You are on page 1of 4

Mahal ng Diyos

Bawat tao ay may kani-kanyang likas na kagandahan, ito’y panloob man o


pisikal. Ang iba’y pinagpala ng kagandang panloob na masasabi at ang iba nama’y
pinagpala ng kagandang pisikal, pero ang mas nakamamangha at ang mas
pinagpala sa lahat ay ang may taglay ng dalawang kagandahan, at ang masasambit
mo na lamang ay “sana ol”.
Mayang, kung siya ay tawagin. Mahinhin, tahimik, parating walang imik na
halos di makabasag pinggan, mahiyain, at masipag. Ilan lamang ito sa mga
katangiang makikita at mapapansin na kabaligtaran sa mga panloob na katangian
nitog taglay. Siya’y isang babaeng hindi makapirme sa kanyang kinalalagyan,
sobrang ingay na tila nakikipagusap na para baga sampung dipa ang layo kahit na
nasa harap lamang nito ang kausap. Kapag wala namang makausap ay gagawa at
gagawa siya ng paraan upang maibuka ang bibig at makahanap ng kausap na
kapareho niya ng isip at ugali.
Baka maisip ninyong puro negatibong katangian naman ang tagalay nitong si
Mayang! Syempre, may tinatago rin naman siyang kagandahang panloob na hindi
niya ikinahihiya. Ito ay ang kaniyang limang (5) M’s at ito ay ang sumusunod: Una
ang pagiging Mahabagin, madaling maantig ang puso ng dalaga. Ang pangalawa
naman ay ang kaniyang pagiging Masayahin,mababaw man para sa iba ang
kaniyang kasiyahan minsan, pero sa kaniya ito ang isang bagay na dapat niyang
taglayin habang nabubuhay dahil alam niyang ang pagiging masaya ay isa sa
sangkap na nagpapaganda ng buhay ng isang tao sa mundo. Ang pangatlo naman
ay ang kaniyang pagiging Matulungin, hindi man pansin ng iba o hindi man nila
nakikita ang kaniyang pagiging matulungin masaya pa rin si Mayang kapag siya ay
nakatutulong sa kapwa dahil para sa kaniya, hindi importante ang mga matang
nakapalibot sa kaniya kung siya ay tutulong kasi hindi niya gusto ang mga taong
tumutulong lamang kapag may matang nakatingin. Ang pang-apat ay ang
Mapagmahal na ugaling kaniyang taglay, mapagmahal hindi lamang sa pamilya
kundi sa lahat ng taong importante sa kaniya. Ang panghuling katangiang kanyang
taglay ay ang pagiging Maka-Diyos, dahil alam na alam ni Mayang na ang tanging
Diyos ama lamang ang makapagliligtas sa sanlibutan at alam din niyang kahit na
anong mangyari ay hinding-hindi marunong tumalikod ang Diyos kahit ramdam na
niyang lahat ng tao’y tinalikuran na siya.
Kung si Mayang ay may gandang panloob na kaniyang pinagmamalaki, ay
hindi naman papahuli ang kaniyang kagandahang pisikal. Siya. Magsimula tayo sa
ulo papuntang ibaba. Perpekto na sana para sa kaniya ang kaniyang mata, ilong
bibig pero biglang napahinto dahil sa hugis pa lamang ng kanyang mukha ay siya’y
kinatatakutan na, na kaniya namang ipinagtataka. Kung sa kinatatakutan pa lamang
na salita ay may nahihinuha na kayo kung anong hugis ito, ang inyong hinuha ay
tama! Ang knaiyang ipinagtataka lamang eh bakit inahahalintulad sa kutsilyo ang
kaniyang mukha. Matulis ba ito? Hindi naman. Nakamamatay ba ito? Hindi naman.
Pero dahil sa mga naririnig niyang mga ito alam na niyang asset niya ang kaniyang
mahabang mukha.
Ang katawan naman nitong taglay ay payat, at mapatatanong ka nalang na
kung kumakain pa ba siya? Pero para sa inyong kaalaman, kung siya ay kumain ay
siguradong mapapasambit na lamang kayo na “HALA! Ang lakas kumain ng
babaeng ito.” dahil sa kapayatan nitong taglay ay maliit ang kaniyang hinaharap at
siyempre flat din ang kaniyang likod kaya nga tinatawag itong “back-to-back”. Pero
ang kapayatang taglay ni Mayang ay kung titingnan, ay hindi malusog, kulang sa
mga bitamina at sa pagmamalabisnaman ay kung may isang malakas na hanging
darating ay parang madadala at liliparin na siya nito. At alam niya na sa balang araw
sa kaniyang tiis at tiyaga ay makakamit niya ang kaniya ng inaasam at ideyal na
pangangatawan
Pero malay ninyo ang katawan at mukha niyang ito na sinamahan pa ng
kaniyang kayumangging kulay at katangkarang tinataglay na ideyal sa iba ay ang
susunod na maging Asia’s Next Top Model na nagmula sa Pilipinas na inyong
maipagmamalaki
Kung pagsaasamahin ang katangiang panloob at panalbas na taglay ni
Mayang ay alam niya at malakas ang kaniyang loob na sabihing nabibilang siya sa
grupo nang pinapagpala sa dalawang uri ng kagandahan na masasabihan ng “sana
ol”. Alam ni Mayang na hindi siya mahangin medyo lang. Dahil na rin sa medyo
kahanginang taglay ni Mayang, isa ito sa nagpapalakas ng loob sa kaniya. Daahil sa
lahat ng mga negatibong bagay na kaniyang mga naririnig ay ginagawa niya na
lamang itong inspirasyon upang ipakita sa lahat na may taglay siyang makikita
lamang sa kaniya at wala sa iba. Mayroon ngang kasabihan na ang bawat indibidwal
ay may kakaibang kagandahang taglay na natatangi lamang sa kaniya.

You might also like