You are on page 1of 11

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

E
P
P

MGA KASANGKAPAN /
KAGAMITAN SA PAGNANARSERI

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
DepEd - Division of Negros Occidental
under the Strengthening the Implementation of Basic Education
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


No copyright shall subsist in any work of the
Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.
This material was originally produced by the Bureau of Elementary
Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

This edition has been revised with permission for online distribution
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
by AusAID.

GRADE V
MGA KASANGKAPAN / KAGAMITAN SA PAGNANARSERI

ALAMIN MO

Ibat iba ang mga gawain sa pagnanarseri. Bawat gawain


ay dapat maisagawa nang wasto at maayos. Upang makatiyak,
kailangan makilala at matukoy ang angkop na gamit ng mga
kagamitan at kasangkapan na gagamitin sa paggawa.
Pag-aralan mo sa modyul na ito, ang mga kasangkapan at
mga kagamitan sa pagnanarseri.

PAGBALIK-ARALAN MO

Subukin mo pagbalik-aralan ang mga gawaing kaugnay sa pagnanarseri.


Isulat sa papel ang sagot sa bawat patlang ng sumusunod na mga
pangungusap. Pumili ng sagot sa mga nakasulat sa loob ng kahon.

1. Ang ________ ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagbibilad sa


araw, pag-iinit, pagsusunog at paggamit ng kemikal.
2. Ang pagbibigay ng karagdagang sustansya sa lupang taniman ay
ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng ____________.
3. Mahalagang maihanda muna ang _________ bago ito taniman.
4. Ang paglilipat ng ________ ay ginagawa ng buong ingat upang hindi
mapinsala ang mga ugat.
5. Ang wastong paraan ng ________ ay dapat tandaan, dahil sa ang
sobrang tubig ay makasasama sa punla.

punla
pagdidilig
pataba
lupa
isterilisasyon

PAG-ARALAN MO
Sa pagnanarseri, ibat-iba ang mga gawaing napapaloob. Bawat gawain merong
angkop na kagamitan o kasangkapan na gagamitin sa paggawa.
Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong pagkatapos.
Ang Huwarang Pamilya ng Bayan
Magsasaka ang mag-asawang Mang Ikoy at Aling Dory. Noong
nagsisimula pa lamang sila, nagiging problema nila ang pagkukunan ng mga
punla at iba pang mga pananim. Kung kayat naisipan ni Mang Ikoy na magtayo
ng sarili nilang narseri.
Humanap si Mang Ikoy ng pook o lugar na pagtatayuan nila ng narseri.
Isinaalang-alang niya ang mga salik sa pagnanarseri. Nilinis muna niya ang lugar
na gamit ang itak at bolo sa pagputol ng mga damo at iba pang halaman.
Tinaggal niya ang mga ugat sa pamamagitan ng asarol at piko. Ginamit din niya
ang piko sa pagtanggal ng malalaking bato.

Isinunod naman niya ng paggawa ng mga hanay. Naglagay siya ng tulos


at pisi bilang gabay sa kanyang gagawing mga hanay. Ginamit niya ulit ang piko
at asarol sa pagbungkal at pagdurong ng lupa. Ang malalaking tipak ng lupa ay
ginagamitan naman niya ng palang tinidor. Tinipon niya ang mga matitigas na
lupa, bato at iba pang kalat o dumi sa lugar sa pamamagitan ng kalaykay.
Hinakot niya ang mga ito na gamit ang karetilya.

Pinatag ni Mang Ikoy ang ibabaw ng mga ginawa niyang hanay gamit muli
ang kalaykay. Nilagyan niya ang mga hanay ng patabang organiko at mga dumi
ng hayop. Pinag-halo-halo niya ang mga ito gamit ang pala.
Habang abala si Mang Ikoy sa paglilinis at pagaayos ng mga hanay, nagipon si Aling Dory ng mga lalagyan tulad ng mga paso, lata, mga supot na plastik
at iba pang mga bagay na maaaring pagtamnan upang alagaan at palakihin.

Gumaw si Mang Ikoy ng mga kahong punlaan na yari sa kahoy.


Ginamitan niya ng martilyo at lagare ang paggawa ng mga ito. Madaling nagawa
ni Mang Ikoy at Aling Dory ang kanilang narseri, dahil tinutulungan sila ng
kanilang 5 anak na mga lalaki kapag ang mga ito ay walang pasok.
Nagtutulungan din ang buong mag-anak sa pamamahala at pangangalaga ng
mga punla at iba pang halaman sa narseri.

Naging usap-usapan ang paglago ng narseri ni Mang Ikoy at Aling Dory


sa kanilang bayan. Marami ang namimili sa kanilang mga punla dahil kapag sa
kanilang narseri nagmula ang mga punla o kahit anong pananim siguradong
tutubo at magiging mabunga ang mga ito.
Alagang-alaga ng mag-anak ni Mang Ikoy ang kanilang narseri. Sa
pagdidilig, gumagamit sila ng rigadera. Sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng
halaman ginagamitan nila ito ng dulos.
Dahil sa tamang pamamahala at pangangalaga ng kanilang narseri
naging matagumpay at maunlad ang buhay nila. Ang kanilang pag-unlad sa
hanapbuhay ay naging dahilan din upang tanghalin sila na Huwarang Pamilya ng
Bayan.
A. Anu-anong kasangkapan o kagamitan ang ginamit ni Mang Ikoy sa
paggawa ng sumusunod na mga gawain?
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.

Paglilinis ng lugar o pook na pagtatayuan ng narseri


Pagtanggal ng malalaking ugat at bato
Gabay sa paggawa ng hanay
Pagbubungkal at pagdurog ng lupa
Pagdurog ng malalaking tipak na lupa
Pagtipon ng mga matitigas na lupa, bato at iba pang dumi
Paghahakot ng mga bato at dumi
Pagpatag o pagpapantay ng ibabaw ng hanay
Paghahalo ng mga patabang organiko, dumi ng hayop at lupa
sa mga ginawang hanay
10. Pagdidilig
11. Paggawa ng mga kahong punlaan

B. Anu-anong mga lalagyan na maaaring pagtaniman ang tinipon ni Aling


Dory?

SUBUKIN MO

A. Kung ikaw ay nasa paaralan, hiramin sa guro na tagapag-ingat ng mga


kagamitan at kasangkapan ang mga sumusunod na kagamitang nakatala. Sa
loob ng dalawampung minuto, pagsanayan ang paggamit ng nahiram na mga
kasangkapan.

1.
2.
3.
4.
5.

pala
asarol
dulos
lagadera
kalaykay

B. Kung ikaw naman ay nasa bahay, tingnan kung ang mga nakatalang limang
(5) kagamitan ay meron kayo at pagsanayang gamitin ang bawat isa.

Paalala: Sa paggamit ng anumang kasangkapan o kagamitan,


laging isaisip o isaalang-alang ang mga panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan.

TANDAAN MO

Ang mga kasangkapan at kagamitan na ginagamit sa pagnanarseri


ay dapat ingatan, gamitin nang wasto at pangalagaan upang magamit sa
mas mahabang panahon.

ISAPUSO MO

Batay sa kuwentong binasa sa modyul na ito, anu-ano ang mga katangiang


taglay ni Mang Ikoy at Aling Dory na dapat mong tularan?
Isaisip at isabuhay ang iyong mga sagot.

GAWIN MO

Sa isang malinis na papel, pumili ng sampung (10) kagamitan sa


pagnanarseri at iguhit ang mga ito. Lagyan ng pangalan ang bawat isa.

PAGTATAYA

A. Kilalanin ang sumusunod na mga kasangkapan at kagamitan.

(1)

(2)

(3)

(4)

(5)

(6)

(7)

(8)

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari
mo na ngayong simulan ang
susunod na modyul

You might also like