You are on page 1of 6

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.3


Textbook based instruction
SA FILIPINO 8
paired with MELC-Based
Quality Assured Learner’s
Kwarter 1 Linggo 4
Activity Sheet (LAS)

Pangalan: ____________________________Baitang at Pangkat: _____________________

Guro: _____________________________Petsa ng Pagpasa : _________________________

MELC
6: Nakikinig nang may pag-unawa upang:-mailahad ang layunin ng napakinggan,-maipaliwanag ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari (F8PN-Ig-h-22)
7: Napapaunlad ang kakayahang umunawa sa binasa sa pamamagitan ng:-paghihinuha batay sa mga
ideya o pangyayari sa akda, -dating kaalaman kaugnay sa binasa (F8PB-Ig-h-24)

Aralin 3: Epiko at Ang Katuturan Nito


Sanggunian: Pinagyamang Pluma 8 Pahina: 54-57
www.google.com

Layunin: Naibibigay ang katuturan, uri, at katangian ng Epiko

Kasanayan Bilang: 1 Katuturan, Uri at Katangian ng Epiko Araw:1

KONSEPTO:
Epiko - Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyego na “epos.” Ito ay may kahulugang awit, subalit
ito ngayon ay may tema ng kadakilaan ng kabayanihan. Ang epiko ay isang tulang pasalaysay tungkol sa
paglalakbay, pakikidigma, ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
kamangha-mangha, kagila-gilalas o di kapani-paniwalang pangyayari na kapangyarihan at lakas na
ipinamamalas ng karaniwang nilalang.

MGA URI NG EPIKO

1. Epikong Sinauna
Sinasabing sinauna sapagkat ang mga uring ito ay lumitaw noong unang panahon. Kilala rin sa
taguring Epikong Pambayan na naglalahad ng isang sambayanan o bansa sa pagtataguyod ng isang
layunin o mithiin. Ito’y karaniwan nang may katangian pangunahing tauhan nag-aangkin kahima-himala
at kumakatawan sa adhikain ng isang lahi o isang bansa. Sinauna sapagkat nagpasalinsalin ito mual sa
sinaunag panahon ganggang ngyaon.

2. Epikong Masining
Tinatawag din itong Epikong Makabago o Epikong pampulitika, hindi nagpasalinsalin ngunit
isinulat ng isang makata.

3. Epikong Pakutya
Kabalangkas ng Epikong pambayani ngunit ang paksa ay naglalahad na kutyain ang gawaing
walang kabuluhan at pag-aaksayahan lamang ng panahon ng tao.

KATANGIAN NG EPIKO
1. Matalinghaga o malalim ang mga pananalita sa epiko.
Ang epiko ay hitik sa mga metapora o iba pang mga tayutay. Dahil hindi literal ang mga pananalita
sa epiko, kailangan itong basahin nang mabuti upang maunawaan ang kahulugan ng bawat mga taludtod.

2. Ang mga tauhan ay may bansag o pagkakakilanlan.


Kadalasang may ikinakabit na paglalarawan sa pangalan ng tauhan upang mas madali itong
maalala ng mga mambabasa. Napapadali rin nito ang pagkilala sa personalidad ng naturang tauhan.

3. Direktang pananalita mula sa mga tauhan.


Mababasa sa epiko ang mismong dayalog na sinasalita ng tauhan. May mga linyahan ng tauhan
na tumatatak sa mga mambabasa. Kadalasang dito nagmumula ang mga sikat ng kawikaan.
1
4. Naglalaman ng mga kababalaghan o di-kapanipaniwalang pangyayari.
Madalas na eksaherado ang mga eksena sa mga epiko. May taglay na kapangyarihan rin ang mga
pangunahing tauhan na ginagamit nila upang matalo ang kalaban.

5. Nagpapakita ng agwat sa pagitan ng mga tao at mga diyos.


Ipinakikita sa epiko na ang mga diyos ay laging nakahihigit sa mga tao dahil sa taglay nilang
kapangyarihan.

6. Malawak o maraming tagpuang nasasangkot.


Ang pangunahing tagpuan sa epiko ay maaaring hango sa isang tunay na umiiral na lugar sa
mundo, mayroon rin namang piksyon na tagpuan. Pero hindi lang sa isang tagpuan umiikot ang epiko.
Maaari itong maging sa ibang panig ng mundo o sa kalawakan pa nga.

7. Buhay pag-ibig ng pangunahing tauhan.


Bukod sa pakikipagdigma at paggapi sa kalaban, layunin din ng pangunahing tauhan na mahanap
ang kaniyang iniibig at na masaya silang mamuhay nang magkasama sa wakas ng kwento.

8. Aral ng kabayanihan.
Ang ipinakitang kabayanihan at magagandang katangian ng pangunahing tauhan ay isang
huwaran para sa mga katutubo.
Pagsasanay
Panuto: Basahin at unawain ang mga gabay na tanong, sagutan ito upang malaman natin ang iyong
kaalaman tungkol sa Epiko.
1. Ano ang Epiko? Bakit mahalagang pag-aralan ang Epiko?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_________
2. Paano naiiba ng katangian ng Epiko sa ibang akdang pampanitikan?
________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
______

Layunin: Naisasalaysay ang mga kaisipang napakingan at ang pagkaka-ugnay ng mga pangyayari

Kasanayan Bilang: 2 Kaisipan at Pangyayaring Nakapaloob sa Epiko Araw:2

KONSEPTO:
Ang epiko o epic ay isang anyo ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa kaniyang mga katunggali; mga diwata o anito at mga mabubuting espiritu.
Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa ibat-ibang grupong etniko. Ito
ay mga tulang pasalaysay na naglalarawan sa buhay at kabayanihan ng isang tao partikular sa isang
lalaki. Ito ay nagtuturo ng magagandang asal at kabayanihan sa pamamagitan ng mga paggamit ng
salitang nakakapagsaad ng mabilis na pangyayari mga masalimuot na paksa at mga kababalaghang Hindi
maabot nang pag-unawa.

Layunin ng Epiko
1. Nagbibigay impormasyon ukol sa mga sinaunang tao at kultura.
Karamihan sa mga epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong
proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong grupo sa Mountain Province at sa
Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.

2. Kumakatawan ito sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mga mamamayan.


Ang mga epikong Pilipino ay mas nararapat na tawaging ethno-epic dahil sa may mga epiko na
kumakatawan sa bawat pangkat etniko at tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at tribo.

3. Nagpapakita ng kasaganaan ng mga imahe at metapora na makukuha sa pang-araw-araw na buhay at


kalikasan.
Kadalasang umiikot sa bayani, kasama ang kanyang mga sagupaan sa mga mahihiwagang nilalang,
anting-anting, at ang kanyang paghahanap sa kanyang minamahal o magulang. Ito rin ay maaaring

2
tungkol sa panliligaw o pag-aasawa.

4. Pagpapalawig at pagpapalaganap ng kultura, paniniwala at sining.

Isinasaad ang mga mahahalagang layunin na nais ipabatid ng may-akda na tungkol sa kabayanihan
at pamumuhay ng mga tao. Nagpapakita ng mga kaugaliang taglay ng isang Pilipino at tradisyon na
isinasagawa batay sa kultura ng mga Pilipino. Sa kabilang dako ang mga epiko ay sumasalamin sa mga
ritwal at pagdiriwang ng isang lugar upang maisapuso at mapanatili sa isipan ng mga mamamayan ang
mga kinagisnang kaugaulian at paniniwala, gayundin ang mga tuntunin sa buhay na pamana ng ating
mga ninuno.

Pagpapakita ng Halimbawa:
Bantugan
(Epikong Mindanao)

Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali sa kaharian ng Bumbaran.  Ang prinsipe ay balita
sa tapang at kakisigan, kaya't maraming dalaga ang naaakit sa kanya.  Dahil sa pangyayaring ito, si
Haring Madali ay naiinggit sa kapatid.  Nag-utos siya na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman
kay Prinsipe Bantugan.  Ang sinumang mahuling makipag-usap sa prinsipe ay parurusahan.  Nalungkot si
Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian
ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat.  Ang hari rito at ang kapatid niyang si Prinsesa Datimbang
ay naguluhan.  Hindi nila kilala si Bantugan.  Tumawag sila ng pulong ng mga tagapayo.  Habang
sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay, isang loro ang pumasok.  Sinabi ng loro
na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari
kay Haring Madali.
Nalungkot si Haring Madali.  Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang
kaluluwa ni Bantugan.  Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay dumating
din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan.  Ibinalik ang kaluluwa sa katawan ni
Bantugan.  Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong kaharian pati na si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang matapang na
kapatid ni Haring Madali. Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran.  Itinigil ang pagdiriwang at
nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran.  Nanlaban din si Prinsipe Bantugan subalit dahil sa siya ay
nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag.  Siya'y iginapos, subalit nang
magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang gapos at buong ngitngit niyang pinuksa
ang mga kawal ni Haring Miskoyaw.  Nailigtas ni Bantugan ang kaharian ng Bumbaran.  Ipinagpatuloy ng
kaharian ang pagdiriwang.  Nawala na ang inggit sa puso ni Haring Madali.  Dinalaw ni Bantugan ang
lahat ng mga prinsesang kanyang katipan.  Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na
tinanggap naman ni Haring Madali nang malugod at buong galak.  Namuhay si Bantugan ng maligaya ng
mahabang panahon.
Panitikang Asyano 8, p.54-57

Karagdagang Batis:
Ang Bantugan ay isang epiko ng Mindanao na nagmula sa isang alamat ng tribu ng mga
Mohammedan o ang tinatawag na Moro. Ang Moro ay salitang Espanyol ng Mohammedano Mussulman. Ito
ay patungkol sa isang prinsipe ng Bumbaran na nakikipagsapalaran para sa kanyang kaharian. Ang
epikong ito ay masasabing patok na alamat para sa mga bata mula noon hanggang ngayon. Ito ang kauna-
unahang orihinal na alamat na nagmula mismo sa mga taga Mindanao. Noong 1900 isinalin ito nina
Major Ralph S. Porter, Surgeon U.S.V. Bantugan at marami pang iba.
Pagsasanay
Panuto: Basahin at unawain ang epikong Bantugan (Epikong Mindanao). Isasalaysay ang mga kaisipang
nabasa at ang pagkaka-ugnay ng mga pangyayari. Punan ang graphic organizer.

Epikong Bantugan

Layunin ng Epiko

3
Kaugalian at
Kulturang
Pilipino

Layunin: Nasusuri ang elemento ng epikong binasa

Kasanayan Bilang: 3 Elemento ng Epiko Araw: 3

KONSEPTO:
Tinatawag namang “macro-epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang haba at maaring umabot o
humigit pa sa isang-daang araw ang pagkukwento nito. Ang macro-epic ay naglalaman ng “micro-epic” o
isang parte o bahagi kwento na maaring ihiwalay at makabuo ng isa pang bukod na kwento.

Mga Elemento ng Epiko


Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa isang epiko:

Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari. Naapektuhan nito
ang takbo ng kwento, kaugalian at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan din ito upang malinawan
ang mga mambabasa sa banghay, paksa, at tauhan ng kwento.

Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa madaling salita, ang tauhan ay ang
mga kumikilos sa akda. Sa kwento ng kabayanihan, ang mga tauhan ay karaniwang may taglay o angking
kapangyarihan.

Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring maging payak o kompikado. Ang
banghay ng isang epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit na kasiglahan, kasukdulan,
kakalasan, at wakas.

Pagsasanay
Panuto: Suriin ang mga elemento ng epikong Bantugan. Ano ang maasasabi mo sa estilo niya sa kanyang
simula, gitna at wakas gamit ang graphic organizer.
Pamagat

Tauhan Tagpuan

Suriin ang Simula:

Suriin ang Gitna:

Suriin ang Wakas:

Layunin: Naibabahagi ang mga hinuha, mula dating kaalaman kaugnay sa mahalagang kaisipan na
nakapaloob sa binasang akda

Kasanayan Bilang: 4 Paghihinuha sa Mahahalagang Kaisipan sa Akda Araw: 4

KONSEPTO:

Sa bahaging ito, mabibigyan mo ng pansin ang kahalagahan ng epiko bilang akdang pampanitikan.
Ang antas ng iyong pag-unawa ay mahalaga sa mga mahihunuha sa mga kaisipang nakapaloob sa epiko at
makakatulong ang iyong dating kaalaman.Paano mo ito magagawa? sundan ang mga halimbawa

Pagpapakita ng Halimbawa:

4
MAHAHALAGANG KAISIPAN MAHAHALAGANG KAISIPAN
SA EPIKONG BANTUGAN SA EPIKONG BANTUGAN

HINUHA SA MGA PANGYAYARI HINUHA SA MGA PANGYAYARI

Pagsasanay
Panuto: Bigyan ng tamang paghihinuha ang mga kaisipan o pangyayaring naganap pa sa epikong
Bantugan. Sa nakalaang kahaon ay magbigay ng mga hinuha batay sa iyong dating kaalaman o
karanasang may kaugnayan sa mga nakatalang ideya o pangyayari.

1. Pinag-utos ni Haring Madali na ipinagbabawal na makipag-usap ang sinuman kay Prinsipe Bantugan.
Hinuha:
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________

2.Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa ginawa ni Haring Madali at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at
namatay sa pintuan ng palasyo ng Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat.  
Hinuha:
_________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

Kasanayan Bilang 1:

1. Sariling Sagot ng Mag-aaral


(Nakasalalay sa guro ang pagpapasya)

Kasanayan Bilang 2:

1. Sariling Sagot ng Mag-aaral

(Nakasalalay sa guro ang pagpapasya)

Kasanayan Bilang 3:

1. Sariling Sagot ng Mag-aaral

(Nakasalalay sa guro ang pagpapasya)

Kasanayan Bilang 4: Sariling Sagot ng Mag-aaral

(Nakasalalay sa guro ang pagpapasya)

5
Inihanda ni:

Mary Flor A. Delos Santos

CCNHS

You might also like