You are on page 1of 7

MATINA, DAVAO CITY

Juna Subdivision, University Avenue,Davao delsur.

“BILANG NG MGA MAG-AARAL NA MAY MABABANG


MARKA SA ASIGNATURANG MATEMATIKA NG BAITANG
11 ABM PANG-UMAGANG SESYON NG PHILIPPINE
WOMENS COLLEGE NG DAVAO”

Francis Peter P. Degamo

Sunshine Tuvilla

Monique Malate
INTRODUKSYON:

Sa panahon natin ngayon, matematika ang pinaka-inaayawan ng mga


estudyante. Sapagkat, karamihan ay nahihirapan sa asignaturang ito. Karamihan
pa nga ay nakakakuha ng mabababang marka ang mga estudyante, kung hindi’y
bumabagsak talaga. Bibihira na lamang ang pumapasa sa asignaturang ito.
Suliranin para sa mga estudyante ang makipagkita sa kanilang guro sa
matematika sapagkat pakiramdam nila’y kalbaryo na naman ang hatid nito.

Maaaring wala na ngang ibang opsyon ang mga estudyante kundi ang
magsikap para makapasa.Ang matematika ay isa sa pinakamahirap na
asignatura para sa maraming mag-aaral. Ito ang madalas na merong mababang
marka ang mga estudyante dahil rito. Maraming mga matematiko ang
nagsasabing ang matematika ay karugtong ng ating buhay. Ayon kay Benjamine
Peirce ang matematika ay agham na humuhugot ng mga kinakailangang
konklusyon.

Sinaad naman ni David Hilbert tungkol sa matematika na hindi tayo


nagsasalita rito ng pagiging arbitraryo sa anumang kahulugan. Bagkus! ito ay
isang konseptwal na sistemang nag-aangkin ng panloob na pangangailangan na
maaaring ganoon lamang at sa walang kahulugan na iba dito.

Ang matematika ay hindi lamang para sa mga siyentipiko. Ito ay para sa


ating lahat. Kapag ikaw ay namimili, nagpapalamuti ng iyong tahanan, o nakikinig
sa araw-araw na ulat ng lagay ng panahon, ikaw ay gumagamit o nakikinabang
sa mga simulain ng matematika.

Maraming mag-aaral ang waring nakadarama na ang matematika ay


nakababagot at walang kaugnayan sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Gayundin ba ang nadarama mo? Suriin natin kung paano maaaring maging
kapaki-pakinabang, madaling unawain, at kawili-wili ang matematika.
Kabilang sa iba pang sangay ng matematika ang algebra at calculus. Sa
nakalipas na maraming siglo, ang matematika ay naging tunay na pandaigdig na
wika na ginagamit ng lahat anuman ang kanilang kultura, relihiyon, o kasarian.
Ito man ay sa siyensiya, industriya, negosyo, at sa araw-araw na pamumuhay,
ang matematika ay may kakayahang lumutas ng ilan sa pinakamahihirap na
tanong na napapaharap sa atin.

Si Albert Einstein ay nagsaad naman na ang mga batas ng matematika ay


tumutukoy sa realidad.Mahalaga ang pag-aaral ng matematika. Binibigyan nito
ng direksyon ang bawat buhay nga isang tao. Ngunit sa paglipas ng maraming
panahon ay nagbago ang pagpapahalaga ng mga tao ukol sa usaping
matematika. Sinasabi ito’y napakahirap at yun ay dahil hindi nila alam ang
kahalagahan nito sa aktwal na buhay.

Ang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay, personalidad, at kaganapan,


sa ating kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay tumatalakay sa
isang simpleng bagay, ito pa rin ay binibigyang importansya.Kaya naman
nasagawa po kami ng isang pananaliksik upang malaman ang bilang ng mga
estudyante na merong mababang marka sa asignaturang matematika sa mga
mag-aaral ng ABM mag-aaral pag-umagang sesyon. Hayaan nyo po kaming
simulan at ibahagi ang pananaliksik sa pamamagitan nang pagpapanayam sa
lahat ng mag-aaral ng ABM pag-umagang sesyon baitang 11 upang
matunghayan at ipamulat ang impormasyon sa pamamagitan ng kanilang ibat-
ibang opinyon.
“SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG MGA MAG-AARAL NG ABM BAITANG
11 PANG-UMAGANG SESYON NG PHILIPPINE WOMENS COLLEGE NG
DAVAO”

1. Di pagseseryoso ng estudyante sa kanyang pag-aaral

Ilan lamang sa mga mag-aaral ang nag seseryoso sa kanilang pag-aaral, ang iba
naman ay hindi. Ilan sa kanilang dahilan: “tinatamad”,maraming humahadlang sa
kanila katulad ng computer games,panliligaw, walang interest sa pag-aaral,
interesado sa ibang bagay, mayproblema sa pamilya at kung anu-ano
pa.Madalas itong nangyayari sa mga pribadong eskwelahan katulad ng aming
napanayam na mga mag-aaral mula sa ABM pang-umagang sesyon.

2.Katamaran sa Pag-aaral

Karamihan na nga sa mga mag-aaral o sa mga estudyante ang tamadat isa sa


kanilang dahilan ay ang mahirap na subject.Ayon sa mga nakalap kong
impormasyon sa mga mag-aaral ng ABM pang-umagang sesyon ang
pinakamahirap na subject sa kanila ay ang Math.

3.Mga bagay na pinagkaka-abalahan ng mga estudyante na walang


kinalaman sa pag-aaral.

Marami sa kanila ang napapabayaan na mag-aral ng mabuti marahil may mga


bagay talaga na pinagkakabalahan katulad ng mga gadgets na nagging dahilan
ng pagkababa ng marka sa asignaturang matematika.Sa nakuha naming
impormasyon sa mga mag-aaral ng ABM pang-umagang sesyon na isa mga
dahilan kung bakit nakakuha sila ng mababang marka sa asignaturang
matematika ay ang hindi tamang paggamit ng gadgets na naging hadlang upang
hindi making sa guro ng maayos.
4. Ang Pagliban sa klase.

Ang ibang mag-aaral ay walang pakialam sa kanilang pag-aaral at meron din


kaming nakuhang impormasyon na nagkakasakit sila dahil doon wala silang
natutunan sa asignaturang matematika na nagging sanhi ng pagkakababa ng
marka sa asignaturang matematika.

5.Walang mauunawaan sa asignaturang matematika.

Ilan sa kanila ang nagsasabing kahit anong pilit nila upang sila ay matuto pero
wala parin silang natutunan na nagpapakita na mahina sila sa asignaturang
matematika katulad nalang sa pag sagot ng mga tanong pang matematika na
kailangan ng solusyon.
“LAYUNIN NG AMING PANANALIKSIK”

1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.

2 Magbigay ng bagong interpretasyon sa pakasang pinili.

3. Makabuo ng isang makatotohanan o balido pananaliksik.

4. Alamin ang bilang ng mga mag-aaral na may mababang marka sa


asignaturang matematika ng baitang 11 ABM pang-umagang sesyon ng
Philippine womens college ng davao.

5. Alamin ang mga dahilan kung bakit nakakuha sila ng mababang marka sa
asignaturang matematika.

6. Magpapatunay na makatotohanan o balido ang isang napiling paksa.

7. Magsasagawa ng isang survey.

8. Tulungan ang mga mag-aaral sa suliraning kinakaharap.

9. Ipamulat ang impormasyong nakuha tungkol sa paksa.

10.Magbibigay suhestiyon kung paano malutas ang suliranin na kinakaharap ng


mag-aaral.
“TERMINOLOHIYA”

ABM- Accountancy,Business and Management.

Survey- Pangangalap ng impormasyon mula sa opinion ng tao.

Gadgets- mga material na bagay na may kinalaman sa teknolohiya katulad ng


cellphone,laptop at iba pa.

Arbitraryo-Salitang pinagkakasunduan ng tao upang gamitin sa pang araw-araw


na buhay.

Sesyon-Tumutukoy sa pangkat ng mag-aaral.

Asignatura- mas kilala bilang subject sa English.

Layunin- Tunguhin o batayan kung bakit naisagawa ang isang aksyon

Suliranin- Problemang kinakaharap.

Ipamulat- ibahagi sa tao o mambabasa.

PWC-Philippine womens college.

Interest- Mas kilala bilang sadya o tubo.

Personalidad- Tumutukoy sa buhay ng tao.

Suhestiyon-Magbibigay pananaw sa isyu o paksang tinalakay.

You might also like