You are on page 1of 1

May mga kilalang pamilya sa lipunan na napananatili ang kapangyarihan sa kanilang

angkan. Kalimitang sinasabi ng mga tao na ito ay lantarang kasakiman o pagkaganid ng mga
kilalang pamilya. Ayon sa batas, hindi maaaring magtrabaho sa parehong kagawaran ng
pamahalaan ang magkamag-anak, subalit pinapayagan namang tumakbo at manungkulan
nang sabay-sabay ang mga politikong magkakamag-anak sa local at pambansang posisyon.
Magkatambal na isyung pampolitika ang political dynasty at ang graft and
corruption. Kapwa ito may mahabang kasaysayan ng malalang epekto sa ating lipunan at
bansa. Pareho rin silang nakapagpapalala sa suliranin ng kahirapan sa Pilipinas.

PAGGANYAK NA GAWAIN! Bago mo pag-aralan ang ating aralin, pagnilayan mo


muna ang larawan sa ibaba. Maligayang pagkatuto! (Hindi ito ipapasa)

Suriin ang karikatura na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong na kaugnay nito.

Bilang isang kabataang Pilipino, mahirap isipin kung ano nga ba ang
maitutulong mo upang malutas ang mga suliranin ng bansa na may kinalaman sa
politika. Ngunit sabi nga sa sikat na Marvel Comics Spiderman, “With great power
comes great responsibility.” Kaya naman, ngayong nalaman mo ang tungkol sa mga
suliraning panlipunan at pampolitika, gaya ng migrasyon, political dynasty, at graft
and corruption, simulan mo na ngayong maging isang responsableng kabataan na
may pakialam sa mga nangyayari sa ating bansa.

MAHALAGANG TANONG:
Paano maiiwasan ang negatibong epekto ng migrasyon at suliraning
teritoryal sa ating lipunan?
Paano malulutas ang suliranin ng political dynasty at graft and corruption
sa ating bansa?

You might also like