Professional Documents
Culture Documents
BANGHAY
a. Simula
Ang kuwentong Tata Selo ay sinimulan ng may akda sa pagsasalaysay kung
gaano kabilis kumalat ang balitang pagpatay sa kabesa.
Patunay:
“Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo,
ngunit nang tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay na
si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay pamahalaan.”
b. Saglit na Kasiglahan
“Mag-aalas-onse na nang dumating ang alkalde, kasama ang hepe ng mga pulis.
Galing sila sa bahay ng kabesa. Abu’t-abot ang busina ng dyip na kinsasakyan
ng dalawa upang mahawi ang hanggang noo’y ‘di pa nag-aalisang tao. Tumigil
ang dyip sa di-kalayuan ng istaked. Itinaas ng katabaang alkalde ang
dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay.Nanulak ang malaking
lalaking hepe.” Sa bahaging ito, makikita natin na sa pagdating ng alkalde at
ng hepe ng pulisya ay panandaliang natahimik at nahawid ang mga taong nag
kukumpulan sa may istaked
c. Suliranin
Ang suliranin sa kuwentong “Tata Selo” ay ang pagpapaalis ng kabesa kay Tata
Selo sa sinasakahan nitong lupain. At ito’y naging sanhi ng pagkitil ni Tata Selo
sa buhay ni Kabesang Tano.
Patunay:
“Walang anu-ano ay tinawag ni Kabesang Tano si Tata Selo sa sakahan nito, at
pilit na pinapalayas ng kabesa si Tata Selo dahil ipapasaka nito ang sakahan sa
iba. Nang makiusap si Tata Selo, sa halip na pakinggan ay tinungkod siya nang
tinungkod ni Kabesang Tano kaya nataga ito ni tata Selo. Pagkatapos, nakulong
si Tata Selo sa iskated ng munisipyo.”
d. Tunggalian
TAO LABAN SA TAO
Naipahayag sa kuwento na wala nang magagawa pa si Tata Selo dahil
kung ang taong makapangyarihan ay nagbibingi-bingihan at nagbubulag-
bulagan sa katotohanan ay paniguradong wala ka nang kalaban-laban. “Unang
naroon sa munisipyo ang binatang anak ng pinakamayamg propirtaryo sa San
Roque. Inusig nito si Tata Selo kung bakit niya pinatay si Kabesang Tano, kaya
ipinagtanggol ni Tata Selo ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pagsasalaysay sa kung paano nagsimula ang insidente. Huling dumating ang
alkalde at ang hepe ng pulisya na galing pa sa bahay ng nasirang kabesa. May
pagkayamot na tiniyak ng alkalde ang hatol na pagkakabilanggo kay Tata Selo.
Pinangatwiranan pa rin ni Tata Selo na siya ang unang inagribiyado at
ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili ngunit tila wala nang ibang
naririnig ang mga may kapangyarihan.”
TAO LABAN SA LIPUNAN
Dahil nang nalaman ng taumbayan na napatay ni Tata Selo ang kabesa,
ay hinusgahan na kaagad nila ang matanda.
e. Kasukdulan
“Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo.
Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas
na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa
kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon.
Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatan siyang dalawang
pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si
Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng president.” Sa
bahaging ito ng kwento makikita ang pinakapana-panabik na pangyayari na
kung saan nagkita ang mag-ama.
f. Kakalasan
Ang kuwento ay walang kakalasan sapagkat ito ay isang cliff hanger.
g. Wakas
Ang wakas ng kuwento ay cliff hanger, sa kadahilanang hjindi naisaad sa
kuwento kung ano ang naging resulta o ang kinahinatnan ni Tata Selo sa loob
ni estakid. Hindi nasabi kung ano ang hatol sa matanda, kung siya ba ay
napalaya o nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo.
I. TAUHAN
KATANGIAN
DESKRIPSIYON URI
PANLOOB PANLABAS
Tata Selo- siya ang pangunahing -Mapagmahal -Mahirap
tauhan ng maikling kuwento. Siya -May -Matanda
ay biyudo at may anak na paninindigan -Kulubot ang balat
dalagang babae. Siya ay -May -Masipag
magsasaka na pinaalis sa Bilog ipinaglalaban -puro tapal ang
kanyang sinasakahang sakahang -Mapagpasensya suot (luma ang
lupa na pagmamay-ari niya noon damit)
na pagmamay-ari na ngayon ni -may sugat sa noo
Kabesang Tano. -malabo ang mata
Kabesang Tano- ang kabesang -traydor -matanda
Lapa
nasawi dahil tinaga ni Tata Selo. -mahina
d
Ang nag mamay-ari ng sakahan. -may sakit
Batang mambubukid-isang bata -mapagkumbaba -kayumanggi ang
na bumisita kay Tata Selo. Lapa -maalalahanin kulay
Nainiwala at ang kahangga ni d -matulungin -medyo maliit
Tata Selo
Binatang Mayaman- Anak ng Lapa -Mapagmataas -mayaman
pinakamayamang propitaryo sa -Walang galang -magara ang suot
San Roque. na damit
-nakasalamin na
may kulay
d
-matangkad
-maputi
-mahilig
manigarilyo
Alkalde/Presidente- ang nag -Bugnotin -Malaking tao
papunta kay Saling sa kanilang -mapagmataas -magara ang damit
tahanan pagkatapos na kausapin Lapa at makintab ang
si Tata Selo sa kanyangtanggapan d sapatos
sa munisipyo at sa kulungan nito -maarte
kinabukasan.
Hepe- Siya ang namumuno sa -tumatanaw ng -malaki
pulisya ng San Roque.Kinabog utang na loob -naka uniporme na
niya si Tata Selo at walang-awang -malupit pampulis
pinagmalupitan sapagkat ang Lapa -mapagmataas
nasawing d
kabesa de barangay
ang nagrekomenda sa kanya sa
puwesto.
Saling- ang nag-iisang anak na -mapagmahal -maganda
dalaga ni Tata Selo, siya ang -masipag -Mahaba ang
namasukan bilang kasambahay -matulungin buhok
Lapa
nina Kabesang Tano. -Pantay ang kulay
d
ng kutis
-maganda ang
pangangatawan
Taumbayan- mga nakiki-usisa sa -walang -maingay
may istaked. pakialam sa -tsismoso/tsismosa
Lapa
nararamdaman
d
ng iba
-mapanghusga
Mga Pulis- ang mga sumasawata -Matapang -makisig/maganda
Lapa
sa nagkakagulong mga tao. ang
d
pangangatawan
II. TAGPUAN
1.) PINAGGANAPAN
Bakuran ng Munisipyo- “Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng
taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at
kumalat na ang baliatng tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay
napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.”
Estakid- “Naggigitgitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan
bawat isa’y naghahangad makalapit sa istaked.”
“Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa
rehas. May nakaalsang putok sa noo.”
Sakahan- "Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag
ni Tata Selo. "Doon ba sa may sangka. Pinaaalis ako sa aking
saka, ang wika'y iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap
ako'y tinungkod ako. Ay! tinugkod ako, amang. nakikiusap ako
sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?
Tanggapan ng Alkalde- “Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng
istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang
pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked."Mabibilanggo ka
niyan, Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo.”
2) PANAHON
Umaga- “Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa
bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na
ang baliatng tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na
ang bakuran ng bahay-pamahalaan.”
“Mapula ang sumikat na araw kinabukasan.”
Tanghali- “Nang sumapit ang alas-dose - inihudyat iyn ng sunud-sunod
na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo
ay umalis ang alkalde upang mananghalian.”
“Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo.”
Hapon- “Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw,
ngunit mainit pa rin iyon.”
3) KALAGAYAN
nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang
nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos.
Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa
istaked. Nangiti si Tata Selo.
"Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.
"Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin
sa kanya ang bata.
"Patay po ba?" Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa
pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.
Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa
nasasalaminang mesa.
Nakayuko si Tata Seloo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri
sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na
sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at
luyang paa.
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na
napayuko siya.
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang
pulis.
Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng
lakas si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng
mesa ng presidente. Nagyakap ang mag-ama pagkikita.
III. BUOD
1) Teoryang Bayograpikal
Si Rogelio R. “Sikat” Sicat ay isinilang noong June 26, 1940 sa
San Isidro, Nueva Ecija. Ika anim sya sa walong magkakapatid nina
Estanislao Sicat at Crisanta Rodriguez. Noong 1950 ay lumuwas siya ng
Maynila upang magtrabaho sa University of Santo Tomas. Pagkatapos
maging Campus Writer at Literary Editor ng The Varsitarian , tinuloy
niya hanggang maging isa siya sa mga sikat na Pioneers ng Philippine
literature sa pamamagitan ng pagpili ng Filipino bilang lenggwahe ng
kanyang pagsusulat, at sa pamamagitan nag pagtalikod sa mga pag-
alala at pakikipagtagpo sa mga "Western Writers".Ang mga gawa ni Sicat,
na nagpabangon sa nakagawiang literature natin at nagpamulat sa atin
sa kalagayan ng ating lipunan, unang nakita sa magasin na Liwayway.
Nakakuha siya ng parangal sa Palanca awards noong 1962, at
noong1965 lumabas bilang antolohiya, Mga Agos sa Disyerto , sumunod
sa mga magagaling na manunulat. Sumulat siya ng ilang dekada, at
nakilala siya sa Literary History bilang Fictionist, Playwright at Professor,
at ang pagiging Dean sa University of the Philippines Diliman. “Impeng
Negro” at “Tata Selo”, parehong gawa ni Sicat na isinadula sa isang
pelikula, ay ilan lamang sa mga ginawa ni Sicat.
Namatay si Sicat noong 1997dahil sa sakit na kanser, pero pinarangalan
sa huling pagkakataon sa pamamagitan ng National Book Award noong
sumunod na taon para sa kanyang pagsasalin sa ginawa ni William J.
Pomeroy na pinamagatang: “Ang Gubat”: Isang Personal na Rekord ng
Pakikilabang Gerilya ng mga Huk sa Pilipinas.
2) Teoryang Pormalistiko
Porma ng wika at istilo
Ang wikang ginamit sa kwento ay Pormal na pampanitikan dahil
may mga salitang malalalim, makulay at masining.
Panauhan
Ang kuwentong “Tata Selo” ni Rogelio sikat ay nasa ikatlong
panauhan, dahil mapapansin natin na ang nagsasalaysay ay ang may
akda mismo.
Patunay:
“Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng
munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang
tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng
bahay-pamahalaan.
Naggigitgitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y
naghahangad makalapit sa istaked.”
3) Teoryang Kultural
- Kultura na ng mga Pilipino ang pag-sasaka
- "alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang
po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng
kabesa.”
- “Nasa may sangka po ako nang dumating ang kabesa. Nagtatapal po
ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung
kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako
po'y talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka.”
- Pagiging Usisero/usisera “Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng
taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at
kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay
napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggigitgitan ang
mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan bawat isa’y naghahangad
makalapit sa istaked.”
- Kasipagan “Besa. Totoo pong ako'y matanda na, ngunit ako pa
nama'ymalakas pa.”
- “Nang sumapit ang alas-dose - inihudyat iyon ng sunud-sunod na
pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo”
- Walang magawa ang baguhang mga pulis. “Sa may pinto ng
tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.”
- Pag tananaw ng utang na loob
- Pagkakalat “Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran
ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw.”
- Pagiging malalahanin "Hindi ka na sana naparito Saling," wika ni
Tata Selo na napaluhod." May sakit ka, Saling, may sakit ka!"
4) Teoryang Klasisismo
-Hindi na binibigyang pansin ni Tata Selo ang mga taong nagagalit sa
kaniya sa hindi niya pagbigay ng kahit isang pinangko ng kaniyang
anihan, dahil iniisip o pinapangarap niyang bawiin ang lupang dati ay sa
kanya.
- "alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po
nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng kabesa.
Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi
nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na
naman po mababawi, masasaka man lamang po.”
- Iniisip lamang ng mga pulis ang kanilang posisyon. “Sa may pinto ng
tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.”
5) Teoryang Romantisismo
- Pagmamahal ng ama sa asawa’t anak.
"alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang
po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng
kabesa.”
- Pinairal ni Tata Selo ang galit at poot niya kay Kabesang Tano kaya
nataga at napatay niya ito.
-
6) Teoryang Realismo
- “Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”
- “Sa kanyang harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtutulakan ng
mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya.”
- Walang respeto ang mga taong mayayaman kahit na mas matanda sa
kanila ang kanilang kausap.
- Mahirap makamit ang hustisya kapag ikaw ay walang pera.
- Magagawa ng mas makapangyarihan ang lahat na gustong gawin.
- Ang pagsasamantala ng mga amo sa kanilang kasambahay
- Gagawin lahat para sa asawat at anak
- Gagawin ng mga magulang ang lahat kapag nalaman nilang may
nangyari o may namantala sa kanilang anak.
- Ang pag mamalabis ng nasa puwesto.
- Mga usisero’t usiserang taumbayan
7) Teoryang Naturalismo
“Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng
munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang
tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng
bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan,
bawat isa’y naghahangan makalapit sa istaked.”
8) Teoryang Idealismo
- Si Tata Selo ay isang ideyal na ama, asawa at manggagawa.
- Ang batang magsasaka ay isang ideyal na kasangga at anak.
- Ang estado sa buhay ng alkalde, hepe ng mga pulis at ang anak ng
pinakamayamang propitaryo ay ideyal ngunit hindi ang kanilang mga
ugali.
9) Teoryang Humanismo
-Pinanindigan ni Tata Selo ang kaniyang nagawa at hindi niya ito
itinanggi at piasinungalingan.
13) Imahismo
-"Ang iyong anak, na kina kabesa raw? usisa ng alkalde.
Hindi sumagot si Tata Selo.
"Tinatanong ka anang hepe.
Lumunok si Tata Selo
"Umuwi na po si Saling, Presidente."
"Kailan?"
Kamakalawa po ng umaga.
"Di ba't kinakatulong siya ro'n?"
Tatlong buwan na po."
"Bakit siya umuwi?"
Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko
siya.
"May sakit po siya."
"Hindi ka na sana naparito Saling," wika ni Tata Selo na napaluhod." May
sakit ka, Saling, may sakit ka!"
14) Sikolohikal
- Ang paggawa ng malaking kasalanan.
- Id- Ang kagustuhan niyang maipagtanggol ang kaniyang sarili at
anak.
15) Eksistensyalismo
- Ang pagtaga kay Kabesang Tano
V. MGA KABISAAN
A) Bisa sa Isip
- Ang buhay ay hindi madali, kailangan mag sumikap kung may
gusting makamit sa buhay. Pero palaging pakatatandaan na kapag
naksasakit na ng iba, ang iyong ginagawa ay hindi na tama.
- Kung ikaw ay nabiyayaan o nakaluluwang sa buhay, mas maigi pang
tumulong sa nangangailangan, kasya manamantala ng iba.
B) Bisa sa Asal
- Paninindigan sa mga nagawang bagay:
Nasira ang reputasyon ni Tata Selo sa kanyang pagpatay kay Kabesa
ngunit hindi nya ito itinanggi bagkus, ipinaliwanag nya nang maayos kung
bakit nya nagawa ang bagay na iyon.
C) Bisa sa Damdamin
- Pag-aalala sa Pamilya: Inuuna ni Tata Selo ang kalagayan ng
kanyang anak na si Saling kaysa sa sarili nyang kalagayan. Nagawa
niya ito dahil sa kaniyang pagmamahal dito.
VI. SIMBOLO
- Ang kanyang malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
Kahit malabo na ang pag-asang makamit ang katarungan at
kaginhawaan, ay pilit pa ring naniniwala/umaasa si Tata Selo na
balang-araw ay makakamit nila ang katarungan at kaginhawaan sa
buhay.
Tata Selo
ni Rogelio R. Sikat