You are on page 1of 7

PAGPAPLANO SA PAGTUTURO

Ang Pagpaplano …….Pano?

“ Ang mga pagplano o paghahanda sa pagtuturo ay ekstensyon ng katauhan at


istilo ng isang guro.” Mahalaga ang pagpapalno at dapat na isinasagawa ito ng lahat ng
guro. Bago pumasok sa klasrum ang isang guro, taglay na niya ang mga ideya kung
paano tuturuan ang kanyang klase. Kaya lang, ang proseso ng pagpaplano at
pagbabalak ng mga gaawain sa pagtuturo ay nagkakaiba-iba ayon sa ortentansyon at
paniniwala ng isang guro. Bawat guro ay may sariling paniniwala kung paaano ang
mabisa at epektibong paghahatid ng pagkatuto. May mga pagpaplanong
komprehensibo dahil nakatala ang mga gawain dito mula sa pinakamalaki hanggang
kaliit-liitang deyalye. Mayroon namang balangkas lamang ng mga gawain ang
nakalahad.Ang iba naming mga pagpaplano ay nasa isipan lamang ng guro at
malamang na ito’y hindi maisasagawa dahil sa maraming pangyayaring maaring
maganap sa pagkaklase. Samakatuwid ang pagkaklaseng walang pagpaplano ay
maaring mauwi sa hindi pagkatuto ng mga mag-aaral. May mga pagpapalnong palipad-
hangin lamang dahil kung papasukin mo an g klasrum ay malabong makikita ang mga
narinig na binalakna mga gawain.

Maraming mga Teknik para sa mga sa isang mabisang pagpaplano. Sa


malawakang pagpapakahulugan, ang pagpaplano ay tumutukoy sa mga gawain na
nagbibigay direksyon sa pagbubuo ng ugnayan ng mga gawain sa pagkatuto at mga
gawaing pang mag-aaral (Clark at Yinger,1980). Ang ganitong depinisyon ay kumikilala
sa pagkakaiba-iba ng personalidad at istilo ng mga guro; pormal, masusing pagpaplano
at impormal na proseso para sa iba. Batay sa ganitong pananaw, madali nating
makukuro ang isang depinisyon na naglulunod sa mga pagpaplanong pagtuturo
(instructional planning).
Sa anumang pagpaplanong isasagawa, kailangang bigyang pansin ang mga
sumusumod:
 Ang mga layunin at leksyon
 Ang pamaraan at pagkasuno-sunod ng mga Teknik o Istratehiya
 Pag-alam sa kasaklawan ng pagtatamo o hindi pagtatamo ng mga lilinanging
mga layunin.
Mga Isinasaalang-alang sa Pagpaplano
Ang isang guro ay nagpaplano upang makontrol niya ang maaring kalabasan ng
pagkatuto. Magagawa niya ito sa pamamagitan ng pag-alam sa mga salik na
nakakaimpluwensya sa pagkatuto sa tiyak na sitwasyon. Sa pagpaplano kailangan ng
isang guro na gamitin ang kanyang kaalaman sa:
 Kalikasan ng wika
 Pagkatuto ng wika
 Paano natutunan ang wika
 Mga salik sa epektibong pagkatuto
 Mga sagabal sa pagkatuto
 Mga kagamitan a pagkatuto at
 Mga dulog, pamaraan at Teknik.
Pagtiyak o pagbuo ng desisyon tungkol sa:
 Ano ang dapat matutunan
 Gaano ang maaring matutunan sa isang tiyak na panahon
 Pa-aayaw-ayaw ng mga episode sa pagtuturo
 Anong gawain at materyales ang gagamitin at kung saang episode
 Paano masusubaybayan ang pagkatuto at paano makapagbibigay ng
 Pidbak paano tatayain at pahahalagahan ang pagkatuto.
Mga pananaliksik sa Ilang Batayang Teoretikal sa Pagplano
Ang katotohanan na ang epektibong ay mahalaga para sa epektibong pagtuturo ay hindi
na lingid sa kabatiran ng marami. Kakaunti lamang kung mayroon mang pananliksik sa
pagpaplano noong mga nakaraang dekada. Karamihan sa mga ito’y mga palarawang pag-aaral
(descriptive research) at isinasagawa sa antas elementarya (Kindsvatter,et. Al. 1996).
Natuklasan nina Clark at Yinger (1979) na karamihan sa mga guro ay hindi matapat na
sumusunod sa paglalapat ng mga simjulaing natutunan nila sa mga ekspertong edukator hinggil
sa pagpaplanong pampagtuturo.
Peterson, Marx, at Clark (1978), natuklasan nila na mas na unang binibigyangpansin
ng mga guro sa pagpaplano ang nilalaman at mga istratehiya sa pagtuturo bago ang mga
layunin. Mas naglalaan ng mahabang oras sa pagiisip ang maraming guro sa king paano
ilalagay sa isang konteksto ang pagtuturo at pagkatuto kaysa sa mga layunin at ebalwasyon.
Levin at Long (1981) natuklasan nila na maganda ang kalalabasan ng pagkatuto kung
may kabatiran ang mga mag-aaral hinggil sa mga tiyak na layunin na lilinangin. Pinatutunayan
din sa kanilang pag-aaral na ang pagsasabi ng mga layunin sa mga mag-aaral ay magbibigay
ng direksyon at seguridad sa kanilang pagkatuto.
Napag-alaman nina Clarkk ay Yinger (1980) na humigit-kumulang, 12 oras sa loob ng
isang linggo ang ginugugol ng mga guro sa pagpaplnong pampagtururo. Ang proseso sa
pagpagpaplano ay karaniwang nagsisimula sa isang ideyaat unuti unti itong nagkakahugis sa
pamamagitan ng pagpapatuloy na modipikasyon at eleborasyon. Ang inihandang banghay-
aralin ay isang maliliit na bahagi lamang na kabuuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan ay
nasa isipan ng isang guro.
Ayon naman kay Earle (1992), bumubuo ang maraming guro ng mga imahe o senaryo
sa proeso ng kanilang kabuuang plano sa pagtuturo. Ang karamihan ay nasa isipan ng guro.
Lumilikha sila ng paglalarawansa kanilang isip at diwa kung ano ang maaaring anyo ang liksyon
at paano ito epektibong mailalahad sa klase. Samakatuwid, higit na nagaganap ang
pagpaplanong pampagtuturo sa isipan kaysa sa papel para sa maraming guro.
Ayon naman kay Westerman(1991) mas komprehensibo ang pananaw ng mga bihasang
guro sa mga mag-aaral at sa mga kalamanang kanilang itinuturo. Ang mga baguhan nama’y
nakatutok sa pagtatamo ng layunin sa na isalang-alang ang dating alam ng mga mag-aaral at
iuugnay ang mga ito sa bagong kaalaman.
Natuklasan naman ni Tyason (1991) na nagagawa ng mga sanay na guro na
mapagtagnitagni ang mahahalaga at mahihirap na bahagi ng isang takdang-aralin kaya
nabibigyan nila ito ng ibayong diin.Bibihirang nagagawa ito ng mga baguhang guro.Tinitiyak din
ng mga biyasang guro kung nauunawaan ng mga mag-aaral ng mga kasanayang nilinang sa
halip na ipalagay na lamang na natutunan ang mga ito gaya nang nasa isipan ng maraming
bago pa lamang nagtuturo.
Sinabi ni Coper (1990) na ang epektibong guro ay iyong nagagawang maihatidsa mga
mag-aaral ang mga inaasahang bunga ng pagkatuto. Batay sa mga pananaliksik na inilalahad
at mga desisyong binubuo sa pagtiyak ng maaaring maganap sa pakaklase, mahirap isipin na
magagawa ng isang epektibong guro ang pagharap sa klasenang walang malinaw an
pagpaplano at desisyon hingil sa mga layunin, metodo, estratehiya at balwasyon a
isasagawang pagtuturo.
Ang Pagpaplano Ng Aralin
Ang pagtuklas kung paano ang mabisang pagpaplano ng isang aralin ay isang
habambuhay na proseso. Ito ay isang sining na masasabing ang kadalubhasaan ay natatamo
lamang pagkataposbng maraming taong pagsasanay. Ang mga ibabahagi dito’y ang
nagsisimulang ng mga proseso sa pagpaplano . Sisikapin din na tignan ang mga isyu na dapat
isalang-alang sa pagpaplano ng aralin, bakit mahalaga ang mga isyung ito at paano nito
naaapektuhan ang pananagumpay o pagkabigo ng isang aralin.
Ano ang Arlin/Liksyon?
Ang aralin/liksyon ay isang yugto sa pagtuturo sa pagkatuto kung saan ang mga gawain ay
mahusay na pinag-aayaw-ayaw sa paglinang ng isang tiyak na layunin.
Halimbawa:
Posibleng magkaroon ng mga gawain sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa, at pagsulat
ang siang liksyonsa pagbasa subalit ang iavbng gawaing nabanggit ay pansuporta lamang para
sa lubusang paglianang ng layuning itinakda sa pagbasa.
Ang liksyon ay binubuo ng iba’t ibang yugto may simula, gitna at katapusan.
Halimbawa:
Sa pagbasa, may binabanggit tayo bago bumasa, habang bumabasa, at pagkatapos bumasa.
Gayundin sa pagsulat: bago sumulat, habang sumusualat at pagkatapo sumulat.
Bakit Mahalaga ang Pagpaplano ng Aralin (Banghay Aralin)
Ilang mga kadahilanan ang ilalahad dito kaugnay ng pagpaplano ng aralin:
1. Iba’t ibang bagay ang halos magakakasabay na isinasaalang-alang ng guro sa
pagbabanghay ng isang aralin. Sa pagpaplano ng aralin, nabibigyan ng pagkakataon
ang guro na pagtimbang-timbangin ang mga bagay na kaugnay ng aralin upang
makakapamili siyang mabuti ng mga gawaing angkop ilapat sa bawat episode ng
pagkatuto bago ito ilahad sa klase.
2. May dalawang simensyon ang mg gawain ng guro sa pagbabanghay ng aralin
a) mga gawain na isinasagawa bago pa man simulan ang pagtuturo, at b) mga
gawaing sa loob lamang ngb klasrum maisasagawa. Napag-isipang mabuti ng
guro ang buong aralin sa tulong ng isang banghay o plano at naihahanda niya
nang mas maaga ang mga kaukulang kagamitang panturo. Magsisilbing parang
isang MAPA ang banghay na siyang tutuntunin ng guro sa pagtuturo. Kung
mabubuo nang maayos ang banghay bago ang aktwal na pagtuturo, ang
bibigyang atensyon na lamang ng guro ang aktwal na pagtuturo, ang bibigyang
itensyon na lamang ng guro ay ang mga bagay na kailangan niyang gawain
habang nagaganap ang pagtuturo at pagkatuto.
3. Nagagawang maihanda ng guro ang kakailanganing Software at Hardware sa pagtuturo kung
mas maagang mabubuo ang banghay aralin.
4. Ang banghay aralin ay magsisilbing isang talaan ng mga natapos na gawain.Ito’y maaaring
sanggunian ng guro sa mga darating na araw upang makakuha siya ng mga impormasyon
hingil sa kung anong mga gawain ang mabisa o di mabisa sa pagkatuto ng mga batang
kanyang tuturuan.
5. Ang pangbuo ng isang malinaw na desisiyon ay isang batayan sa pagpaplano. Kailangan sa
pagpaplano ang pinakamataas na lebel ng pagbuo ng desisiyon.Kung ang pagpaplano ay hindi
naging epektibo, malamang na hindi ito binigyan ng seryosong atensyon. Ang “pagwawalang-
bahala” na binigyang- pansin ni Silberman (1970,p.10) at sinangayunan ni Goodland (1983) ay
bunga ng kawalan ng malasakit ng mga guro sa pagpaplano . Sa tutuwing bubuo o magbabalak
ang guro magbanghay aralin dapat niyang pag-iisipang mabuti ang mga sumusunod namga
tanong:
a) Anong konsepto, tapik o kasanayan ang mahalagang matutunan ng mga mag-aaral sa
isang tiyak na oras sa isang pagkaklase?
b) Dahil sa binuong silabus, batayang akalat o dating- gawi, posible bang ipagpatuloy na
lamang sa susunod na yunit ang aralin na wala man lamang pagsasaalang-alang kung
ito nga ang pinakaangkop na talakyin?
c) May sapat bang kahandaan ang mga mag-aaral para sa pagtatamo ng mga layunin para
sa isang partikular na yunit o liksyon?
d) Magbubunga kaya ng mataas na antas ang kawilihan ang mga tapik o yunit?
e) Anong mga istratehiya ang gagamitin sa pagtuturo ng tapik o yunit?
f) Anong mga Teknik ang maaaring gamitin sa pagtataya, pormal o impormal man, sa mga
pagsisikap at pagattamo ng kaalaman ng mga mag-aaral?
Mga Salik na Isinasaalang-alang Sa Pagbabanghay-Aralin
1. Ang mga panlahat na layunin at mga tiyak na layunin na inaasahang matatamo.
Alamin kung ano ang panlalahat na layuning itinakda para sa aralin. Maaring ito’y hango
sa ELC o PSSLC na ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports. Pagkatapos,
alamin din ang mgab kasanayang alam na o dapat pang linangin upang maisakatuparan ang
mag layuning panlahat. Ang mga pumapailalim na kasanayan ang dapat na maging layunin ng
bawat gawain sa liksyon o aralin.
Ang ELC AT PSSLC ay talaan ng mga layunin lilinangin sa bawat aralin sa Paaralang
Elementarya at Sekundarya. Ang ELC ay inahanda ng Kawanihan ng Paaralang Elementarya,
samantalang ang PSSLC ay inihanda naman ng kawanihan ng Paaralang Sekundarya.
HALIMBAWA: Sekundarya

 Panlahat na Layunin
 Nalilinang ang kakayahang maging mapanuri sa mgaideya/kaisipang nakapaloob
sa binasa.
MGA TIYAK NA LAYUNIN
1. Natutukoy ang mga paghahalaga o mga patotoo sa buhay na nais ipaabot ng may akda
sa mga mambabasa.
2. Naiibigay ang mga opinyon sa dapat na amgaing wakas ng kwento
3. Naibibiagay ang katwiran sa napiling opsiyon sa mga alt
Halimbawa: Elementarya
Panlahat na Layunin
o Nagagamit ang mga salitang nagsasaad ng kilos

Mga Tiyak Na Layunin


1. Nasasabi ang mga salitang nagsasaad ng kilos sa tulong ng larawan/kilos
2. Natutukoy sa pangungusap ang mga salitang nagsasaad ng kilos
3. Naibibigay ang salitang na angkop sa larawan/sitwasyon.
2. Katangian ng mga Mag-aaral
Isaaalang-alang ang higit na naiibigang istilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Alamin
din ang kanilang interes at ang antas ng kahusayan sa wikang pag-aralan. Ang mga
impormasyon ito’y makatutulong sa pagtiyak kung anong kagamitang panturo, gawain, istilo, sa
pagkatuto at pamaraan at Teknik ang gagamitin sa pagtuturo.
3. Dating kaalaman ng mga mag-aaral
Kailangan ang tiyakng pag-iisip at pagbabalak upang mabisang magamit ng mga mag-
aaral ang kanilang dating kaalaman. Tandaan na ang isanng liksyon ay may isang paksa o tapik
(e.g. Mga halaman), mga gawain (e.g. pagsasatao, usapan,) kaugnay ng wika (e.g. mga
pangngalan at pang-uri na may kaugnay sa mga bahagi ng mga halaamn), isang genre (e.g.
kuwento, tula, dayalog), at isang sitwasyon (e.g. paglalakbay sa isang botanical garden).
4. Mga gawain sa pagkatuto
Mag-isip ngn mga tiyak na na kawiwilihan ng mga mag-aaral. Kung maaari, maglahad
ng mga gawaingng magagamit ng mga mag-aaral sa paglalapat ng mga kasanayang
nalilinangpara sa isang aralin.
5. Mga kagamitang panturo
Pagkatapos matiyak ang mga gawain, pag-iisipan naman ng guro ang mga angkop na
akagamitan (awdo-biswal) para sa bawat gawain at kung paano ito lubusang magagamit para
sa isang makabuluhang pagtuturo at pagkatuto.
6. Wikang kailangan sa pagsasagawa ng mga gawain
a.Bago piliin ang mga gawain- Sa yugtong ito’y isinasaalang-alang ang mga sumusunod:
 Magagawa ba ang mga gawain na bigyan ng pagkakataong ang mga mag-aaral na
mapagsanayan ang uri ng wikang dapat nilang malaman?
 Ano ang dapat bigyang-diin sa pagtuturo ng wika bago isagawa ang gawain?
 Saang bahagi ng aralin ito dapat ituro?
b. Kapag napili ata naisaayos na ang mga kagamitan para sa mga itinakdang gawain.
 May mag kayarian bang pangwika na maaaring hindi binalak ang lumabas sa
pagtuturong isasagawa?
 Kung mayroon, makaksagabal ba ito sa pagkatuto ?
 Kung oo, paano mo ito lulutasin?
 Makakabuti ba kung ituturo muna ito sa mga mag-aaral?Kung hindi, kailangan bang
gumawa ng modipikasyon sa mga gawain? At iba pa.
7. Oras o Takdang Panahon
Mahala ga ang oras takdang panahon ayo sa mga sumusunod na pananaw:
Kung kalian isasagawa ang liksyon ay mahalaga dahil maaaring makaapekto ito sa
kalidad nf atensyong inaasahan mo sa iyong mag-aaral. Ang isang aralin na kasabay ng isang
kalse sa P.E. na nasa tapat ng iyong kalsrum ay hindi maaring maging aralin sa pakikinig. Hindi
rin kasiya-siya sa mga mag-aaral ang pag-aaral ng balarila bilang huling aralin sa bago ang
pag-uwi.
Kung gaanong oras/panahon ang gugugulin ay kailangang pag-isipan din sa
pagbabanghay ng aralin. Kung walang pagsasaalang-alang sa tamang oras, maaaring hinfi
maisakatuparan ang mga nalilinang na layunin. Ang tamang pagtatakda ng mga gawain ay
dapat din isaalang-alang sa pagpaplano. Halimbawa, ang pagbibigay ng mga tanong bago ang
pagbabasa o pakikinig sa isang teksto ay maaaring makatulong upang malinang sa mag mag-
aaral ang kasanayan s paghula ng mga pangyayari.
8. Partisipasyong guro-mag-aaral
Kailangang pag-isipan ding mabuti ng guro a yugto ng pagpaplano ng aralin ang baha o
tagal ng partisipasyon ng guro at mag-aaral. Dapat isaisip ng guro ang partisipasyon ng bawat
kasangkot sa isang pagtuturo-pakatutuo ng klasrum ay naaayon sa uri ng liksyon at ng mga
layuning nililinang dito.
9. Pababalanse sa pagtatakda ng oras para sa mga gawain
Upang maisagawa ito nang maayos, kaialangang tiyakin ng guro na ang itinakdang oras
para sa isang ay naaayon sa layuning nalilinang para sa gawain. Minsan, napapahaba ang
talakay sa isang yugto ng aralin at naisasakripisyo tuloy ang dapat na talakay sa isang
mahalagang bahagi ng aralin.
10. Pagsusunud-sunod at pag-aantas ng mga gawain
Ang pagsisismula at pagatatapos ng isang aralin ay naaayon sa kung ano ang ituturo,
ang sariling pananaw ng guro sa wia at kung paano ito natutuhan, at ang paraang kanyang
pinananaligan. Gayunman, may ialng tanong na dapat isaisip ang guro sa wastong
pagsusunudsunod at pag-aantas ng mga gawain.
1. Dapat bang magsimula muna ako sa mga madadaling gawain bago magpatuloy sa mag
mas mahirap na agwain?
2. Kailangan ko bang isaispan na ang mga naunang gawain ay paghahanda para sa mga
sumusunod pang gawain?
3. Kailangan bang ang mga gawain ay ugnay-ugnay para sa isang makabuluhang
pagkatuto?

You might also like