You are on page 1of 3

NOTRE DAME OF BANGA, INC.

Augustinian Recollect Sisters


Banga, South Cotabato
IKALAWANG KALAGITNAANG EKSAMINASYON SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Grade 2 30
Ms. Mae Ann A. Ramos PUNTOS
PANGALAN BAITANG PETSA

I. PANUTO: Basahin ng mabuti at unawain ang bawat katanungan. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

1. Nais makipagkaibigan ni Princess kay Sam na anak ng bago nilang kapitbahay. Ano
ang dapat gawin ni Princess?
A. Inggitin si Sam habang nakikipaglaro sa kaniyang mga kaibigan.
B. Hintayin na lumapit at makipag-usap sa kaniya si Sam.
C. Magpakilala si Princess kay Sam.

2. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng tamang paraan ng pakikipagkaibigan?


A. Inalok ni Izzy ng kaniyang baon ang bago niyang katabi.
B. Pinanonood ni Brynelle ang paglalaro ng kaniyang mga kaklase.
C. Hindi pinansin ni Faithan ang bago nilang kapitbahay.

3. Malungkot ang kaibigan ni Karl. Alin ang HINDI tamang paraan ng pagpapakita ng
pag-unawa sa kaniyang kaibigan?
A. Itanong ang nararamdaman ng kaniyang kaibigan.
B. Iwasang kausapin ang kaniyang kaibigan.
C. Kausapin at makinig sa kaniyang kaibigan.

4. Alin sa sumusunod ang salita na nagpapakita ng pag-unawa sa kalagayan ng


kapwa?
A. Pabayaan na lang natin siyang mag-isa.
B. Naiintindihan kita.
C. Gusto mo lang makakuha ng atensiyon.

5. Ang pagbibigay opinyon ng ating kapwa ay maaaring makapagdulot ng iba’t ibang


damdamin. Paano mo ito tatanggapin?
A. Ipagwalang-bahala na lang ang kanilang sasabihin.
B. Hindi ko papansinin ang kanilang opinyon.
C. Tatanggapin ko at pag-iisipan kung ito ba’y

6. Nagdarasal sa harap ng imahen ng santo ang iyong kaibigan. Hindi ka sang-ayon sa


paniniwalang ito dahil sa iba ang iyong nakagisnan. Ano ang gagawin mo?
A. Mag-iingay ako upang mapansin niya
B. Mag-aantay ako nang tahimik habang inaantay siyang matapos manalangin.
C. Pagtatawanan ko siya pagkatapos niyang magdasal

7. Madalas may suot na “hijab” o belo ang kaklase mong Muslim na babae. Mainit ang
panahon kaya naiinis ka sa kaniyang suot. Ano ang gagawin mo?
A. Hihilahin ang belo at sasabihing napakainit ng panahon.
B. Sasabihin sa kaniyang hindi maganda ang kaniyang suot.
C. Igagalang ko kung ano ang kaniyang suot.

8. Pinaupo sa tabi mo ng inyong guro ang bago mong kamag-aral. Iba ang kaniyang
relihiyon at bagong lipat siya sa inyong paaralan. Natatakot kang hindi kayo
magkasundo dahil magkaiba kayo ng paniniwala. Ano ang gagawin mo?
Page 1 Unang Kalagitnaang Eksaminasyon sa Edukasyon Sa Pagpapakatao– Grade 2
A. Hindi na lamang siya papansinin.
B. Makikipagpalit ng upuan sa katabi.
C. Hahayaang tumabi at makipagkaibigan sa kaniya

9. Bakit kailangang igalang ang ibang táong may ibang kaanyuan at kultura?
A. Para makaiwas sa hindi pagkakaunawaan.
B. Pagpapakita ng respeto sa iba
C. Lahat tama

10. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pang-
unawa sa kalagayan ng kapuwa.
A. Tinutulak ko ang aking kamag-aral upang ako ang mauna sa pila.
B. Hindi ko iniitindi ang damdamin ng aking kapuwa.
C. Tumutulong ako sa mga taong nangangailangan ng tulong.

11. Naglalaro kayong magkakaibigan. Nanonood sa inyo ang batang bago ninyong
kapitbahay. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya lalapitan dahil baka ayaw niyang makipaglaro.
B. Lalapitan ko siya at tatanungin kung gusto niya bang sumali sa amin.
C. Hahayaan na lang siyang manuod samin.

12. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pang-
unawa sa kalagayan ng kapuwa.
A. Palagi akong nasa tabi ng aking kaibigan kapag siya ay may problema.
B. Hindi ko itinuturing na kaibigan ang mga batang marurumi.
C. Mas magandang huwag na lang pansinin ang aking mga kaibigan.

13. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pang-
unawa sa kalagayan ng kapuwa.
A. Kinukuha ko ang pagkain ng aking kamag-aral.
B. Tinutulungan ko ang aking kamag-aral sa aming aralin kapag siya ay
nahihirapan.
C. Pinagtatawanan ko ang aking kamag-aral kapag siya ay nakakuha ng
mababang marka.

14. May mga batang taga-ibang lugar na dumalo sa paligsahan sa pagguhit. Isa ka sa
mga kasali, anong gagawin mo?
A. Babatiin sila at makikipagkaibigan.
B. Hindi ko sila papansinin dahil hindi ko naman sila kilala.
C. Kukunin ang kanilang mga gamit para wala silang magamit sa paligsahan.

15. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Emy ay pumasok siya sa
kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang
pera nila. Gagamitin niya ito para sa kanilang proyekto. Tama ba ang ginawa ni
Emy?
A. Tama, dahil gagamitin naman niya ito para sa kanilang proyekto.
B. Mali, dahil hindi siya nagpaalam sa kanyang mga magulang na kukuha siya
ng pera.
C. Tama, dahil pera naman ito ng kanyang mga magulang.

II. PANUTO: Isulat ang salitang TAMA kung ang gawain ay nagpapakita ng
pagkapalakaibigan at MALI kung hindi.

Page 2 Ikalawang Kalagitnaang Eksaminasyon sa Edukasyon Sa Pagpapakatao– Grade 2


________1. Itinatambak ang basura sa bakuran ng kapitbahay.
________2. Nagbibigay ng tulong sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at ari-
arian dahil sa sunog.
________3. Binabati ang kasalubong na guro at kamag-aral.
________4. Dinadalaw ang kaibigang maysakit at kinukuwentuhan ng
masasayang karanasan sa paaralan.
________5. Sa mayayaman ka lamang dapat makipagkaibigan.
________6. Tulungan sa pagtayo ang kapatid mong nadapa.
________7. Bigyan ng baon na tinapay ang kamag-aral na walang pagkain.
________8. Dapat kong tulungan ang aking guro sa paglilinis sa aming silid-
aralan.
________Ibinabahagi ang mga pagkain sa kapitbahay na nawalan ng trabaho.
________Tumutulong sa pag-aayos ng mga damit na ipamimigay sa nasunugan.
________11. Mag-alok o magbigay ng pagkain o baon sa kapwa mag-aaral.
________12. Huwag pansinin ang kapitbahay na bumabati s aiyo.
________13. Ibahagi ang aklat sa kaklase na nakalimot dalhin ang kanyang aklat.
________14. Kausapin ang bagong kaklae.
________15. Sabihin sa kalaro na huwag isali sa laro ang bagong kapitbahay.

“ May Magandang Kinabukasan ang Taong may Pinag-aralan”

------------------- God Bless! -------------------

Page 3 Ikalawang Kalagitnaang Eksaminasyon sa Edukasyon Sa Pagpapakatao– Grade 2

You might also like