You are on page 1of 2

Fatima Jean Y.

Garcia
BSBA Marketing 2J
SOSLIT 213

I. Ibigay ang mga problema sa pantitikang “Miliminas” at “Upuan” at ikonekta sa


tunay na buhay. Hanapin din kung ano ang naging sagot/solusyon ng pamahalaan
sa nasabing problema.

Ang Miliminas:Taong 0069 ay orihinal na akda ni Milo Par Pamonag na isinalin ni


Ruby V. Gamboa-Alcantara at ang Upuan naman ay orihinal na kanta ni Gloc 9. Ang
dalawang panitikan na ito ay tumatalakay lamang sa masalimuot na katototohanan na
kinakaharap ng Pilipinas. Iba’t ibang problema pero iisang layunin lang ang gusto nilang
mangyari, ang malaman at mamulat ang lahat sa katotohanan at mabuksan ang isipan
ng mga Pilipino lalo na ang mga nasa pulitika. Tulad nalang ng pagkakaiba ng estado sa
buhay ng mga tao ang siyang nagdidikta sa maaaring kahantungan ng kanilang buhay sa
lipunan.

Problema: Sa kanta ni Gloc 9 na “Upuan” at sa akda ni Milo Par Pamonag na


“Miliminas” ipinapahayag nila ang buhay ng mahirap at mayaman. Na sinasabi nila na
pinababoran ang katiwalian at bininigyang importansiya ang mga mayayaman na siyang
kabaligtaran na dapat taglayin ng isang patas at makatarungang bansa ngunit hindi man
lang nakikita ng presidente o pamahalaan o yung mga naka-upo ang buhay ng mga
mahihirap, walang ginagawa ang gobyerno upang maging maayos ang kanilang buhay
tulad ng hindi mabigyan na sapat na akses sa tubig, hindi sapat na sweldo at marami pa.
Mas nabibigyan importansya pa ang mga mayayaman. Nagbubulagbulagan lamang ang
mga pamahalaan sa tunay na kalagayan ng mga mahihirap na Pilipino. Ang isa pang
problema ay hindi nabibigyan ng hustisya ang mga mahihirap sa kani-kanilang buhay
hindi tulad ng mga mayayaman mas nabibigyang hustisya sila dahil may mga pera ang
mga ito. Isa rin sa problema ay ang kurapsyon sa gobyerno na nabanggit rin . Nauugnay
ito lahat sa realidad ng buhay. Ang mga hindi makatarungang at hindi katanggap
tanggap na kultura, ugali, batas, at pamamahala ay itinataguyod sa kapuluang ito na
siyang sumasalamin sa bulok na sistema na mayroon ang bansang Pilipinas. Laganap din
ang pagiging sakim sa kapangyarihan ng mga nakakataas at ang kanilang
pangangamkam sa pera ng bayan tulad ng korapsyon.

Solusyon: Kaya ang naging sagot o solusyon sa mga problema ay bumuo ng isang
program ang mga kabataan patungkol sa mga nangyayari sa bansa na nagtaguyod sa
mabuting pamahalaan. Sila ang nagtaguyod at namalakad upang mapabuti ang
pamhalaan. Isa din solusyon o sagot ng pamahalaan ay isa-isa inaalam ang mga hinaing
ng bawat tao upang magbigyan solusyon ang mga gusto nila. Bilang isa sa opisyal ng
Pilipinas o isang mamamayan ang pinaka solusyon upang maging maayos ang problema
ng bayan ay maging pantay ang tingin sa lipunan, walang mayaman, walang mahirap
lahat ay pantay-pantay na nagsisikap para sa ikakabuti ng bayan at lipunan at higit sa
lahat wag maging makasarili magtulong tulong upang mas mapaunlad at mapabuti ang
pamamahalaan ng bansa.

You might also like