Bago natin talakayin ang ating aralin, nais kung sukatin ang inyong paunang
kaalaman sa pamamagitan ng isang gawain. Sa gawaing ito, tukuyin mula sa
mga pagpipilian ang kinabibilangan ng bawat bilang. Nais kong simulan ating bagong aralin sa pamamagitan ng panonood ng isang video tungkol sa pidgin at creole. Pagkatapos mapanood ang video, inaasahang mauunawaan natin ang kahulugan dalawang konsepto. Batay sa napanood nating video, ano ang pidgin at ano ang creole? Upang maunawaan natin ang mga konseptong nabanggit, unahin na nating talakayin ang pidgin. Ang pidgin klas ay umusbong na bagong wika at tinatawag din itong nobody’s native language o katutubong wikang di pagmamay ari ninuman. Ang pidgin ay nabubuo kapag ang dalawang tao o pangkat ay sumubok mag- usap ngunit magkaiba ang unang wikang kanilang ginagamit kaya naman hindi sila nagkakaintindihan. Halimbawa. Nang dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga at sinubukang makipag-usap sa mga katutubo. Dahil hindi sila magkaintindihan, nagkaroon sila ng tinatawag na makeshift language. Sa kaso ng mga Espanyol at mga katutubo nakalikha sila ng pinaghalong Espanyol at wikang katutubo. Ngayon, ang pinaghalong wikang ito ay maituturing na pidgin dahil binuo ito upang magkaintindihan ang dalawang pangkat na magkaiba ang unang wika. Nauunawaan? Kung wala, dumako na tayo sa susunod na bahagi. Kalaunan, kapag ang isang wikang nagsimula bilang pidgin ay patuloy na ginamit at naging likas na wika o unang wika ng isang lugar, ang pidgin na ito ay maituturing ng isang creole. Ibig sabihin ang creole ay tumutukoy sa isang pidgin na naging unang wika ng isang lugar. Magkakaroon muli tayo ng halimbawa upang mas maging malinaw ang ating talakayan. Okay, tignan natin, ang pinaghalong Espanyol at wikang katutubo sa Zamboanga na maituturing na pidgin ay patuloy na ginamit at naging unang wika ng lugar. Ang wikang ito kalaunan ay tinawag na chavacano. Ang chavacano ngayon ay maituturing nang creole, bakit? sapagkat nagsimula ito bilang pidgin at kalaunan ay naging unang wika ng Zamboanga. Sa madaling sabi, ang lahat ng pidgin na nagiging unang wika ng isang lugar ay maituturing na creole. Ang tinalakay nating pidgin at creole ay ilan sa mga barayti ng wika at ang barayti ng wikang ito ang tatalakayin natin sa araw na ito. Ang barayti ng wika ay nahahati sa anim at ito ay ang sumususnod. Una, iyong pidgin at creole na natalakay na natin kanina, tatalakayin rin natin ang patungkol sa idyolek, sosyolek, etnolek, dayalek at register. Sunod naman nating talakayin ang patungkol sa idyolek. Maihahalintulad raw ang idyolek sa fingerprint ng isang tao. Bakit kaya? Maihahalintulad ang idyolek sa fingerprint dahil ipinakikita ng idyolek na ang pamamaraan natin sa pagsasalita ay natatangi at nagkakaiba-iba. Kung baga unique. Kilala ka sa sarili mong estilo ng pagsasalita. Sino-sinong mga kilalang personalidad ang mayroong kilalang idyolek o may tanyag na pamamaraan sa pagsasalita? Halimbawa: Ilan sa mga sikat na personalidad na may kilalang idyolek ay sina Kim Atienza, mike enriquez, ruffa mae quinto, korina sanchez at iba pa. May partikular silang pamamaraan sa pagsasalita at ang pamamaraang ito ay natatangi sa kanila. Panoorin natin ang mga video na nagpapakita ng kanilang mga kilalang pahayag. Sunod na barayti ng wika ay ang sosyolek. Ang barayting ito ay nakabatay sa katayuan natin sa buhay o antas panlipunang kinabibilangan natin. Ipinakikita ng sosyolek na nag-iiba-iba ang paraan ng paggamit natin ng wika at ito ay kadalasang nababatay sa edad, kasarian at paniniwala. Sa madaling sabi, nagkakaiba ang barayti ng wikang ginagamit ng babae, sa lalaki, at sa mga bakla. Gayundin ang wika ng kabataan sa may edad, ang mayaman at mahirap. At iba pa. Ang barayti ng wikang ginagamit natin ay nakabatay sa pangkat na kinabibilangan natin. Ang ilan sa mga uri ng sosyolek ay ang bekimon o gay language, conyospeak, jejemon o jejespeak at jargon. Ang ilan sa mga halimbawa ng salitang beki ay ang sumusunod. Sa iyong palagay ang ano ang ibig sabihin ng Indiana jones? Ang conyospeak ay gumagamit ng code switching na ang ibig sabihin ay paghahalo ng dalawang wika tulad ng ingles at filipino na kilala rin bilang taglish. Bukod sa mga uri ng sosyolek na nabanggit, ang susunod na uri ay tumutukoy naman sa mga salitang ginagamit sa isang partikular na trabaho o propesyon. Ang sosyolek na ito ay ang tinatawag na jargon. Mga salitang kadalasang hindi mauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa propesyon. Halimbawa, sa trabaho ng isang abogado, ilan sa mga jargon na ginagamit sa kanilang trabaho ay exibit, appeal, complainant at iba pa. Dumako naman tayo sa susunod na barayti ng wika. Ang etnolek ay nagmula sa salitang etno at dayalek. Ito ay tumutukoy sa mga salitang nagpapakita ng pagkakakilanlan ng mga pangkat-etniko. Halimbawa ay ang salitang vakkul ng mga Ivatan na ang ibig sabihin ay pantakip sa ulo. Isa pang halimbawa ng etnolek ay ang bulanon na ang kahulugan ay full moon o kabilugan ng buwan. Ang susunod na barati ng wika ay ang dayalek. Maaaring gumagamit ang tao ng isang wika na kapareho sa ibang lugar ngunit naiiba sa ounto o tono. Ipinakikita dito magkakaiba ang pagbuo ng mga pangungusap sa iba’t ibang lugar bagama’t magkakatulad ang kahulugan nito. Halimbawa: Ang maynila at Bisaya ay parehong gumagamit ng tagalog ngunit nagkakaiba ang punto at tonos a pagsasalita. Ang kumain na tayo sa tagalog maynila ay magkain na tayo sa tagalog Bisaya. Parehong kahulugan ngunit nagkaiba lamang sa paggamit ng unlaping mag. Ang huling barayti nap ag-aaralan natin ay ang register na kung saan ang wikang ginagamit ay iniiaangkop batay sa sitwasyon at sa kung si9no ang kinakausap natin. Pormal na wika ang ginagamit natin kapag ang kausap natin ay may mas mataas na katungkulan o di kaya ay mas nakatatanda sa atin. Gayundin naman kapag tayo ay nasa isang pagpupulong, korte, paraalan at iba pa. sa kabilang banda, di pormal na wika naman ang ginagamit natin kapag nakikipag-usap sa malapit na kakilala, kaibigan, kaklase, at iba pa. Bilang paglalagom sa araling ito, tukuyin ang mga susing salita o pahayag na may kaugnayan sa bawat barayti ng wika.