You are on page 1of 1

Jobel E.

Dela Cruz DVM 1-1

Reaksyong Papel: Minsan May Isang Puta

Ang alegoryang katha ng manunulat na si Mike Portes noong 2004 na pimagatang


‘Minsan May Isang Puta’ ay malaki ang ambag sa pagbukas ng kaalaman ng mga Pilipino sa
isang lumipas ngunit hindi pa rin masolusyunan na hamon sa bansa. Taglay nito ang
impormal na panulat na mas naging epektibo sa pagpapakilala ng tema ng alegorya. Masidhi
ang damdamin ng bawat pangungusap sa loob ng mga taludtod at bilang impormal na akda ay
naging direkta ito sa punto ng kabuuan. Maging ang paraan ng paglalahad ay kapanapanabik.
Nagsimula itong ilahad ang kuwento na kaniyang naranasan nang walang pag-aalinlangan at
buong tensyon ngunit tanong sa kaisipan ng mambabasa kung sino nga ba ang naglalahad ng
yaring kuwento.
Sinimulan ang pagbabahagi ng istorya sa pag-mamalaki ng pangunahing karakter sa
sarili. At saka sinundan ng alaala kung saan nga ba nagmula ang daing ng nagkukuwento.
Isang malaking alegorya ang akda at nagpakilala sa katapusan bilang Pilipinas na siyang
inilarawan bilang isang babaeng dating ubod ng ganda na nilapastangan ang dangal ng
tatlong malilibog na banyaga; Amerikano, Hapon at Kastila—dating mananakop ng ating
bansa. Bakas pa rin sa Pilipinas ang pagkahalina sa impluwensya ng mga Amerikano at sa
benepisyong dulot kapalit man ang paggamit sa kaniya nito. Ito na ang naging istruktura niya
sa pagunlad at hindi naging madali nang tuluyan siyang lumaya sa kontrol ng mga
Amerikano. Lumubog ang Pilipinas sa pagkakautang at tila ba utang na loob na rin ang
kaakibat nito sa paghingi ng tulong. Saad rin sa kuwento ang kaniyang mga anak o
mamamayang Pilipino, kung saan ang iba ay piniling mangibang bansa habang ang iba
naman ay piniling manatili. Ayon sa babae, iilan lamang ang kaniyang anak na may malasakit
sa kaniya dahil ang iba ay mas pinili pa ang magpasilaw sa yaman kaysa tulungan ang mga
kapwa Pilipinong kapatid na maihaon sa hirap, gutom at kamangmangan. Repleksyon nito
ang paghahabol ng mamamayang Pilipino ang pangangarap na makapagtrabaho sa ibang
bansa dahil sa kalakihan ng suweldo roon kaysa sa lokal na industriya sa bansa. Iisa lamang
ang inihahahin sa mga mambabasa ng may akda at iyon ay ang pag-gising sa sambayanang
Pilipino nang patuloy na pagpapasakop sa neokolonyalismo na umiiral sa bansa. Na mismong
Pilipinas na ang sumisigaw at humihingi ng saklolong malasakit at atensyon sa ikagiginhawa
ng mamamayan niya.
Sa kabuuan, malawak ang sakop ng isyu na pinapahayag sa mensahe ng alegorya.
Gayunpaman ay epektibo ang paggamit ng mga tayutay tulad ng pagsasatao o
personipikasyon sa paglalahad ng napapanahong karanasan sa bansa. Matapos kong mabasa
at mahinuha ang mensahe ng alegorya ay naenganyo akong mag-isip ng mga kasalukuyang
isyu sa bansa na maaaring maging ikalawang parte ng akda. Hindi malabong masundan pa ito
ng maraming bahagi sa dinami-rami ng kristisismo na maaaring magmulat sa mga pikit na
mata ng mga Pilipino na patuloy ang pag-asa sa laganap na impluwesya ng ibang bansa.

You might also like