You are on page 1of 1

Kabilang din dito ang pulitika, ekonomiks, sosyolohiya, sikolohiya, antropolohiya, kasaysayan ng

kultura at sibilisasyon at iba pa.

Ayon kay Belvez (2003), ang akdang pulitika ay tumutugon ukol sa mamamayan o pamahalaan sa
pamamalakad, ideolohiya, patakaran at mithiin ng mga mamamayan. Ang ekonomiks ay
pamamalakad na pangkabuhayan ng pamahalaan at ng bansa; tinatalakay din dito ang tungkol sa
puhunan, kalakal, pagtitinda, anunsyo, bangko at pananalapo. Ang antropolohiya ay akdang
nagpapabatid ng pinangmulan, paglinang kagawian, lahi at paniniwala ng sangkatauhan. Ang
sosyolohiya ay nagpapakita ng pagsasamahan at ugnayan ng mga tao sa kanilang lipunan. Ang
sikolohiya ay pag-aaral ng kilos ng tao.

Isa pang halimbawa ng disiplinang agham panlipunan ay ang akdang kasaysayan na tumutugon
tungkol sa pangyayaring naganap sa buhay ng bansa at ng kanyang mamamayan. Tinatalakay din
dito ang kultura at tradisyon, pinagmulan, paniniwala, pamumuhay, pangarap, kaugalian, kaasalan at
kapalaran ng isang bansa at sibilisasyon ng mga mamamayan.

2. Tekstong Humanidades

Tumatalakay ito sa mga may kaugnayan sa kultura at sining katulad ng sayaw, musika, eskultura,
pelikula, arkitektura, pagpipinta, teatro, panitikan at iba pang makataong sining at wastong pagtingin
dito. Ang sining ay napakahalaga sa buhay ng tao dahil nagagawang makipag-ugnayan at maipahayag
ang kanyang damdamin. Sa humanidades, higit nating nakikilala ang ating sarili at higit tayong
nagiging maingat at magalang sa paniniwala sa mga likha at gawa ng ibang tao (Lachica, 1996).

Ang isa pang uri ng sining ay ang musika na pinagdugtong-dugtong at inaayos ang mga tunog ng
iba't-ibang tono upang makalikha ng isang musikang katha na nagpapahayag ng iba't-ibang kaisipan
at damdamin.

Ang iskultura ay sining na lumilikha ng dimensyunal na pagpapahayag ng ideya at kaisipan. Ito'y


nagagawa ng masining na kagandahan bunga ng malikhaing isipan gaya ng rebulto, kaanyuan ng tao,
monumento, imahen at iba pang simbolo.

Ang sayaw naman ay gumagamit ng katawan bilang tagapagpahayag ng kaisipan at damdamin. Ito ay
nagbibigay aliw at saya. Sa pamamagitan nito'y naiibsan ang dinadalang sakit ng loob, problema at
alalahanin ng isang tao.

Ang arkitektura ay isang halimbawa pa rin ng disiplinang ito na nagpapakita ng pagsasagawa kaugnay
ng kagandagan at kahusayan ng gamit tulad ng pantahanang kasangkapan at palamuti na iniayos sa
mga simbahan, tahanan, paaralan at iba't-ibang gusali.

Ang pelikula ay isa ring sining na naghahandog at nagpapakita ng sining sa pagganap sa


pamamagitan ng mga dulang panradyo at pantelebisyon na pumupukaw sa damdamin at
imahinasyon ng tao.

You might also like