You are on page 1of 5

Sabjek: EsP 7 Baitang: Grade 7

Petsa: Linggo : 1 Kwarter: 1


Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag – aaral ang Pag – unawa sa mga
inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata, talento, at kakayahan, hilig, at mga
tungkulin sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag – aaral ang mga angkop na hakbang sa


paglinang ng limang inaasahang kakayahan at kilos
(development tasks) sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.

Kompetensi: Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili


sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.
(EsP7PSIa-1.2)

I. LAYUNIN:
Kaalaman Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa aspetong
pangkaisipan, panlipunan, pandamdamin at moral.

Saykomotor Nakapagbibigay ng mga patunay na gumagawa ng


hakbang tungo sa pagtanggap sa pagbabago sa sarili.

Apektiv Napahahalagahan ang mga pagbabago sa sarili sa bawat aspeto.

II. PAKSANG- ARALIN

A. PAKSA Modyul 1: Mga Angkop At Inaasahang Kakayahan at Kilos sa

Panahon Ng Pagdadalaga/Pagbibinata

B. SANGGUNIAN Dy, Manuel Jr., Leaño, Gayola, Sheryll, Marivic, Brizuela, Mary
Jean, Querijero, Ellanore. 2013 . Edukasyon sa
Pagpapakatao-ika-Pitong Baitang Kagamitan ng Mag-aaral.
Pasig City: Kagawaran ng Edukasyon.

C. KAGAMITANG CG, TG, MELCs, Manila Paper/Kartolina/Projector/Laptop/TV,


PAMPAGTUTURO at Chalk

III. PAMAMARAAN

A. PAGHAHANDA Ang yugto ng pagdadalaga o pagbibinata ay yugto ng


PangMOTIBEYSUNAL kalituhan, hindi lamang para sa iyo kundi maging sa mga
na tanong: taong nasa sapat na gulang sa iyong paligid. Marahil
maging sila hindi malaman kung paano ka na ituturing. Isa
ka bang bata pa o papunta na sa pagiging matanda?

Gaano man kalaki ang hamon sa iyo, kailangan mong


harapin ang mga ito. Kailangang handa ka at taglay mo
ang mga kaalaman na makatutulong sa iyo upang maging
matatag ka sa iyong pagharap sa hamon ng pagdadalaga
o pagbibinata.
Aktiviti/ Gawain
Sagutin:
1. Ano-ano ba ang pagbabago na inyong napapansin sa
bawat aspeto:
a. Pangkaisipan
b. Panlipunan
c. Pandamdamin
d. Moral

Pagsusuri / Analysis 1.. Ano ang naidudulot ng pagbabagong ito sa iyong


pang-araw-araw na buhay?
2. Nakatutulong ba ito upang magampanan mo ang iyong
tungkulin sa lipunan?
3. Paano mo tinanggap ang pagbabagong ito? Ipaliwanag.

B. Paglalahad Pamilyar ka ba sa kuwentong Alice in Wonderland? Isa itong


Abstraksyon popular na kuwento na isinulat ni Lewis Caroll noong 1865 at
(Pamamaraan ng Pagtalakay)
ginawang animated film ni Walt Disney at nitong huli’y
ginawang pelikula ng Direktor na si Tim Burton. Bagama’t ito
ay isang kuwentong

pantasya, napapailalim sa kuwentong ito ang tungkol sa mga

pagbabago sa buhay ni Alice bilang nagdadalaga.

Nais mo marahil malaman kung ano ang nakapaloob sa


kuwento tungkol sa pagdadalaga ng pangunahing tauhan sa
sikat na akdang ito.

Ikukwento ng guro ang mga pangyayari na napapaIoob sa


pelikula o kwento.

Papangkatin ng guro ang klase sa anim na pangkat at bibigyan


ang

bawat pangkat ng mga tanong na kanilang sasagutin na


siyang iuulat

ng napili nilang mang – uulat.

Mga tanong ng bawat pangkat:


1. Ano ang tema ng kuwento?

2. Ano ang ibig sabihin ng Cheshire Cat sa mga katagang


“Maaaring

makapagpalaki sa iyo ang pagkain sa Wonderland (tulad sa

buhay) ngunit sa awa at karanasan ka mas matututo”. (Food


can

make you big in Wonderland (as in life) but only mercy and

experience can make you wise.)? Ipaliwanag.

3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat karakter sa kuwento


na

may kaugnayan sa pagdadalaga ni Alice.

a. Chesire Cats

b. Mad Hatter

c. Catterpilar

d. Queen of Hearts

e. White Queen

f. At iba pa

4. Tukuyin kung ano-ano ang palatandaan ng pag-unlad na


iyong

makikita kay Alice na isang nagdadalaga. Ipaliwanag ang mga


ito.

5. Paano natagpuan ni Alice ang kaniyang sarili?

6. Makatutulong kaya sa iyo bilang isang


nagdadalaga/nagbibinata

ang paglinang sa mga inaasahang kakayahan at kilos

(developmental tasks)? Ipaliwanag. Sa paanong paraan mo


ito lilinangin?

C. Pagsasanay Tanong- sagot:


(Mga Paglilinang na
Gawain) May iba ka pa bang alam na pelikula, nobela o kuwento na
tungkol sa pagdadalaga/pagbibinata? Sa iyong palagay, tama
ba ang paglalarawan ng mga ito ng mga inaasahang
kakayahan at kilos ng mga nagdadalaga o nagbibinata?
Pangatuwiranan.
D. Paglalapat .
(Aplikasyon)
Papangkatin ng guro ang klase sa anim na pangkat at bibigyan
ang

bawat pangkat ng mga tanong na kanilang sasagutin na


siyang

iuulat ng napili nilang mang – uulat.

Mga tanong ng bawat pangkat:

1. Ano ang tema ng kuwento? Ipaliwanag. (pangkat 1)

2. Ano ang ibig sabihin ng Cheshire Cat sa mga katagang


“Maaaring

makapagpalaki sa iyo ang pagkain sa Wonderland (tulad sa

buhay) ngunit sa awa at karanasan ka mas matututo”. (Food


can

make you big in Wonderland (as in life) but only mercy and

experience can make you wise.)? Ipaliwanag. (pangkat 2)

3. Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat karakter sa kuwento


na

may kaugnayan sa pagdadalaga ni Alice. (pangkat 3)

a. Chesire Cats

b. Mad Hatter

c. Catterpilar

d. Queen of Hearts

e. White Queen

f. At iba pa

4. Tukuyin kung ano-ano ang palatandaan ng pag-unlad na


iyong

makikita kay Alice na isang nagdadalaga. Ipaliwanag ang mga


ito.

(pangkat 4)

5. Paano natagpuan ni Alice ang kaniyang sarili? (pangkat 5)

6. Makatutulong kaya sa iyo bilang isang


nagdadalaga/nagbibinata
ang paglinang sa mga inaasahang kakayahan at kilos

(developmental tasks)? Ipaliwanag. Sa paanong paraan mo


ito

lilinangin? (pangkat 6)

E. Paglalahat Tanong:
(Generalisasyon)
Bakit kailangan nating malaman ang bawat nangyayari sa
ating sarili

o ang halaga ng bawat pangyayaring ito sa ating buhay?

IV. Pagtataya Tatayain ang pag – uulat ng bawat pangkat base sa rubrik na
nasa ibaba.

Presentasyon ng bawat pangkat.

Pamantayan/Rubriks

Malinaw ang mga mensahe sa pag - uulat - 20 pts.

Naipaliliwanag at nabibigyan ng halimbawa ang iniuulat - 15

Makabuluhan ang bawat pag - uulat - 15 pts.

KABUUAN- 50 PUNTOS

V. Karagdagang Gawain Gumupit ng mga larawan ng artista na sa tingin ninyo ay may

malaking pagbabago sa sarili sa pisikal na kaanyuan.

VI. Pagninilay-nilay

You might also like