You are on page 1of 9

te ay nabigo.

Sa pagkabigong ito, ang labanan sa Pilipinas

sasabing napagtagumpayan na ng mga Amerikano.

sa Leyte ay n

ay masasabing

sa Leyte ay iniui

ginawa noong kal

ay binomba

aakala

Nang maging matatag na ang lagay ng hukbong Amerikano

e ay iniutos ni MacArthur ang paglunsad sa Mindoro, na

wa noong kalagitnaan ng Disyembre, 1944. Mula sa Mindoro

binomba ang Maynila upang linlangin ang mga Hapon sa pag-

lang sa dakong Maynila lulunsad ang puwersang Amerikano.

Nounit si MacArthur, ingid sa kaalaman

Caalaman ng mga Hapon, ay hindi

dakong Maynila lumunsad kundi sa Linggayen, sa pook na ni-

Casaran ni Heneral Homma noong Disyembre, 1941. Ang paglun-

od na ito, na ginawa noong ika-9 ng Enero, 1945, ay nakabigla sa

mga Hapon sapagkat hindi inaasahang doon lulunsad. Ang ipina-

malas na paglaban ng mga Hapon ay halos siya ring ipinamalas ng

USAFFE nang lumunsad sa Linggayen si Homma. Mula sa Ling.

gayen, ang hukbong Amerikanong pinangungunahan ng mga tang.

ke ay humagibis na patungong Tarlak, Kapampangan, Bulakan,

at noong magtatakipsilim ng ika-3 ng Pebrero ay pumasok ang

mga unang pangkat ng Hubong Amerikano sa hilaga ng Maynila


sa dakong may sementeryo ng Intsik. Kapagdaka'y dumaluhong

ang mga gerilya sa kampo ng Unibersidad ng Santo Tomas, na

kinaroroonan ng mga ikinulong na mga mamamayan ng mga

alyadong bansa, at nang dumating ang pangkat ng Hukbong Ame-

rikano ay sinalubong sila ng sa malas ay mga aninong aanod-anod:

ang yayat na yayat na mga bilanggong Amerikano, Inggles, at

iba pa. Samantala, ang mga bilanggong mamamayan ng mga al-

yadong bansa na nakakulong sa Bilibid sa daang Azcarraga ay

pinalaya ng Hukbong Amerikano, at ang lahat ay nagpasalamat

sa maagap na pagdating ng mga ito sapagkat ang karamihan sa

mga bilanggo ay buto't balat na lamang.

Pagwawakas ng Digmaan.-- Hindi pa man ganap na napa-

palis ang mga Hapon sa Pilipinas ay namamayagpag nang ipinaha-

yag ni MacArthur na ang buong Pilipinas ay ganap nang napalaya

at ang kalaban ay hindi na makagulapay. Sa maraming bahagi ng

Luson, lalo na sa Kamaynilaan, ang mga dambuhalang trak, tang-

ong iba-iba ang hugis ay parang nagpapaligsa-

ke, at mga eroplanong

hang nagpapakitang gilas sa mga Pilipino, at ang mga

nagsisikip sa dami ng mga kagamitang pandigma na iniaab

mga bapor na halos nagsisiksikan sa Look ng Maynila upar

kadaong. Ang kilusang walang hanggan ay pagpapatunay na a

mga Hukbo ni MacArthur ay naghahandang sumalakay sa Hapon

bilang huling hakbang sa pagpapasuko sa kanya. Samantala

ilang daang dambuhalang eroplarrong B 29 ang walang patlanga


walang awang bumomba sa mga siyudad ng Hapon, gaya ng Tok

yo, Nagoya, Osaka at Kure. Ang mga siyudad na ito y kalansay na

lamang ng dating makisig na anyo dahil sa tindi ng pagkabomba

sa kanila. Noong ika-26 ng Hulyo, 1945 ay pinadalhan ang Hapon

ng mga Alyado, sa pamamagitan ng Pangulong Harry S. Truman ng

Estados Unidos at Punong Ministrong Churchill ng Ingglatera, ng

ultimatum na humihiling ng pagsuko ng Hapon sa lalong madaling

panahon "o madurog". Taglay ang likas na kapalaluan, ang Hapon

ay nagmatigas na hindi siya susuko. Gayunman, may lihim na

palagay sa pamahalaan na ang Hapon ay hindi makatatagal, lalo

pa't sumuko na ang Alemanya ni Hitler noong sinusundang tag-

araw (sa Pilipinas, ngunit tagsibol sa Europa at Amerika). Lingid sa

kaalaman ng mga Hapon ay nakagawa na ang Estados Unidos ng

bomba atomika na maaaring gumunaw ng mga siyudad sa loob ng

ilang saglit. Sa harap ng pagmamatigas ng Hapon ay napilitan ang

Pangulong Truman na iutos ang paggamit ng bomba atomika, una

muna sa siyudad ng Hirosima, noong ika-6 ng Agosto, at upang la-

long makumbinsi ang mga Hapon na maaari silang durugin sa la-

long madaling panahon ay sinundan ng isa pang bomba atomikang

inihulog sa siyudad ng Nagasaki. Ang libo-libong mamamayang

Hapong namatay at daan-daang libo pang nabalda ng dalawang

bomba atomika ay naka kumbinsi sa mga Hapon na walang kabu-

luhang patagalin pa ang digmaan, at noong ika-25 ng Agosto ay

sumuko ang Hapon nang walang pasubali. Noong ika-2 ng Setyem-

bre, ang kasunduan sa walang pasubaling pagsuko ng Hapon ay


nilagdaan sa kubyerta ng pandigmang Missouri sa Look ng Tokyo.

Ang ikalawang digmaang pandaigdig ay tapos na at ang mga ban-

dilang iniwasiwas bilang tanda ng pakikidigma ay tiniklop at

napinis ang isa pang dahon sa kasaysayan ng sangkatauhan.

ANG IKATLONG REPUBLIKA

Pangkalahatang Kalagayan. - Ang pagtatapos ng digmaan

427

umaksi sa marawal na kalagayan ng Pilipinas, lalo na ng May

ila na totoong nasalanta dahil sa pamiminsala hindi lamang ng

mga Hapon samantalang umuurong sila, kundi ng mga Amerika

nong napilitang bumomba at kumanyon sa mga lugar at gusaling

kinaroroonan ng mga Hapong ayaw sumuko. Ang malalaking

gusali ng Maynila ay wasak na wasak, samantalang ilan lamang

ang natirang hindi lubusang nawasak. Ang gusali ng Lehisla-

tura ay wasak at nakatagilid na animo'y isang lalaking lasing;

ang mga gusali ng Kagawaran ng Agrikultura at Kagawaran ng

Pananalapi ay wasak na wasak at hindi makilala ng dati'y naka-

kikilala doon; ang Sitihol ng Maynila ay durog durog at ang

toreng kinalalagyan ng malaking relos ay hungkag na parang

kalansay. Ang nakaligtas lamang sa Maynila ay ang baha bahagi

ng Kiyapo, Sampalok, San Miguel, Santa Ana, Pako, at Tundo.

Ang San Nicolas ay nagurlisan lamang ngunit hindi gaanong

napinsala. Ang Intramuros ay durog na durog at ang nalabi lamang

na nakatayo ay ang Simbahan ng San Agustin, na marami ring

Pananalapi
ng Kagawaran na animo'y isan

tama ng granada at mga kanyon. Ang Katedral ay wasak at ang

iba pang simbahan sa Intramuros ay nakagulapay na sa lupa at

walang natira kundi mga basag na salamin at pira-pirasong kahoy

at bato. Nasunog o sinunog ang Ermita at Malate, at sa pagka-

sunog na iya'y daan-daang mamamayan ang namatay. Ang Ermita

at Malate ay tinampalasan ng umuurong na mga sundalong Hapon,

na sapagkat alam na ayaw sa kanila ang mga Pilipino ay naghiganti

at pinagpapatay ang mga nakatira doon, matapos na sunugin ang

kanilang mga bahay. Sa mga lalawigan ay ganyan din ang ginawa

ng mga Hapon. Sa Batanggas ay marami ang pinatay. Isa na rito

si Ernesto Vallejo, ang pinakamagaling na biyolinistang Pilipino

hangga ngayon na pinatugtog muna ng mga Hapon bago pinatay.

Ang pananampalasan ng mga sundalong Hapon noong 1945 ay

umabot sa sukdulan nang manggahasa ng mga walang malay na

babae at pagkatapos ay pinatay. Ang kabuhungang ito, na labag

sa Bushido ng bansang Hapon, ay ikinahiya ng mga Hapon mata-

pos ang digmaan at malaman nila ang ginawa ng kanilang sundalo

sa Pilipinas.

ANG MGA PILIPINO

Durog ang mahigit kalahati ng Maynila, at ang kabuhayan

ay masasabing nasa bingit ng kamatayan. Walang hanapbuhay

ang marami; halos walang produksiyon kaya't walang pagkain:

ang basura sa mga lansangan ay kasintaas ng bundok; ang mga

langaw, daga, at ipis ay naglipana; lumalaganap ang mga sakit na


nakahahawa; at sabihin pa, ang krimen ay dumami at naging ma-

panganib. Sa lalawigan, ang sak ahan ay nakatiwangwang sapag-

kat halos walang natirang kalabaw na magagamit sa pag-aararo.

Walang komersiyo sapagkat walang produksiyon at walang sukat

ipangalakal. Anupa't ang baya'y talagang lupasay na at hindi ma-

kagulapay. Tinataya, pagkatapos ng isang masusing pagsisiyasat,

na ang nasira sa mga industriya sa Pilipinas ay umaabot sa 582,

500,000 piso; ang industriya sa bigas ay nasiraan ng mga 140,291,

000 piso; ang industriya sa asukal, 94,590,000 piso; pagmimina,

121,210,000 piso; at paghahayupan, 81,203,000 piso. Ang

nasira sa niyugan, abakahan, pangingisda, at iba pa, ay hindi

kasinglaki ng mga yaon. Kung isasaalang-alang na ang piso noon

ay maaaring katumbas ng 100 o higit pa ngayon (1980) makukuro

kung gaano kalaki ang napinsala sa Pilipinas. At diya'y hindi

pa kasama ang halaga ng mga nawasak at nasirang mga bahay na

bunga ng panganganyon at pagbomba ng mga Hapon at Ameri-

kano. Ang totoo, ang malaking pagkasira ng Maynila ay bunga

ng panganganyon at pagbomba ng mga Amerikano na ang mga

kasangkapang pandigma ay tunay na kagila-gilalas na kahila-

hilakbot. Ang Intramuros, na buong ingat at tiyagang itinayo ng

mga Kastila sa loob ng halos 300 taon, ay sinira ng mga Ameri-

kano sa loob ng ilang araw lamang sapagkat ang mga Hapon doon

ay ayaw sumuko.

Tulong ng PCAU. - Dahil sa kalagayang iyan, ang Huk-

bong Amerikano, sa pamamagitan ng Philippine Civil Affairs


Unit (PCAU) ay tumulong sa pagliligtas ng bayan sa mga sakit at

sa kamatayan dahil sa gutom. Itinatag ang PCAU ng hukbong

Amerikano sa Leyte na ang layon ay tumulong sa mga kumander

ng hukbo sa pamamahala ng mga pook o bayang

ng PCAU ang kapangyarihang kumasundo ng mga manggagawa

at magsuweldo sa mga ito, mamahagi ng mga pagkain at panan

Ang Halalan ng 1946. – Nang tawagan ni Osmeña ang

Konggreso upang magpulong nang laban sa kanyang paniwala,

si Roxas, na matindi ang ambisyong maging pangulo ng Republika,

ay kumilos upang tumatag ang kanyang lagay. Ang marami sa

mga senador ay nakuha niya at kapagdaka'y inihalal siyang pangu-

lo ng Senado. Sa puwestong ito ay nasa kalagayan siyang mag.

lagay ng mga sagwil sa pangasiwaan ni Osmeña na inilarawan ni-

yang lakad-pagong. Ang pangyayaring hayagang kumampi sa kan-

ya si MacArthur ay naging malaking puhunan ni Roxas sa kanyang

kampanyang mamahay sa Malakanyang. Sa kabilang dako, si

Osmeña, na ngayo'y matanda na at hirap na sa pinapasang krus

bayan, ay ayaw nang kumandidato at ipinahayag sa kanyang mul

tagahanga na kung ibig ni Roxas na maging pangulo ay magbik

gay-daan siya kay Roxas. Si Roxas 'man ay hindi malusog at

malakas at ang pag-aalaalang ito na ang magandang pagkakataon

upang maging pangulo, sapagkat may kaba siya kaipala na bak

hindi siya magtagal, ang nagtulak sa kanya upang labanan ang

taong pinagkakautangan niya ng malaking utang na loob.

Ang mga tauhan ni Osmeña, na marahil ay nangangambang


baka mawala sila sa kapangyarihan kung umurong ang matanda,

ay mapiling nagpatalastas dito na kailangan siya ng bayan sa

panahon ng kagipitan. Napilitan si Osmeñang tumakbo sa pagka-

pangulo.

Itinakda ng Konggreso ang halalan para sa panguluhan sa

ika-23 ng Abril, 1946. Humiwalay si Roxas sa partido Naciona-

lista at nilikha ang isang sangay nito na tinawag niyang Liberal.

Sa labanang ito ay tiyak na nakalalamang si Roxas, una, sapagkat

higit siyang nakababata kay Osmeña at samakatuwid ay may higit

na tibay ng katawan upang makakampanya; ikalawa, sina Mac-

Arthur, Komisyonado Paul V. McNutt, at higit sa lahat, si Aurora

Aragon Quezon, ang butihing maybahay ng nasirang pangulo, ay

hayagang maka-Roxas; at ikatlo, ang katakot-takot na nakawan

sa pamahalaan, na ikinawala ng milyon-milyong dolyar na halaga

ng mga kagamitan at pagkain, ay naging batik sa pangasiwaan ni

Osmeña. Ang kasiraang ito'y sinamantala ni Roxas upang ipanga-

kong wawalisin niya ang mga yagit na nagkalat sa pamahalaan

kapag siya'y inihalal na pangulo. Tangi sa riyan, si Osmeña ay

nindi kumampanya at nagkasya na lamang siya sa pagsasabing alam

ng bayang Pilipino ang kanyang matapat na paglilingkod sa kani-

lang kapakanan mula nang maging espiker siya noong 1907. Ngu

nit nagugutom ang bayan, at ang mga nakawan ay lalong naka-

sama sa di-umano'y kabagalan ni Osmeña. Nang matapos ang

bilang ng mga boto ay nakalamang si Roxas ng mga 200,000 boto

- maliit, ang sabi ng mga maka-Osmeña, lalo na kung isasaalang-


alang na hindi ito kumampanya kahit minsan. Si Roxas ang huling

You might also like