You are on page 1of 1

Ang kulturang Pilipino ay natatangi kumpara sa iba pang mga bansang Asyano.

May sarili
tayong kaugalian na hanggang ngayon ay buhay pa rin at patuloy na pinapahalagahan. Ilan sa
mga ito ay ipinapakita sa aming diorama. Una ay ang pagmamano, ito ay isang “honoring-
gesture” na ginanap bilang tanda ng paggalang sa mga mas nakakatanda. Pangalawa ay ang
pagiging “hospitable” ng mga Pilipino. Ang katangiang ito ay karaniwang nakikita sa mga pista,
kaarawan, at iba pang espesyal o kahit na ordinaryong okasyon. Ibinibigay nila ang kanilang
makakaya upang aliwin ang kanilang mga bisita dahil para sa mga Pilipino, ang paglilingkod sa
iba ay nagbibigay sa kanila ng karangalan ng pagpapakita ng tunay na pagkakaibigan. Sa
konklusyon, ang kahalagahan ng pagtingin sa sariling kultura ay dapat bigyang-diin. Hindi
lamang para mas makilala ang ating bansa, kundi para sa pagkilala na ang ating kultura ay
maganda at natatangi.

You might also like