You are on page 1of 2

Halimbawa:

1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.


Sagot: kandila

2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.


Sagot: langka

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.


Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw

5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.


Sagot: anino

6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.


Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper

8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.


Sagot: gamu-gamo

9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.


Sagot: gumamela

10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.


Sagot: kubyertos

11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.


Sagot: kulambo

12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.


Sagot: kuliglig

13. Baka ko sa palupandan, unga'y nakakarating kahit saan.


Sagot: kulog

14. May bintana nguni't walang bubungan,


may pinto nguni't walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka

16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.


Sagot: kasoy

17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.


Sagot: paruparo
18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata

19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.


Sagot: tenga

20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.


Sagot: baril
21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket

22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.


Sagot: batya

23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.


Sagot: kamiseta
24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma

26. Nagbibigay na, sinasakal pa.


Sagot: bote

27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.


Sagot: sandok

28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.


Sagot: kampana o batingaw

29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.


Sagot: bayabas

30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa.


Sagot: balimbing

31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.


Sagot: posporo

Mga Halimbawa ng Sawikain o Idyoma

Halimbawa ng Sawikain : Ikurus sa noo


Kahulugan: Tandaan
Halimbawa ng Gamit: Ang mga aralin sa eskwela ay dapat ikurus sa noo.

Halimbawa ng Sawikain : Butas ang bulsa


Kahulugan: walang pera
Halimbawa ng Gamit: Nagsusugal si Juan kaya palaging butas ang bulsa.

Halimbawa ng Sawikain : Ilaw ng tahanan


Kahulugan: Ina
Halimbawa ng Gamit: Mahal na mahal namin ang aming ilaw ng tahanan.

Halimbawa ng Sawikain : Bahag ang buntot


Kahulugan: Duwag
Halimbawa ng Gamit: Palibhasa bahag ang buntot mo kaya takot ka sa dilim.

Halimbawa ng Sawikain : Ibaon sa hukay


Kahulugan: Kalimutan
Halimbawa ng Gamit: Ibaon mo na sa hukay ang nakaraan.

Halimbawa ng Sawikain : Balitang-kutsero


Kahulugan: Balitang hindi totoo o' walang kasiguraduhan
Halimbawa ng Gamit: Kay naku, nagpapaniwala ka diyan kay Juan eh puro balitang-kutsero
ang alam.

Halimbawa ng Sawikain : Bukas ang palad


Kahulugan: Matulungin
Halimbawa ng Gamit: Ang mga taong bukas ang palad ay pinagpapala ng Panginoon.

Halimbawa ng Sawikain : Nagbibilang ng poste


Kahulugan: Walang trabaho
Halimbawa ng Gamit: Itong si Juan ubod ng tamad, araw araw nagbibilang ng posteBakit
siya ay nagbibilang ng poste?

You might also like