You are on page 1of 2

+Mga Salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng mababang marka ng mga ika-11

na baiting ng STEM sa Unibersidad ng La Salette sa asignaturang matematika

a.) Rationale
Ayon kay Breslish na kaniyang binanggit kay Castillo (2010), ang matematika ay
importante sa kabuuang pag-aaral dahil sa bilang ng mga tao ngayon na
nangangailangan ng malaking kaalaman sa matematika sa aktibidad at
karanasan sa araw-araw na buhay. Ang lebel na kakayahan sa matematika ng
mga estudyante ay nakaaapekto sa kurso, nakasanayang konsentrasyon
pamamahagi ng mga relasyon sa ibang tao, oras ng pag-aaral at ang ugali sa
paghahanda sa eksam, ugali sap ag-aaral ng asignaturang matematika, at
kadahilanang may kaugnayan sa pag-aaral. Ang malaking rason kung bakit
mababa ang matematiko ay pagkabigo sa paghahanap ng kinakailangang
tulong. (dagdagan pa ng impormasyon)

Ayon kay Pascho (2009) sinabi nya na ang pagkatuto ng sa asignaturang


matematika ay isang kumplikadong proseso. Ang maayos at maliwanag na
pagpapaliwanang ang kailangan sa asignaturang matimatika para maging madali
itong matutunan. Ang abilidad ay hindi rin importante sa pag-abot sa hangganan
layunin ng buhay tulad na lamang ng kaligayahan. Ang dahilan ng pagbagsak ng
isang estudyante ay ang kawalan ng interes sa pag-aaral at may ibang
asiganturang nakapagpapapresyur dito. Dahil sa presyur na ito nahihirapan ang
mag-aaral sa pagbalanse ng kanilang pag-aaral sa bawat asignatura na nagiging
dahilan kung bakit nawawalan ng iteres ang estudyante sa pag-aaral. Ang
dahilan rin nang pagbaba ng grado ng mga mag-aaral na nagrespondante sa
surbey ay mahihinuha sa nakuhang resulta na ang pinakadahilan ng pagbaba ng
grado ng mag-aaral ay ang katamaran. Maagapan lang ang pagbaba ng grado
ng mga mag-aaral kung magbibigay sila ng motibasyon at kung sisipagan nilang
mag-aral.
b.) Layunin
Ang nais ng pag-aaral na ito ay magpokus sa impormasyon ukol sa mga salik na
nakaaapekto ng pagkakaroon ng mababang marka sa asignaturang matematika.
Nais ng pag-aaral na ito na malaman ang dahilan sa pagkakaroon ng mababang
marka sa matematika at kung paano ito hinaharap sa kasalukuyan. Ipinapakita
sa ibang pag-aaral na maraming estudyante ay mayroong mababang marka sa
matematika, dahil dito, ipinapahayag ng papel na ito sa mga estudyante ang
importansya ng pag-aaral upang malaman nila ang dapat gawin at maipa-intindi
sa bawat mag-aaral na hindi biro ang pag-aaral at hindi dapat ito binabalewala.

c.) Metodo
Ipinapanukala ng konseptong papel na ito ang pagsasagawa ng pakikipanayam
sa ilan sa mga mag-aaral na mayroong mababang marka sa asignaturang
matematika bilang metodo ng pagkalap ng impormasyon ayon sa layunin ng
pananaliksik ng isinasagawa. Mamimili ng tatlong estudyante sa bawat seksyon
sa ika-11 na baitang ng STEM sa Unibersidad ng La Salette Senior High sa
pamamagitan ng grounded theory gamit ang metodo na purposive upang alamin
ang mga salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng mababang marka sa
asignaturang matematika. Sa pamamagitan ng mga katanungan ay malalaman
ng mga mananaliksik kung ano ang mga salik kung bakit nagkakaroon ng
mababang marka sa asignaturang matematika at kung paano nila ito hinaharap.

d.) Inaasahang resulta


Ang inaasahang resulta ng pag-aaral na ito ay magbigay impormasyon patungkol
sa pagbaba ng marka ng mga estudyante sa asignaturang matematika, at
matukoy ang mga salik na higit na nakaaapekto sa pagbaba ng marka ng mga
mag-aaral at ang ilan sa mga dahilan nila kung bakit mababa ang grado ng
kanilang natanggap.

You might also like