You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- Western Visayas
Division of Aklan
District of Malay
CATICLAN ELEMENTARY SCHOOL

ESP 5
Summative Test No. 2

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______


Isulat ang TAMA kung positibo ang pahayag at MALI kung hindi.

_____1. Sa katapusan pa naman ipapasa ang aming proyekto sa EsP kaya hindi ko na muna ito gagawin. Uunahin
kong mag level-up sa laro sa cellphone ko.
_____2. Hindi muna ako manonood ng K-drama ngayong gabi. Kailangan kong mag-aral para sa mga pagsusulit.
_____3. Kung may kakayahan ako at gamit, makikipag-usap ako sa kaklase ko upang makipagtulungan sa mga
gawain.
_____4. Si Mack ay nagsinungaling nang hindi aminin na kinuha niya at nasira ang gamit ng kapatid.
_____5. Pinagsabihan ni Greg ang kapatid na si Valerie na hindi tamang mangopya ng sagot sa iba.
_____6. Inamin ni Jonnel ang kasalanang nagawa ni Kelvin upang hindi mapahamak ang kaibigan.
_____7. Sinabi ni Sunshine sa ama na maaga siyang natulog kahit ang totoo ay naglaro pa siya ng cellphone kahit
gabing-gabi na.
_____8. Buong pagpapakumbabang tinanggap ni Zoren ang puna sa kanya na mainitin ang kanyang ulo. Nangako
siyang magbabago.
_____9. Sinabihan ni Jon si Nesley na mabagal magbasa at hindi na matututo pa. Habang ginagawa niya ito ay
tumatawa pa siya.
_____10. Ipinagsigawan ni Ricky sa mga tao na marumi at mabaho ang kanilang barangay.

Bilugan ang titik ng wastong sagot.


11. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon at pagkilos ng wasto o tama kahit walang nakatingin ay
pagiging _____
A. matapat B. mabait C. masinop D. masipag
12. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng katapatan, MALIBAN sa _____
A. pagbabasa ng lahat ng nakapaloob sa mga aralin
B. paggawa ng mga gawain at hindi ito ipinagagawa sa iba
C. hindi pakikiisa ka sa mga pangkatang gawain at proyekto
D. pagtupad ng ipinangako o sinabing gagawin na mag-aaral
13. Naipakikita mo ang pagiging matapat sa pag-aaral kung _____
A. kinokopya mo lang ang sagot sa gawa ng iba
B. ipinagagawa mo ang lahat sa mga kapatid
C. nagsisikap kang matuto kahit nahihirapan
D. hinahayaan na lamang na hindi mag-aral
14. Naatasan si Gerry na maging lider ng pangkatang gawain kasama ang kamag-aaral na kapitbahay niya. Ipinaubaya
na lamang niya sa mga ito ang paggawa. Ang ginawa niya ay _____
A. tama B. mali C. okay lang D. maayos
15. Ang dapat mong gawin sa prinsipyo o kasabihang “Honesty is the Best Policy” ay _____
A. kabisaduhin C. isapuso at isakilos
B. saulohin D. tingnan at basahin
16. Ito ay ang pagsasabi ng iyong totoong naiisip at nararamdaman.
A. pagpapahayag ng saloobin C. pagrereklamo sa iba
B. pakikipag-away sa iba D. pagiging madaldal
17. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng tamang pagpapahayag ng saloobin, MALIBAN sa _____
A. pag-isipan munang mabuti ang sasabihin
B. alamin muna ang katotohanan bago magsalita
C. maging magalang sa kausap at ipakita ang respeto
D. maging marahas sa pananalita upang hindi makasakit
18. Kapag ikaw ay tatanggap ng puna mula sa iba, dapat na _____
A. gamitin ang puna upang makapagbago
B. ipakita ang paggalang sa kausap
C. magpasalamat sa puna o payo
D. lahat ng nabanggit
19. Nagalit si Kim ng bigyan ng payo ni Arianne na iwasan ang pagsasalita ng masama o pagmumura. Ang ginawa ni
Kim ay _____
A. tama B. mali C. okay lang D. maayos
20. Pinakamahalaga sa pagpapahayag ng saloobin ang maging _____
A. tapat at totoo C. mapagkunwari
B. mapanakit D. malihim at tahimik
21. Ang pagsasabi ng _____ ay pagsasama ng maluwat.
A. maganda B. tapat C. mali D. biro
22. Ang sumusunod ay kasingkahulugan ng katotohanan, MALIBAN sa ____
A. totoo B. tama C. wasto D. kasinungalingan
23. Nakita mong itinago ni Jester ang tsinelas ng kapatid mo. Nang hinahanap na ito ay sinabi mong hindi mo alam.
Ang ginawa mo ay ____
A. tama, upang maiwasan ang away o gulo
B. tama, upang hindi mapahamak si Jester
C. mali, dahil hindi ka nagsabi ng totoo
D. mali, dahil dapat inako mo ang kasalanan
24. Kung hindi ka magsasabi ng totoo, maaaring _____
A. mas lumala ang suliranin
B. hindi magbago ang kapwa
C. maulit pa ang pagkakamali
D. lahat ng nabanggit
25. Kung nakagawa ka ng kasalanan subalit alam mong maparurusahan ka, pipiliin mong _____
A. magsinungaling na lang C. manahimik at itago ito
B. isumbong ang ibang tao D. umamin at humingi ng tawad

You might also like