You are on page 1of 12

FILIPINO III

PAGGANYAK:
1. Ano ang pagkakaiba ng larawan?
2. Kung kayo ang nasa larawan,
alin ang gagayahin mo?
3. Ano sa tingin niyo ang pag-
uusapan natin ngayon?
Nababagong
Daigdig, Luho vs.
Pagpapakasakit
Fr. Ben
Carreon,OMI
   Pagkilala sa may akda:
          Si Fr. Ben Carreon ay isang magaling na manunulat .. Isa sa sinulat ay
ang “Nagbabagong Daigdig, Luho Vs Pagpapakasakit”

 Uri ng panitikan
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng
personal na opinyon ng may-akda.

 Layunin ng may akda


Layunin ng may akda na makatanggap tayo ng ibat ibang opinion o ideya
tunkol sa bagay na ito. At upang magbigay ng liksyon sa mga nagbabasa.

  Tema o paksa ng may akda


 Ito ay tungkol sa mga laki sa layaw at mga nagsasakripisyo para lamang
maabot ang kanilang pangarap.
Nilalaman/balangkas ng mga pangyayari
Ang pangayayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda. Ang mga
pangayayari ay may koneksyon mula umpisa hanggang wakas. 

Mga kaisipan/ideyang taglay ng akda


Ang akda ay nagtataglay at nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan sa tunay na buhay ng tao.

 Istilo ng pagkakasulat ng akda


Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon, pangyayari o
karanasan sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

BUOD
Walang daan tungo sa pag tuklas ng karunungan kung walang edukasyon.
Marami sa ngayon ang mga laki sa layaw  at kakaunti na lamang  ang mag
nagsasakripisyo para lamang makapagaral . Ayon kay John Kennedy, may
dalawang uri ang tao: nakikibaka at hindi nakikibaka. “Pawis, dugo, luha naman
ang sabi ni Winston Churchill.
PAGLALAHAD:
Pag-aalis ng Sagabal;
Hanapin sa kahon ang mga salitang kasing kahulugan ng may
salungguhit.
Nag-iisip Pagninilay
Desposito Pananalasa
Nagpakataas Pakikihimok
Pagkukuro Pagbubuhay
Makipagtalad Nagpakabusog

1. Ang nagpakasasa ay bababa.


2. Tinurang makipagtagis sa pagsubok ang magkapatid na
Kennedy ng kanilang magulang.
3. Sa bait at muni, sa hatol ay salat.
4. Ang nagkabundat ay siyang gugutumin.
5. Nakapatinga sa bangko.
Pagtatalakay:
 Pagtatanong sa mga sumusunod:
“Tulad ng Batas langit ang pag-aaral, ang nagpaunay mahuhuli, ang nagpakataas
ay bababa at ang nagpakabundat ay siyang gugutumin”
1. Ano ang aral o mensahing dapat maisapuso ng isang mag–aaral tungkol sa
magkapatid na Kennedy? Saan pamumuhay sila mabibilang? Ano ang layunin sa may
akda sa pag sulat ng sanaysay na ito?
2. Ano ang mensahe ang nais iwan ng may akda sa mambabasa?
3. Ano ang kaugnayan na pamagat sa nilalaman ng akda? Akma ba ang konsepto nito
sa bawat isa?
Mga sangkap ng mga sanaysay at pagtatawag tungkol sa:
4. Mabisa ba ang ginawang paglalahad? Maayos ba ang balangkas na nakatutulong sa
lohikal na paglalahad ng kaisipan? Pili ba ang salitang ginamit?
5. Ang magandang sanaysay ay may kaisahan sa tono, maayos ang pagkakabuo at
may matalinong pagkakahulugan. Nasa akda ba ang pagkaugnay ng tatlong sangkap
na ito? Patunayan. Masining ba o karaniwa ang ginawang paglalahad? Basahin ang
masining na pahayag.
6. Gumamit ba ang may akda ng mga kasabihan at mahahalagang kaisipan na
nakatulong sa pagpapakahulugan sa paksang tinalakay?
Paglalahat:
Patunayan ang katotohanang
sinabi ni Churchill na “Dugo,
luha at pawis ang daranasin sa
pakikibaka sa pag-aaral”.
Ipakita ang pahayag sa
pamamagitan ng paghahabi.
Paglalapat:
Talakayin ang mga sumusunod na
pahayag sa pamamagitan ng
pagguhit ng simbolismo.
“Walang ganitong kutsara sa
pagsusubuan ng karunungan
Ang laki sa layaw sa karaniwang
hubad sa bait at muni, sa hatol ay
salat.”
Ebalwasyon:
Sumulat ng ilang pahayag
kung paano ka nagpapakasakit
sa pag-aaral at kung bakit mo
ito isinasagawa.
Takdang Aralin:
Basahin at siyasatin ang Akdang
“Tatlong mukha ng kasamaan” ni
Salvacion M. Delas Alas. At
ipaliwanag kung bakit mahalaga ang
karunungan sa isang bansang
maunlad. Ilagay sa buong papel ang
pagpapaliwanag.

You might also like