You are on page 1of 3

I. Suriing mabuti ang mga sumusunod na aytem at piliin ang TITIK ng pinakaangkop na sagot.

1. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng maraming hadlang sa kanyang paligid.


a. Kasipagan c. Masigasig
b. Tiyaga d. Malikhain
2. Alin sa mga sumunod ang HINDI tumutukoy sa katangian na dapat mong taglayin sa
paggawa.
a. Inuuna ang kapwa bago ang sarili
b. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
c. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
d. Pagtataglay ng mga positibong kakayahan
3. Sino sa sumusunod ang nagsasabuhay ng kasipagan sa paggawa?
a. Si Bryan na araw-araw pumapasok sa opisina at tinatapos lahat ng Gawain.
b. Si Mandy na nagpapahinga kapag napapagod sa opisina.
c. Si Evan na tinatapos ang papeles sa itinakdang oras.
d. Si Jose na inaayos ang trabaho ng hindi nagmamadali at ng may kahusayan
4. Ano ang pagpapahalagang tinataglay ng isang taong alam ang hangganan sa kanilang
ginagawa.
a. Kasipagan c. Masigasig
b. Disiplina sa sarili d. Tiyaga
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging malikhain sa paggawa?
a. Paggawa ng isang parol na nagpapasaya sa mga taong dumadaan.
b. Paglikha ng isang obra maestra na nagmula sa sariling imahinasyon at hindi bunga
ng pangongopya.
c. Pagkamit ng karangalan dahil sa husay sa pagpipinta na kinagiliwan at binili ng
karamihan.
d. Paguukit ng mga bagay na makikita sa kalikasan.
6. Alin sa mga sumusunod ang taliwas sa mga katangian ng pagiging masigasig na tao.
a. Pagpapakita ng kagustuhan sa ginagawa.
b. Pagiging Masaya sa kabila ng nakakapagod na trabaho.
c. Nagiging bugnutin at hindi Masaya sa ginagawa.
d. Nasasabik magtrabaho na may kasamang ngiti sa labi.
7. Ang mga mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao ay naatasang gumawa ng proyekto na
may kinalaman sa kapaligiran kaya’t sila ay nagsimulang magplano sa kanilang gagawin.
Anong yugto sa paggawa ang ipapamalas ng mga mag-aaral?
a. Pagkatuto bago ang paggawa
b. Pagkatuto habang ginagawa
c. Pagkatuto pagkatapos gawin
d. Pagkatuto sa paggawa na natapos ng iba.
8. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng Pagkatuto Habang Ginagawa
a. Ang magkakapatid ay naghanda ng kanilang gamit para sa gaganaping camping.
b. Nagkaroon ng ebalwasyon sa ginanap na paligsahan sa pagkanta sa Brgy.
Katapatan
c. Habang nag-eensayo ang mag-aaral ay pinapalitan nila ang istratehiyang hindi kaya
ng iba.
d. Inaaalam muna ng mga kawani sa gobyerno ang kanilang layunin bago magsimula.
9. Pinalitan ni Pipoy ang nagretirong supervisor sa kanilang opisina. Maraming nagsasabing
hindi niya kayang higitan ang tagumpay at mga kabutihang nagawa ng dating supervisor.
Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang linangin upang mapatunayan na siya ay karapat-
dapat sa posisyong ibinigay sa kanya?
a. Gamitin ang ganda, angking kabaitan, talion at karisma.
b. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay ng trabaho.
c. Magpakumbaba at ipagpatuloy ang nasimulan ng dating supervisor.
d. Sundin ang mga matatandang kasamahan upang magkaroon ng magandang
relasyon sa mga ito.
10. Anong katangian ang taglay ng mga taong mausisa na nais alamin ang mga bagay sa
kaniyang paligid.
a. Pagiging matulungin
b. Pagiging palatanong
c. Pagiging bukas sa pagdududa
d. Paggamit ng pandama
11. Siya ang babaeng bulag na naging matagumpay sapagkat hindi naging hadlang ang
kakulangan ng bahagi ng katawan upang isakatuparan ang tungkulin.
a. Maria Genette Rosette Rodriguez Ambubuyog
b. Maria Genelle Roselle Rodriguez Ambubuyog
c. Maria Genneth Roshell Rodriguez Ambubuyog
d. Maria Gennett Roselle Rodriguez Ambubuyog
12. Anong katangian ang ginamit ni Sandy Javier upang siya ay magtagumpay at
makapagpatayo ng Andoks litson manok.
1. Pagiging palatanong o pagiging mausisa.
2. Patuloy na pagkatuto gamit ang labas na pandama.
3. Pagsubok ng kaalaman gamit ang karanasan.
4. Pagiging bukas sa pagdududa o kawalang katiyakan.
13. Anong katangian ang ginamit ng mga katutubong T’nalak na ang ginamit nila sa kanilang
disenyo na nagmula mula sa lanilang panaginip?
a. Pagiging palatanong o mausisa.
b. Pagsubok ng kaaalaman gamit ang karanasan.
c. Patuloy na pagkatuto gamit ang panlabas na pandama.
d. Pagiging bukas sa pagdududa at kawalng katiyakan.
14. Ayon sa Laborem Exerens, Mabuti ba ang paggawa sa tao?
a. Oo, sapagkat naisasakatuparan nito ang tungkulin sa sarili,sa kapwa at sa Diyos.
b. Oo, sapagkat nagagampanan ng tao ang tungkulin sa kanilang pamilya.
c. Hindi, sapagkat naisasakripisyo ang pahinga ng tao.
d. Hindi, sapagkat mahirap kumite ng pera.
15. Bilang isang mag-aaral ano ang mga pagpapahalagang dapat mong taglayin upang ikaw ay
magtagumpay sa kabila ng mahirap na buhay?
a. Magsipag, maging matiya at magkaroon ng disiplina sa sarili.
b. Ipakita ang galling sa pamamagitan ng pagiging malikhain.
c. Maging matalino, mabait at maunawain.
d. Maging maunawain at matiiisin sa mga pagusubok sa buhay.
16. Alin ang HINDI nagpapakita ng katangiang Patuloy na Pagkatuto Gamit ang Panlabas na
Pandama.
a. Pinagmamasdan ni Vina ang mga bulaklak sa tuwing ito’y namumukadkad.
b. Laging nakikinig si Jethro sa mga paborito niyang musika sa kanyang mp3.
c. Pinapaunlad ng mga magsasaka ang kanilang panananim na kanilang aanihin.
d. Tinitikman ni Nora ang lahat ng potahe ng kanyang kapatid para sa kanilang kasal.
17. Alin sa mga sumusuonod ang naging matagumpay sa pamamagitan ng pagiging
palatanong o mausisa.
a. Johnlu Koa
b. Sandy Javier
c. T’nalak
d. Francisco Colayco
18. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian na ipinamalas ni Leonardo da Vinci?
a. Pagiging mausisa
b. Pagsunod sa payo ng matatanda
c. Pagsubok ng Kaalaman gamit ang karanasan.
d. Patuloy na pagkatuto gamit ang labas na pandama.
19. Ano ang pinakamahalaga sa lahat ng pagpapahalaga upang masabi na ang paggawa ay
kakaiba, may kalidad at kagalingan.
a. Kung ito ay mula sa sipag at tiyaga.
b. Kung ito ay naaayon sa kalooban ng Diyos
c. Kung ito ay pinaghirapan at pinagsumikapan.
d. Kung ito ay nananatiling totoo at hindi nagbabago.
20. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagpapanatili ng kalusugan at paglinang ng
Grace at Poise?
a. Pagpapatuloy ni Ben sa isang gawain kahit masama na ang pakiramdam
b. Si Nikki ay nagpupuyat upang makapasa sa dadating na pagsusulit
c. Pag-inom ng kape ni Jervyn sa tuwing siya ay dinadapuan ng antok sa trabaho.
d. Umiiwas si Marcus sa anumang bisyo na nakakasama sa katawan.

KEY TO CORRECTION
1. B
2. A
3. D
4. B
5. B
6. C
7. A
8. C
9. B
10. B
11. D
12. C
13. D
14. A
15. A
16. C
17. A
18. B
19. B
20. D

You might also like