You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
Mandili High School
Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

Name: _______________________________________ Score: _______________________


Grade & Section: ______________________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel
1. Ito ay ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang institusyon ng lipunan.
A. barangay B. paaralan C. pamahalaan D. pamilya
2. Sinasabing ang ating mga magulang ang ilaw at haligi ng ating tahanan. Tayong anak ay nararapat
na _____________.
A. Iasa lahat sa kanila. C. Tumulong kung kalian may panahon.
B. Magwalang bahala na lamang. D. Maging katuwang sa loob ng tahanan.
3. Ang mga anak ay maituturing na tagasunod sa loob ng tahanan. Dahil dito, anong pagpapahalaga
ang dapat nilang isabuhay?
A. Pagiging masunurin. C. Pagmamahal sa pamilya.
B. Paggalang sa magulang. D. Pakikiisa sa pamilya.
4. Bakit maituturing na pundasyon ng lipunan ang pamilya?
A. Dahil dito tayo lahat nagmumula.
B. Dahil ito ang natural na institusyon.
C. Dahil dito nagmumula ang pagmamahalan.
D. Dahil ang katatagan nito ay katatagan ng lahat.
5. Ang mga magulang ang namumuno sa loob ng tahanan. Paano mo ipadarama sa kanila na ikaw ay
mabuting anak?
A. Hindi sila susuwayin. C. Igagalang at mamahalin sila.
B. Susundin ang bawat utos nila. D. Lahat ng nabanggit.
6. Bakit sinasabing ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan ng panlipunang buhay?
A. Sa pamilya unang namumulat ang isang tao.
B. Ito ang pinakamaliit na institusyon sa lipunan
C. Sa loob ng tahanan unang natutunan ang pakikisalamuha sa kapwa.
D. Ang konsepto ng pagkakaroon ng tungkulin ay unang nagagampanan sa loob ng pamilya.
7. Ano ang batayan ng pananatili ng pagsasama ng pamilya?
A. Ang kaayusan ng kanilang pamumuhay.
B. Ang mga material na bagay na kanilang iniingatan.
C. Ang magandang ugnayan na namamagitan sa kanila.
D. Ang bahagdan ng pagganap ng tungkulin ng bawat isa.
8. Paano dapat paunlarin ng isang anak ang pagmamahalan at pagtutulungan sa loob ng tahanan?
A. Paggalang at pagsunod sa mga magulang.
B. Pag-iwas na gawin ang tungkuling nakaatang.
C. Paghahangad ng higit na atensyon mula sa magulang.
D. Paghahangad ng paglawak ng kalayaan bilang isang kabataan.
9. Ikaw bilang kabataan bakit nararapat na tumulong ka sa pagpapatatag ng pananampalataya ng
iyong pamilya?
A. Kailangan ng pamilya ang gabay sa Diyos.
B. Makapagpapalalim ito ng samahan ninyo.
C. Umiiwas ka sa masamang impluwensya.
D. Paraan ito upang mapalapit kayo sa bawat isa.

Mandili High School


Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga
Email Address: 300914@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
Mandili High School
Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga

10. Ano ang kailangan ng bawat kasapi ng pamilya upang malampasan ang mga balakid sa pagganap
ng tungkulin ng nito?
A. nagmamalasakitan C. nagmamahalan
B. nagkakaisa D. nagrerespetuhan
11. Ano ang gagawin ng bawat kasapi ng pamilya upang magampanan ang anumang misyon nito?
A. pakikiisa sa layunin nito
B. pakikibahagi ng panahaon, oras at sarili
C. pagmamalasakit sa iba pang kasapi ng pamilya
D. Lahat ng nabanggit.
12. Bilang isang anak, paano ka higit na makatutulong sa kaayusan ng pamilya?
A. Magpapalakas ng loob ng mga magulang.
B. Kakausapin ang bawat kasapi ng pamilya.
C. Magiging mahinahon sa panahon ng pagsubok.
D. Aalamin at gagawin ang tungkulin sa loob ng tahanan.
13. Bukod sa edukasyon, pananampalataya at maingat na pagpapasya, ano pa ang maaring ibigay ng
pamilya sa mga anak?
A. pag-asa C. magandang asal
B. pagmamahal D. Lahat ng nabanggit
14. Sinasabing may magagawa ang kabataan para sa kanilang pamilya. Sa mga maari mong
maiambag sa tahanan, alin sa mga ito ang pinakamahalaga?
A. Mag-ambag ng sarili. C. Tumulong sa magulang.
B. Mag-aral nang mabuti. D. Makibahagi sa misyon ng pamilya
15. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “ang mga magulang ang siyang unang dapat mag-aruga sa
kanilang mga anak”?
A. Sapagkat ito ang dapat.
B. Sapagkat tungkilin nila ito.
C. Sapagkat sila lang ang gagawa nito.
D. Sapagkat kailangan sila ng kanilang anak.
16. Kalian masasabing ang pagpapasya ay tama?
A. Para ito sa ikasisiya ng lahat. C. Para sa ikakatahimik ng lahat.
B. Para ito sa ikabubuti ng lahat. D. Para ito sa pagkakaisa ng lahat
17. Anong uri ng tagapakinig ang pseudo-listener?
A. manhid C. namimili ng pakikinggan
B. hindi totoong nakikinig D. naghahanap ng mali sa kausap
18. Ano ang pinakamahalaga sa komunikasyon?
A. pagsasalita B. pagtanggi C. pakikinig D. pakikisalamuha
19. Alin sa mga sumusunod ang HINDI hadlang sa epektibong komunikasyon sa loob ng pamilya?
A. ingay B. mensahe C. pakikinig D. taong nag-uusap
20. Ano ang mangyayari kung hindi nag-uusap ang mga kasapi ng pamilya?
A. Hindi sila magkakasundo. C. Magiging tahimik ang buhay nila.
B. Walang unawaang mangyayari. D. Walang pagtatalong magaganap.

Mandili High School


Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga
Email Address: 300914@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
Mandili High School
Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga

21. Bakit sinasabing ang pamilya ang nararapat na unang pagsasabihan kung may suliranin?
A. sapagkat kadugo mo sila
B. sapagkat wala kang kaibigan
C. sapagkat hindi ka nauunawaan ng ibang tao
D. sapagkat sila ang unang dadamay sa iyo
22. Kailan sinasabing mabisa ang komuniksayon?
A. Napagkakasundo ang magkaaway. C. Nagkakaunawaan ang bawat isa.
B. Hindi na nauulit ang problema. D. Walang sigawan na nangyayari.
23. Ano ang kahalagahan ng komunikasyon na non-verbal?
A. Ito nabubunga ng ingay. C. Hindi naghahatid ng mensahe.
B. Paraan ito ng komunikasyon. D. Ginagawa nitong madali ang usapan

24. Bakit mahalagang sangkap sa katatagan ng pamilya ang epektibong komunikasyon?


A. Paraan ito ng lalong pagkakalayo.
B. Paraan nito na maiiwasan ang suliranin.
C. Paraan ito upang magkaunawaan ang bawat kasapi.
D. Paraan ito para matalakay at malutas ang suliranin.
25. Bakit dapat na tumulong ang bawat pamilya sa pag-unlad ng lipunan?
A. Upang lalong mapalapit sa ibang pamilya.
B. Para mapagaan ang buhay ng pamilya.
C. Upang mapabuti ang kalagayan ng pamilya
D. Sapagkat damay ang pamilya sa mga nangyayari sa lipunan.
26. Bilang kabataan, anong pagpapahalaga ang iyong matutunan mula sa pakikiisa ng pamilya sa
pagpapaunlad ng lipunan?
A. Pagkakaisa C. Pagdadamayan
B. Pagtutulungan D. lahat ng nabanggit
27. Sa paanong paraan higit na makatutulong ang pamilya sa pag-unlad ng lipunan?
A. Pagtulong sa kapitbahay. C. Hindi pagsasayang ng tubig at kuryente.
B. Pangangalaga sa kalikasan. D. Pagkakaroon ng simpleng pamumuhay.
28. Maraming banta sa ngayon sa pagkakaisa ng pamilya. Bilang kabataan paano mo lalabanan ang
mga ito?
A. Sumunod sa payo ng magulang. C. Makiisa sa pamilya sa tuwina.
B. Tumulong sa mga gawaing bahay. D. Igalang ang mga nakatatanda.
29. Bakit mahalagang ituring ang lipunan bilang isang malaking pamilya?
A. Dahil dito tayo nanininrahan
B. Sapagkat narito ang ating mga kapitbahay
C. Sapagkat hindi mahalaga na umiral ang pagmamalasakit sa pagitan ng mga kapitbahay.
D. Dahil may epekto sa loob ng ating tahanan ang mga nangyayari sa pamayanan.
30. Bakit mahalaga ang pagsali ng pamilya sa paghalal ng mga namumuno sa lipunan?
A. Upang mas maginhawa ang buhay pamilya.
B. Nakasalalay rito ang pag-unlad ng isang pamayanan.
C. Ang pamumuno ng isang lider ay may epekto sa buhay pamilya.
D. Mahalaga sa malapit ang pamilya sa lider na nakaupo sa puwesto.
31. Ang pagpapakasal ng babae at lalaki ay pagtugon sa tawag ng __________ na magmahalan.

Mandili High School


Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga
Email Address: 300914@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
Mandili High School
Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga

A. Diyos B. isip C. pamilya D. puso


32. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro ng __________ pampamilya.
A. gawaing B. disiplinang C. buhay D. pagpapasyang
33. Ang dayalogo ay nararapat na sa pamilya __________ at __________.
A. ginagawa, hinahasa C. nagsisimula, natututuhan
B. sinasanay, hinahasa D. ginagawa, sinasanay
34. Alin sa mga sumusunod ang hindi bunga ng simpleng turo sa pagbibigay ng edukasyon?
A. pagtanggap B. pagmamahal C. katarungan D. pagkilala
35. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga
anak?
A. Sina Nick at Marina na pinag-aaral ang kanilang anak sa mamahaling unibersidad.
B. Sina Glen at Tina na parehong nagsasakripisyo na mag trabaho sa ibang bansa.
C. Sina Rafael at Margarita na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang
buhay para sa kanilang anak.
D. Sina Jeff at Alena na namuuhay ng simple katuwang ang mga anak sa gawain,
pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang ginagalawan.

36. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga magulang?
A. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga bata.
B. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at kaalaman.
C. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa kaalamang kanilang makukuha sa
paaralan.
D. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa edukasyon ang pagkakaroon ng
karapatan ng magulang na sila ay turuan.
37. Hindi nakakalimutan ng pamilya Pelayo ang manalangin nang sama sama higit sa lahat ang
pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong
tularan?
A. Buo at matatag
B. May disiplina ang bawat isa
C. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
D. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
38. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubos ng isang maayos na
pamilya?
A. Mga patakaran sa pamilya.
B. Pagkakaroon ng mga anak.
C. Pinagsama ng kasal ang mga magulang.
D. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan.
39. Sila ang itinuturing na bunga ng pagmamahalan ng mga magulang.
A. anak B. asawa C. nanay D. tatay
40. Sa pamilya sila ang tinaguriang “haligi at ilaw” ng tahanan.
A. Ate at Kuya C. Nanay at Tatay
B. Lolo at Lola D. Tito at Tita

Mandili High School


Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga
Email Address: 300914@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Pampanga
Mandili High School
Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga

Para sa bilang 41-50, tukuyin ang misyon ng pamilya na nilalahad ng bawat aytem. Isulat ang
letra na kumakatawan sa bawat misyon.

A. Pagbibigay edukasyon
B. Paggabay sa pagpapasiya
C. Paghubog sa pananampalataya
41. “Trabaho muna bago mo gawin ang panonood.”
42. “Mag-aral kang mabuti upang hindi ka mahirapan sa buhay.”
43. “Tama na ang oras ng lakwatsa. Ayusin moa ng iyong buhay.”
44. “Ang dami ng oras mo sa barkada, bigyan mo naman ang pagdarasal.”
45. “Mag-aral kang mabuti. ‘Yan lang ang maipamamana naming sa iyo.”
46. “Puro kana lang tiktok, sana naman binuksan moa ng DepEd TV para may natutunan ka.”
47. “Iligpit mo ang mga gamit mo Anak. Dapat nagkukusa ka nang gawin yan kasi Malaki kana.”
48. “O, kapag nagpunta tayo sa bahay ng Lolo at Lola ninny, huwag ninyong kalimutan magmano ha.”
49. “Unahin ninyo ang pagsisimba sa araw ng Linggo. Bukod sa pagsimba, araw yan dapat para sa
pamilya.”
50. “Bata ka pa para makipagligawan. Dapat maging maingat ka sa pakikitungo lalo na sa mga
lalaking hindi mo pa gaanong kilala.”

Inihanda nina:

Catherine N. Ichon Alma D. Catu

Mandili High School


Sapang Bayu, Mandili, Candaba, Pampanga
Email Address: 300914@deped.gov.ph

You might also like