You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

LUNA COLLEGES
Tayug, Pangasinan

Panunuring Pampelikula sa Pelikulang: Hintayan sa langit

Reymark G. Castro
BEED 4th

Ikalawang Semestre, 2024


Rubriks para sa Panunuring Pampelikula
Pamantayan sa Pagmamarka Puntos

Nilalaman: Ganap na naibigay ang mga datos na hinihingi sa 50


panunuri

Gramatika at Retorika: Nakasusulat nang wasto at maayos 40


na gramtika, at nakapipili akmang salita sa pagsulat ng
pang akademikong sulatin.

Panahon: Naipasa sa takdang oras 10

Kabuoang Puntos 100

Inihanda ni:

Philip Leonard B. Daruca


College Instructor
I. Tungkol sa Pelikula

A. Pamagat ng Pelikula
“Hintayan ng
Langit”

Pinamagatan itong “Hintayan ng Langit” dahil ipinapakita nito ang purgatoryo na


siyang antayan ng mga kaluluwang sumakabilang buhay na habang nag-aantay silang
papasukin sa kalangitan, binibigyan ideya din ang manunuod kung ano ang nangyayari
sa mga taong sumakabilang buhay. Tungkol ito sa dalawang kaluluwa na naghihintay
sa purgatoryo upang maka-akyat ng langit habang pinoproseso ang kanilang mga
papel. Dalawang dating nag-ibigan sina Lisang at Manolo at sa kanilang mga nalalabing
oras sa purgatoryo ay nais nilang sulitin ang pagkakataong iyon habang sila ay
magkasama na hindi nila nagawa nuong sila ay nabubuhay dahil madaming tanong ang
naiwan sa kanila, pangalawang pagkakataon na makilala nila muli ang isa’t isa at
mapagtanto kung ano talaga ang ibig sabihin ng “buhay”.

B. Direktor:
- Dan Villegas

B. Prodyuser:
- Antoinette Jadanone
- Dan Villegas
- Armi Rae Cacanindin
- Manet Dayrit
- Reign Anne De Guzman
- Quark Henares
- Cia Jorge
- Ed Lejano

D. Mga Pangunahing Tauhan:

- Gina Pareno - bilang si Lisang may dalawang taon na nag-aantay sa


purgatoryo upang makaakyat ng langit.
- Eddie Garica - bilang si Manolo dating katipan ni Lisang na siyang
magiging kasama ni Lisang sa kwarto.
- Mel Kimura - isa sa mga Gabay na naghahanda sa mga
kaluluwang nasa purgatoryo.
- Kat Galang - bilang isang bantay sa purgatoryo.
- Joel Saracho - bilang ang Tagasuri
- Mary Joy Apostol - ang batang karakter ni Lisang
- Jomari Angeles - ang batang karakter ni Manolo
- Che Ramos - bilang si Angie anak ni Manolo.
- Karl Medina - bilang si Marlon
- Geraldine Villamil - bilang si aling Baby na nakasama ni Manolo sa isang
grupong nagsasalaysay ng kanilang mga naging
buhay.

E. Tema ng Pelikula

Ang tema ng pelikula ay romantisimo, realidad, paghihintay at pagtitimpi ngunit


nagawa pa din bagtasin ng pelikulang ito ang iba’t ibang idelohiya na pumapaloob sa
kabilang-buhay ng pagmamahal. Sinubok man ang hangganan ng buhay ay nagkaroon
pa din ng posibilidad na ang dalawang kaluluwa’y mabigyan ng pangalawang
pagkakataon upang magkaroon ng walang- hanggan.

F. Buod ng Pelikula

Sa purgatoryo ay bagong dating lamang si Manolo kausap nya ang taga-suri at


hinahanapan siya ng kuwarto nagkataon na walang bakante kaya sa kuwarto ni Lisang
napunta si Manolo, dito muling nagkita at nagkausap ang dalawa sa una ay aakalain
mong walang namagitan sa kanilang nakaraan. Matagal ng nag-aantay ng tawag si
Lisang para makatawid sa kalangitan ngunit sa di mawari ay palagi itong nagpapakita
ng kagaspangan ng ugali na wari mo ay sinasadya na syang naging hadlang upang
hindi pa siya umakyat ng langit inabot siya ng dalawang taon sa purgatoryo. Maayos
ang pakikitungo ni Lisang kay Manolo hanggang sa inimbitahan si Manolo ng Bantay na
sumama sa isang grupo na naglalahad ng kanilang mga buhay. Duon ay nakilala nila si
aling Baby na nagdadasal pala na ialis siya ng panginoon sa problemang kinakaharap
nuon sa lupa hanggang siya ay inatake at namatay ay abot ang pasasalamat niya sa
Diyos. Duon din ay nagkuwento si Manolo na nais pa din niyang gampanan ang
pagiging ama sa kaniyang anak kahit na siya ay nasa kabilang buhay na. Mapagtatanto
mo na may hinanakit at pagtitimpi silang tinatago para sa isa’t isa. Nasabi ni Lisang na
may paraan siya upang makatawid ang isang kaluluwa sa lupa at makita ang mahal nito
sa buhay, ngunit bago niya ituro ito ay may mga kondisyon si Lisang kay Manolo, una
ay nagpunta sila sa isang bar kung saan sila kumain at uminom, nagkakuwentuhan sila
at nasabi ni Manolo na nagpunta siya sa libing ni Lisang, nakasama nila ang ibang
kaluluwa tulad ni aling Baby at ni Mayor kasama ng iba pa sila ay nagkuwentuhan.
Sinabi ni Marlon na isa sa pinakamahirap ay ang pagsisisi ito daw ang pinakamahirap
dalhin ng isang namatay, dito din sinabi ni Lisang na “Tapos bigla nalang, isang araw
magugulat ka. Aba! Handa na sila. Hindi ka na nababanggit.
Masaya na pala sila. Akala mo pinagluluksa ka pa, pero hindi. Ikaw nalang pala ang
hindi pa tapos.” Bumalik sila sa kanilang silid nuon ay tumawag ang asawa ni Manolo,
nagpunta sa Tagasuri si Lisang at tinatanong kung bakit aakyat na siya ng langit dito ay
makikita mong ayaw pa talaga ni Lisang iwan si Manolo, pagkabalik ng kuwarto ay
inaya ulit ni Lisang na gamitin nila ang pangalawang susi habang naglalakad ay
nagkatanungan sila kung madali daw ba silang limutin? Si Manolo ay sumagot na hindi
nung tinanong ni Lisang na “Am I that easy to forget?” saka sila tumungo sa kuwarto
kung saan Sa balangkas ng pelikulang ito ipinakita ang kanilang nakaraan nuong
panahon na sila ay magkasintahan pa lamang me kinuha silang VHS tape na
naglalaman ng kanilang nakaraan, nagbalak silang magtanan, naghintay sa unang
beses si Lisang kay Manolo ngunit hindi ito dumating ganun din sa pangalawang beses
kung saan humingi ng tawad si Lisang kay Manolo dahil nabuntis na siya nuon ni
Nestor ngunit kahit ganun pa din ang nangyari ay gusto pa din itanan ni Manolo si Lisa
ngunit hindi ito dumating sa pangalwang pagkakataon, pinanuod ito ni Manolo, ngunit
sa likod pa din nito ay nandun pa din ang hinanakit at di na napigilan ni Lisang sabihin
na galit na galit siya kay Manolo kung naisip daw ba nito na paano kung sila ang
nagkatuluyan dito sinabi ni Manolo na pumunta siya nahuli lamang ang kaniyang dating
nandun din ang hinanakit ni Manolo kay Lisang nung sinabi nito na di man lang siya
hinintay. Dito na sinabi ni Lisang “Tama na. Sige na, tapos na. Tutal naging masaya
naman tayo diba? Sa mga pinili natin?” Nagkalinawan sila at sinabi din nila na naging
masaya naman sila sa kanilang mga buhay sa piling ni Nestor asawa ni Lisang at ni
Ester asawa ni Manolo. Matapos ang kanilang pag-uusap ay may kumatok at may
ipinasok na papel na naglalaman ng pag-alis ni Lisang patungong langit. Bago bumaba
sila Lisang upang tignan ang kanyang pangalan sa lagdaan pero bago ito umalis ay
tinuro nito ang pintuan ng kuwarto kung saan may butas na masisilip kung ano na ang
kalagayan ng mga naiwan nilang mahal sa buhay. Bumaba na si Lisang at tinungo ni
Manolo ang kuwarto, duon nakita niya ang kanyang anak tinatanong kung ano na ang
kanyang kalagayan, nakinig lamang si Manolo at sa huling pagkakataon ay hinalikan
niya ito sa noo. Nuon din ay tinungo ni Manolo ang kuwarto kung saan nakalagak ang
kanilang mga nakaraan kinuha niya ang araw na namatay siya at pinanuod duon niya
nakita si Lisang. Si Lisang pala ang nakita niya sa ospital at hindi ang kanyang asawa,
dalawang beses na palang pinupuntahan ni Lisang si Manolo nuong una ay sa unang
atake nito. Mula nuon ay nakabantay na pala si Lisang kay Manolo at talagang sinadya
ni Lisang na magpatagal sa purgatoryo upang antayin si Manolo dahil sinabi nito kay
Manolo na ayaw niyang sabihin na naman nito na hindi niya inantay muli si Manolo,
dahil nuong unang inatake ito ay nanduon si Lisang at sinabi sa kaniya ni Manolong
intayin siya nito kaya ginawa lahat ni Lisang ang paraan upang manatili sa kalagitnaan
hanggang siya ay abutin ng dalawang taon. Sa huli ay nagka-ayos sila at sa muli sila ay
sumayaw habang sila ay nagsasayaw duon nila naisip lahat ng dapat nilang naging,
wala ng nais umakyat sa langit upang mabigyan muli ng pangalawang pagkakataon ang
kanilang pagmamahalan, binutas nila ang dingding at tumawid kaya pagpasok ng
Bantay upang sunduin si
Lisang ay wala na sila ni Manolo sa kanilang kuwarto tumawid sila at muling nagbalik sa
kasalukuyan bilang mga “multo”.

II. Mga Aspektong Teknikal

A. Musika

Akma ang bawat musikang inilapat sa pelikulang “Hinatayan sa langit” bagay sa


mga eksenang nilapatan ng musika, lalo na sa huling eksena na nagsasayaw sina
Manolo at Lisang, mararamdaman mo ang pananabik ng bawat isa at pagmamahalan.

B. Sinematograpiya

Maganda ang sinematograpiya, malinaw at madali mong malalaman ang


pagkakasunod ng bawat eksena dahil sa mga lugar na ipinapakita nito kahit iisang lugar
lamang ang ginamit ay hindi ka malilito. Hindi madilim at malinaw ang pagkakagawa ng
bawat, malinaw din ang mga kuha sa bawat karakter kahit na nga nasa telebisyon
pinapanuod nila Manolo at Lisang ang kanilang nakaraan madali mong maiintindihan at
mauunawaan dahil malinaw din ang pagkakakuha dito.

C. Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikulang “Hintayan sa Langit”


ay maayos ang pagkakagawa hindi mo magawang magtanong at malito kung saan
patutungo ang kuwento. Maayos nitong naipakita ang bawat eksenang karampatan sa
pagkakasunod-sunod nito, walang pagtataka kung ano ang nangyari sa huli dahil
napakalinaw ng pinatunguhan ng bawat eksena hanggang sa huli.

D. Pagganap ng mga artista

Lahat ng artistang gumanap ay nabigyang buhay ang bawat karakter na kanilang


ginampanan lalo na sa karakter nila Manolo (Eddie Garcia) at Lisang (Gina Pareno) na
halos sa kanilang dalawa lamang umikot ang bawat eksena. Mararamdaman mo ang
bawat salita at emosyon na ipinakita nilang dalawa sa pelikulang ito ang pagtitimpi,
panghihinayang at pagmamahal. Sadyang makatotohanan ang kanilang pagganap
bilang artista sa kanilang mga karakter na ginampanan, maganda din ang pagkaka-
arte ng ibang mga artistang gumanap kahit
na maliit lamang ang kanilang eksena at papel. Hindi mapantayan ang galing sa pag-arte ng
mga beteranong artista tulad nila Eddie Garcia at Gina Pareno.

E. Tagpuan

Ang tagpuan ng kuwentong ito ay sa Purgatoryo ngunit hindi ito ang tipika na
iniisip ng mga tao tungkol sa lugar na ito na aakalain mong palutang-lutang lamang ang
mga kaluluwa. Ginawa nilang isang parang Hotel ang lugar ng kalagitnaan kung saan
may tagasuri at tagabantay na siyang umaalalay sa mga kaluluwang nag-aantay maka-
akyat ng langit. Ang mga kuwartong pinuntahan nina Lisang at Manolo ay sadyang may
karampatang papel sa pelikula tulad na lang ng pintuan kung saan ang mga kaluluwa’y
makakaranas pa din ng pag-inom at pagsasaya. Gayundin ang kuwarto kung saan
nakalagak ang bawat pangyayari sa buhay ng mga tao na nangamatay na. Ipinapakita
dito na ang bawat kaluluwa’y may pinatutunguhan muna bago dumiretso sa langit na
may prosesong dapat sundin at may mga taong kailangan munang ilagak sa Purgatoryo
upang matanggap ang kanilang kamatayan at handa na nilang iwan ang mga mahal na
nila sa buhay.

III. Kahalagahan Pangtao

A. Paglalapat ng Realismo

Ang “Hintayan sa Langit” na isinulat ni Juan Miguel Severo ay maghahatid ng


bagong pananaw sa buhay ng manunuod. Ginamit dito ang mga tema tulad ng pag-ibig,
paghihintay at pagtitimpi, may konsepto ng kabilang-buhay kung saan iisipin mo na iba
nag purgatoryo sa pagkakalarawan mo sa iyong isipan, kapani-paniwala ang bawat
eksenang mapapanuod mo, may batayan din sa pag-ibig na tipikal na nangyayari sa
dalawang taong nag-ibigan na hindi nagkatuluyan na may mga pagsisisi na dala-dala
nila hanggang sa sila ay mamatay, may mga tanong sa isipan nila na paano at ano ang
mangyayari sa kanilang dalawa kung sila ay nagkatuluyan, kapani-paniwala ang
paglalapat ng realismo sa pelikulang ito, mapapaniwala ka na ang mga kaluluwa ay
hindi lamang palutang-lutang kung hindi may isang lugar para sa kanila na sadyang
nag-aantay at gagabay sa kanila upang makatawid ng langit na may pagkakataon pang
maitama ang bawat pagkakamali na naging desisyon habang sila ay nabubuhay at
mabigyan ng pangalawang pagkakataon upang maitama ito.
B. Mga aral

Maraming aral ang kapupulutan sa pelikulang “Hintayan sa Langit” ipinapakita


dito na may mga mali tayong desisyon sa buhay na maaari pa ding maitama kung
bibigyan lamang ng pagkakataon ang isang tao, na hindi din dapat nagtitimpi o
nagtatanim ng galit sa kapwa o panghihinayang dahil dala-dala mo na ito hanggang sa
iyong huling hininga. Sabi nga tao lamang tayo nagkakamali may mga salita o
desisyong nabibitawan na pagsisisihan sa huli ngunit nasa atin na ito kung paano natin
aayusin lalo na sa mga taong nagmamahalan hangga’t may pagkakataon at kayang
gawan ng paraan ay gawin, wag ng antayin pa na sumakabilang-buhay na ang taong
mahal mo bago mo ito sabihin o itama upang sa huli ay wala ng pagsisihan dahil
nagawa mo ang dapat mong gawin.

C. Kabuuang Pananaw

Sa aking pananaw maganda ang mensahe ng pelikulang ito, mapagtatanto mo


ang kahalagahan ng buhay habang ikaw ay nasa lupa. Sinasabing gawin mo ang mga
dapat na nais mong gawin upang sa huli ay wala kang pagsisisi kung bakit hindi mo
nagawa o nasabi, tulad na lang sa karakter ni Lisang at Manolo nanduon sa kanila ang
pagtitimpi na matagal na nilang isinantabi, nandun ang panghihinayang ang pagsisisi.
Ang pagmamahalan nila na hindi naisakatuparan ng dahil lamang sa hindi
pagkakaunawaan at sa sinasabi ni Manolo na hindi siya hinintay ni Lisang. Dala-dala
nila ang hinanakit ng kanilang nakaraan kung kaya’t si Lisang ay hindi makatawid ng
langit, ngunit sa huli ang pagmamahalan at pagkaka-unawaan pa din ang nanaig sa
kanilang dalawa parehong may pagsisisi at paghingi ng kapatawaran sa bawat isa.
naipamalas nila dito na may pangalawa pang pagkakataon upang maitama at
maisagawa ang mga hindi nila nagawa nuong sila ay nabubuhay pa, na importante sa
buhay ng tao ang magpatawad at magmahal.

You might also like