroon ng epekto ang mga pisikal na pagbabago sa katawan, sa emosyon at
pakikitungo sa kapwa. Likas at panlahat ang mga ito, kaya di dapat mag-alala ang dalagita o binatilyo.
Mahalagang sumangguni sa mga may sapat na gulang (adult), magulang o taong pinagkakatiwalaan.
4. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa. (Desiring and achieving
socially responsible behaviour).
Mula sa iyong tahanan, lumalawak ito habang nadaragdagan ang iyong edad. Ang pagiging
mapanagutan sa pakikipagkapwa ay lagpas na sa simpleng paggalang sa kapwa. Ito ay pag-unawa at
pagbibigay-halaga sa katotohanang hindi nabubuhay ang tao para lamang sa kaniyang sarili. Kailangan
natin ang ibang tao upang tunay na makita ang ganda at halaga ng buhay. Para sa isang nagdadalaga o
nagbibinata, mahalaga ito upang tunay na makilala ang kaniyang pagkatao, upang matukoy kung saan siya
nababagay sa lipunan at upang mabuo ang kaniyang tiwala na makibahagi sa anumang gawain o trabaho.
5. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya
Ang isang bata ay labis na palaasa sa kaniyang mga magulang. Hindi
siya makapagpapasiya kung hindi nasa ilalim ng kanilang paggabay.
Makararamdam lamang siya ng seguridad kung alam niyang nariyan sila upang
suportahan at tulungan siya. Sa yugto ng pagdadalaga o pagbibinata,
kinakailangang matutong linangin ang kakayahan sa maingat na pagpapasya.
Mahalagang sumangguni sa mga nakatatanda o awtoridad na higit na may alam
sa mabuting pamumuhay (tulad ng magulang o kapatid) sa mga pasiyang
gagawin; ngunit sanayin na ang sarili na piliin ang patungo sa kabutihan – yaong
makabubuti sa sarili, sa kapwa, pamayanan at sa bansa.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 6
6. Paghahanda para sa paghahanapbuhay
Sa ating lipunan, iminumulat ang mata ng mga nagdadalaga o nagbibinata na matutuhan ang mga
kakayahan na kailangan upang makakuha ng magandang hanapbuhay sa hinaharap.
Makatutulong sa iyo ang sumusunod:
a. Kilalanin ang iyong mga talento, hilig, kalakasan at kahinaan.
b. Makipagkaibigan at lumahok sa iba’t ibang gawain sa paaralan (extracurricular activities).
c. Magkaroon ng plano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na ibig kunin sa hinaharap.
d. Sumangguni sa mga matagumpay na kakilala na may hanapbuhay o negosyo upang magtanong tungkol
sa mga ginagawa nila sa nasabing hanapbuhay o negosyo
e. Hubugin ang tiwala sa sarili at ang kakayahan sa pagpapasiya
f. Hingin ang payo ng mga magulang sa pagpili ng angkop na kurso para sa iyo.
7. Paghahanda para sa pag-aasawa at pagpapamilya
Kasama sa mga kakayahan at dapat gawin na lilinangin sa isang nagdadalaga o nagbibinata ay ang
mapaghandaan ang pag-aasawa at pagpapamilya. Ngunit mahalagang maunawaan na ganap lamang na
matatamo ang kakayahang ito sa huling yugto ng pagdadalaga o pagbibinata at sa maagang yugto ng
pagtanda (adulthood). Sa kasalukuyang yugto ng iyong buhay, ituon mo muna ang iyong pansin sa pag-
aaral upang makamit ang iyong mga pangarap at mithiin.
GAWAIN 2:
Panuto: Sa panahon ng iyong pagbibinata/pagdadalaga ano ang inaasahan mo sa iyong sarili pagkaraan
ng 5 hanggang 10 taon mula ngayon. Kumpletuhin ang table sa ibaba. Sundan ang halimbawa sa ibaba.
INAASAHANG KILOS EDAD MO NGAYON MAKALIPAS ANG 5-10 TAON
halimbawa:
Nahihiya pa akong Ako ay nakikipagkaibigan na at
Pagtatamo ng bago at ganap na makipagkwentuhan sa hindi ko madalas makisalamuha sa aking
pakikipag-ugnayan (more mature madalas makasamang kaklase mga kasing edad.
relations) sa mga kasingedad.
Ang iyong Sagot:
1. Pagtatamo ng bago at ganap
na pakikipag-ugnayan (more
mature relations) sa mga
kasingedad.
2. Pagtanggap ng papel sa
lipunan na angkop sa babae o
lalaki.
3. Pagtanggap sa mga
pagbabago sa katawan at
paglalapat ng tamang
pamamahala sa mga ito.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 7
4. Pagtamo at pagtanggap ng
mapanagutang asal sa
pakikipagkapwa.
5. Pagkakaroon ng kakayahang
makagawa ng maingat na
pagpapasiya.
6. Paghahanda para sa
paghahanapbuhay.
7. Paghahanda para sa pag-
aasawa at pagpapamilya.
Ano pa
KARAGDAGANG KAALAMAN
Narito ang isang artikulo mula Dr. Karina Galang Fernandez na pinamagatang “FILIPINO
ADOLESCENTS’ CONCEPTUALIZATION OF SOCIAL SUPPORT”. Ang artikulong ito ay makakatulong
upang madagdagan ang iyong kaalaman patungkol sa aralin na pananagutan sa sarili.
http://ateneo.edu/news/research/filipino-adolescents%E2%80%99-conceptualization-social-support
Pagtataya
Panuto: Unuwaing mabuti at sagutan ang mga bawat katanungan sa ibaba.
1. Ano-ano ang iyong minimithiing sarili? Ano talaga ang ninanais mong maging? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 8
2. Anu-ano ang mga katangianang gusto mong mayroon ka? na sa palagay mo ay kulang ka?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
3. Ang minimithi mo ba ay malapit na sa kung ano ka ngayon? Sa palagay mo ba’y makatotohanan ang
ang mga ito?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4. Papaano mo pinaplano ang pagbabago mo upang makamit ang iyong mga mithiin?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
5. Gaano kahalaga ang mga magulang, mga nakakatandang kamag-anak o kakilala sa mga pagbabagong
nagaganap sa iyong sarili?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
GAWAIN 4:
Panuto: Gumawa ng tula na may dalawa hanggang 3 saknong patungkol sa mga nararanasan mo sa
panahon ng iyong pagdadalaga at pagbibinata.
__________________________________________
(Pamagat)
_________________________________________________________________________

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 9

________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Ang pagdadalaga at pagbibinata at pagbibinata ay isa sa mga napakahalagang bahagi ng iyong
buhay ng isang tao. Taglay nito ang mga kasiyahang humuhubog sa pagkatao ng bawat isa sapagkat
ang kakayaha at kakanyahan ay nagging makabuluhan upang magamit lao na sa pagtahak ng landas
ng iyong buhay. Ito ay isang hagdan at batayan kung papaano mo mapaiigi ang iyong buhay
pagdating mo sa tamang gulang.
Sanggunian
Aklat
Bongat, Q.V., at Memijie, E.H, Edukasyon sa Pagka-Tao at Pagpapakatao 2016, Sta Ana, Manila,
Philippines. Aklat at Dunong Publishing Inc. p. 10
Website
Picture
https://grade9trustworthyblog.wordpress.com/2015/01/08/ang-kabataan-noon-at-ngayon/
https://k12resources.files.wordpress.com/2016/04/gr-7-esp-lm-q1-to-4.pdf
https://k12resources.wordpress.com/tag/esp-7-lm/
Ipinasa ni: ________________________________________________ Antas _________________
Ipapasa kay: ______________________________________________
(pangalan ng guro)
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7 10