You are on page 1of 4

University of Perpetual Help Dalta

Graduate School
San Andres, Quezon - Celebre Group

Name: Roxanne P. Abetria


Subject: MAFIL05 401
Maunlad na Gramar ng Wikang Filipino
Professor: Prof. Roberto Baltazar S. Celebre
Schedule: 8:00 - 5:00
Paksa: PANDIWA (URI, ASPEKTO, POKUS, AT KAGANAPAN)

PANDIWA - Bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng kilos, gawa, o kalagayan.

MGA URI NG PANDIWA SA KAUKULAN

1. PAYAK – ipinalalagay na ito ang simuno (subject).


Halimbawa: Lubos na maghirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan.
2. KATAWANIN - may simuno ito ngunit walang layong tinatanggap.
Halimbawa: Ang mabait at magalang ay pinagpapala.
3. PALIPAT – may simuno at tuwirang layon (direct object). Ang layong ito ay
pinangungunahan ng mga katagang ng, mga, kay, at kina.
Halimbawa: Nagsampay ng damit si Maria.
4. TAHASAN – ginaganap ng simuno ang isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.
5. BALINTIYAK – hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Ang pagtatayo ng gusali ay pinasiyahan ng punong-lungsod.

ASPEKTO NG PANDIWA
1. Pangnagdaan/Naganap na o Perpektibo (Past Tense)
- nagpapahayag ng kilos o gawang natapos na.
Halimbawa: Nagprito ng isda si Mang Kulas.
2. Pangkasalukuyan/Imperpektibo (Present Tense)
-nagsasaad ng pagkilos na ansimulan na subali’t hindi pa natatapos.
Halimbawa: Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog.
3. Panghinaharap/Gaganapin o Kontemplatibo (Future Tense)
-nagpapahayag na ang kilos o gawa ay mangyayari pa lamang.
Halimbawa: Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.
KAILANAN NG PANDIWA

1. ISAHAN
- ang pandiwa ay nasa payak na anyo.
Halimbawa: Ang guro ay nagtuturo sa mga bata.
2. MARAMIHAN
- marami ang simuno at kilos na isinasaad.
Halimbawa: Nagsisipalakpakan ang mga manonood sa programa.

POKUS NG PANDIWA
- ang relasyon ng pandiwa sa paksa ng pangungusap.

URI NG POKUS NG PANDIWA


1. AKTOR-POKUS/POKUS SA TAGAGANAP
- ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “sino?”

-[mag-, um-, mang-, ma-, maka-, makapag-, maki, magpa-]

Halimbawa: Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.

2. POKUS SA LAYON/GOL POKUS


- Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
“ano?”
- [-in-, -i-, -ipa-, ma-, -an] Sa Ingles, ito ay direct object
Halimbawa: Nasira mo ang mga props sa play.
3. LOKATIBONG POKUS/POKUS SA GANAPAN
- Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “`saan?”
- [pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an]
Halimbawa: Pinagtaniman naming ang bukiran ng maraming gulay
4. BENEPAKTIBONG POKUS O POKUS SA TAGATANGGAP
- Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap;
sumasagot sa tanong na “para kanino?”
- [-in, i-, ipang-, ipag-]
Halimbawa: Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

5. INSTRUMENTONG POKUS/POKUS SA GAMIT


- Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginamit upang maisagawa ang kilos
ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na “sa pamamagitan ng
ano?”/’ano ang gamit’
- [ipang-, maipang-]
Halimbawa: Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para
sa amin.
6. KOSATIBONG POKUS/POKUS SA SANHI
- Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na ‘bakit?”/’ano ang dahilan?’
- [i-, ika-, ikina-]
Halimbawa: Ikinatuwa naming ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming
nanay.
7. PUKOS SA DIREKSYON
- Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na “tungo saan/kanino?”
- [-an, -han, -in, -hin]
Halimbawa: Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan

URI NG KAGANAPAN NG PANDIWA


1. KAGANAPANG TAGAGANAP – bahagi ito ng panaguri na gumaganap sa
kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa: Ikinatuwa ng mga mamamayan ang maringal na pagdiriwang ng
kalayaan ng bansa.
2. KAGANAPANG LAYON – bahagi ng panaguri na nagsasaad ng bagay na
tinutukoy o ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa: Naghanda ng palatuntunan ang mga guro at mag-aaral, sa pagdating
ng mga panauhin.
3. KAGANAPANG TAGATANGGAP – bahagi ng panaguri na nagpapahayag
kung sino ang nakikinabang sa kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Nagbigay ng donasyon ang kanilang samahan para sa mga biktima
ng sunog.
4. KAGANAPANG GANAPAN – bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar na
siyang pinanggaganapan ng kilos na ipinahayag ng pandiwa.
Halimbawa: Nanood ng pagtatanghal sa plasa ang mga kabataan.
5. KAGANAPANG KAGAMITAN – bahagi ng panaguri na nagsasaad kung
anong bagay o kagamitan ang ginagamit upang maisagawa ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa: Iginuhit niya ang larawan ni Rizal sa pamamagitan ng lapis.
6. KAGANAPANG DIREKSYUNAL – bahagi ng panaguri na nagsasaad ng
direksyong isinasaad ng kilos na ipinahahayag ng pandiwa.
Halimbawa: Nagliwaliw siya sa Tagaytay buong araw.
7. 7. KAGANAPANG SANHI – bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilang
pagkakaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa: Nagwagi sila sa pakikihamok dahil sa katatagan ng kanilang loob.

Sanggunian:
- https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pandiwa
- https://www.slideshare.net/mobile/LadySpy18/pandiwa41688248
- https://tl.m.wikibooks.org/wiki/Tagalog/Pandiwa
- Buribooks.com/Blog/2018/8/24/unanglp-pandiwa

You might also like