Professional Documents
Culture Documents
Modyul 1
Yunit 5. Pagpaplanong Pampagtuturo: Mithiin ng
Pagtuturo, Tunguhin at mga Layunin
Pretest/Panimulang Pagsusulit
Nilalaman
Sa Philippine Star (Agosto 20, 1988), ganito ang sinabi ni Dr, Isagani Cruz sa kanyang
kolum:
Practically, all so called Filipino courses in the elementary school, high school, and even
in college are really courses in Tagalog and not Filipino. This is where DECS (DEPED sa
ngayon) and CHED shuold crack the whip because our Filipino teachers are, without
exaggeration, generally the most misguided of all our educators (Badayos, 2008).
Ayon kay Badayos (2008) sa papel na binasa sa isang kumprehensya sa UP, inisa-isa ni
G. Arturo Cabuhat (binanggit din ni Resuma, 2002), isang Filipino specialist ng Deped, ang nga
obserbasyong nakalap ng kanilang departamento sa mga sumusunod:
1. Paulit-ulit na itinuturo mula elementarya hanggang tersyarya ang istrukturang gramatikal
sa paraang hindi nagsasagawa ang guro ng linggwistik na pagsusuri at pag- aanalisa.
2. Hndi naihahanda ang mga batayang lebel ng mga estudyante tungo sa pagpapalawak
ng kaalamang kailangan sa kolehiyo.
3. Hindi lubos na nadedelop ang mga kakayahang gramatikal, sosyo-linggwistik, diskorsal
at estratehiya na mga komponent ng kasanayang komunikatib.
4. Hinid nabibigyang-diin ang pagdedevelop samga kasanayan at kaalamang kabilang sa
iba’t ibang lebel komprehensyon.
5. Hindi lubusang nakatutulong ang paggamit ng Filipino upang matutuhan ang ibang
sabdyek na Filipino ang wikang panturo.
Ang nabanggit na problema ay ilan sa mga dahilan kung bakit kinakailangan rebisahin ng
Deped ang kurikulum sa Filipino sa batayang edukasyon batay sa mga tinatanggap na
konsiderasyon ng pagkatuto at pagtuturo ng Filipino mula sa mga eksperto.Naging mahalagang
konsiderasyon sa pagbuo ng bagong kurikulum sa Filipino ang mga pangunahing dahilan kung
bakit kailangan matuto ng wika ang mga mag-aaral ayon kay Otanes (2001):
makapaghanapbuhay, makipamuhay sa kanilang kapwa at makapaghalaga sa kagandahan ng
buhay na kanilang ginagalawan (Binanggit sa BEC Patnubay ng Operalisasyon). Kinonsider din
sa pagbuo ng kurikulum ang mga teorya sa pagkatuto at pagtuturo ng wika. Ayon kay Espiritu
(2001), sa pagtuturo ng wika sa sekundarya, nararapat na malinang ang kognitib/akademik na
kasananyang pangwika ng mga estudyantye, kasabay ng pagdedebelop ng kanilang
Pagtuunan natin ng pansin ang patuturo ng wika sa hayskul, partikular sa una atikalawang
taon. Sa lebel na ito, ang unang pitong linggo ng bawat markahan ay nakatuon sa pag-aaral ng
teksto at gramatika sa pamammagitan ng ayon sa isang tiyak na proseso na mailalarawan batay
sa bawat sumusunod na sesyon sa limang araw sa loob ng isang linggo.
2.3.4. Saloobin
2.4. Pagbuo ng Sintesis
Para kina Myers & Paris (1978) at Panitz (1999), may malaking distinksyon sa pagitan
ng kolaboratib at kooperatib na pagkatuto. Gayon din ang sinasabi sa marami pang ibang
literatura hinggil dito ngunit aminin natin, mahirap gawan ng malinaw na distinksyon ang dalawa.
May mga elemento kasing magkakahawig, kung hindi man magkakatulad, ang kolaboratib at
kooperatib na pagkatuto. Halimbawa, ang mga grupo at mga ispesipika nagawain ng bawat
grupo ay may esensyal na elemento ng dalawa. Mapanganib din kung pipilitin nating paghiwalayin
ang dalawa.
Batay sa unang pagpapakahulugan, tinukoy ni Cooper (1990) ang mga sumusunod na
elemento na kooperatib-kolaboratib na pagkatuto:
1. Positibong Interdependens
2. Harapang Interaksyon
3. Indibidwal at Pangkatang Akawntability
4. Interpersonal at Pangkatang Kakayahan
5. Pangkatang Proseso
Tinukoy naman nina Johnson at Johnson (2001) ang mga sumusunod na katangian nito
batay sa kanyang sariling pagpapakahulugan:
1. Istruktura
2. Lumulikha ng Komunidad na Pangklasrum
3. Sustenadong Pagdulog
4. Nangangailangan at lumilinang ng mga Kakayahang Pangkomunikasyon
5. Binabalanse ang Interdependens at Indibidwal na Akawntabiliti
6. Tumutugon sa Daybersiti sa Klasrum
Wika nga ni Davis (2003), “students learn best when they are actively involved in the
process. Researches report that, regardless of the subject matter, students working small groups
tend more of what is taught and retain it longer than when the same content is presentedin other
instructional formats. Students who work in collaborative groups also appear more satisfied with
their class”
1. Jigsaw. Groups with five students are setup. each group member is assigned some
unique materials to learn and then to teach to his group members. To help in the learning
students across the class working on the same sub-section get together to decide what is
important and how to teach it. After practice in these “experts”groups the original groups’
reform and students teach each other; (Wood, p.17). test or assessment follows.
2. Think-Pair-Share. Involves a three-step cooperative structure. During the first step
individuals thinks silently about a question post by the instructor. Individuals pair up during
the second step and exchange thought. In the third step, the pairs share their responses
with other pairs, other teams, or the entire group.
3. Three-Step Interview. Each member of the team chooses another member to be a
partner. During the first step, individuals interview their partners by asking clarifying
questions. During the second step, partners reverse the roles. For the final step, members
share their partners response with the team.
4. Round Robin Brainstorming. Class divided into small group (4 to 6) with one person
appointed as the recorder. A question is posed with many answer and students aregiven
time o think about the answer. After the “think time” members of the team responses with
one another round robin style. The recorder writes down the answer of the group
members. the person next to the recorder starts and each person in the group in-order
give an answer until time is called.
5. Three-minute Review. Teachers stops any time during a lecture or discussion and give
teams three minutes to review what has been said, ask clarifying questions or answer
questions.
6. Numbered Heads. A team of four is stablished. Each member is given numbers of 1, 2,
3, 4./ questions are asked of the group. Groups work together to answer the question so
that all can verbally answer the question. Teacher calls out a number (two) and each two
is asked to give the answer.
7. Team Pair Solo. Students do problems first as a team, then with a partner, and finally
on their own. It is designed to motivate students to tackle and succeed at problems which
initially are beyond their ability. It is based on a simple notion of mediated learning.
Students can do more things with help (mediation) that they can do alone. By allowing
them to work on problems they could not do alone, first as a team and then with a
partners, they progress to a point they can do alone that which at first they could only with
help.
8. Circle the Stage. First the teachers polls the class to see which students has a special
knowledge to share. For example, the teacher may ask who in the class was sable to
solve a difficult math homework question, who had visited Mexico, who knows the
chemical reactions involved in who salting the streets helps dissipate snow. The teacher
then has the rest of the classmates each surround a sage, with no two members of
thesame team going to the same sage. The sage explains what they know whole the
classmates listen, ask questions, and take notes. All students then return to their teams.
Each in turn, explains what they learned. Because each has gone to a different sage, they
compare notes. If there is disagreement, they stand as a team. Finally the disagreement
are aired and resolved.
9. Partners. The class is divided into teams of four. Partners move to one side of the room.
Half of each team is given an assignment to master to be able to teach the other half.
Partners work to learn and can consult with other partners working on the same material.
Teams go back together with each set of the partners teaching the other set. Partners quiz
and tutor teammates. Team reviewshow ell they learned and taught and how they might
improve the process.
Dahil dito, kailangang magamit ang interaksyon sa iba’t ibang sitwasyon sa loob ng
klase. Naritoang ibang teknik sa pagsasagawa ng interaksyon:
1. Sa panig ng mga guro, dapat muna niyang isaalang- alang ang mga salik sa pagkatuto
ng mga mag-aaral: gulang, pinag-aralan, paraan ng pagkatuto, layunin sa pag-aaral,
interest o hilig, libangan at iba pa.
2. Matapos maisaalanag-alang ang mga salik na nabanggit ay dapat na hikayatin ng guro
ang kanyangt mga mag-aaral sa mga gawaing pangwika na tutugon sa kanilang mga
pangangailangan at lilinang sa kanilang mga kaalaman.
3. Dapat niyang hanapin ang pagdulog na naangkop sa pagkatuto ng kanyang mga mag-
aaral.
4. Mahalagang maisaalang-alang ng guro ang mga kagamitan panturo na magiging epektib
sa klase, kabilang ang mga awtentikong matereyal buhat sa mga nalikom na artikulo po
adbertisment sa dyaryo, magasin, pamphlet, brosyur at iba pa o mga resibo ng mga
biniling produkto, tubig, ilaw, telepono, imbitasyon, tiket, ng iba’t ibang sasakyanat iba pa.
5. May pagkakataon ding mahikayat ang mga mag-aaral na maghanda ng mga malikhaing
gawaing tutugon sa mga pangangailangan ng inihandang Gawain gaya ng pagsasadula,
pag-iinterbyu, pag-uusap sa palengke o barbeya, pagbabalita sa radyu at telebisyon, at
iba pa.
6. Pangkatin ang mga mag-aaral para sa mga Gawain sa pagpapalano o paghahanda ng
programa para sa isang palatuntunang pangklase. Maaring ang pangkat ay makabuo ng
iba’t ibang komite- programa, paanyaya, pamahatid-uhaw, pag-aayos ng tanghalan,
props, musika na pag-iilaw, kasuotan, ebalwasyon at iba pa.
Ayon naman kay Galbaraith (1991) may anim na simulaing gumagabay sa proseso ng
kolaboratib na pagkatuto (Davis at Donnelly, 1999; Badayos, 2008).
4. Mga kasanayang sosyal – epektibong nagtutulungan kaya natutuhan din ang kasanayang
sa pamumuno, pagbuo ng desisyon, pagtitiwala sa grupo, komunikasyon at pamamahala
ng konplik;
Sa STAD, bumubuo ng mga team na may apat o limang myembro na binabalanse ayon sa
kakayahan, kasarian o etnisidad ng mag-aaral. Nira-rank ang mga mag-aaral batay sa kanilang
iskor sa nakaraang mga pagsusulit o marka at hinahati sa ikatlo o kwarter. Bubuuin ang bawat
team ng isang mag-aaral o kasali mula sa bawat ikatlo o kwarter ng ranking ng klase, kasama
ang isa o dalawa pang mag-aaral na nasa gitnang ranggo para makumpleto ang apat o limang
myembro sa grupo. Kinapapalooban ang STAD ng mga sumusunod na hakbang o proseso;
Tumutukoy ito sa masteri ng mga ubod na mga asignatura (core subjects) at ang mga
tema nito ay mahalaga sa mga mag-aaral sa kasulukuyang siglo (Casanova, 2013). Kabilang sa
mga ubod na asignatura ang English, PAGBASA O SINING NG WIKA MGA WIKAIN SA MUNDO,
MGA SINING, MATEMATIKA, EKONOMIKS,, AGHAM, HEOGRAPIYA,
KASAYSAYAN, AT PAMAHALAAN AT SIBIKA. Pinalaganap ng 21 st century skills ang pag-
unawa ng mga akademikong nilalaman sa higit na mataas na antas sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga interdisiplinaryong mga tema sa mga mag-aaral ng mga ubod na
Asignatura.Kabilang sa mga interdisiplinaryong tema ang mga sumusunod: GLOBAL
AWARENESS; FINACIAL, ECONOMIC, BUSINESS, AND ENTREPRENEURIAL LITERACY;
Panuto:
A. Mag-interbyu (Online) ng mga guro (3) sa Filipino na nasa matagal na serbisyo ukol sa mga
sumusunod:
1. Reaksyon sa Binagong Kurikulum sa Batayang edukasyon
2. Pinakamabisang dulog; pamamaraan, at estratehiya sa pagtuturo ng Wika at Panitikan sa
kurikulum ng edukasyong Sekondarya
3. Pinakamainam na gamiting Format ng banghay-aralin sa pagtuturo ng wika at panitikan.
B. Manatiling pribado ang mga pangalan ng gurong iniinterbyu.
Gurong Reaksyon sa Pinakamabisang Pinakamainam na Pangkalahatang
Iniinterbyu Binagong dulog; gamiting Format ng Impresyon
Kurikulum sa pamamaraan, at banghay-aralin sa
Batayang estratehiya sa pagtuturo ng wika
at panitikan
Edukasyon pagtuturo ng
Wika at
Panitikan sa
kurikulum ng
edukasyong
Sekondarya(Lah
at ng nabanggit
sa Yunit 3 at
Yunit 5 ay
maaaring
itanong)
Guro # 1
Guro #2
Guro # 3
QUIZ
Modyul 1
Pretest/Panimulang Pasulit
Nilalaman
Elementarya
Sekondarya
Ayon kay Goodman (1973), ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game
na kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa
tekstong binabasa. Ayon naman kay Coady (1979), sa kanyang elaborasyon sa kaisipan ni
Goodman (1973) para sa lubusang pag-unawa ng isang teksto, kailangang ang dating
kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga
konsepto/kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa
teksto.
a) Pagbuo ng layunin
b) Pagbasang muli ng teksto
c) Pagtitimbang
d) Pagtatanong
e) Pagahahanap ng impormasyon para sa mga tiyak na layunin
f) Pakikipag-ugnayan
g) Paggamit ng istruktura ng kwento at pagsusunud-sunud ng teksto upang
maunawaan.
3. Magbasa ng barayti ng mga teksto:
a) Piksyon
(1) Maikling kwento
(2) Nobela
(3) Kababalaghan
(4) Kwentong-bayang
(5) Pabula
b) Di-piksyon
(1) Talambuhay
(2) Liham
(3) Artikulo
c) Tula
(1) Salawikain
(2) Bugtong
(3) Simpleng tula
(4) Dula
h) Sanhi at bunga
i) Katotohanan at opinion
j) Pananaw ng awtor at ng tauhan
k) Paggamit ng mga tayutay
Gawain # 1. Deadline:
A. Panuto: Punan ng masining na mga salita ang mga pick-up line na nasa ibaba.
B. Pagbuo ng limang (5) TEXTULA (I-TEXT ang TULA); Rubriks, sa pahina 170.
Panuto: Mag-isip ng paksang gagawin mong TEXTULA.Gawing gabay ang KISS (Kahit
Ilang Simpleng Salita) upang makabuo ng epektibo at nakakaaliw na TEXTULA.
Pagkamulat ng mata
Meron akong nakita
Babaeng maganda
Ikaw pala yan, aking ina!
Laban lang!!!
Gawain # 2. Deadline:
Panuto: May tatlong aktibiti (A, B, C) sa Gawain #2. Mamili ng isang (1) aktibiti sa
ibaba at ipasa sa messenger o email ad.
Panuto: Pumili at sumulat ng isa sa tatlong (3) uri ng liham sa tabaho: Ilang halimbawa ng
uri ng trabaho:
1.Pagbati/Letter of Congratulations;
2.Kahilingan/Letter of Request;
3. Pagtatanong/Letter of Inquiry)
Modyul 1
Pretest/Panimulang Pagsusulit
Nilalaman
Ang isang tao ay maaring magtaglay ng isang komprehensibong set ng mga bokabularyo
at may tiyak ding set ng mga salita. Narito ang mga pangunahing uri ng bokabularyo na dapat
ay may kabatiran ang bawat guro at edukador (Badayos, 2008).
Mahalaga rin sigurong tanawin ang mga uring ito ng bokabularyo bilang mga pares na
nagsasalungat gaya halimbawa ng ekspresib vs reseptib na bokabularyo; teknikal vs panlahat;
pagbasa vs bokabularyo sa pakikinig; at iba pa.
Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa ng isang wika ay ang kabuuang talasalitaan
ng wikang ito. Ayon sa mga Anglo-Saxon, ang talasalitaan ay isang imbakan ng mga salita na
dapat angkinin at mahalagahin. Sa mga Intsik naman, ito’y isang malwak na dagat ng mga salita
na dapat huluhin. Alin sa dalawang kaisipang ito ang inyong hihgit na sinasang-ayunan?
Halimabawa: pansinin ang iba-ibang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay ngunit
magkakaiba ng bigkas.
a. Tubo
Maaaring kahulugan:
Tubó – isang uri ng pananim
Tubo – bakal na padaluyan ng tubig
Tubò– pakinabang sa isang negosyo
Tubô – sumibol na
b. Paso
Maaring kahulugan
Paso – makitid na daan
Pasó – lipas na
Paso – taniman ng halaman
talasalitaan. Halimbawa, maaaring himukin ang mga mag-aaral na hulaan ang kahulugan ng
isang salita ayon sa pagkakagamit nito sa pangungusap. Dapat ding ipabatid sa mga mag- aaral
na hindi nila kailangang alamin lahat ang kahulugan ng mga salitang makakaharap nila sa araw-
araw. Sa halip, kinakailangang marunong silang pumili ng mga salitang sa palagay nila’y kapaki-
pakinabang. Higit pa rito, malamang na makatagpo ang mga mag-aaral ng mga salitang sa
palagay nila’y mahalaga para sa kanilang personal na pangangailangan, ituro o hindi ng
guro.
Maraming dapat alamin ang guro tungkol sa kalikasan at katangian ng mga salita kung
nais niyang maituro nang mahusay ang talasalitaan. Tatalakayin sa bahaging itoi ang ilang
konsepto o kaisipan na may kaugnayan sa mga salita at ang kanilang taglya na kahulugan.
1. Denotasyon
Kung pinag-uusapan ang mga pagpapakahulugan sa isang salita, karaniwan nang
tinutukoy ay ang kahuhlugan nitong konseptwal, iyong kahulugang nag-uugnay rito sa isang
bagay, ntao, lugar, o pangyayari. Ito ang tinatawag nating kahulugang denotatib. Halimbawa,
ang denotasyon ng salitang bahay ay isang tirahan- isang gusali na itinayo para sa tirahan
ngmga tao. Ang denotibong kahulugan ay ipinalalagay ito kahit na sa iba’t ibang konntkeksto.
Ang denotibong kahulugan ay ipinalalagay na sentral o pangunahing kahulugan ng isang
talasalitaan.
2. Konotasyon
Bukod sa kahulugang denotibo, ang isang salita ay maaringmagtagalay ng mga pahiwatig
na emosyonal o pansaloobin. May mga salitang nagtataglay ng positibo o negatibong
konotasyon.Samatanlang ang iba’y maaring neutral ang kahulugan. Suriin natin ang mga
salitang panukala at pakana na parehong nangangahulugan ng isang proyekto o prosisyon.
Kung ang panukala ay may positibong konotasyon, negatibo namna ang pahiwatig ng salitang
pakana.
May mga salita na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng dalwa o mahigit pang kahulugan.
Polysemy ang tawag sa mga salitang ito. Kung bababsahin o di kaya’y maririning natin ang
salitang kamay, agad na pumapasok sa ating isipin na itoy bahagi n gating katawan. Ngunit maari
rin itong magtaglay ng iba-ibang kahulugan gaya ng mga sumusunod na halimbawa: kamaya na
bakal, mahabang kamya, malikot na kamay, atbp. Samaktuwid, hindi sapata na masasabi ng
mag-aaral ang kahulugan ng salita ayon sa pagkakagamit sa pangungusap. Dapat ding talayin
ang lawak ng mgagamit nito na magpapakita ng isang dimension ng kakakyahang komunitib ng
mag-aaral.
“iyon ay ”
1. Kasingkahulugan
May mga salita na halos pareho ang kahulugan. Kung ang isang salita ay may
kahulugang katulad o halos kasingkahulugan ng salita, gaya ng yungib atkuweba,
magkasingkahulugan ang tawag sa mga salitang ito, iba pang halimbawa ang mga
salitang magkasingkahulugan.
Matangkad na babae.
Matayog na puno.
2. Magkasalungat
Superordineyt
Muwebles
Mga Hayponim
Kaya nga, ang salitang halaman ay tiyak ito’y tutukuyin na isang punongkahoy.
Mga sistema
May ilang salita na magkakaugnay dahil sa kabilang sila sa isang sistema. Halimbawa,
ang umaga, tanghali, hapon, at gabi ay mga bahagi ng isang araw. Ang tagsibol, tag-araw,
taglagas, at taglamig ay kabilang sa kategorya ng mga panahon. Anong mga salita ang kabilang
sa sistemang may kaugnay sa paghahati-hati ng taon?
1. Pagkamaituturo (teachability)
Mga salita na mailalarawan o maipapakita nang tuwiran.
2. Pagmakatulad (similarity)
Ito iyong mga salita na may katulad o kasingkahulugan sa W1.
Halimbawa, ang mga salitang magkaugat.
W1=W2
Bahay = balay
Bigas = bugas
Ugat = urat
3. Pagkamakukuha (availability)
Agad na pumapasok na isipan kapag nakita ang salita, e.g. mag-anak, agad na kabuntot
na mga salita nito ay tatay, nanay, kuya, ate, atbp.klasrum…
4. Pagkamasasakop (coverage)
Mga salita na sakop o kaangkan sa pagpapakahulugan ng ibang salita, e.g.
upuan..bangko, silya, batibot, sopa, atbp
5. Lakas sa pagpapakahulugan
Mga salita na kalukob ng isang salita kapag binibigyan ito ng kahulugan.
Pamandong – bandana, paying, sombrero
Sisidlan– karton, baul, maleta
Halimbawa:
Ligaya
Kaligayahan
Maligaya
Kahoy
Makahoy
Kahuyin
Kamoteng-kahoy
Dahil mabilis ang pagtaas ng tubig-baha, agad na inilikas ang mga taong nakatira
sa mababang lugar.
May mga salita na sadyang magkabagay na pagsamahin dahil sa kung ang isang
say isasama sa ibang salita na hindi nito kabagay, malamang na maging maligoy ang
kahulugan nito.
Halimbawa:
a. Sinasabi nating pusong-bato sa halip na pusong-matigas.
b. Matang-lawin sa malilinaw ang paningin sa halip na matang-kuwago.
c. Iba pang halimbawa: sampay-bukod; kutong-lupa; hubog-kandila; kutis-
porselana.
2. Pagbibigay ng iba pang mga salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng naunag
salita (clustering)
Halimbaw:
Tanawin= tingnan, masdan, sulyapan, atbp.
Mga halimbawa:
Mga halimbawa:
Sa pagtuturo ng salitang Kaligayahan, maaring gumamit ang guro ng iba’t ibang teknik.
At ang apat na pangunahing teknik sa pagtuturo ngtalasalitaan ay ang sumusno: paggamit ng
biswal, paggamit ng mga salita, paggamit ng diskyunaryo, at pagsasalin.
Paggamit ng biswal
Paggamit ng diksyunaryo
1. Paggamit ng biswal
Ang mga nakikita at tiyak namga salita gayang mga bagay sa loob ng kalsrum,
mga hayop at mga halaman pati na ang mga lawak ng talasalitaan na batay sa iba’t ibang
tapik o paksa tulad ng mga pagdiriwang, hanapbuhay, pook-dalanginan ay mabisang
maituturo sa tulong ng iba’t ibang mga pantulong na bisawl. Ilan sa mga pantulong na
biswal ay ang mga sumusunod: mga drowing sa pisara, tsart, litrato, plaskard, mapa at
mga tunay na bagay o realia.
Bukod sa mga pantulong na biswal, maaring gamitin din ang guro ang mga
kumpas o galaw, ekspresyon ng mukha at panggagagad.
Halimbawa:
Ang larawan ng oras ay maaring makakilala ng mga salita gaya ng oras sa:
pagmamadali, huli, maagap, trapik. Maaring isagawa ito nang pasalita o pasulat.
b.Paggamit ng dayagram
A. Larong tugunan
Magpapangkat ang klase sa dalawa. Magbibigay ng isang salita ang unang pangkat at
tutugunan ito ng katugmang salita ng ikalwang pangkat.
Halimbawa:
Pangkat A Pangkat B
Bahay Buhay
Puno Puso
Dakila Payapa
Araw Dalaw
Harana plaka
Halimbawa:
Salita: sumasampalataya
Lata latay
salitang-ugat: sulat
maaring mabuong mga salita: sulatan, isulat, sinulat, nasulatan, pasulatan, isinulat,
pagsulat, susulatan
c. Pagpuno ng titik
Isulat ang nawawalang titik sa puwang upang mabuo ang salitang kaugnay ng
kahulugan sa kanan.
Salitang-ugat: tanda
3. Paggamit ng Diksyunaryo
Ang isang mag-aaral na nakakagamit ng diksyunaryo sa pag-alam ng kahulugan
ng isang salita ay malamang na mapauunlad din ang sariling imbakan ng mga talasalitaan.
Magagamit din niya ang diksyunaryo sa paglilinaw ng ilang lawak ng kaalaman tungkol sa
isang gaya ng bahagi ng pananalita, wastong pagbigkas, wastong baybay o di kaya’y ang
pinagmulan ng salita.
4. Pagsasalin
Quiz/Maikling Pasulit
Panuto:
Modyul 1
Pretest/Panimulang Pagsusulit
Nilalaman
Ang panitikan sa lebel sekundarya ay itinuturo sa ikatlo at ikaapat na taon. Binigyang- diin
sa bagong kurikulum na ang deskripsyon ng pag-aaral na ito ay panunuring pampanitikan o
maunawaang pagbasa. Ang paggamit ng salitang panunuri at maunawaan ay tila nagpapaalala
na ang pag-aaral ng panitikan sa bagong kurikulum ay higit na mataas sa dating kurikulum at
kung gayo’y lumilinang hindi lamang sa literal comprehension kundi lalo’t higit sa Higher Order
Thinking Skills ng mga mag-aaral.
Ang Filipino sa ikatlong taon ay nakatuon sa pagsusuri ng iba’t ibang genre ng
pambansang panitikan, samantalang pagsusuri ng iba’t ibang genre ng panitikang bernakular at
panitikang Asyano (Apendiks A) naman sa ikaapat na taon. Ang pagtuturo ng bawat akda ay
nahahati sa limang sesyon na kinapapalooban ng mga sumusunod na hakbang (BEC Patnubay
ng Operasyon, ND).
5. Pagpapakita ng patatay
Ano ang implikasyon ng prosesong ito? Ibig sabihin lamang nito na ang pagtuturo ng
panitikan sa mataas na paaralan ay kailangan maging interaktib at kolaboratib. Pinalalawak nito
ang interaksyon pangklase sa pagitan ng guro at mga mag-aaral, ngayo’y kailangan magkaroon
din ng malawak at makabuluhang interaksyon ang mag-aaral sa kapwa mag-aaral, ang mga mag-
aaral sa teksto at maging ang mag-aaral sa komunidad.
Paano ito naisasagawa sa klasrum? Matalinong pagpili ng estratehiya ang sagot dito. Ang
kailangan lamang ay pagpili ng angkop na estratehiya sa isang partikular na akda at
paggamit ng barayti ng mga ito upang ang klase sa panitikan ay hindi maging kabagut-bagot at
labis na prediktib sa mga mag-aaral.
Bilang paglalarawan sa tatlong antas ng pagsusuring ito, gamitin nating halimbawa ang
mga akdang nakapaloob sa kukurikulum ng ikaapat na taon. Pansinin kung paano malilinang ang
HOTS gamit ang planadong pagtatanong para sa talakayan at pagsusulit at ang barayti at multi-
lebel na tanungan batay sa taksonomi ni Bloom (Bernales, 2004, Badayos, 2008).
Ayon kay Royo (2001), maisasanib ang pagtuturo ng mga kasanayang metakognitib sa
pagtuturo ng Filipino sa pamamagitan ng pagtuturo ng pagkontrol sa sariling pag-unawa sa
pagbasa. Maisasagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod:
1. Ang paglinang ng kaalaman sa gawain. Saklaw ng gawaing ito ang istruktura o hulwaran
ng organisasyon teksto sa tuwiran at di-tuwirang paraang gaya ng mga sumusunod:
1.1. Pagtatalakay kung anong impormasyon ang mahalaga
1.2. Paglinang ng pamantayan ng kahalagahan
1.3. Pagkakategorya ng uri ng impormasyon ayon sa genre ng teksto
1.4. Pagbibigay-diin sa kahalagahan ng impormasyon sa pamamagitan ng
pagtatanong.
2. Ang paglinang ng kamalayan sa istruktura ng teksto. Saklaw ng gawaing ito ang nistruktura
o hulwaran ng organisasyon ng teksto sa tuwiran at di-tuwirang paraang gaya ng mga
sumusunod:
Paghihirap (simbolismo)
3. Basahin ang tula nang malakas. Pakinggan ang mga natatanging gamit ng mga
tunog gaya ng ritmo, aliterasyon (pag-uulit) at onomatopeya (tunog).
Halimbawa:
Pag-uulit Onomatopeya
Ikaw ang aking pag-ibig Tumatalbog-talbog ang puso ko sa tuwing nakikita ka
Ikaw, ang hulog ng langit
Upang masuri ang tula nang wasto at may kabuluhan, ipasagot ang mga sumusunod:
1. Makata, pamagat at tema
2. uri ng tula, persona, tagapakinig at sitwasyon
3. porma ng tula, sukat at istruktura
4. tayutay
Tekstong Di-Piksyon
Pagbabalik-Gunita
Patalastas catalog
Entertainment sports
panya
sanaysay poster
sales
1.) HUMANISMO
a. pagkatao:
b. tema ng kwento
For Instruction Use Only
c. mga pagpapahalagang panatao;moral at etikal
KURIKULUM SA FILIPINO: KATANGIAN, NILALAMAN AT MGA TUNGUHIN 71
2.) IMAHISMO
3.) ROMANTISISMO
Sumibol ang romantisismo noong huling bahagi ng siglo 1800 at pagpasok ng siglo 1900.
Ibinabandila ng Romantisismo ang indibidwalismo kaysa kolektivismo, ang revolusyon kaysa
konservatismo, ang inobasyon kaysa tradisyon,imahinasyon kaysa katwiran at likas kaysa
pagpipigil. Dahil dito,itinuturing ang Romantisismo bilang isang pagtatakwil sa pagpapahalagang
klasismo tulad ngh kaayusan, kapayapaan, pag-uugnay-ugnay, ideya at rasyunal. Ilan pang
katangian ng romantisimo ay ang malalim na pagpapahalaga ng kagandahan ng kalikasan; ng
pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan; ng pagkaabala sa mga henyo; bayani at pambihirang
katauhan ;ng pagkahirati sa internal na tunggalian;at ng mahiwaga at kababalaghan.
4.) KLASISMO
Ito ay ang paggamit ng istilo o estetikong prinsipyo ng mga Griyego o Romanong klasikong
arte at literatura. Sa makabagong panahon, tumutukoy rin ito sa paggamit sa mga prinsipyo sa
musika. Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista. Sila’y maingat sa pagsasalita at
pagpapahayag ng damdamin. Para sa kanila ay hindi angkop ang paggamit ng mga salitang
balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon. Ang mga akdang klasiko ay may pagkamalinaw,
pagkamarangal,pagkapayak,pagkamatimpi,pagkaobhetibo, pagkasunod-sunod at pagkakaroon
ng hangganan. Klasikong maituturing ang Florante at Laura ni francisco
5.) DEKONSTRUKSYON
6.) FEMINISMO
Ito ay ang pagsusuri ng panitikan at awtor mula sa punto de vista o pananaw ng isang
feminista. Naniniwala ang mga feminista na ang panitikan ay hindi neutral o walang pagkiling
kundi ito’y isang produkto ng panlipunan at pangkulturang kalagayan. May pagkakataong
malakas ang dating ng feministang pagsusuri dahi; kailangang yugyugin ang mga kalakaran at
malalim na paniniwala ng tao. Ang feminismong literaryong pag-aaral ay nakatuon kapwa sa mga
kababaihan bilang mambabasa at sa mga kababaihan bilang manunulat.
7.) NATURALISMO
8.) MORALISTIKO
Batay ito sa kombensyon (conventional) ng lipunan o relihiyon. Tandaan lamang na ang
pagsusuri ng akda ay hindi ihihiwalay sa panahon sapagkat iba ang kombensyon noon at
ngayon. Sa pag-aaral ng akda ay naroon ang moralistikong pananaw at binibigyang-diin ang
layuning dakilain at pahalagahan ang kabutihan at iwaksi ang kasamaan. Dito, ang pagsusuri ay
matamang pagtitimbang-timbang ng lakas at kahinaan, ang tatag at karupukan ng tao sa harap
ng mga pagsubok sa kanyang pakikipagtunggali sa buhay.
9,) ARKETIPAL
Tinatawag din itong totemiko, mitolohikal o ritwalistiko. Kasisinagan ng mga tauhang
galing sa Bibliya, sa mga klasiko ng Romano at Griyego, Sa klasiko madalas mabanggit ang
gandang Venus o Aprodite. Ang mga arketipo ay mga simbolikong imahen na paulit-ulit na
ginamit sa mga unang salaysay ng mga mito, alamat at kuwentong-bayan.
10.)HISTORIKAL
Mahalagang matuklasan sa teoryang ito ang pwersang pangkapaligiran at panlipunanna
may malaking impluwensya sa buhay ng manunulat. Dito ay may mahalagang papel na
ginagampaman ang institusyon sa pagbibigay-dan sa uri ng panitikang susulatin ng may-akda
kung kaya’t ang pagsusuri ay nakatuon sa puwersa ng lakas ng paraan at istruktura ng
institusyon.
Bravo!!!!
Hinahangaan ka namin sa
iyong pagpupunyagi na
mairaos ang lahat ng mga
gawain mula sa Yunit 1
hanggang Yunit 8 ng Modyul
1…!!!
Pagpalain ka nawa ng
Poong Maykapal….
MGA SANGGUNIAN
Alwright, D. & Bailey, K.M. (1991). Focus on the language classroom: An introduction to
https://www.academia.edu/35816310/Kurikulum_Written_Report.docx
Cazden, C (1986). ESL teachers as language advocates for children; National Council of
English Teachers.
Dangcalan. R. J. & Trajano, B. E. (2020). [Opinion] Ang pagbaba mula sa tore ng akademya,
Retrieved from: https://www.rappler.com/move-ph/ispeak/264927-opinion-coming-down-
ivory-tower-academe
Finocchiaro, M. & Brumfit C. (1986). The functional-notional approach: From theory to practice,
Retrieved from: https://eric.ed.gov/?id=ED227698
https://www.rappler.com/nation/110910-filipino-kolehiyo-reporma-kwf
Goodman, K.S. (1967). Reading : A psycolinguistic guessing game. Journal of reading specialist.
Mayos, N. S. et. al., (N.D). Ang guro ng bagong milenyo: Mga kagamitang panturo sa Filipino
Myers M. & Paris S. (1978). Childrens metacognitive knowledge about reading: Journal of
educational psychology
Skinner, B. F. (1957). Verbal Behavior (The century psychology series), Retrieved from:
https://www.google.com/search?q=skinner+b.+f.+verbal+behavior&rlz=1C1ASUC_enP
H750PH750&oq=Skinner+B+F+Verbak+Behavior&aqs=chrome.1.69i57j0.11546j0j7&so
urceid=chrome&ie=UTF-8
Sta. Ana, N. S. (2013). Curriculum and instruction: Ang pagtuturo ng Flipino sa batayang
edukasyon, Retrieved
from:file:///F:/ /module_Filipino%20sa%20Kurikulum%20ng%20Batyang%20Eduk.pdf
Vega, S. B. (2010). Ang wikang Filipino bilang wikang panlahat: Iba pang kautusan para sa
imlementasyon ng mga patakarang pangwika kaugnay ng Konstitusyon ng 1987, p.72-
79, Komisyon sa Wikang Filipino.
RUBRIKS
Rubriks Pagsasaling-wika
Nilalaman 20%
Piyesa ................................................... 5%
Kaangkupan ng diwa at
damdamin ........................................... 15%
Hikayat 40%
Hikayat sa manonod .............................. 5%
Kakanyahang Pantanghalan ................. 5%
Kilos, Galaw,Kumpas.......................... 15%
Ekspresyon ng mukha ........................ 10%
Kasuutan................................................. 5%
Tinig/Bigkas 40%
Intonasyon/Pagpapahaba.............. 15%
Pagpapalutang ng boses…............. . 10%
Bigkas ................................................... 15%
Kabuuan 100%
Total
Percentage
Earned:
GLOSARI
Pagsusulit-wika. Anumang gamit ng wika na maaaring tayain o bigyan ng grado. Ang lahat ng
awtentikong gamit ng wika ay pagsusulit sa wika kung ito ay naaayon sa sitwasyon at may
kahulugan at kumprehensyon
Salik. Mga Elemento o component; kadalasang tinutukoy kapag pinag-uusapan ang mga
bagay na nakaaapekto.
Apendiks A
Noong unang panahon, bago pa man ang dinastiyang Ch’in at Han, may isang ermitanyo sa yungib na
nagngangalang Wu. Tinatawag ang lugar na iyon bilng yungib Wu. Dalawa ang naging asawa ni Wu. Yumao na
ang isa. Mayroon siyang anak na babaeng nagngangalang Yeh-hsein na simula pagkabata ay matalino at
magaling lumikha ng mga palayok gamit ang luad. Mahal na mahal siya ng kanyang ama.
Ilang taon ang lumipas nang pumanaw ang ama, pinagmalupitan si Yeh-hsein ng kaniyang madrasta. Lagi
siyang inuutusang mangahoy sa mga peligrosong lugar at pinag-iigib pa sa malalalim na balon.
Minsan, may nahuling dalawang pulgadang isda si Yeh-hsein, pula ang mga palikpik nito at ginintuan ang
mga mata. Maingat niya itong inilagay sa mangkok na may tubig. Habang tumatagal, palaki ito nang palaki
hanggang saw ala nang mahanap si Yeh-hsein ng mapagsisidlang mangkok. Ibinalik niyang muli ang isda sa
balon. Kung may natitira mang pagkain sa hapag, ibinibigay niya ito sa isda. Tuwing lalapit si Yeh-hsein sa balon,
lulutang ang isda at ilalantad ang kanyang ulo. Ngunit kapag may ibang taong dumarating, hindi ito lilitaw, hindi
magpapakita.
Lingid kay Yeh-hsein na matagal na siyang minamatyagan ng madrasta. Nakaisip ito ng masamang balak.
“Napakasipag mo, Yeh-hsein! Dahil diyan, ibinili kita ng bagong damit.” Pinagbihis niya ito. Pagkaraan, inutusan
niya itong mag-igib ng sariwang tubig sa malayong bukal. Dali-daling isinuot ng madrasta ang libaging damit ni
For Instruction
Yeh-hsein, nagdala paUseng
Only
patalim, at nagtungo sa balon. Tinawag niya ang isda. Nang lumitaw ang isda, bigla
niya itong hinablot at saka tinadtad. Halos sampung talampakan na ang isdang iyon. Niluto niya ang nahuli, at
KURIKULUM SA FILIPINO: KATANGIAN, NILALAMAN AT MGA TUNGUHIN 97
nang ito’y kanyang tinikman, di hamak na mas masarap ito kaysa karaniwang isda. Ibinaon niya ang mga tinik ng
Apendiks B
Date:
Dear Student,
The evaluation form will help us in the production of upcoming editions of the instructional
materials. Please fill out the form and detach before submitting the IM to your professor at the
end of the semester. Put it in sealed envelope and submit this form to the Instructional materials
development Office (IMDO) in your campus. Thank you for your compliance.
Name
(optional):
__
Date of Evaluation:
Title:
Author(s):
2. The IM utilized learning outcomes which target future skills graduate attributes.
4. The learning activities and assessments are congruent with the learning outcomes.
5. There are adequate spaces for the learning activities and assessments.
level
of users.
7. The examples/illustrations, and the body text are clear, set in APA 7 th edition format, and
8. The IMs are free from errors, misspellings and irrelevant pictures/illustrations.
9. The IM contains front and back contents (e.g. preface, acknowledgement, rubrics,
answer
For other comments and suggestions, please use the space below. Thank you.