0% found this document useful (0 votes)
262 views14 pages

Documents - Tips Generic-Ubd

Uploaded by

Jhing Piniano
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
262 views14 pages

Documents - Tips Generic-Ubd

Uploaded by

Jhing Piniano
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd

Undertanding by Diskarte: CRASH COURSE sa

Understanding by Design (UBD) at Iba Pang Kaugnay na


Konseptong Pang-Edukasyon sa Konteksto ng Edukasyon sa
Pilipinas1

Mga Layunin ng Talakayan


Maipaliwanag ang UBD sa konteksto ng edukasyon sa Pilipinas
Makapagpakita ng halimbawa ng isang buong Unit Plan na
nilapatan ng UBD
Makalikha ng sariling Unit Plan ang mga kalahok
Masuri ang ilan sa output ng mga kalahok
Ang Understanding By Design at
Ang Iba Pang Konseptong Pang-edukasyon
Ang UBD ay naimpluwensyahan ng constructivism na lumitaw
noong pang 1700s-1900s (ang pagkatuto ay mas mabisa kung
galing sa karanasan/experiential learning; ang guro ay facilitator
ng pagkatuto; ang edukasyon ay dapat kontekstwalisado)
Impluwensyado rin ng pagtuturong student/learner-centered ang
UBD
Nauna pa sa UBD ang critical pedagogy ni Paulo Freire noong
1960s-1990s (alinsunod sa dulog o approach na ito, ang
edukasyon ay tinuturing na paraan upang suriin ang lipunan at
gamitin ang edukasyon/pagkatuto tungo sa pagunlad/pagpapabuti/pagbabago ng lipunan; edukasyong may
patutunguhan: hindi nakakulong sa apat na sulok ng silid-aralan,
inihahanda ang mga estudyante sa totoong mundo; ang mga
mag-aaral ay tinuturuang maging critical thinkers sa halip na
passive observers)
Ang UBD ay nakatutulong sa paglinang/development ng Higher
Order Thinking Skills/HOTS
Ang Content-Based Instruction (CBI) ay isang paraan upang
malinang o ma-develop ang mga big ideas sa UBD
Samakatwid, dati pang alam ng mga guro kung paano magturo
nang mala-UBD. Ang ginawa lamang nina Wiggins at McTighe ay
pinaghalu-halo ang mga lumang konsepto, nilagyan ng bagong
pangalan at iginawa ng padron/pattern na mas mukhang
organisado sa paningin/sa unang sipat.
Ang konsepto ng UBD ay matagal nang ginagamit ng mga guro
sa Pilipinas sa paraan ng pagtatanong at sa mga
gawain/aktibidad sa klase
1

Lektura/handout (May 26, 2010 Caritas Don Bosco, Bian, Laguna) na inihanda ni David Michael M.
San Juan, dating nanunuparang tagapag-ugnay ng Kagawaran ng Filipino sa Mataas na Paaralan ng Colegio
San Agustin-Makati at kasalukuyang part-time lecturer sa De La Salle University-Manila; nagtapos ng
Master of Arts in Teaching Filipino sa Philippine Normal University.

Ang UBD ay isa lamang dulog o approach sa pagtuturo na ang


pangunahing konsepto ay dati na nating alam at ginagamit.
Hindi na tayo mahihirapang gamitin ang UBD sa pagtuturo, dahil
ang konsepto nito ay dati na nating ginagamit.
Banking Education (terminong mula kay Paulo Freire); sarili kong
salin: EDUKASYONG SUKSOK-HUGOT/Edukasyong Alkansya
(sistema ng edukasyon na taliwas/kabaligtaran ng UBD)
Tradisyunal na sistema ng edukasyon sa mga bansang Third
World
Pagtuturong Teacher-centered
Ang guro lamang ang pinanggagalingan ng
kaalaman/impormasyon
Ang mga estudyante ay passive na tagatanggap/recepient
lamang ng kaalaman/impormasyon mula sa guro
Ang mga kaalaman/impormasyon ay idinedeposito sa
utak/isip ng mga mag-aaral na parang barya/coin sa alkansya; sa
pagsusulit ay huhugutin ang mga kaalaman/impormasyon
Walang bisa ang pagkatuto; halos memorisasyon lamang ang
natututuhan ng estudyante
Ang banking education na matagal nang pinuna at tinuligsa ni
Paulo Freire ang sistema ng edukasyon na nais ding baguhin ng
mga nagtataguyod/proponent ng UBD, aminin man nila o hindi.
Samakatwid, bago pa ang UBD, marami nang ideya ang
nagpapakita ng/sumasalamin sa UBD
Mga Mahahalagang Terminolohiya sa UBD:
Established Goal/Pamantayan: Mga layunin na mula sa opisyal
na kurikulum o listahan ng learning competencies na inilabas ng
Kagawaran ng Edukasyon
Enduring Understanding/Big Idea/Core
Concepts/Mahahalagang Kaisipan/Mga Pangunahing
Kaisipan/Mga Kakailanganing Pag-unawa: Mga
konsepto/ideya/kaisipan na laging makabuluhan (relevant at
meaningful), kahit 10, 20, 30, 40, 50 taon mula ngayon...
Mga halimbawa:
Nakabatay ang paghubog at pag-unlad ng wika sa mga taong
gumagamit nito
May angkop na salita para sa ibat ibang sitwasyon.
Ang panitikan ay sumasalamin sa mga nangyayari sa lipunan
kaya mahalagang basahin at suriin ito.
Ang pananakop ng mga dayuhan (kolonyalismo) ay isa sa mga
sanhi/dahilan ng paghihirap ng isang bansa.
The Philippine Constitution expresses our nations highest goals
and aspirations and provides principles that should guide the
governments decision-making.

A countrys geography partly determines its destiny and place in


world history.
Everything in the world is interconnected: what harms nature
harms us too.
For every action, there is always an equal and opposite reaction.
Life is a calculated gamble: every decision has its probabilities of
success and failure.
Statistics can conceal as well as reveal.
Statistical analysis often reveals patterns that prove useful or
meaningful.
Scarcity and budget deficit compel people to make wise
economic decisions.
Essential Questions/Mahahalagang Tanong: Mga tanong na
makatutulong sa mga mag-aaral na maintindihan/makuha/magets ang big ideas
Mga halimbawa:
Bakit nagbabago ang kahulugan ng salita sa paglipas ng
panahon?
Anu-ano ang mga posibleng ugat ng malalang kahirapan ng
Pilipinas sa kabila ng masaganang likas na yaman ng bansa?
Paano sinasalamin ng panitikan ang kasaysayan?
Why do we need the Philippine Constitution?
How does geography influence a countrys destiny?
Why is environmental balance necessary for healthy living?
What are the consequences of action and inaction on decisionmaking?
How does statistics helps us in our search for truth?
How does scarcity and budget deficit help policy makers arrive at
good decisions?
Performance objectives: Mga bagay na kasanayan at konsepto
na dapat maisagawa at matutuhan ng mga mag-aaral sa
pagtatapos ng aralin.
Performance Task/Gawaing Pampagkatuto/Gawain sa
Pagganap: Gawain na kailangang maisagawa ng mga mag-aaral
upang mapatunayang natutuhan nila ang aralin
Mga Pangunahing Doktrina ng UBD
Ang tunay na pagkatuto ay hindi ang simpleng pagtapos o pagcover sa mga aralin at sa teksbuk: quality of learning over
quantity.
Ang kurikulum at mga istratehiya at programa sa pagtuturo ay
dapat laging nagsasaalang-alang sa kakayahan, interes at
pagkatao ng mga estudyante (learner-centered curriculum and
instruction)

Ang tunay na pagkatuto ay hindi lamang basta malawak (covers


a lot of area), kundi malalim (with depth).
Ituro lamang ang pinakamahalaga at pinaka-kailangan sa buhay.
Kumbaga sa pagkain, ang pinakamasustansya at pinakamalasa...
Ano ang pinakamahalaga? Mga kasanayan at konsepto (skills
and concepts) na makabuluhan (relevant/meaningful) pa rin sa
mag-aaral, 10, 20, 30, 40, 50 taon mula ngayon...

Disenyo ng Pagkatuto NOON versus sa Disenyo ng


Pagkatuto sa UBD NGAYON
NOON
1. Pinipilit ilapat o i-apply nang de-kahon ang kurikulum na
ibinigay ng gobyerno.
2. Nag-iisip ng istratehiya para i-apply ang kurikulum.
3. Ilalapat/i-iimplement ang istratehiya sa klase.
4. Mag-iisip ng paraan ng pagtataya/assessment.
5. Isasailalim sa pagtataya/assessment ang mag-aaral.
6. Kokompyutin ang marka ng mag-aaral batay sa assessment.
7. Ulit sa blg. 1.
NGAYON
1. Ibabatay pa rin sa kurikulum na ibinigay ng gobyerno ang paraan
ng pagtuturo.
2. Tutukuyin ang standard ng pagkatuto batay sa mga learning
competencies.
3. Tutukuyin ang mga mahahalagang kaisipan/pag-unawa (essential
understanding/concepts/big ideas) at mga mahahalagang tanong
(essential questions) na makatutulong sa paglinang o pag-develop
ng essential understanding/big ideas.
4. Itatransporma sa performance objective ang mga core skills at
concepts.
5. Tutukuyin ang pamaraan ng pagtataya/assessment na gagamitin
para malaman kung natutuhan nga ng mag-aaral ang core skills at
concepts.
6. Paplanuhin ang mga gawain sa pagkatuto/learning activities. (ito
ang nilalaman ng mga daily at weekly lesson plans)
7. Isasailalim sa pagtataya/assessment ang mga mag-aaral para
malaman kung natutuhan nila ang core skills at concepts
8. Suriin at rebisahin ang disenyo ng pagkatuto batay sa kinalabasan
ng pagtataya/assessment ng mga mag-aaral.
9. Balik sa blg. 1.
Ang Kabuluhan/Significance ng UBD sa Pagtuturo

Mas mabibigyang-diin ang pagpapaliwanag at pagtalakay sa mga


mahahalagang konsepto at paglalapat ng mga mahahalagang
kasanayan (skills)
Mas magiging utilitarian ang pagtuturo (pokus sa kung ano
lamang ang may silbi sa totoong buhay); kung gayon, magiging
mas interesante ang mga aralin
Mas mapapalalim ang talakayan
Mas malilinang ang critical thinking skills ng mga estudyante
Mas magiging objective ang pagmamarka dahil sa paggamit ng
rubrics
Paglaon, mas magiging madali na para sa mga guro ang lesson
planning dahil sa lohikal na pagkakasunud-sunod ng mga
proseso sa paggawa ng UBD unit plans

Mga Pangkalahatang Paalala BAGO Gumawa ng UBD Unit Plans


1. Pumili ng mainam na textbook na magiging PANGUNAHIN ngunit
hindi tanging sanggunian.
2. Basahin nang buo ang piniling textbook: itakda ang bawat yunit
o bahagi ng aklat sa isang partikular na guro at pagkatapos ay
magpulong para talakayin ang nilalaman ng buong textbook.
3. Sa pulong na binanggit sa blg. 2, magmungkahi ng mga teksto,
pelikula atbp. karagdagang materyales na maaaring isingit sa
pagitan ng mga yunit o kayay maaaring gamiting pampatibay sa
buong yunit. Samantalahin ang pulong na ito upang
magtalakayan hinggil sa mga detalyadong karanasan sa
pagtuturo sa nakaraang school year.
4. Basahing mabuti ang mga learning competency na mula sa
Kagawaran ng Edukasyon. (siguraduhing latest na kopya). Dito
ibabatay ang mga learning objectives na ilalagay sa unit plans.
Sa kabuuan, dito rin babatay ang buong proseso na ilalagay sa
unit plans. Magtalakayan hinggil sa kahulugan ng bawat
competency.
5. Inirerekomendang pagawain ng unit plans ang lahat ng mga
gurong kasangkot sa isang area. Halimbawa, lahat ng nagtuturo
sa ikaapat na taon ay dapat gumawa ng KANYA-KANYANG UBD
unit plans para sa ikaapat na taon (sa ganitong paraan, mas
maraming dulog at istratehiya ang lilitaw).
Mga Pangkalahatang Paalala HABANG gumagawa ng UBD Unit
Plans
1. Paulit-ulit na basahin at rebisahin ang learning objectives,
essential questions at big ideas: naroon ang buhay ng UBD...Ang
palpak na learning objectives, essential questions at big ideas ay
magdudulot ng palpak na pagkatuto.

2. Tiyaking magkakatono ang buong unit plan (ang learning


objectives ay dapat malinang sa pamamagitan ng mga akmang
tanong at aktibidad)
3. Maging reyalistiko sa pagtatakda ng oras at iskedyul. Huwag
piliting matapos ang textbook. Kung susundin talaga ang UBD,
ayon na rin mismo kina Wiggins at McTighe, ang bisa at lalim ng
pagkatuto ang mahalaga, at hindi ang basta na lamang matapos
o ma-cover ang required na babasahin. Sabi nga, quality over
quantity.
4. Maging reyalistiko rin sa kakayahan ng mga mag-aaral. Huwag
maglagay ng mga aktibidad na imposibleng magawa ng mga
mag-aaral o yaong masyadong matrabaho. Ikunsidera/isaalangalang na hindi lamang Filipino ang asignaturang pagpapaguran
nila. Kung maglalagay man ng mahirap-hirap na aktibidad, gawin
itong proyekto na may malaking puntos na katumbas (kumbaga,
1 engrandeng aktibidad lamang bawat quarter).
Mga Pangkalahatang Paalala PAGKATAPOS gumawa ng UBD
Unit Plans
1. Magsagawa ng pulong upang ikumpara at ikritik ang bawat UBD
Plan. Ang mga magkakasama sa isang antas ang siya ring
magkakasama sa pulong na ito.
2. Irebisa ang mga unit plan batay sa mga puna. Maaaring magadopt ng isa lamang unit plan para sa buong paaralan kung
homogenous ang lahat ng klase. Gayunman, tiyakin na ang
adopted UBD plan ay nagsasaalang-alang pa rin sa individual
differences ng mga estudyante.

Pagbuo ng UBD Unit Plan


UNANG YUGTO: Ano ang dapat matutuhan ng mga magaaral?
Piliin ang mga araling sasaklawin ng yunit
Siguraduhing may tematikong pagkakaugnay ang mga
pinagsama-samang akda sa isang yunit
Itakda kung ilang pagkikita ang ilalaan sa yunit

Tukuyin ang mga layunin o pamantayang pampagkatuto (ibatay


sa mga competency na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon)
Tukuyin ang mga kakailanganing pag-unawa/big ideas: malalim,
makabuluhan sa karanasan at lipunang ginagalawan ng magaaral, may kaugnayan at kailangan sa tunay na buhay,
Maghanda ng mga mahahalagang tanong/essential questions:
nagbubunsod ng pag-unawa sa big ideas; nagdudulot ng malalim
na pag
iisip, aktibong talakayan, mga bagong pagkaunawa at mga
bagong
tanong; naiuugnay sa personal na karanasan at dating kaalaman
o prior learning
Itransporma ang mga big idea sa format na pariralang
nagbubuod (ito ang mga performance objectives)
Itakda ang mga tiyak o ispesipikong kasanayan na lilinangin o
idedevelop sa yunit
IKALAWANG YUGTO: Anong kailangang gawin ng mga magaaral para mapatunayan na natutuhan nila ang aralin?
Planuhin kung anong pagtataya o assessment ang gagamitin.
Magsimula sa paghahanda ng mga gawain sa pagganap
(performance task): mga awtentiko at makabuluhang aktibidad
Maghanda rin ng iba pang uri ng pagtataya (pagsusulit, pagsagot
ng rubrics, pagsagot ng pagsasanay, paggawa ng graphic
organizer atbp.)
IKATLONG YUGTO: Anu-anong mga hakbang ang aktwal na
isasagawa sa loob ng silid-aralan?
Planuhin ang aktwal na daloy ng aralin (ang lesson plan
mismo)

STAGE 1/UNANG YUGTO: DESIRED RESULTS/INAASAHANG BUNGA


Established Goal/Mga Pamantayan:
Enduring Understandings/Big
Essential Questions/Mahahalagang Tanong:
Ideas/Kakailanganing Pagunawa/Mahahalagang Kaisipan:

Students will understand


that.../Mauunawaan ng mga mag-aaral
na...
Students will know.../Mababatid ng mga
estudyante ang...
(Performance Objectives-Core Concepts):

Students will be able to.../Magagawa ng


mga estudyante na...
(Performance Objectives-Core Skills):

STAGE 2/IKALAWANG YUGTO: ASSESSMENT EVIDENCE/PAGTATAYA


Performance Task/Gawaing
Other Evidence/Iba pang pagtataya:
Pampagkatuto/Gawain ng Pagganap:
STAGE 3/IKATLONG YUGTO: LEARNING PLAN/DISENYO NG PAGKATUTO
Mga Gawaing Pampagkatuto:

Isang UBD Plan para sa isang yunit ng


Tanglaw ng Wika at Panitikan IV (Filipino)
Pamagat ng Yunit: Kanin at Kalayaan
Mga Sakop na Aralin: Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan
(tula) at Walang Panginoon (maikling kwento)
Bilang ng Linggo: 2
STAGE 1/UNANG YUGTO: DESIRED RESULTS/INAASAHANG BUNGA
Established Goal/Mga Pamantayan:
(Batay sa Panlahat at Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto sa Filipino
na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon noong Marso 6, 2006)
Nasasabi ang bisa akda ng piniling salita ayon sa kahulugang
matalinghaga, likas at tago.
Nasusuri ang bisa sa pagkakabuo ng mga pangngusap batay sa
paggamit ng mahahaba at maiikling pangungusap.
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay sa
nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig
Naiuugnay ang mga kaalaman tungkol sa akda batay sa
kaligirang pangkasaysayan nito
Nailalapat sa akda ang iba pang pananaw (teorya) at lapit sa
panunuring pampanitikan.
Nakasusulat ng konseptong papel ng piniling paksa.

Nagagamit nang wasto ang ibat ibang kagamitang


pinagkukunan ng tala
Enduring Understandings/Big
Essential Questions/Mahahalagang Tanong:
Ideas/Kakailanganing Pag Bakit nagbabago ang
unawa/Mahahalagang Kaisipan:
kahulugan ng salita sa
Students will understand
paglipas ng panahon?
that.../Mauunawaan ng mga mag-aaral
Anu-ano ang mga posibleng
na...
ugat ng malalang kahirapan
Nakabatay ang paghubog at
ng Pilipinas sa kabila ng
pag-unlad ng wika sa mga
masaganang likas na yaman
taong gumagamit nito
ng bansa?
May angkop na salita para
Paano sinasalamin ng
sa ibat ibang sitwasyon.
panitikan ang kasaysayan?
Ang pananakop ng mga
Paano naman nagiging
dayuhan (kolonyalismo) ay
bahagi ng kasaysayan ang
isa sa mga sanhi/dahilan ng
isang akdang pampanitikan?
paghihirap ng isang bansa.
Paano naaapektuhan ng
Ang kalayaan ang susi sa
lipunang ginagalawan ng
pag-unlad ng bayan.
isang tao ang kanyang mga
Ang kawalan ng tunay na
pasya at katauhan?
reporma sa lupa ay isa sa
Bakit mahalaga ang
mga malalang suliranin ng
kalayaan sa buhay ng bawat
mga magsasaka sa ating
tao?
lipunan na nagbubunga ng
Anu-anong salik (factor) ang
iba pang problema.
maaaring makatulong sa
Sinasalamin ng panitikan
pagpapaunlad ng ating
ang mga nangyayari sa
bansa ?
lipunan kaya mahalagang
Anu-ano ang
pag-aralan ito.
benepisyo/kabutihang
Mahalaga sa buhay ng tao
maidudulot sa iyo ng
ang kalayaan dahil ito ang
paggalang sa karapatan ng
susi sa paghahangad ng iba
ibang tao?
pang mabubuting bagay.
Ang pagsandig sa sarili (selfreliance) ay daan tungo sa
kaunlaran ng bayan.
Ang mga karapatang pantao
ang nagbibigay ng
kahulugan at kabuluhan sa
buhay ng tao: kung walang
karapatang pantao, hindi
iiral ang pagiging tao ng tao.
Students will know.../Mababatid ng mga

Students will be able to.../Magagawa ng

estudyante ang...
(Performance Objectives-Core Concepts):
Kahalagahan ng kahulugang
literal, pagbuo ng salitang
tambalan at paglalapat ng
pag-aangkop sa
komunikasyon
Akmang paggamit sa
dalawang antas ng
komunikasyon (pormal at di
pormal).
Mahigpit na kaugnayan ng
panitikan sa kasaysayan at
kung paano magagamit ang
pag-aaral nito sa
pagsasagawa ng mga
repormang kailangan sa
lipunan
Kahalagahan ng kalayaan sa
pag-unlad ng bansa
Masasamang epekto ng
kolonyalismo
neokolonyalismo sa
ekonomya at pulitika ng
bansa
Benepisyong matatamo sa
paggalang sa karapatang
pantao

mga estudyante na...


(Performance Objectives-Core Skills):
Magamit ang diksyunaryo sa
pananaliksik ng kahulugang
literal ng ilang piling salita
Magamit sa sariling
pangungusap ang ibat
ibang salita
Maipaliwanag ang
kaugnayan sa sarili, pamilya
at lipunan ng mga akdang
pampanitikan.
Makapagpahayag ng
kaisipan sa paraang berbal
at di berbal (concept
mapping, tableau,
pagsasadula, pangkatang
pagtalakay)
Mailapat ang teoryang
Formalismo at Realismo sa
pagsusuri ng akda

STAGE 2/IKALAWANG YUGTO: ASSESSMENT EVIDENCE/PAGTATAYA


Performance Task/Gawaing
Other Evidence/Iba pang pagtataya:
Pampagkatuto/Gawain ng Pagganap:
Maikling pagsusulit
Pagsasanay sa aklat
Pagbuo ng mga salitang
Rubrics ng
tambalan at mga salitang
produkto/pagganap
nilapatan ng pag-aangkop:
(Performance task rubrics)
Isipin na kumakain ka sa

Paglikha ng graphic
isang karinderya kasama
organizers (concept
ang mga kaibigan,
mapping atbp.)
namamasyal kasama ang
pamilya at nanonood ng
debate ng mga pulitiko.
Bumuo ng mga dayalogong
naglalaman ng mga salitang
tambalan at nilapatan ng
pag-aangkop, alinsunod sa
mga binanggit na

konteksto .

Pagsasadula ng sitwasyon
ng mga magsasaka bago at
pagkatapos magkaroon ng
tunay na reporma sa lupa:
Kasama ang 7 kamag-aral,
pag-usapan ang sitwasyon
ng mga magsasaka bago at
pagkatapos magkaroon ng
reporma sa lupa. Gawin
itong lunsaran upang
magampanan nang
makatotohanan ng bawat
kasapi ang papel ng
alinman sa mga
sumusunod: magsasaka,
asendero at mga opisyal ng
Department of Agrarian
Reform (DAR). Ipakita ang
sitwasyon ng mga
magsasaka bago at
pagkatapos magkaroon ng
tunay na reporma sa lupa.

Paglikha ng konseptong
papel/sanaysay na
naglalahad ng kahalagahan
ng kalayaan at iba pang
karapatang pantao sa buhay
ng tao, batay sa personal na
karanasan at mga
kontemporaryong
kaganapan sa lipunan.

STAGE 3/IKATLONG YUGTO: LEARNING PLAN/DISENYO NG PAGKATUTO


Mga Gawaing Pampagkatuto:
Unang Linggo:
Orientation: Talakayin ang tema/buod ng yunit at ibigay ang
balangkas/outline ng mga kasanayan na dapat linangin sa
pamamagitan ng mga aralin at gawain, at tukuyin din ang ibat
ibang uri ng pagtataya na dapat asahan.
Pagtalakay sa Aralin sa Wika

Klase: Suriin ang mga salitang tambalan at salitang nilapatan ng


pang-aangkop o coining. (nasa aklat)
Pangkatang Gawain (Gawain sa Pagganap): Bumuo ng mga
dayalogong naglalaman ng mga salitang tambalan at nilapatan ng
pag-aangkop, alinsunod sa ibat ibang sitwasyon.
Pagtalakay sa Aralin sa Panitikan
Klase : Magbigay ng reaksyon sa mga sumusunod na larawan (mula
sa internet): kahirapan sa Pilipinas, mga malalaking negosyo sa
Pilipinas na pag-aari ng dayuhan at mga masaganang likas na
yaman ng bansa.
Indibidwal na Gawain: Ipasagot ang bahaging Hanapin sa
sangguniang aklat (p.7-8)
Klase: Talakayin ang mga sagot sa bahaging Unawain sa
sangguniang aklat (p.8). Iugnay ang nilalaman ng tula sa mga
kontemporaryong pangyayari sa daigdig sa tulong ng mga larawan.
Bigyang-diin ang pag-iral ng neokolonyalismo (hindi direktang
kolonyalismo) sa kasalukuyang panahon. (Giyera sa Iraq at
Afghanistan, charter change pabor sa mga dayuhan, pagmimina ng
mga kumpanyang dayuhan sa Pilipinas atbp. Maaaring magpakita
ng ilang video clips). Batay rito, lumikha ng concept map ng mga
epekto ng kolonyalismo at neokolonyalismo sa bansa.
Pangkatang Gawain: Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na
ihanda ang pagtatanghal ng tableau ng mga piling eksenang mula
sa tula.
Klase: Suriin ang istruktura ng tula (sukat at tugma; bilang ng
taludtod sa bawat saknong atbp.; estilo ng paglalahad ng mga
pangyayari atbp.). Ipaliwanag na ang ganitong pagsusuri ay
tinatawag na Formalismo/Formalistiko.
Magsagawa ng pagtataya sa tableau gamit ang isang rubrics.
Tahimik na pagbasa: p. 4-5 ng TAMBULI IV - Tomo 14, Blg. 4 (S.Y.
2009-2010)
Maikling pagsusulit
Homework: Ipaguhit sa mga mag-aaral ang larawang-diwa ng tula
(tuon sa konsepto ng kolonyalismo at neokolonyalismo).
Ikalawang Linggo
Pagtalakay sa Aralin sa Wika

Klase : Magparinig o magpakita ng video ng usapan ng mga


kabataan at usapan sa isang pormal na pulong. Ipasuri sa mga magaaral ang mga salitang ginamit sa dayalogo. Ipaliwanag ang
kahulugan at pagkakaiba ng antas pormal at di pormal sa
komunikasyon, at kahulugang konotatibo at denotatibo ng mga
salita sa tulong ng lektura sa p.12 ng sangguniang aklat.
Indibidwal na Gawain: Pasagutan ang p. 14-15 ng sangguniang
aklat.
Tahimik na Pagbasa: p.6-7 ng TAMBULI IV - Tomo 14, Blg. 4 (S.Y.
2009-2010)
Pagtalakay sa Aralin sa Panitikan
Klase : Magpakita ng mga video clip na tungkol sa Hacienda Luisita
o mga magsasaka sa Sumilao (maaaring i-download mula sa
Youtube. Maaari ring gamitin ang ilang bahagi ng Sa Ngalan ng
Tubo na mabibili sa Ibon Foundation.).
Indibidwal na Gawain: Ipasagot ang bahaging Hanapin sa
sangguniang aklat (p.23)
Klase: Ibuod ang kwento sa pamamagitan ng dugtungang
pagsasalaysay ng mga mahahalagang pangyayari at paglalahad ng
mahahalagang detalye. Gumamit ng story frame. Talakayin ang mga
sagot sa bahaging Unawain sa sangguniang aklat (p.24). Iugnay ang
nilalaman ng kwento sa mga kontemporaryong pangyayari sa
lipunan sa tulong ng mga news clippings ukol sa mga suliranin ng
mga magsasaka (kawalan ng reporma sa lupa, welga sa Hacienda
Luisita, hunger strike ng mga magsasaka sa Sumilao, Fertilizer
Scam atbp.).
Pangkatang Gawain: Talakayin ang pagkakaroon ng tunay na
reporma sa lupa. Suriin ang mga mahahalagang probisyon ng
Genuine Agrarian Reform Program (GARB) at Comprehensive
Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER) upang
masipat ang mga positibong epekto ng reporma sa lupa (i-download
sa internet ang teksto at pagsusuri ng mga batas na ito).
Gawain sa Pagganap: Isadula ang kalagayan ng mga magsasaka
bago at pagkatapos ng pagkakaroon ng tunay na reporma sa lupa.
Gumamit ng mga dayalogong pormal at di pormal at mga salitang
may kahulugang denotatibo at konotatibo.
Klase: Suriin ang kaugnayan ng akda sa mga makatotohanang
pangyayari noon at ngayon sa lipunan. Ipaliwanag sa mga mag-

aaral na ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na


Realismo/Realistiko.
Magsagawa ng pagtataya sa ginawang pagsasadula sa
pamamagitan ng rubrics (tingnan ang kalakip na halimbawa.)
Gawain sa pagganap (pangwakas na gawain para sa yunit): Pagsulat
ng konseptong papel.
Homework: Magtala ng 5 salawikain sa kwaderno. Saliksikin ang
talambuhay ni Emilio Jacinto.

You might also like