You are on page 1of 9

Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: ESP Quarter First Grade: 8

Title: Pagpapaunlad ng Komunikasyon sa Pamilya Week: 5-6

Most Essential Learning Competency:

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya o pamilyang


nakasama,namasid o napanood na nagpapatunay ng pagkakaroon o kawalan ng
bukas na komunikasyon.

Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagkakaroon at pagpapaunlad ng


komunikasyon sa pamilya.

Paglalahad ng Aralin

Komunikasyon
-ay anomang senyas o simbulo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang
kanyang iniisip at pinahahalahagan ,kabilang dito ang kilos,tono,katayuan,uri ng
pamumuhay at mga gawa.
-ay isang proseso ng pakikipag -usap at pakikinig sa ibang tao,pagbabahagi
sa mga naiisip at nararamdaman,pakikinig sa sinasabi ng nagsasalita at
pagbibigay reaksyon sa mensaheng napakinggan.

Mga Susi sa Epektibong Komunikasyon sa Pamilya


● Makipag-usap ng madalas
● Makipag-usap ng malinaw at tuwiran
● Maging aktibong tagapakinig
● Makipag-usap ng tapat at bukas ang isipan
● Bigyan pansin ang mga pakilos (non-verbal) na mensahe

Optional Activities for Practice


Panuto :Sagutan ang mga gawain sa ibaba sa papel.

Task Name What to do Where to find it

Gawain sa Pagkatuto Gawin sa sagutang papel SLM p.24


blg.2 Gawin sa sagutang papel
Gawain sa Pagkatuto Gawin sa sagutang papel SLM p.25
blg.3
Gawain sa Pagkatuto SLM p.25
blg.4

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 1


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Graded Performance Task: Gawin sa isang buong papel.


Panuto : Punuan ang tsart ayon sa hinihingi ng bawat sitwasyon.Suriin ang mga
suliranin sa komunikasyon na kinakaharap .

MGA SITWASYON URI NG KALAGAYAN NG HAKBANG UPANG


KOMUNIKASYON UGNAYAN MAPABUTI ANG
NA NAGAGAWA UGNAYAN

1.Mga magulang
na parehong
nagtatrabaho at
ang mga anak ay
naiiwan sa mga
katulong.

2.Ang isa sa mga


magulang ay
nagtatrabaho sa
ibang bansa at
ang mga anak ay
nakatirang
kasama ang isa sa
mga magulang at
iba pang kamag-
anak.

3.Ang parehong
magulang ay
nagtatrabaho sa
ibang bansa at
ang mga anak at
nakatira sa mga
kamag-anak.

4.Ang mga
magulang ay
parehong walang
trabaho,binibigyan
ng sustento ng
mga kamag-anak.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 2


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Reflection /Journal: Kopyahin at sagutan sa sagutang papel.

Mahalaga ang bukas na komunikasyon sa aking pamilya dahil:

___________________________________________________________.

Nagustuhan ko ang aralin tungkol sa pagpapaunlad ng komunikasyon sa aking


pamilya dahil :

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 3


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Subject: Esp Quarter First Grade: 8

Title: Pagkilos Panlipunan at Pampolitikal Week: 7-8

Most Essential Learning Competency:

Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at


pampolitikal na papel nito.

Naisasagawa ang isang gawaing gawaing angkop sa pamlipunan at pampolitikal na


papel ng pamilya.

Paglalahad ng Aralin

Ang Papel ng Pamilya sa Lipunan

● Ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan ay


maipapakita sa pamamagitan ng mga gawaing panlipunan.Ang ilam sa mga
maaring gawain ay:
● makilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan
● tumutulong sa kapus-palad
● tumutulong sa mga nagangailangan hindi naabot ng tulong ng pamahalaan

Ang Papel na Pampolitika ng Pamilya

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga magagandang katangian at


pagpapahalaga na taglay ng pamilya.
● pagkakabukod ng pamilya
● mabuting pagsasamahan at pagsusunuran
● pagkakaunawaan at paggalang sa bawat isa
● pagtulong ng panganay sa pagpapaaral sa ibang kapatid
● pag-uusap ng mag-anak kapag may suliraning pampamilya
● pagsangguni ng anak sa magulang at pakikinig sa payo

Karapatan ng Pamilya

● Karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o karapatan ng lahat ng


tao.
● Ang karapatang isakatuparan ang kanyang pananagutan na
pagpapalaganap ng buhay at pagtuturo sa mga anak..
● Karapatang pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya.
● Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng
kasal.
● Karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya .
● Karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon.
● Karapatan lalo na ng mga may sakit, magtamo ng pisikal ,panlipunan,
pampolitikal at pang-ekonomiyang seguridad.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 4


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Optional Activities for Practice


Sagutan ang mga sumusunod na gawain sa sagutang papel.

Task Name What to do Where to find it

Gawain sa Pagkatuto Gawin sa sagutang papel SLM p.32


blg.1 Gawin sa sagutang papel
Gawain sa Pagkatuto Gawin sa sagutang papel SLM p.35
blg.2
Gawain sa Pagkatuto SLM p.37
blg.5

Graded Quiz

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito.
Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.

1.Ito ay anomang senyas o simbolo na ginagamit ng tao upang ipahayag ang


kanyang iniisip at pinahahalagahan.
a.komunikasyon c. kaisipan
b.pananalita d. pagpapahalaga

2.Ang kawalan ng bukas na komunikasyon ay maaring magdulot ng:


a.madalas na pagtatalo at paglayo ng loob sa bawat isa
b.kakulangan na malutas ang suliranin
c.mahinang pagkakabigkis ng mga kasapi
d.lahat ng nabanggit

3.Ang mga sumusunod ay susi sa epektibong komunikasyon, MALIBAN sa:


a.makipag-usap ng madalas c. makipag-usap ng malinaw
b.pasalitang mensahe ang tuon d. maging aktibong tagapakinig

4.Nagaganap ang bukas na komunikasyon sa iyong pamilya kung:


a.walang pakialam sa isat-isa c. pakiramdam lamang
b.magulang lamang ang nagsasalita d. nag-uusap ang mga kasapi

5.Makatutulong ka sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon kung:


a.sasali sa nga usapan c. mananahimik kahit tinatanong
b.uunahing kausapin ang iba d. magmamasid sa mga kasapi

6.Ano sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng komunikasyo?


a. pagkanta c. natutulog
b. pagsigaw d. pagbulong sa katabi

7.Sa pasalitang komunikasyon,Ano sa mga sumusunod ang HINDI ginagamit ?


a.pagkikipagkamay c. pag-awit
b.pagkindat d. pagkaway

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 5


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
8.Ano ang dapat na gawin kapag ikaw ay nakikipag-usap sa virtual o internet ?
a.naka pokus sa nagsasalita
b.nagsasalita din kasabay ng speaker
c.nakabukas ang audio habang maingay ang katabi
d.naka-on ang music habang na virtual

9.Bakit mahalaga ang maayos na komunikasyon sa pamilya?


a.Upang magkaroon ng matatag na ugnayan ang pamilya.
b.Isang panig lamang ang nasusunod sa desisyon
c.Walang tinutunguhan ang mga usapan.
d.Kanya-kanyang gamit ng selpon.

10.Ano sa mga sumusunod ang nagpapakita ng bukas na komunikasyon sa


pamilya?
a.pagsasarili sa problema na kinakaharap
b.pagkakaroon ng sapat na oras sa pamilya
c.magkakasama ngunit abala sa social media
d.pagpapaubaya sa kasambahay sa pag-aalaga ng mga anak

11.Sino-sino sa mga kasapi sa pamilya ang epektibong tagapaglinang ng bukas na


komunikasyon.
a.ina at ama c. ama at anak
b.ina at anak d. mga anak o ama

12.Sino sa mga kasapi ng pamilya ang higit na nagangailangan ng paggabay tungo


sa pagkakaroon ng bukas na komunikasyon.
a.ate c. kuya
b.bunso d. magulang

13.Sino sa mga sumusunod ang laging nagpapatupad ng tuntunin sa loob ng


pamilya?
a.mga magulang c. ang mga magkapatid
b.bunsong anak d. panganay na anak

14.Ano ang maidudulot ng pamilyang hindi bukas ang komunikasyon?


a.maganda ang buhay c. makamtam ang tagumpay
b.mapariwara ang buhay d. maging matalino ang bawat isa

15.Ano sa mga sitwasyon na ito ang nagpapakita ng kawalan ng komunikasyon sa


pamilya?
a.mag-anak na ng video chatting
b.paglalaan ng isang araw sa pamamasyal
c.sabay-sabay na kumakain ang buong pamilya
d.kanya-kanyang ginagawa sa social media

16.Bakit kailangan ang pagkakaroon ng sinseridad sa pakikipag-usap?


a. walang maayos na napagkasunduan
b.ang mga salita at pangako ay may katotohanan
c.madalas na pagtatalo at paglalayo ng loob
d.walang pakiaalam sa isat-isa

17.Sa paanong paraan magkakaroon ng susi sa epektibong komunikasyon?


a.makipag-usap ng madalas c. pakiramdam na lamang
b.magulang lamang ang magsasalita d. nag-uusap ang mga kasapi

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 6


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)
18.Bakit pananagutan ng pamilya ang pagbuo ng mapagmahal na pamayanan?
a.Maipapakita sa mga gawaing panlipunan.
b.Sa loob ng pamilya natutuhan ng tao na iwaksi ang pagiging makasarili at
magsakripisyo .
c.Kailangan na may gampanin
d.Inuutos ng batas ng lipunan

19.Bakit kailangan pangalagaan ang karapatan ng kabataan?


a.sila ang pag-asa ng bansa
b.kailangan silang protektahan
c.karapatan ng kabataan na maingatan ng mga institusyon at batas laban sa mga
mapanirang elemento ng lipunan.
d.masisira ang kanilang tropa o samahan

20.Ano -ano ang karapatan ng mga anak ayon sa tradisyon?


a.makapamasyal sa mga lalawigan
b.makapag-aral ng kasaysayan ng bansa
c.karapatang maglibang
d.pananampalataya at pagpapahalaga sa kultura

21.Ano ang bumubuo sa katawan at espiritu ng tao ayon kay Esteban (1990).
a.Ang pakikiniig sa ibang tao ay bahagi ng pagiging tao.
b.ipinanganak upang manatiling buhay
c.likas na kaugnay ng kanyang ina sa pagsilang
d.nabuhay sa kanyang sariling pagnanais

22.Bakit mahalagang isaisip ng pamilya ang tungkulin sa kapwa at lipunan?


a.Dapat maipahayag ang malasakit at pagmamahal sa kapwa.
b.Ang pamilya ay sakit ng lipunan.
c.Bahagi ang pamilya ng lipunan.
d.May gampanin ang pamilya sa kanyang lipunan.

23.Bakit mahalagang magampanan ng pamilya ang kaniyang papel na panlipunan


at pampolitikal?
a.Dahil bahagi ang pamilya ng lipunan at pampolitikal
b.Pagkakabuklod ng pamilya
c.Ang pananagutan ng pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan .
d.Makisama lamang kung may pagkakataon tumulong.

24.Ano ang kahalagahan ng paghubog ng pananampalaya sa isang anak?


a.Ang Diyos ang magiging sentro ng buhay pampamilya.
b.Sila ang napiling magbigay ng buhay sa anak.
c.Karapatan at tungkulin sila na turuan ang anak.
d.Upang masiguro ang tagumpay ng anak sa buhay.

25.Sino ang tinuturing na unang guro ng isang anak?


a.ama c. lolo at lola
b.ina d. guro sa paaralan

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 7


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Graded Performance

Panuto: Makipag-ugnayan sa mga kamag-anak kung may paraan maliban sa


paglabas ng bahay.Kausapin din ang mga kasapi ng pamilya upang magplano ng
isang proyekto na makatutulong sa pamayanan na maaari mong maisagawa kapag
ligtas ng lumabas.Gawin ito iyong sagutang papel.

Proyektong Pampamayanan ng Aking Pamilya

Tagubilin:
1.Tukuyin kung ano ang proyektong ito,sino-sino ang makikinabang at iba pang
mahalagang detalye.
2.Ipaliwanag kung bakit ito ang proyektong napili mo at ano ang tulong na
maihatid sa iba.
3.Tukuyin ang mga makakasama mo sa pagsasagawa nito at anong papel ang
gagampanan nila sa gawaing ito.

Reflection /Journal: Kopyahin at sagutan sa sagutang papel.

Natutuhan ko ang papel na pampolitikal at panlipunan na dapat gampanan ng


pamilya _________________________________________________________.

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 8


Simplified Learning and Assessment Sheet (SLASh)

Table of Specification
KASANAYANG Bilang Bilang Kaala Pang- Aplikas Bilang
PAMPAGKATUTO ng ng man(K nawa( yon(Thi ng
(MELC) Araw Aytem noeled Unders nking) Kinalal
ge) tandin agyan
g)

1.Natutukoy ang mga


gawain o karanasan sa
sariling pamilya o 4 6 4 2 1 1.6.7.8
pamilyang 9,16
nakasama,namasid,napa 3
nood na nagpapatunay
ng pagkakaroon o
kawalan ng bukas na
komunikasyon.

2.Naisasagawa ang mga


angkop na kilos tungo sa
pagkakaroon at 10,11,
pagpapaunlad ng 4 6 4 2 1 12,13,
komunikasyon sa 18,17,
pamilya. 5

3.Nasusuri rin ang isang


halimbawa ng pamilyang
ginagampanan ang 4 5 4 2 14.15.
panlipunan at 20,21,
pampolitikal na papel 18,19
nito.

4.Naisasagawa mo ang
isang gawaing angkop sa
panlipunan at 4 8 2 2 1 24,25
pampolitikal na papel ng 22,23,
pamilya. . 5

Kabuuan 16
25 14 8 3 25
Prepared by:

Donna V. Encinas
Guro sa ESP 8
Checked by:

Mercy A. Miranda
ESP - Department Chairman

Noted by:

Roquita S. Suyod
Principal III

Gov. Isidro S. Rodriguez Sr. Memorial National High School 9

You might also like