You are on page 1of 2

Gawain Scaffold 9: “Aming Suhistiyon-Political Cartoon”

Mga Pangalan: Nicole Kimberly Dy Grado/Seksiyon: 10-SA Petsa: _____


Learning Target: Nasusuri ang sanhi at epekto ng political dynasties sa pagpapanatili ng malinis at
matatag na pamahalaan.
Panuto: Suriin ang political cartoon na nasa ibaba at sagutin ang mga katanungan. Pueding gumamit ng
aklat bilang gabay sa pagsasagot. (pahina: 1933-2210)

1. Ano ang mensahe ng ipinapahiwatig ng political cartoon?


Kasagutan: Ang political cartoon ay nagpapahiwatig tungkol sa konsepto ng political dynasty. Ito ay ang
panunungkulan ng mga magkakamag-anak sa politika. Sa ganitong sistema, ang kapangyarihan o
karapatang mamuno ay umiikot lamang sa iisang pamilya o miyembro nito.

2. Paano mo maipahayag ang konsepto ng political dynasty?


Kasagutan: Ang political dynasty ay isang pamilyang politiko na namamahala sa isang lugar at naipapasa
sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan. Ito ay nagdudulot ng pang-
aabuso sa kapangyarihan at kasakiman o pagkaganid ng mga kilalang pamilya.

3. Bilang isang Josenian, anong “core value” na puede mong gamitin bilang gabay sa pagharap ng
suliraning ito?
Kasagutan: Bilang isang Josenian, ang core value na maaaring gamitin bilang gabay sa pagharap ng
suliraning ito ay ang nasyonalismo. Sa aking opinyon, maaaring maiwasan ang political dynasty kung
hihigpitan pa ang kwalipikasyon sa bawat posisyon sa gobyerno. Kung lilimitahan ang mga kaanak na
gustong magkaroon ng posisyon sa gobyerno, maaaring mabigyan ng pagkakataon ang ibang may
potensyal. Maaari rin natin itong maiwasan kung tayo ay marunong mamili ng mga kandidato na
makakatulong sa pag-unlad sa ating bansa.

4. E.Q Paano nakakatulong ang pag-unawa sa mga kontemporaryong isyu sa ating kamalayan
bilang mamamayan ng ating bansa?
Kasagutan: Mahalagang malaman at pag-aralan dahil ito ay makapagdaragdag ng pananaw sa kalagayan
ng bansa mula sa lahat ng antas ng pamumuhay. Bilang karagdagan, sa pamamagitan ng pag-alam sa
mga kontemporaryong isyu, maaari nating sundin ang pag-unlad ng panahon at makilahok sa kritikal
na pag-iisip upang makahanap ng mga solusyon sa mga kontemporaryong problema na nangyayari.

You might also like