You are on page 1of 12

9

Filipino
Quarter1 Week2

Mga Inaasahan

Sa araling ito, tatalakayin natin ang katangian ng maikling kuwento


gamit ang halimbawa mula sa Thailand at iba’t ibang gamit ng mga
pangugnay.

Filipino 9-Q1-W2 1
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay taglay mo ang sumusunod na
mga kasanayan:

1. Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa


ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan. (F9PD-Ia-b-39)
2. Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: paksa , mga tauhan,
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba
pa. (F9PS-Ia-b-41)
3. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari . (F9PU-Ia-b-41)
4. Nagagamit ang mga pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari. (F9WG-Ia-b-41)

Bago ka magpatuloy ay basahin ang maikling kuwento at sagutin mo


muna ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang kuwento at pagkatapos ay pagsunod-sunurin ang mga


pangyayari. Ilagay ang bilang 1-5.

ANG MAG-ASAWANG WALANG ANAK

Noong unang panahon, may mag-asawang hindi biniyayaan ng Diyos ng


kahit na isang anak sa loob ng labinlimang taong pagsasama. Sila ay sina Teban at
Osang. Lahat ng paraan ay ginawa na nila ngunit wala ring nangyari. Dahil sa
kabiguang ito, ibinuhos ng mag-asawa ang kanilang panahon sa pag- aalaga na
lang ng maraming hayop tulad ng aso, pusa, manok, pabo, baboy at iba pa. Bukod
sa nalilibang sila sa pag-aalaga ng hayop, sila ay kumikita rin dito.
Sa lipon ng mga alaga nilang hayop, ang pusang puti ang pinakapaborito ni
Osang. Alagang-alaga ito ni Osang sa pagkain at inumin. Itinatabi pa niya ito sa
pagtulog. Parang isang anak na ang turing ni Osang sa puting pusa.
Ngunit sa kabila ng kanilang pagiging abala sa pag-aalaga ng mga hayop,
hindi pa rin sila nawawalan ng pag-asang magkaanak. Patuloy pa rin silang
namamanata sa iba’t ibang santo sa iba’t ibang lugar.
Sa isang malayong bayan na kanilang pinuntahan ay nangako si Osang na
kung siya ay bibiyayaan ng isang anak, ito ay hinding-hindi niya patatapakin sa
lupa.
Ang kanilang kahilingan ay natupad. Hindi nagtagal at nagsilang si Osang ng
isang babae at ito ay pinangalanan nilang Rosario. Lumaki si Rosario sa piling ng
mapagpalang kamay nina Teban at Osang. Tulad ng kanyang pangako, hindi
pinatutuntong ni Osang ang anak sa lupa kung kaya’t si Rosario ay hindi
nakalalabas ng bahay.
Hanggang sa magdalaga na si Rosario ay hindi pa nasayad sa lupa ang mga
paa nito. Nagkasundo ang mag-asawa na ipagtapat kay Rosario ang tungkol sa
kanilang pangako. Naintindihan naman ni Rosario ang kalagayan ng mga magulang
at iginalang niya ang bilin ng mga ito.
Kahit na hindi naglalalabas ng bahay si Rosario, maraming binata pa rin ang
nakabalita sa angking kagandahan ng dalaga. Dumadalaw sila at nanliligaw sa
dalaga. May isang napupusuan si Rosario, siya ay si Antonio.

Filipino 9-Q1-W2 2
Isang araw ay dumalaw si Antonio kay Rosario. Tumawag siya sa labas ng
bahay. Nagkataon naman na sa mga oras na iyon ay wala ang mga magulang ni
Rosario. Dumungaw si Rosario sa bintana.
“Puwede ba akong makatuloy, mahal kong Rosario?” ang tanong ni Antonio.
“Hindi maaari, wala rito ang mga magulang ko. Kabilin-bilinan nina Tatang
at Nanang na huwag akong magpapatuloy ng tao sa loob ng bahay,” ang sagot ni
Rosario.
“Kung ganoon, hindi naman siguro masama kung magkuwentuhan tayo rito
sa hardin,” mungkahi ni Antonio.
Sa kapipilit ni Antonio ay napapayag din niyang magkausap sila ni Rosario
sa may hardin. Naisip ni Rosario na hindi naman siguro masama kung mag-usap
sila sa hardin ni Antonio. Higit sigurong magagalit ang kaniyang mga magulang
kung patutuluyin niya sa loob ng bahay ang binata.
Ngunit pagtuntong na pagtuntong ni Rosario sa lupa ay biglang yumanig ang
buong kapaligiran. Umagos ang tubig na hindi malaman kung saan nanggaling.
Nilamon ng tubig ang kabahayan. Nagyakap sina Antonio at Rosario at humihingi
ng saklolo. Walang tulong na dumating.
Kinahapunan ay dumating ang mag-asawang Teban at Osang. Laking gulat
nila nang di makita ang kanilang bahay. Parang bula itong naglaho. Tanging isang
ilog ang kanilang nagisnan at sa pusod ng ilog na ito ay naroroon ang dalawang
buwaya.

_____A. Hindi magkaanak ang mag-asawa kaya namanata sila sa iba’t ibang santo
sa iba’t ibang lugar.
_____B. Binuhos nila ang panahon sa pag-aalaga ng mga hayop at ang pinaka
paborito ni Aling Osang ay ang alagang puting pusa.
_____C. Hinikayat ni Antonio si Rosario na makipagkwentuhan sa hardin.
_____D. Sa isang iglap ay nilamon ng tubig ang buong kabahayan.

_____E. Namanata ang mag-asawa na kung sila ay bibigyan ng anak ay hindi nila
ito patatapakin sa lupa.

Sagutan ang gawain sa balik-tanaw upang matiyak ko na malinaw na


sa iyo ang unang aralin.

Balik-tanaw

Sagutan ang mga katanungan batay sa tekstong tinalakay sa unang aralin.


Piliin ang letra ng tamang sagot.

_____1. Si Mui Mui ay nasa gitna ng mahabang halinghing at hindi mapatahan ng


dalawang pinakamatatandang kapatid. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. pag-iyak C. pag-awit
B. paghiyaw D. pagbulyaw
_____2. Ano ang madalas na gawin ng ama sa mga anak at asawa sa tuwing siya ay
nalalasing?
A. naghahanda ng pagkain C. nambubugbog
B. nakikipaglaro D. nagwawala
_____3. Ito ang ugali ni Mui Mui na madalas ay hindi mapigil ng ina at kapatid.
A. humahalinghing C. nagsasayaw
B. tumatangis D. kumakanta
Filipino 9-Q1-W2 3
_____4. Nagdesisyon ang ama na magbabago na at hinding-hindi na siya _____.
A. magsusugal C. magtatrabaho B. maglalasing D.
mangangalakal
_____5. Ang ama sa akda ay nawalan ng trabaho at ______.
A. kaibigan C. anak
B. salapi D. kakampi

Pagpapakilala ng Aralin
Sa araling ito, pag-aaralan mo ang mga paraan sa pagsusuri ng isang
maikling kuwento.

Paano nga ba magsuri ng isang maikling kuwento? Maaari nating gawing


batayan ang mga sumusunod sa pagsusuri ng isang maikling kuwento. Handa ka
na ba? Atin nang basahin at unawain.

Una, ang LITERAL na pagsusuri. Dito ay halos iisa lamang ang sagot at kadalasang
nakapaloob sa akda ang lahat ng kasagutan. Pormularyo: literal = akda.

TAUHAN – siya/sila ang kumikilos (sinadya man o hindi) na nagdudulot ng


pangyayari sa kuwento.

PANGUNAHING TAUHAN(PT) - sa kaniya/kanila umiikot ang kuwento; kadalasang


kumikilos sa pagsagot ng problema.

IBA PANG TAUHAN (IPT) - siya/sila ang katuwang o katunggali ng PT sa


pagindayog /pagtakbo ng kuwento.

TAGPUAN – dito naganap ang kuwento (Lugar kung saan nangyari ang kuwento at
panahon kung kailan nangyari ang kuwento).

PROBLEMA – ito ang pinakadahilan / pinanggalingan ng lahat ng mga pagkilos ng


mga tauhan / pangyayari.

PANGUNAHING PROBLEMA - *pinakaproblema, “nanay” ng lahat ng iba pang mga


problemang napapaloob sa kuwento - *taglay, dinadala ng pangunahing tauhan
(kaya magagamit itong patunay / palatandaan upang malaman kung sino ang
pangunahing tauhan).

PANGYAYARI – pagtakbo / pag-usad ng kuwento.

PASAKALYE /SIMULA - mula sa pinakaumpisa hanggang sa ipakilala/ilahad ang


problema.

SIMULA NG PROBLEMA - pinag-ugatan ng mga pagkilos ng tauhan; kadalasan dala


ng pangunahing tauhan.

PANANABIK/PATAAS NA AKSYON - lahat ng mga pagkilos ng PT (sadya man o


hindi) na magaganap upang masolusyunan ang problemang iniikutan ng kuwento
maliban sa pinakahuli.

KASUKDULAN/KARURUKAN - pinakahuling pagkilos ng PT (sadya man o hindi) na


magaganap upang masolusyunan ang problemang iniikutan ng kuwento.

Filipino 9-Q1-W2 4
WAKAS/KINALABASAN - kinahinatnan ng kuwento (matapos maganap ang
pinakahuling pagkilos ng PT upang solusyunan ang problema).
PUNTO-DE-BISTA – Ano ang panauhang ginamit ng may-akda sa pagkukuwento?

“AKO”
Kasali (Unang Panauhan) Hal. Ako ay naglalakad nang bigla akong
nadapa at napaluha ako sa sakit.
“SIYA” /” SILA” / “SI”
Hal. Siya ay naglalakad nang bigla
siyang nadapa at napaiyak.
Limitado / Nagmamasid lang *isinasalaysay lamang ang
(Ikalawang Panauhan) bagay/pangyayaring nakita
Mala-Diyos (Ikatlong Panauhan) “SIYA” /” SILA” / “SI”
Hal. Siya ay naglalakad nang bigla
siyang nadapa, at naalala niyang bigla
ang mga dating kahihiyang naranasan
niya.
*isinasalaysay hindi lamang ang nakita
kundi pati ang nararamdaman o naiisip
ng mga tauhan.
ESTILO NG PAGSASALASAY – ito ang daloy kung paano isinalaysay ang kuwento.
Kronolohikal (A, B, C,…Z)
Pabalik-tanaw (Z-A, B, C, -…)
Daloy ng Kamalayan (P, X, N)
DETALYENG FILIPINO – Ano ang nagpapa-Filipino sa akdang isinalaysay bukod sa
wika?
- tayo lang o isa lang tayo sa iilang mayroon.
- bahagi ng kulturang Filipino na ipinakita o binanggit sa akda (maaaring
bagay, lugar, pangyayari o okasyon, kaugalian, kaisipan).
Ang ikalawa, ang MALALIM na pagsusuri. Dito ay maaaring higit sa isa ang tamang
sagot,bagama’t may maituturing pa ring mali. Ang mga paliwanag o patunay sa
sagot ay nagmula pa rin sa akda. Ito ay kadalasang bunga ng pinagsamang talino
ng may-akda at mambabasa. Pormularyo: MALALIM = AKDA + IKAW (mambabasa)

PAHIWATIG – detalye sa likod ng mga detalye - mga nais sabihin ng may-akda


ngunit hindi niya direktang sinabi.

SIMBOLISMO – detalyeng ginamit ng may-akda na kumakatawan sa isang mas


malaking kaisipan/ ideyang napapaloob sa akda - Pormularyo: A ~ B dahil ang
katangian ng/nangyari sa A ay katangian ng/nangyari rin sa B

PAGLALAPAT – mga kaisipan o pangyayari sa akda na maihahalintulad mo sa


totoong buhay - may mga pangyayari ba sa akdang katulad ng nangyari sa iyo/sa
ating lipunan/sa ibang akda/sa iba pang larangan? - Pormularyo: A=B pero ang A
ay mula sa akda, ang B ay mula sa labas ng akda.

ESTILO/KASININGAN – mga teknik na nakatulong sa bisa/pagkaepektibo ng akda


- Ano-ano ang ginamit na paraan ng may-akda sa kaniyang pagsulat upang maging
makatotohanan, may talab, masining, malikhain, at akma ang kaniyang akda
(bukod sa paggamit niya ng simbolismo at pahiwatig?).

PINAKATEMA – tungkol saan ang akda - Sa isang pangungusap, anong


katotohanan sa buhay ang ibinabahagi ng kabuuan ng akda?

Ngayong naunawaan mo na ang mga paraan sa pagsusuri ng maikling


kuwento, basahin ang halimbawa nito mula sa bansang Thailand.

Filipino 9-Q1-W2 5
Ang Operasyon (Buod)
ni Pensri Kiengsuri

Si Danu Thangrongsakdi ay isang walong taong gulang na biktima ng polio,


may lantang mga kamay at depormado ang mga paa. Masaya niyang ibinalita sa
kaniyang kaibigan na may sampung taong gulang, na siya ay ooperahan na sa
Lunes. Ngunit nakaramdam siya ng takot. Sanay na siyang gumapang sa lapag
gamit ang kaniyang mga kamay.

Ipinangako ng kaniyang kapatid na si Darunee na tetelegramahan niya ang


kanilang Inay. Nang matanggap ng kaniyang ina ang telegrama, nagpaalam siya sa
kaniyang asawa. Ginawang dahilan ni Kamjorn, ang asawang lalaki kay Sriprai na
higit na kailangan siya ng kanilang mahal na anak ganoon din ang pagbabantay sa
tindahan. Nagkaroon sila ng pagtatalo. Sinabi ni Sriprai na alam niya ang dahilan
kung bakit gusto ni Kamjorn na pumunta sa Bangkok at iyon ay ang kasiyahang
matatamasa sa siyudad, hindi ang pagbabantay sa kaniyang anak na lumpo.
Humaba pa ang kanilang pagtatalo. Iginiit pa ni Sriprai na higit na maibibigay niya
ang pagmamahal at pagsuyo bago dalhin sa operating room si Danu.

Matapos ang mahabang pagtatalo kung sino ang pupunta sa Bangkok


Rehabilitation Center for Crippled Children, si Kamjorn ang nasunod.
Kinabukasan nang tanghali ng dumating siya, hindi siya tumuloy sa Rehabilitation
Center, sa halip ay sa matalik niyang kaibigan, si Aneg. Nabahala si Darunee kaya
tumawag ito sa center at nalaman niyang wala pa ang ina. Nag-iiyak si Danu at
sinabing hindi siya magpapaopera kung wala ang ina. Hindi siya kayang payapain
ni Miss Ubol.

Alam ni Darunee na walang tren mula sa Lampang na nakatakdang


dumating sa Bangkok sa araw na iyon. Hindi darating ang susunod na express
train kundi sa Lunes pa ng tanghali at ang operasyon ay nakatakda sa ikasiyam ng
umaga sa araw ring iyon. Hindi na posibleng makarating sa takdang oras ang ina.
Isang serye ng operasyon ang pagdadaanan ni Danu bago niya mapakinabangan
ang mga paa. Kapag pinalagpas niya ang pagkakataong maoperahan, maghihintay
na naman siya ng maraming buwan. Tumawag siya ng long distance sa ina.

Nag-aalala si Sriprai. Maraming masasamang pangitain ang pumapasok sa


kaniyang isip. Nagdesisyon siyang puntahan si Danu sa rehabilitation center.
Samantala, nagulat naman si Darunee nang bisitahin siya ng kaniyang ama
sapagkat hindi man lamang ito tumawag sa kaniya. Nakita rin ni Kamjorn si Danu.
Masaya naman ito nang makita ang ama. Matagal na hinawakan ni Danu ang
kamay ng ama bago siya isakay sa stretcher.

Nabatid ni Kamjorn na may aksidenteng naganap sa tren at kinabahan siya.


Tinanong niya kung may namatay at nalaman niyang dalawampu’t tatlo ang
nakilala na. Dali-dali niyang kinuha ang diyaryo. Nawalan siya ng malay at nang
magkaroon ng ulirat, nag-iiyak at nagtangkang magpakamatay. Laking pagkahabag
ang nadama ni Miss Ubol kay Danu nang makita si Kamjorn sa magusot na
kaayusan. Kumalat ang balitang nabaliw ito at ang ina naman ay namatay sa
aksidente sa tren.

Ngayon naman ay pag-aralan mo ang pang-ugnay na ginagamit bilang hudyat ng


pagsunod-sunod ng mga pangyayari.

Narito ang mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga

kilos/pangyayari o gawain na maaari nating gamitin sa paglalahad: sa

pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una sa gitna: ikalawa,


Filipino 9-Q1-W2 6
ikatlo, ..., sumunod, pagkatapos, saka sa wakas: sa dakong huli, sa huli,

wakas

Kung tayo ay magpapahayag ng pagbabagong-lahad, maaari nating gamitin


ang mga salitang: sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita

Kung tayo naman ay nais magbigay-diin o kaya ay nais magbigay-pokus,


maaari nating gamitin ang mga salitang gaya ng: bigyang-pansin ang, pansinin na,
tungkol sa

Sa pagdaragdag o may karagdagan sa ating nais ipahiwatig, magagamit


natin ang mga salitang: muli, kasunod, din/rin

Sa pagpapahayag naman ng paglalahat ay maaari nating gamitin ang mga


pahayag na: bilang paglalahat, sa kabuuan, samakatuwid

Sa pagtitiyak o pagpapasidhi ng ating pahayag ay maaari nating gamitin


ang mga pahayag na: siyang tunay, walang duda.

Inaasahan ko na naunawaan mo ang ating mga tinalakay. Kung may


bahaging hindi mo lubos na naunawaan ay huwag kang mag-atubiling
magtanong sa iyong guro. Maaari mo ng sagutin ang mga gawain sa
kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan

Bigyang-kahulugan ang sinalungguhitang mga pahayag ayon sa


pahiwatig nito sa pangungusap.

1. Sanay na siyang gumapang sa lapag gamit ang kaniyang mga kamay.


2. Sinabi ni Sriprai na alam niya ang dahilan kung bakit gusto ni Kamjorn na
pumunta sa Bangkok at iyon ay ang kasiyahang matatamasa sa siyudad, hindi ang
pagbabantay sa kaniyang anak na lumpo.
3. Hindi siya kayang payapain ni Miss Ubol.
4. Hindi na posibleng makarating sa takdang oras ang ina.
5. Laking pagkahabag ang nadama ni Miss Ubol kay Danu nang Makita si Kamjorn sa
magusot na kaayusan.

Gawain 1.2 Pagsagot sa Tanong

Sagutin nang mahusay ang mga tanong:

1. Sino si Danu? Ilarawan siya.______________________________________________.


2. Ano ang gagawin sa kaniya?_______________________________________________.
3. Bakit hindi ang kaniyang ina ang nagtuloy sa Bangkok upang magbantay
kay Danu sa ospital?_____________________________________________________.
4. Paano tinanggap ng kaniyang ama ang nangyari sa ina bunga ng aksidente
sa tren? __________________________________________________________________.

Filipino 9-Q1-W2 7
5. Paano inilarawan ang pamilyang Asyanong ipinakita sa kwento?
_____________________________________________________________.

Gawain 1.3 Isalaysay na muli ang binasang akda gamit ang kasunod na
dayagram. Ilagay sa hiwalay na papel ang sagot. Gumamit ng hudyat sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

ANG OPERASYON
SIMULA
Pangunahing Tauhan _____________________________________________
Tagpuan _____________________________________________
Suliranin _____________________________________________
GITNA
Kasukdulan _____________________________________________
WAKAS
Kakalasan _____________________________________________
Katapusan _____________________________________________

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

 Kumpleto ang ibinigay na sagot. 3– piling pamantayan lamang


 Maayos ang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari 1 – isang pamantayan lamang
 Mahusay ang pagbuo ng pangungusap

Nagustuhan mo ba ang kuwento? Ngayon naman ay subukan mong


ihambing ang isang pangyayari sa napanood na telenobelang Asyano sa
kasalukuyang panahon.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang pagsusuri ng maikling kuwento at iba’t ibang gamit ng
pang-ugnay, narito ang mga dapat mong tandaan.

1. Ang mga maikling kuwento ay lubos nating mauunawaan kung susuriin sa


iba’t ibang paraan gaya ng paksa, mga tauhan, pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari, estilo sa pagsulat ng awtor at iba pa.

2. Ang pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit


sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.

3. Ang mga angkop na pang-ugnay ay ginagamit sa pag-uugnay-ugnay ng mga


pangyayari upang maging mas mabisa ang daloy ng kuwento.

Filipino 9-Q1-W2 8
Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Maglahad ng pangyayari sa telenobelang Asyano at ihambing ito sa ilang mga


kaganapan sa kasalukuyang panahon.
Pangyayari sa Napanood na Kaganapan sa Lipunang Asyano sa
Telenobelang Asyano Kasalukuyang Panahon

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot :
5 – taglay ang 3 pamantayan
 Angkop ang ginawang
paghahambing. 3– piling pamantayan lamang
 Malinaw ang pakakalahad ng mga
pangyayari. 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagkakabuo ng mga
pangungusap.

Basahin ang maikling kuwento at pagsunod–sunurin ang mga


pangyayari ayon sa daloy ng kuwento. Ilagay ang bilang 1-5 sa patlang.

Ang Operasyon ni Eli


ni Jane McBride Choate (Batay sa tunay na buhay)

“At gayon din lahat sila na tumanggap ng pagkasaserdoteng ito ay tinanggap ako, wika
ng Panginoon” (D at T 84:35).

Tiningnan ni Eli ang tambak na homework na idinaan ng kaniyang kaibigan pauwi


mula sa eskuwelahan. Isang linggo pang lumiban sa klase si Eli dahil sa impeksiyon sa
tainga.

Nang gabing iyon pumasok ang mga magulang ni Eli sa kaniyang silid. Naupo ang
kaniyang ina sa gilid ng kama ni Eli at hinawakan ang kaniyang kamay. “Eli, sa palagay ng
doktor ay kailangan mong maoperahan,” wika niya.

Filipino 9-Q1-W2 9
“Ano pong klaseng operasyon?”

“Gusto niyang lagyan ng mga tubo ang mga tainga mo para hindi na kumalat ang
impeksiyon,” sabi ni Inay. “Hindi masakit iyon, at isang araw ka lang sa ospital.” Pinisil ni
inay ang kaniyang kamay.

May tiwala si Eli sa kaniyang mga magulang. Ngunit takot siya sa ideyang ooperahan
siya. Naisip niya ang kuwentong narinig niya sa primarya tungkol kay Joseph Smith. Nang
si Joseph ay pitong taong gulang, naimpeksiyon ang buto niya sa binti. Lumala ang
impeksiyon kaya ipinasiya ng doktor na kailangang alisin ang bahagi ng buto o kung hindi
ay mapuputulan ng binti si Joseph o baka mamatay pa siya.

Noong panahon ni Joseph Smith, pinaiinom ng alak ng mga doktor ang mga taong
ooperahan para hindi sila makadama ng sakit, ngunit tinanggihan ni Joseph ang alak na
ipinaiinom sa kaniya ng doktor. At ayaw niyang magpatali sa kama. Sinabi niya na kung
hahawakan siya ng kaniyang ama, hindi siya gagalaw. Mahigpit na niyakap si Joseph ng
kaniyang ama sa buong operasyong iyon na masakit. Tagumpay ang operasyon, at gumaling
si Joseph.

Naisip ni Eli ang tapang at pagtitiwala ni Joseph sa kaniyang ama. “Maaari po ba


ninyo akong basbasan, itay?” tanong niya. Alam ni Eli na makakatulong sa kaniya ang
basbas ng priesthood. Noong magsimula ang klase, binasbasan ng kaniyang ama si Eli.

“Maganda ang naisip mo, ” sabi ng kaniyang ama.

Humalukipkip at yumuko ang ina ni Eli. Nadama ni Eli ang mga kamay ng kaniyang
ama sa kanyang uluhan. Tiwala ang tinig ng kaniyang ama nang basbasan nito si Eli na
hindi siya matakot at lubusang gumaling.

Nang matapos ang pagbabasbas, hindi na takot si Eli. “Puwede na po akong


operahan ngayon,” wika niya.

Tatlong araw pagkaraan nagpunta siya sa ospital at umuwi kinabukasan. Hindi


naglaon at nawala na ang impeksiyon sa tainga, at madaling nakahabol si Eli sa gawain sa
paaralan.

Nagpasalamat si Eli na siya ay miyembro ng “Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga


Banal sa mga Huling Araw” at siya ay mababasbasan sa pamamagitan ng priesthood.

_____1. Tiwala siya sa tinig ng kaniyang ama nang basbasan si Eli upang hindi na
siya matakot.
_____2. Malaki ang tiwala ni Eli sa kaniyang mga magulang ngunit takot siya sa
ideya ng operasyon.
_____3. May impeksiyon sa tainga si Eli at kailangang operahan ayon sa kanyang
doktor.
_____4. Hindi naglaon at nawala na ang impeksiyon sa tainga at gumaling na si Eli.
_____5. Isang linggo pang lumiban sa klase si Eli dahil sa kaniyang karamdaman.

Pagninilay
Kung ikaw si Danu, paano mo haharapin ang bukas ng walang kasiguruhan?
Iguhit ang iyong mga pangarap na nais matupad.

Filipino 9-Q1-W2 10
Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na
puntos:
Mga katangian ng sagot :
5 – taglay ang tatlong
 Naaangkop ang iginuhit sa pamantayan
ibinigay
 Maayos at madaling 3– dalawang pamantayan lamang
maunawaan
 Naipaliwanag nang mahusay 1 – isang pamantayan lamang
Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan! Kung
mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Filipino 9-Q1-W2 11

You might also like