You are on page 1of 24

12

Filipino
Unang Markahan–Modyul 1:
Pagbibigay ng Kahulugan sa
Akademikong Pagsulat
Filipino – Ikalabindalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pagbibigay ng Kahulugan sa Akademikong Pagsulat
[[

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Ma. Gemma M. Ledesma
Assisstant Regional Director: Josilyn S. Solana

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Susan J. Quistadio
Editor: Gemma B. Obsiana
Tagasuri: Catherine D. Diaz
Junry M. Esparar
Celestino A. Dalumpines III
Tagalapat: Jeson A. Telesforo
Tagapamahala: Ma. Gemma M. Ledesma
Salvador O. Ochavo, Jr.
Elena P. Gonzaga
Segundina F. Dollete
Shirley A. De Juan
Merlie J. Rubio

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region VI


Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: region6@deped.gov.ph
12

Filipino
Unang Markahan–Modyul 1:
Pagbibigay ng Kahulugan sa
Akademikong Pagsulat
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagbibigay ng Kahulugan sa Akademikong Pagsulat..
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka at
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Pagbibigay ng kahulugan sa Akademikong Pagsulat.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksiyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa huling bahagi ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang


marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami na sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na isinaalang-alang ang iyong


kakayahan. Makatutulong ito para mabatid mong maigi ang kaalaman tungkol sa
Pagbibigay-kahulugan sa akademikong pagsulat. Ang mga wikang ginamit ay ayon
sa antas ng pang-unawa mo. Ang aralin ay inihanay batay sa pamantayan ng
kagawaran.

Pagbati mahal na mag-aaral. Handa ka na ba sa panibagong hamon?


Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:

 nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.


(CS_FA1112PB-0Aa-c-101).

Subukin

A. Tama o Mali. Basahin ang sumusunod na pahayag at isulat sa sagutang


papel ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi
wasto.
_____1. Sumusulat ang tao upang tugunan ang personal na
pangangailangan.
_____2. Isinasagawa ang pagsulat upang mapabuti ang iyong
kapuwa.
_____3. Maaari ring isagawa ang akademikong pagsulat sa mga
hindi akademikong institusyon tulad ng sa elementarya.
_____4. Nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayan sa
pagsulat ang sulating akademiko.
_____5. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng
makabuluhang impormasyon.
_____6. Malaya ang pagsulat sa akademik hindi nangangailangan
ng format.
_____7. Ang nilalaman ng akademikong sulatin ay iisang paksa na
magkakaugnay dapat ang mga mensahe.
_____8. Karaniwang istruktura ng akademikong sulatin ay Simula,
Gitna at Wakas.
_____9. Naglalaman ang simulang bahagi ng mga pangyayari o mga
paliwanag.
_____10. Sa bahaging wakas naman ng akademikong sulatin, ito ay
naglalaman ng konklusyon, rekomendasyon o resolusyon.

1
_____11. Isa sa mga halimbawa ng akademikong sulatin ang
talumpati na nangangahulugang pagpapahayag ng iniisip
o saloobin sa ibang tao na isinasagawa sa entablado.
_____12. Ang bionote ay halimbawa ng akademikong sulatin na
naglalaman ng personal na impormasyon ng manunulat
sa kaniyang mga isinulat.
_____13. Kasama ang liham pangkaibigan sa mga halimbawa ng
sulating akademiko.
_____14. Ang abstrak ay sulating akademiko na naglalaman ng
paksa at mga inaasahan sa isang pag-aaral na makikita
bago ang introduksiyon.
_____15. Ang buod ay isa rin sa halimbawa ng akademikong
sulatin na naglalaman ng pinaikling bersyon ng mga
akda na may simula, gitna at wakas na bahagi.

Aralin
Pagbibigay ng kahulugan sa
1 Akademikong Pagsulat

Sa araling ito ay malalaman at lalong mauunawan mo ang pagbibigay ng


kahulugan sa akademikong pagsulat. Ang mga babasahin at iba’t ibang gawain sa
modyul na ito ay lalong makatutulong sa iyong pagkatuto sa araling ito.

Balikan

Balikan mo ang iyong aralin sa pagbasa ng iba’t ibang teksto tungo sa


pananaliksik. Ito ay mga uri ng teksto na maaaring gamiting batayan sa pagsulat
ng akademikong sulatin. Tunghayan at basahin ang sumusunod na pahayag at
kilalanin ang mga ito ayon sa kaniyang kahulugan. Piliin mula sa parihaba ang
sagot at isulat sa sagutang papel.

2
Mga Pagpipilian

A. Tekstong Naratibo
B. Tekstong Deskriptibo
C. Tekstong Prosidyural
D. Tekstong Impormatibo
E. Tekstong Nanghihikayat
F. Tekstong Argumentatibo

Mga Pahayag:
1. Uri ng teksto na may layuning maghatid ng impormasyon sa
mambabasa.
2. Tekstong nagnanais na ilarawan ang mga katangian ng mga bagay,
pook, lugar, tao, ideya, paniniwala at iba pa.
3. Ito ang tekstong umapela o pumukaw sa damdamin ng mambabasa.
4. Teksto na nagsasalaysay ng mga dugtong-dugtong at magkakaugnay
na pangyayari.
5. Layunin ng tekstong ito na manghikayat sa pamamagitan ng
pangangatuwiran tungkol sa paksa na panig o salungat.

Tala para sa Guro


Ito ay panimulang pagtatasa lamang. Maaaring itala ang
iskor para matukoy ang kahinaan ng mag-aaral.

3
Tuklasin

Bagong aralin na naman ang iyong matututuhan sa araw na ito. Ito ay ang
pagbibigay ng kahulugan sa akademikong pagsulat.

Basahin ang akda at sagutin ang mga nakatalang tanong pagkatapos nito. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Panukalang Proyekto tungkol sa Pagbili ng Smart na Telebisyon sa Silid-aralan


ng Grado 12 HUMSS 1 ng Mataas na Paaralan ng Vicente Andaya Sr.

I. Panimula
A. Proponent ng Proyekto: Grado 11- HUMSS 1

B. Kaligiran ng Proyekto
Ang Humanities at Social Sciences na mga mag-aaral sa Grado 12 ay
kilalang natatangi ang katalinuhan sapagkat dumaan ito sa
masusing pagpili. Mula sa matataas na grado ay dumaan pa ito sa
matinding interbyu mula sa mga batikang guro ng Senior High
School ng Vicente Andaya Sr.
Sa kalidad ng mga ito nararapat lamang na mabigyan sila ng
magandang edukasyon. Ang smart na telebisyon ay may malaking
papel na puwedeng gampanan upang magpursige pa lalo ang mga
mag-aaral na matuto.
Ang smart na telebisyon ay isa sa mga natatanging instrumento
upang mapalawak pa lalo ang kaalaman ng mga mag-aaral sa bawat
asignatura at mapadali sa guro ang paghatid ng kaalaman lalong-
lalo na sa makabagong estratehiya tulad ng google classroom, Kahoot
at marami pang iba.

II. Gitna

C. Deskripsyon ng Proyekto
Hangad ng proyektong ito na matugunan ang mga pangangailangan
ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Gagamitin ang nasabing
proyekto sa pagpapakita ng mga powerpoint presentation ng guro,
pagbibigay ng online quizzes at maging ng mga presentasyon sa ulat
ng mga mag-aaral. Ninanais din nito na makapagpakita ng video
clips o presentation upang mas higit na maganyak ang mga mag-
aaral sa kanilang pag-aaral.

4
D. Layunin

Layunin ng proyektong ito na:


1. mapagaan ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa grado 12 ng HUMSS 1;
2. matulungan ang mga guro na mapadali ang pagtuturo; at
3. makasabay sa mga bagong teknolohiya na gumagana sa makabagong
panahon.

E. Planong Aksiyon

Mga Gawain Taong Sangkot Panahon


1. Pagsulat at Opisyales ng Hulyo 2019
pagsumite ng Homeroom PTA,
panukalang Tagapayo
proyekto sa Punongguro
punongguro
2. Pagpapatawag ng Tagapayo Hulyo 2019
pulong sa mga Punongguro
magulang Magulang
3. Pagkolekta ng Magulang
pondo Agosto 2019
4. Pagbili ng TV Magulang Agosto 2019
5. Pagkabit ng TV Magulang Agosto 2019
sa silid-aralan

F. Badyet

Bilang ng Aytem Halaga Kabuuang


Aytem Halaga
1 unit Smart Television 35,000.00 35,000.00
1 unit TV Holder 2,500.00 2,500.00

Kabuuang Halaga 37,500.00

III. Wakas
Ang proyektong ito ay pakikinabangan ng mga mag-aaral ng Grado 12
HUMSS 1 ng Vicente Andaya Sr. NHS para sa ikagagaan ng kanilang pag-
aaral at ng kanilang mga guro na magpapabuti ng antas ng pagtuturo.

Sariling Katha: Susan J. Quistadio

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang binasang akda?
2. Sa ilang bahagi nahahati ang akda? Ano –ano ang mga ito?
3. Anong grado at strand ang nangangailangan ng smart TV?
4. Magkano ang halaga ng smart TV na bibilhin ng mga magulang sa grado 12
HUMSS 1?
5. Sino-sino ang mga kasangkot sa nasabing proyekto?

5
Suriin

Natukoy mo ba na ang binasang akda ay isa sa halimbawa ng akademikong


pagsulat?

Narito ang mga dapat mong matutuhan sa kahulugan ng akademikong pagsulat:

Ang pagsulat ay isang pangangailangan. Nagsusulat ang tao upang


matugunan ang kanilang mga personal na pangangailangan. Isinasagawa ito
upang mapabuti ang sarili at magkaroon ng patutunguhan. Kailangan rin ang
pagsulat upang makamit ang mga personal o propesyonal na pangangailangan ng
isang indibidwal.

Ang Akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat na nag-aangat


sa antas ng kaalaman ng mga mambabasa. Isinasagawa sa akademikong
institusyon kung saan kainakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa
pagsulat. Layunin nito na magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na
manlibang lamang.

Ito ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng mga


sulatin. Mayroon lamang itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe.
Sistematiko o maayos ang pagkakahanay ng mga pangungusap, talata at seksiyon
upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag.

Ang pamantayan ng akademikong pagsulat ay nagbabago depende sa


sitwasyon o kahingian.

Ang karaniwang istruktura ng isang akademikong pagsulat ay may simula,


gitna at wakas.

Simula- karaniwang naglalaman ng introduksiyon

Gitna- naglalaman ng mga paliwanag

Wakas- naglalaman ng resolusyon, konklusyon, rekomendasyon.

Ilan sa mga halimbawa nito ay:

Abstrak- buod o lagom ng artikulo, ulat o pag-aaral na isinusulat bago ang


introduksiyon. Malalaman dito ang paksa at mga inaasahan.

Bionote- maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ikatlong


panauhan na inilalakip sa kaniyang mga naisulat.

Talumpati- isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na ipinababatid


sa mga tao o pangkat ng mga tao sa pamamagitan ng pagsasalita.

6
Buod – isang lagom na naglalaman ng mga pangunahing ideya mula sa mga
akdang binasa.

Katitikan ng Pulong- ito ang opisyal na tala ng pulong na nagbibigay


kabatiran tungkol sa lahat ng detalye na naganap sa pagpupulong.

Panukalang proyekto- isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga


plano ng gawaing ihaharap sa tao o sa isang samahan na siyang tatanggap at
magpapatibay nito.

Posisyong papel-isang sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa


partikular na paksa o usapin.

Lakbay sanaysay- uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay


maging sa kung ano ang natuklasan rito.

Replektibong sanaysay- laman nito ang pagbabahagi ng mga bagay na


naiisip, nararamdaman maging ng damdamin mula sa isang paksa.

Larawang sanaysay- koleksiyon ng mga larawan na maingat na inayos na


may kalakip na teksto. Ang larawan ay naglalaman ng kuwento samantalang ang
teksto ay siyang sumusuporta rito.

Ayon kay Arrogante et al. (2007), ang pagbuo ng akademikong sulatin ay


nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang indibidwal. Kinikilala sa ganitong uri
ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng
mahahalagang datos, mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay
magsuri , marunong magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at
kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko,
gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na mambabasa.
Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga
sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

Mapapansin na mula sa halimbawang akda sa Tuklasin, ang mga ito ay may


tatlong bahagi, May simula, gitna at wakas.

7
Pagyamanin

Handa ka na ba sa susunod na mga gawain? Kung handa ka na, gawin mo ang


Gawain 1 hanggang 3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago gawin
ang mga gawain.

Gawain 1
A. Hanapin mula sa Hanay B ang kahulugan ng mga halimbawa ng
akademikong sulatin na makikita sa hanay A. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1.Abstrak A. maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay
ikatlong panauhan na inilalakip sa kaniyang mga
naisulat.
2.Bionote B. isang lagom na naglalaman ng mga pangunahing ideya
mula sa mga akdang binasa.
3.Talumpati C. isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga
plano ng gawaing ihaharap sa tao o sa isang samahan na
siyang tatanggap at magpapatibay nito.
4.Buod D. uri ng sulating tumatalakay sa karanasan sa
paglalakbay maging sa kung ano ang natuklasan rito.
5.Posisyong Papel E.koleksiyon ng mga larawan na maingat na inayos na may
kalakip na teksto. Ang larawan ay naglalaman ng
kuwento samantalang ang teksto ay siyang sumusuporta
rito.
6.Katitikan ng F. buod o lagom ng artikulo, ulat o pag-aaral na isinusulat
pulong bago ang introduksiyon. Malalaman dito ang paksa at
mga inaasahan.
7.Panukalang G. isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na
proyekto ipinababatid sa mga tao o pangkat ng mga tao sa
pamamagitan ng pagsasalita.
8.Replektibong H.ito ang opisyal na tala ng pulong na nagbibigay kabatiran
sanaysay tungkol sa lahat ng detalye na naganap sa pagpupulong.
9.Larawang sanaysay I. isang sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa
partikular na paksa o usapin.
10. Lakbay sanaysay J. laman nito ang pagbabahagi ng mga bagay na naiisip,
nararamdaman maging ng damdamin mula sa isang
paksa.

B. Ano ang akademikong pagsulat ayon kay Arrogante, et al. (2007)? 5 puntos
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

8
Gawain 2
Mula sa mga salitang nakapalibot sa akademikong pagsulat, buoin
ang kahulugan nito gamit ang sariling pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel. 15puntos.

sistematiko intelektuwal

AKADEMIKONG
impormasyon mapanuri
PAGSULAT

simula, gitna, wakas

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
____________________________________

Gawain 3
Tunghayan ang buod ng isang akda at sagutin ang mga katanungan at
isulat sa sagutang papel.

Alibughang Anak
(Buod)
Mula sa Bibliya Lucas 15:11-32

May isang mayamang ama na may dalawang anak na lalaki. Isang araw ninais ng
bunsong anak na kunin na ang kaniyang mana mula sa ama at mamuhay ng
sarilinan. Ibinigay naman ng kaniyang ama ang mana nito at kaniyang ipinagbili.

Namuhay nang marangya ang bunsong anak ginastos ang pera sa alak, sugal
maging pambababae. At sa madaling salita naubos ang mga ito. Dumating ang
punto na may gutom at wala na siyang kahit isang kusing kung kaya, naisip nito na
mamasukan sa mayamang magsasaka bilang tagapagpakain ng baboy. At dahil
gutom siya naisip niyang kainin na ang pagkain ng baboy. Hanggang sa napagtanto
niya na sa kanilang bahay ang mga trabahador nila ay sapat ang pagkain. Kaya
nagdesisyon itong umuwi na lamang at humingi ng tawad sa ama.

9
Kung hindi man daw siya matatanggap muli bilang anak kahit
trabahador na lang siya. Ngunit ang pagmamahal ng isang ama ay
nangibabaw. Tanaw ng ama na siya ay papalapit tumakbo na ito at
niyakap siya. Sinuotan ng magarang damit, sapatos at singsing.
Nagpaihaw pa ng pinatabang baka at nagkaroon ng malaking pagsasalo
sa kanilang bahay. Ang panganay na anak na noon ay nasa bukirin ay
nagtaka sa mga musika at sayawan sa kanilang bahay. Napagtanto nito
na umuwi pala ang kaniyang bunsong kapatid at ito ay kaniyang
ikinagalit. Nagsumbat sa ama na siya ni hindi man lang daw inihawan
ng ama kahit maliit na kambing, siya na hindi iniwan ang ama.

Sinabi ng ama na “ang lahat ng sa akin ay sa iyo, ngunit dapat tayong


magdiwang dahil bumalik ang kapatid mo. Ang inisip nating patay
ngayon ay buhay. Ang nawala ngayon ay nakita”.

Binuod ni: Susan J. Quistadio

Mga Tanong: (3 puntos bawat bilang)

1. Ano ang naging simula ng akda?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Magbigay ng mga pangyayari o paliwanag na makikita sa akda na


nagpapakilalang ito ang bahagi ng gitna.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Ano ang naging resolusyon o wakas ng akda?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. Paano mo masasabi na ang akda ay sistematiko?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. Ano ang patunay na may intelektuwal na pag-iisip ang akda?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

10
Isaisip

A. Punan ang sumusunod na talahanayan. Kopyahin ito sa iyong kuwaderno at


sagutin.

Ano ang iyong mga natutuhan? Gaano ito kahalaga?

B. Kompletuhin ang pahayag.

Mahalagang matutuhan kung paano ang pagbibigay ng kahulugan sa


akademikong pagsulat sapagkat ______________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________

Isagawa

Kung ikaw ay magsusulat ng isang sulating akademiko tulad ng buod ng isang


kuwento, ano ang magiging hakbang na iyong isasagawa na masasabing ito ay
halimbawa ng sulating akademiko? Itala ang mga sagot sa sagutang papel.

Mga hakbang:
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

11
Tayahin

Sagutin ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot at


isulat sa sagutang papel.
1. Anong uri ng sulatin ang nagpapahayag ng masusing pag-aaral?
A. Malikhaing Pagsulat
B. Maunawaing Pagsulat
C. Akademikong Pagsulat
D. Pagsulat teknikal-bokasyonal

2. Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong


institusyon sa anong dahilan?
A. Kailangan ang marangal na pag-aaral
B. Kailangan ang mataas na antas ng kasanayang pagsulat.
C. Kailangang maipakita ang kagalingan at katalinuhan sa pagsulat.
D. Kailangang maisulat ang anomang naisipang isulat nang walang
babatikos.

3. Layunin ng akademikong pagsulat ang ___________________________.


A. magbigay ng makabuluhang impormasyon.
B. maglibang sa mga bata at maging sa matatanda.
C. magbigay ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang bansa.
D. magbigay payo sa mga taong may suliranin sa pag-unawa.

4. Alin ang hindi totooo sa akademikong pagsulat?


A. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe.
B. Maaayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata at seksiyon.
C. Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na
tuntunin sa pagbuo ng sulatin.
D. Lahat ng nabangiit at totoo.

5. Ano ang karaniwang istruktura ng akademikong pagsulat?


A. Simula, Gitna, Wakas
B. Simula,Gitna, Kasukdulan, Wakas
C. Simula, Saglit na Kasiglahan, Kasukdulan, Wakas
D. Wala sa nabanggit ang tamang sagot.

6. Ang nilalaman ng simula ng isang akademikong sulatin ay ___________.


A. paliwanag
B. konklusyon
C. introduksiyon
D. kasiya-siyang ganap

7. Isinusulat sa bahaging wakas ng akademikong pagsulat ang______________.


A. paliwanag
B. konklusyon
C. introduksiyon
D. kasiya-siyang ganap

12
8. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng akademikong pagsulat?
A. Abstrak
B. Bionote
C. Talumpati
D. Lahat ng nabanggit

9. Ang bahaging gitna na akademikong pagsulat ay naglalaman ng


_______________.
A. paliwanag
B. resolusyon
C. nakakatakot na eksena
D. pinag-isipang suliranin sa pagsulat

10. Alin ang hindi halimbawa ng akademikong pagsulat?


A. Tula
B. Talumpati
C. Panukalang proyekto
D. Replektibong sanaysay

B. Tama o Mali. Isulat sa sagutang papel ang salitang tama kung wasto ang
pahayag at mali kung hindi wasto.

______1. Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa


kritikal na pagbasa ng isang indibidwal.
______2. Ang kritikal na pagbasa ay ang pagkilala sa husay ng
manunulat dahil sa kakayahan nitong mangalap ng
mahahalagang impormasyon.
______3. Hindi nangangailangan ang akademikong pagsulat ng
organisadong mga ideya hanggat may punto lamang ay
maaari na.
______4. Sa pagsulat ng akademikong sulatin mahalaga ang lohikal
na pag-iisip, mahusay na pagsuri at marunong
magpahalaga sa orihinalidad ng gawa.
______5. Nangangailangan ng kahit anong salita upang makabuo
agad ng sulating papel sa akademikong pagsulat.

13
Karagdagang Gawain

Basahin at ipaliwanag ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

1. Sinasabing ang akademikong pagsulat ay sulating sistematiko, ano ang ibig


sabihin nito?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Ang isang mahusay na manunulat ng akademikong pagsulat ay may


intelektuwal na pag-iisip.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Bakit sinasabing ang akademikong pagsulat ay isang pagtugon sa


pangangailangang personal?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

14
15
Pagyamanin Pagyamanin Pagyamanin
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
Posibleng sagot Posibleng sagot 1.F 6. C
1.May mayamang ama Ang akademikong 2.A 7. I
na may 2 anak, kinuha pagsulat ay isang 3.G 8. D
ng bunsong anak ang intelektuwal na pagsulat
kaniyang mana at na ibig sabihin ay may 4.B 9. J
nagpakalayo. mapanuri na pag-iisip,
2. a. namuhay nang isinasagawa sa isang
5.H 10. E
marangya ang bunsong akademikong Posibleng sagot
anak. institusyon na may
b. naubos ang pera at layuning magbigay ng B. Ang pagbuo ng akademikong
dumating ang gutom. makabuluhang sulatin ay nakadepende sa
c. Nagsisi at umuwi sa impormasyon. Ito ay kritikal na pagbasa ng isang
kanilang bahay. sistematiko na ibig indibidwal. Kinikilala sa
3. Tinanggap ng ama sabihin maayos ang ganitong uri ng pagsulat ang
ang anak na bumalik. pagkahanay ng mga husay ng manunulat dahil may
4. Sistematiko dahil pangungusap, talata o kakayahan siyang mangalap ng
wasto ang pagkahanay seksiyon. Mayroon itong mahahalagang datos, mag-
ng mga pangyayari. tatlong bahagi, ang organisa ng mga ideya, lohikal
5.Intelektuwal na pag- simula, gitna at wakas. mag-isip, mahusay magsuri,
iisip dahil may malalim marunong magpahalaga sa
na pagpapakahulugan orihinalidad ng gawa, at may
ang bawat pangyayari. inobasyon at kakayahang
gumawa ng sintesis
Tuklasin Balikan Subukin
1.Panukalang 1. D 1. Tama
proyekto 2. B 2. Mali
3. E 3. Mali
2.(3) simula, 4. A 4. Tama
gitna, wakas 5. F 5. Tama
6. Mali
3. Grado 12 7. Tama
HUMSSS 1 8. Tama
9. Mali
4. Php35,000.00 10. Tama
11. Tama
5. punongguro, 12. Tama
guro, magulang 13. Mali
14. Tama
15. Tama
Susi sa Pagwawasto
Karagdagang Gawain Tayahin
Posibleng sagot A
1.Sitematiko- ibig sabihin maayos 1. C
ang pagkakahanay ng mga 2. B
pangungusap, talata at seksiyon, 3. A
upang maging malinaw ang 4. D
pagkakabuo ng mga ideya at 5. A
paliwanag. 6. C
7. B
2.Intelektuwal na pag-iisip- 8. D
nangangailangan ng mapanuri at 9. A
masusing pagsisiyasat. 10. A
B
3. Pagtugon sa pangangailangang
personal ay lalong mapaunlad ang 1. TAMA
sarili upang maging kapaki- 2. TAMA
pakinabang. 3. MALI
4. TAMA
5. MALI
Isagawa Isaisip
Posibleng sagot Posibleng sagot
Mga Hakbang: A
1.Basahin ang kuwentong -Natutuhan ko kung paano bigyan
gagawan ng buod. ng kahulugan ang akademikong
pagsulat.
2. Isaalang-alang ang mga gabay.
-Mahalaga ito upang madaling
3. Sundin ang tatlong bahagi ang matukoy ang kahulugan ng mga
simula, gitna at wakas. akademikong sulatin
4. Isulat ang pangunahing ideya. B
5.Isulat ang pangyayari ayon sa Mahalagang matutuhan kung
wastong pagkasunod-sunod nito. paano ang pagbibigay-kahulugan
sa akademikong pagsulat
sapagkat makakatulong ito upang
mapalawak ang aking kaalaman
sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
Sanggunian:

 2016 K to12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino


 https://elcomblus.com 8/26/2020
 Most Essential Learning Competencies 2020 (MELCs pahina 28)
 Sariling katha
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education -Region VI-Western Visayas


Office Address: Duran Street, Iloilo City
Telefax: (033) 336-2816 (033) 509-7653
E-mail Address: region6@deped.gov.ph

You might also like